Red Chamber

1529 Words
Unknown Disease 30 | Red Chamber _______________________________________ Astrid "Where are they?" tanong ng lalaking nakalab coat. Ito na siguro 'yong tinatawag nilang Victor. Napadako naman ang tingin niya sa pagpasok naming anim dala-dala ang tatlong tao na pinapakuha nila. "There you are. Let's go. Inaantay na nila tayo," nakangising wika niya bago nagsimulang maglakad. Nagkatinginan naman kami ni Froy na nasa kanan ko bago kami nagsimulang maglakad pasunod sa kanila. Nakita ko ang pagdiretso ni Victor sa isang elevator. Mukhang papunta kami sa ibang floor. Malamang mag-eelavator nga eh. Ano ba naman itong iniisip ko. Naunang sumakay ang mga Sargent kasama ni Maggie bago kami sumunod hawak-hawak ang pinakukuha nila. Malaki ang elevator at nagkasya naman kaming sampo at maluwag pa. "Saan niyo kami dadalhin?" inosenteng tanong ng babaeng hawak ko na dinig na dinig ko ang takot sa kaniyang boses. Tinanggalan na kasi namin sila ng busal kanina pagkapasok namin sa loob gaya na rin ng utos ni Sergeant Gil sa amin. "Anong kailangan niyo sa amin?" angil na tanong naman ng lalaking hawak ni Froy. "Bakit niyo po ito ginagawa sa amin? Anong pong ginawa naming kasalanan sa inyo?" mabilis akong napalingon nang makarinig ako ng tinig ng batang babae. Nakita ko ang nakapig tail na babae habang naiiyak na nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kaniya ng lalaki. Napakuyom ako ng kamao dahil sa nakikita ko. Tangina. Pati bata ay kinukuha nila bilang test subject. Wala silang puso! Narinig ko ang angil ni Keil sa kabilang linya na mukhang nakikita ang mga nakikita ko at naririnig ang mga naririnig ko. Kahit na kating-kati akong tulungan ang batang babae at patahanin ito ay hindi ko magawa. Hindi pwede, that's the last thing I would dare to do. Hindi pa ngayon. I can't blow up my cover that instant. May kailangan pa kaming gawin. Sisiguraduhin ko na ililigtas ko ang batang iyon sa kamay nila kapag nagkaroon lang ako ng pagkakataon. Hindi pa ngayon pero gagawin ko ang lahat to save her. Just stay still baby girl. Gagawin ko ang lahat to save you. You don't deserve this kind of treatment. "Masasagot ang lahat ng mga katanungan niyo mamaya lang. Masyado naman kayong excited," malokong sagot ng tinatawag nilang Victor. Nakita kong pinindot niya ang zero button at naramdaman ko na ang paggalaw ng elevator pababa. Naririnig ko pa rin sa apat na sulok ng elevator na ito ang paghikbi ng batang babae sa loob. Napapikit na lang ako ng mariin para pigilan ang sarili ko na gumawa ng kilos na tiyak na pagsisihan ko. Narinig ko na ang pagtunog ng elevator hudyat na narating na namin ang aming destinasyon kaya kaagad ko nang iminulat ang mga mata ko. Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang makipot na daan papalabas. Kung hindi ako nagkakamali ay mukhang ito ang basement ng building na ito. Tahimik na naglakad kami pasunod sa kanila sa pangunguna ni Victor. Alerto ako sa bawat kilos at galaw na ginagawa ko. "Seems like you're heading to the red chamber," narinig kong sabi ni Keil sa kabilang linya. Sa nakita ko kanina sa CCTV ang red chamber ay ang lugar kung saan nila dinadala ang nakuha nilang tao para gawing test subjects. Dito ko rin nakita si Zeros kasama ang lalaki na dinala sa isang lab na punong-puno ng mga kagamitan at hindi mabilang na glass tube kung saan nakalagay ang mga walang malay na tao. Napahugot ako nang hininga nang muli kong maalala ang aking nakita at nasaksihan mula sa kwartong iyon. Ang ka lunos-lunos na nangyari sa lalaki at— Napailing na lang ako at mabilis na inalis iyon sa isipan ko. Sisiguraduhin kong maililigtas namin si Zeros bago pa man siya madala ro'n at sapitin ang ka lunos-lunos na nangyayari sa kanilang mga test subjects. Kung tama ang hinala ko ay maaaring hindi pa nadadala at nakukuha si Zeros sa mga oras na ito at kasalukuyan pa rin siyang na nanatili sa red chamber, kung saan kami ngayon patungo. Nakita ko na sa 'di kalayuan ang dalawang sundalo na nakabantay sa pintuan papasok sa red chamber. Agad naman silang nagbigay daan sa amin nang makita si Victor at ang mga dala namin. Pagkapihit ni Victor ng pintuan ay tumambad sa amin ang pulang kulay ng mga pader. No wonder kung bakit ito tinawag na red chamber. Halos lahat ng kagamitan ay pula maliban sa upuan na kulay puti. Naagaw kaagad ng pansin namin ang pigura ng nakayukong lalaki sa gilid. Napahugot ako nang hininga. Awra at tindig niya pa lang ay kilalang-kilala ko na at mukhang gano'n din sila Maggie at Froy. Unti-unting tinaas ng lalaki ang kanyang tingin sa amin at buo naming nakita ang blankong titig ni Zeros na hindi mababakasan ng kahit anumang emosyon. Nakita kong tinulak ng lalaking ang batang hawak niya at gano'n din si Froy sa hawak niya. Kahit na natigilan ako sa pagkakakita kay Zeros ay ginawa ko pa rin ang ginawa nila Froy sa hawak kong babae kahit pa labag ito sa aking kalooban. "You are the lucky ones who have been chosen to be our test subjects, and while you are here, you have nothing else to do but keep quiet and obey our commands," anunsyo ni Victor at nakita ko ang tabang sa mga mukha ng tatlo. "Lucky? I never knew I would end up being a lab rat," matabang na sabi ng lalaking hawak kanina ni Froy. "Bakit kami pa? At siya, ang bata bata niya pa paano niyo ito nagagawa?" mangiyak-ngiyak na turan ng babaeng hawak ko bago niyakap ang takot na takot na batang babae. "This is your destiny and you can never change it," sabi pa ni Victor. Gago. Tanginang destiny. Wala silang kwenta. He has no heart. How dare he say those things! Hindi nila pinili na mapunta sa kalagayan na ito! They don't deserve any of this! Why are they even doing this? This is bullshit! "Wala kayong mga puso! May your souls be burned in hell!" galit na galit na sigaw ng babae bago marahang hinaplos ang buhok ng batang babae. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Hindi mababago nito ang kalagayan niyo ngayon," nakahalukipkip na sagot ni Victor at nagmartsa na papalabas ng kwarto kaya wala na kaming ibang nagawa kundi ang sundan siya papalabas. Pero bago pa man kami tuluyang makalabas ay nagtap ako sa mga kamay ko ng Morse code para sensyahan at signalan si Zeros. Sinabi ko sa pagtap ko na We're here. Sana naman nakuha niya ang gusto kong iparating. Hindi kami basta-basta puwedeng kumilos at kunin kaagad si Zeros dahil baka hindi pa kami nakakalabas sa basement ay patay na kami dahil sa dami ng bantay rito. We can't just act without thinking about our every move. It may lead us to death. Tumigil naman si Victor sa paglalakad na nagpahinto rin sa amin. "Sargeant Dew," tawag niya kay Maggie. Natulos naman kami sa kinatatayuan namin. s**t. "Yes sir?" ang sagot ni Maggie. Nagulat naman ako at hindi makapaniwala sa narinig ko. Why does she sounds like a different person? How can she do that? Is that even possible? "You can change your voice by pressing the button on your suit. Mukhang hindi nila tunay na boses ang ginagamit nila," narinig kong sagot ni Keil sa mga katanungan ko referring sa mga sundalo. Napatango at ngisi ako sa nalaman ko. It looks like luck is upon us. Hindi na kami mahihirapan pa dahil kayang-kaya na rin naming magsalita ng hindi pinagsususpetsyahan dahil sa aming pagbabago. "Ikaw ang i-aassign ko na maiwan ngayon para magbantay. Ikaw na ang bahalang mamili ng makakasama mo. Maiwan ko na kayo at ang hindi mapapili ay maaari nang bumalik sa kanya-kanyang station niyo," sabi pa ni Victor bago tuluyang nawala sa paningin namin. Agad kong hinanap ang button na tinutukoy ni Keil at mukhang tama nga siya may button nga. Bakit hindi ko ito napansin agad? Naunahan pa ata ako nila Froy para malaman iyon. Mabuti na lang at sinabihan kaagad ako ni Keil. Pinindot ko na agad ang button na tinutukoy niya bago bumaling kay Maggie na nasa anyo ni Sergeant Dew. Mukhang mataas ang katungkulan nito dahil pinaubaya sa kanya ang pamimili sa pagbabantay rito. "Pael & Carpio, you will be accompanying me while others may leave" tukoy ni Maggie kay Froy at sa lalaking kasama niya papunta dito kanina. Mukhang naaayon sa amin so far ang mga nangyayari at ang mga plano namin. Nagsalute ang dalawa kaya agad ko silang ginaya bago kami tuluyang umalis kasama ng dalawang nagbabantay kanina na pinalitan na ngayon ni Froy, Maggie at ng isang Hindi ko kilalang lalaki. Nagsimula na akong maglakad papunta sa elevator ka sunod ng iba. Nakita ko pang pinindot nila ang ika-tatlong palapag. Napapikit ako ng mariin nang tuluyan kong maramdaman ang paggalaw ng elevator pataas. This is it. Ang kailangan ko na lamang gawin ay ang sundin ang mga plano namin at gawin ito ng walang aberya, na sana magawa ko. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD