Unknown Disease 42 | The Did What? _______________________________________ Minna "Ayos ka na ba talaga Keil?" Tanong ni Brenda habang inaabutan ng bote ng tubig si Keil. "Ayos na ako. Thank you," sagot ni Keil bago niya inabot ang bote ng tubig at lagukin ito. Nang atakahin kasi siya kanina ay halos talagang hindi namin alam ang gagawin. Gaya ng nangyari bago nagsimula ang quarantine nang matrap kami sa hospital nila Astrid. Kung paano kami nagpanic dahil sa nangyayari at hindi nakapagisip ay gano'ng gano'n ang nangyari kanina. Pasalamat na lamang talaga kami at nakita kaagad kami ni Gale dahil kasama siya sa mga nag-aassist sa east bay ng mga sugatan at may kapansanan kaya agad niya kaming natulungan. "Seryoso ka? Okay ka na?" Ulit na tanong ni Brenda na mukhang hindi pa rin satisf

