Unknown Disease
29 | EGM Medical Center
_______________________________________
Astrid
Maingat akong naglakad patungo sa tent 1221. Kasama sa plano namin na maghihiwalay kaming tatlo. Ako sa 1221 si Maggie sa tent 112 at si Froy sa unahang parte pa ng arena, ang tent 2.
Maaring dalawang tao ang kunin sa tent 1221 ayon sa pattern na nakuha namin. Naka-stand by na ro'n ngayon si Priam. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay makarating sa kinaroroonan nito bago pa makarating ang mga armadong lalaki at ang scientist.
Sa bawat hakbang ko ay iniiwasan kong makagawa ng anumang ingay. Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang malamig na paghampas ng hangin sa aking balat. Mabuti na lang at naka-jacket ako pero kahit na gano'n ay ramdam ko pa rin ang lamig na hatid nito.
Nilibot ko ang aking mga mata at tanging tahimik na lugar at mga tent lang ang aking nakikita. Ni hindi ko makita ang buwan dahil sa bubong ng arena na humaharang dito.
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa kaya agad akong naalerto at nagtago sa aking kanan.
"Tent 1221. Iyan na 'yong tinutukoy ni Victor."
"You know what to do."
Nakita ko sa puwesto ko ang dalawang armadong lalaki na papunta sa tent. Gaya ng inaasahan ay takip na takip sila.
Nakarinig ako nang malakas na ingay mula sa 'di kalayuan sa akin na naagaw ng atensyon ng armadong mga lalaki.
"Anong ingay 'yon?" tanong ng isa sa kanila.
"Do what you need to do. Ako ng bahalang tumingin," ang sabi ng isa pang lalaki na ngayon ay patungo na malapit sa aking direksyon. Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglapit ni Priam sa likod no'ng armadong lalaki. Habang ako ay naghanda na sa aking kinatatayuan.
"Ouch it hurts!" malakas na daing ko nang makita ko ang paglapit ng armadong lalaki sa aking kinatatayuan.
"You! Anong ginagawa mo sa ganitong oras?" sigaw niya sa akin.
"I think I have a diarrhea. Kanina pa masakit ang tiyan ko and I can't even sleep," pagdadahilan ko.
"Tent number?" pagtatanong niya.
Agad akong napalingon sa gilid ko para makita ang tent na malapit sa akin.
"Tent 1180." I lied.
"Sige sumama ka sa akin," sabi niya at nakita ko ang paglapit niya sa akin para alalayan ako.
Nakita ko sa likod na malapit na si Priam sa puwesto namin. Dalawang tent na lang ang pagitan. Haharap na sana ang sundalo sa likod pero agad kong hinawakan siya sa braso at umaktong nahulog na nagdahilan nang pagkapunta niya ng buong atensyon sa akin para alalayan ako.
Sakto namang tuluyang pagkapalapit ni Priam sa likod ng lalaki na kaagad niyang dinikitan ng micro chip sa batok na nakapagparalyzed at patulog dito.
"What th—" hindi niya na natapos ang kanyang dapat sabihin nang bigla na siyang matumba sa panghihina.
Agad namin siyang iginilid matapos niyang mawalan ng malay na hindi naman naging mahirap para sa amin.
"Ang tagal mo," reklamo ko kay Priam habang pinagpagpagan ang damit na suot ko.
"Ang layo kasi ng pinaghintuan mo," ang sagot naman niya sa akin.
"Here. Ako ng bahala sa kanya. I'll get him undress," sabi niya pa bago inabot sa akin ang HW.
Hinayaan ko na siyang maghubad sa armadong lalaki bago ako tumalikod.
"Hey, Keil do you copy?" pagtawag ko kay Keil pagkahawak ko pa lang ng HW.
"Copy," sagot niya kaya agad akong nakahinga ng maluwag. Ngayon hindi na lang mata ang mayroon kami kun'di pati na rin boses.
Bigla ko na namang naalala ang nangyari kanina kung paano kaming dalawa ni Priam ang magkasama ngayon imbis na sila ni Maggie. Pinagpilitan kasi talaga ni Maggie na maghiwalay sila kasi 'di niya raw kayang umalis kapag nasa tabi niya si Pria. Hindi ko ba alam sa kanila. Ang nangyari tuloy ay sina Froy at Minna ang nagkasama tapos si Maggie at Brenda naman. 'Di na ako nakaangal kasi bakit naman?
Pasalamat na lang talaga kami na mayroong microchip na naka-intact sa loob ng Cellpad no'ng binigay ito sa amin ni Gale. Kaya hindi na namin kailangan pang gumamit ng dahas.
Mabilis na nahubad ni Priam ang suot ng sundalo. Kita ko na ngayon ang mukha ng lalaki na mukhang amerikano sa kanyang features.
Agad kong nang hinubad ang jacket na suot ko sa loob at isang manipis na gray na tank top na lang ang natira bago mabilis na sinuot ang damit na hinubad ni Priam mula sa armadong lalaki. Mabuti na lang at medyo matangkad ako at hindi gaano kalaki ang uniporme sa akin at halos hindi rin nalalayo ang tangkad namin sa isa't isa. Mayro'n ding M16 na b***l at pistol sa kanyang bulsa na agad kong isinukbit sa akin. Panghuli kong sinuot ang gas mask na kanyang suot na nagtago sa aking buong mukha.
Ang problema ko na lang ngayon ay kung paanong hindi ko na kailangan pang magsalita. I can't speak or else I'll blow up my cover.
"Gio ang tagal mo naman. Asan ka na ba?" narinig ko sa 'di kaluyan ang pagtawag ng kasama niya kanina.
Mabilis akong kumilos at sinuksok ang ID at card pass niya sa aking bulsa at kinabit pati rin ang badge nito sa kaliwang dibdib.
"Mag-iingat ka. Ako ng bahala dito. I know you can do it," ang sabi ni Priam na akmang dadalhin na ang lalaki nang mabilis ko siyang pigilan sa paghawak ng kanyang braso.
"I'm sorry kanina. If I let you feel that you are useless. I was wrong," I sincerely apologize. Ayokong matapos ang madaling araw na ito na hindi ako nakakahingi ng patawad mula sa kanya.
"You don't have to be sorry. I know you just want the best for me," nakangiting sagot niya sa akin.
"Gio! Kapag 'di pa kita na kita ng isang minuto pupuntahan na kita," narinig ko na ang boses ng kasama niya kaya agad ko ng binitawan ang pagkakahawak sa braso niya.
"Mag-iingat kayo," huli niyang sabi bago ako nagsimulang maglakad patungo sa direksyon ng kasamahan ng lalai.
"Ang tagal mo naman. Tara na kailangan na nating dalhin ito kay Victor," sabi niya bago inabot sa akin ang nakagapos na babae na nakatakip ang mga bibig.
Agad akong tumalima sa kaniyang sinabi kahit na nagpupumiglas ang babae at medyo nahirapan ako sa paghawak sa kanya.
Tears running down her innocent face. Napaiwas na lang ako ng tingin bago hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya.
I'm sorry but I have to do this.
Sinimulan ko nang kaladkarin ang babaeng patuloy pa rin sa pagpupumiglas. Medyo nasasaktan na ako sa pagpupumiglas niya pero hinayaan ko na lang ito.
Kung isa lang ang kinuha sa tent 1221 ay maaring tatlo lang ang kukunin nila ngayong oras na ito.
"On the right wing, pagkaliko niyo ay makikita mo si Maggie. She's Sargeant Dew ayon sa na nakuha niya," narinig kong sabi ni Keil.
Gaya ng inaasahan ay nakita ko nga ang dalawang armadong lalaki pa na magkasama at agad kong nakita si Maggie sa harapan at gaya ng sabi ni Keil siya nga si Sargeant Dew.
Gamit ang kaliwang kamay ay mabilis kong inayos ang maskara ko upang senyasan si Maggie. Isa iyon sa napagusapan namin para makilala namin ang isa't isa.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang nasa likod na ako ngayon ng aking kasama katabi ni Maggie.
Patuloy pa rin sa pagpupumiglas ang babaeng hawak ko. Mabuti na lang talaga at nakatakip ang kaniyang bibig kaya hindi siya makagawa ng anumang ingay.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Ni wala ni isa ang gustong bumasag nang katahimikan hanggang sa marinig ko ang boses ni Keil sa kabilang linya.
"Pagkarating niyo sa entrance makikita niyo si Froy. He's Pael," sabi niya at agad kong nakita sa 'di kalayuan ang nag-aantay na dalawang armadong lalaki at isa ro'n si Froy under the mask of Pael.
Nakita ko malapit sa kanila ang sampung tao na nagbabantay sa entrance ng arena.
Nahinto na sa pagpupumiglas ang babae at mukhang tinanggap niya na lang ang lahat.
It's a favor to me since 'di na ako mahihirapan sa pagdala sa kaniya but an unfamiliar pain hit me. I felt guilty and sad, but I must set aside all of this emotions. I must remember the reason why I am here. I shouldn't let my emotion get through me, again.
Nilagay ko ang kamay ko sa kaliwang balikat nang hawak kong babae habang hawak-hawak pa rin siya. Habang si Maggie naman ay humawak sa M16 na nakasukbit sa kanyang balikat at si Froy ay mahinang tinap ang kaliwa niyang paa.
Sa gano'ng paraan ay nagkaintindihan at kilanlan kaming tatlo. Now we're heading to the EGM Medical Center. Kung saan ginaganap nila ang madudumi nilang eksperto.
Tahimik kaming naglalakad sa madilim na daanan. Makikita mo ang ganda ng paligid ang makukulay na bulaklak na nagmukhang garden dahil sa dami. Pero nalihis ang atensyon ko dito nang makita ko ang natatanging building na nakatayo sa kaliwang bahagi namin. Malayo pa lang ay kitang-kita mo na ito dahil sa liwanag ng building.
Habang papalapit kami sa building ay mas dumadami ang taong nakikita namin or to be more specific mga sundalo na nagbabantay paikot sa center. Tama nga si Gale, ito ang pinakacivilized sa lahat ng building dito. Napakaraming armadong tao ang nagbabantay sa entrance lamang.
Mukhang inaasahan na nila ang pagdating namin dahil agad nila kaming sinalubong.
"Dalhin niyo na 'yang mga nakuha niyo kay Victor. Kanina pa siya naghihintay," ang utos nang tinig babae na nakauniporme ring pangsundalo sa harapan namin.
Nanguna naman ang mga Sargeant na nasa harapan namin. Kasama na ro'n si Maggie. Mukhang ang babaeng nakaharap namin kanina ay ang corporal.
Unti-unti kaming nilamon ng liwanag as we enter the building. I stepped on the neat white tiles. Sobrang linis dito sa loob. Ni hindi mababakas ang anumang duming nanggagaling sa labas
Nilibot ko ang aking mata at hindi ko napigilang hindi mapangisi sa aking naiisip. We've finally enter the mad scientist den.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆