Unknown Disease 43 | The Turning Point _______________________________________ Astrid Philippine Sports Stadium 2:00 PM "Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi ako infected? Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" Agad napukaw ng atensyon ko ang babaeng dala dala ng mga sundalo. Binuksan nila ang gate na kinaroroonan ko bago sapilitang pinapasok ang babae na wala ng iba pang nagawa nang mabilis nilang nilock ang metal gate. "Hey! Let me out! Palabasin niyo ako rito!" pagwawala niya pero hindi na siya pinansin pa ng dalawa at parang bingi na nagsimula nang maglakad papaalis. I don't know if she's telling the truth about her condition. For now, I need to keep my distance from her. Kahit pa nakasuot siya ng mask gaya ko ay hindi pa rin ako dapat magpakampante. The aFlu doesn't have any cure an

