Unknown Disease 31 | Get Together _______________________________________ Astrid "Pagkarating mo sa tapat ng itim na pintuan ay kumaliwa ka." Gaya nang sinabi ni Keil sa kabilang linya ay sinunod ko ang kanyang guide at pagkarating sa tapat ng itim na pintuan ay agad akong kumaliwa. "Now. Tumingin ka sa kanan mo kung saan may puting pintuan at bintana na natatakpan ng itim na kurtina. Nakikita mo ba?" Agad kong sinipat ang nasa kanan kong mga hilera ng kwarto. Ilang hakbang pa ang aking ginawa bago ko ito natanaw ang tinutukoy ni Keil. "Yes,"ang tanging naging tugon ko kay Keil. "That's their office. I can see two persons inside the room. It's seems like they're having a fight,"ang sabi ni Keil. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Keil na iyon. s**t. What's happening? What are

