Unknown Disease
10 | Let's Call It a Day
_______________________________________
Astrid
"I guess that's all for today. Let's take a break muna. Sumasakit na 'yong ulo ko kakaisip. Ang g**o-g**o na," sabi ni Maggie na nagunat-unat pa ng braso at napakahikab dahil sa antok.
"Mabuti pa nga," sang-ayon naman ni Keil at nagsimula na siyang maglakad papunta sa kaliwang kwarto.
"Night," huling sinabi ni Keil bago siya pumasok sa kaliwang pintuan na agad sinundan naman nina Zeros at Froy na nagsipasukan na rin sa kuwarto na pinuntahan ni Keil na mga nagsikaway lang bago magsipasok sa loob.
"Tara na. I'm sleepy na rin kasi. It's already quarter to nine na rin eh look," turan ni Brenda na namumungay pa ang mga mata.
"Ano?! Mag-aalas dies na?! Omg! Lagot ako nito kay Mommy and Daddy. Tara na Ash uwi na tayo!" Eksaheradong aya ni Minna na mabilis akong hinila papatayo.
Even I didn't notice the time. Gano'n na ba talaga kami katagal nag-usap? Magpapahila na sana ako kay Minna nang marinig namin na magsalita si Maggie.
"Dito na kayo mag-stay. Mayro'n pa namang spare bed do'n sa kwarto and your phone. Hand it over to me, ako na ang bahalang magpaalam sa 'yo," ang sabi ni Maggie at nilahad pa ang kanang kamay sa harap namin waiting for Minna to lend over her phone.
Napaisip naman sandali si Minna before she decided to hand it over to Maggie.
"Sana pumayag si Mommy. Sana pumayag si Mommy. Natatakot na akong umuwi. Siguradong sermon aabutin ko," bulong sa akin ni Minna at 'di nakatakas sa tingin ko ang paghigpit ng kapit niya sa strap ng bag niya.
Hindi ko naman siya masisi. Sobrang strict ba naman kasi nila Tita pagdating sa kanya.
"Hello?" Nakita namin ang biglang paglayo ng phone ni Maggie sa tenga niya at sigurado akong binungaran siya ng sermon ni Tita.
"Shems nakakahiya," mahinang sambit ni Minna sa tabi ko na nagpahilamos sa mukha. Binalik ko naman 'yong tingin ko kay Maggie.
"Hello po Ms. Guerra. This is Maggie, Maggie Blackwoods po. A friend of your daughter. Oh. Thank you po tita you have a taste. Hahaha—I was just going to ask if she can stay here at my place tonight? Gabi na kasi po masyado ayoko naman po na umuwi pa po si Minna. That's not a problem po. Don't worry po. I got her. I'll hang up the phone na po ah 'cause we're kinda sleepy na rin po kasi. Hope to see you soon din po Tita. Bye and have a good night po."
Minna literally drop her jaw after hearing the conversation between Maggie and her Mom. Kahit ako ay nagulat sa naging takbo ng usapan. Wow. That was quick.
"What did you tell her? Paano? Paano nangyari 'yon? Tiyaka tumawa ka pa?" Confusion was all over her so was I.
"Let just say that I'm quite likeable. Anyways, tara na at inaantok na rin ako. Bre—" natigilan siya sa pagtawag kay Brenda nang makita namin siya na nakapikit nang nakahiga sa couch.
Malakas na binato naman ito ni Maggie ng unan na malapit sa kanya na ikinagising ni Brenda.
"Aray naman! Kitang natutulog 'yong tao eh," asar na reklamo niya habang ginugulo ang buhok.
"Baka kasi may kwarto 'di ba. Tumayo ka na riyan and the two of you, follow me."
Hindi na kami umangal pa at sumunod kay Maggie papasok sa katapat na kwarto na pinasukan kanina ng mga lalaki. Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang kulay peach na may halong puti na kwarto at tatlong single bed.
Wait. There's only three beds at apat kami.
"Teka bakit tatlo lang 'yong kama eh apat tayo?" Minna asks what I was thinking.
'Di na kami pinansin pa ni Brenda and throw herself on the second bed.
"Oh. I forgot to tell. Nasa kabilang room kasi 'yong isa pang kama. So, you guys decide na lang kung sino matutulog doon. Gotta sleep na, night," huling sinabi ni Maggie bago niya inukopahan ang unang kama at nagsuot pa siya ng sleeping mask bago nagbalot ng kumot.
Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Minna ang natira.
"Ash— Ako na ro'n sa kabila," I immediately volunteer bago pa siya makapagsalita.
Pagod na rin kasi ako at isa pa kailangan ko pang ipalaam kayla mom kung nasaan ako. Ayoko namang maglihim sa kanila.
"Yon oh. Do'n ka na. Dali shoo," pagtatabuyan sa akin ni Minna. Napairap na lang ako sa ginawa niya at agad nang umalis papalabas ng kwarto na iyon at dumiretso sa katapat na kwarto nito.
Marahang pinihit ko ang pintuan papasok. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang kulay abo at puting kulay ng kwarto at apat na single beds. Nakita ko rin ang mahimbing na natutulog na sina Keil, Froy at Zeros. Ambilis naman nila makatulog.
Tahimik akong naglakad papasok para hindi sila magising at inukopahan ang nasa pinakadulong kama.
I guess it's Priam's bed. Just a hunch.
Till now, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may ganitong lugar sa school. Like, may living room, bedrooms and kanina may nakita rin akong kitchen. How privileged they must have been to have this kind of room inside the school.
Pagkaupo ko sa kama ay mabilis kong nilabas ang phone ko para i-text sila mom kung saan ako magstastay ngayong gabi. I'm afraid that I might disturb my parents at magising 'yong tatlo kaya nag-text na lang ako imbis na tawagan sila.
Hey Mom and Dad! I just want you guys to know that I'm staying at my friend's place tonight. Remember Maggie, Brenda and the rest of the squad right? Don't worry about me, I'm safe here. Please stay safe and don't forget to eat your dinner tonight. Love you!
'Di naman nagtagal at mabilis ko nang pinatay ang phone ko matapos kong makapag-compose ng message.
Tinanggal ko muna ang salamin ko at nilagay ito sa side table at niluwagan ang tie ng necktie ko bago ako humiga ng maayos.
Wala naman kasi akong spare na damit kaya no choice kung 'di matulog ng naka-uniporme at isa pa 'di naman ako maarte sa kung anumang suot ko matulog.
Unti-unti akong nakaramdam ng antok at niyakap ko nang mahigpit ang unan sa tabi ko bago ako tuluyang nilamon ng antok.
• • •
"Wake up, you sleepyhead."
I felt someone's shaking my shoulder so I just turned around to avoid it.
"5 minutes," ang sabi ko habang pilit na bumabalik sa pagkakatulog
Ayoko pa bumangon. I'm still sleepy. Muli akong nakatulog for about a minute at makakatulog na sana muli ako nang muling magsalita ang boses ng lalaki sa tabi ko.
"5 minutes na. Bumangon ka na," he calmly says while still shaking my shoulder.
"Last 5 minutes," muling sabi ko at pumaikot muli para ibahin ang posisyon ng paghiga ko.
"Pang-ilang beses mo na 'yang sinabi," he says with a hint of irritation in his voice.
Mariing napapikit na lang ako sa pagkatalo. Pagmulat ko ng aking mata ay bumungad sa akin ang kalmadong mukha ni Zeros na nakaupo sa kaliwang dulo ng kama na kinahihigaan ko. Mabilis na napabangon ako habang kinu-kusot pa ang mga mata. Bakit parang pagod na pagod kasi ako?
"What time is it?" Ang tanong ko habang humihikab. Nagsimula na siyang tumayo sa pagkakaupo sa kama at hinarap ako.
"It's already 7:30 in the morning. Ang hirap mong gisingin," Iiling-iling na sabi niya na hindi ko mabasa kung naiinis ba o ano. Nakapamulsa na naglakad siya papalabas sa kwarto na nag-iwan sa akin na mag-isa sa kwarto.
Gano'n ba talaga ako katagal natulog? Napagulo ako sa buhok para gisingin ang sarili ko at mahinang tinapik ang pisngi.
Wake up, Astrid. Wake up. Ugh. Why is it so hard to wake up early in the morning.
Inayos ko muna ang higaan na pinaghigaan ko at sinuot ang salamin ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
"Nyare sa 'yo Ash? Ang g**o ng buhok mo," puna ni Brenda sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at umupo sa couch at niyakap ang unan na nakita ko. Hindi ko ba alam sa akin. Parang napakakumportable ko na nakasama sila.
Lahat sila ay nasa living room na nang maabutan ko sila ro'n. Mukhang ako na talaga ang pinakahuling nagising sa amin.
Ilang minuto akong nakatulala sa pagkakaupo ko at pilit na ginigising ang sarili yakap-yakap ang unan. Naramdaman ko ang muling pagpikit ng mga mata ko at ang unti-unting paghatak sa akin ng antok nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Minna.
"Kakakain na!" Sigaw ni Minna na mabilis na nagpamulat sa mata ko.
Ugh. I hate mornings.
Pumunta na lang ako sa upuan katabi ni Minna at pumuwesto na para kumain. Nag-pray lang kami sa lead ni Brenda bago kami nagsimulang kumain.
"Buti hindi ka nahirapan sa paggising diyan Zeros. Eh ang hirap-hirap niyang gisingin. Kapag ginising mo pa at 'di mo napansin natutulog na ulit 'yan," natatawa-tawang sabi ni Minna habang may nginunguya pa sa bibig.
Tiningnan ko naman siya ng masama sa sinabi niyang iyon. Tinawanan niya lang naman ako at bumelat pa sa harapan ko.
Siya ang nagluto ng almusal namin ngayon sa tulong ni Maggie. Mabuti naman at nagluto siya. Bibihira lang kasi siya kung magluto dahil ang reason niya nakakasawa na raw lagi na lang sila nagluluto sa school which is true naman.
"Sinong nagsabing hindi ako nahirapan sa paggising diyan?" Zeros calmly says.
He's always that composed. Hindi ko alam kung maaasar ba ako o mahihiya sa sinabi niyang iyon.
"Hindi nga halatang nahirapan ka. Eh halos isang oras ang lumipas bago mo nagising 'yan," natatawang turan ni Keil na nagpatigil sa akin sa pagsubo ng kanin.
Seryoso ba? One hour? Ginising niya ako ng halos isang oras? Gano'n na ba talaga ako katagal gisingin?
"Tama lang 'yan kay Zeros. Siya lagi natin paggisingin kay Astrid," panggagatong pa ni Froy.
Nakita ko ang tingin ni Zeros sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at tinuon ang atensyon sa pagkain. Ngayon alam ko na kung anong mararamdaman ko. Kahihiyan. Nakakahiya.
"Magsitigil na nga kayo. Hala sige kain," Iritang saway ni Maggie sa kanila.
"Here comes the cultured Maggie," Keil playfully says as they all laugh in chorus.
• • •
Matapos naming kumain ay napagpasyahan muna naming magsi-uwian sa kanya-kanya naming bahay. I forgot to ask them about that room in our school. Kung paano sila nagkaroon ng sarili nilang room sa school. Baka magpagawa rin ako. Pero siyempre joke lang. Bakit naman ako magpapagawa? Makikisana-all na lang ako.
I throw myself on the bed and feel the fluffiness of it. Namiss ko rin ang kama ko. Dalawang gabi na akong hindi nakakatulog dito kaya.
Sa telepono, may tumatawag. Ang telepono sagutin natin. Sa telepono, may tumatawag.
Bigla naman akong napabangon nang marinig ang tugtog na 'yon na umalingawngaw sa kwarto. What the hell was that?!
May humihingi ng tulong. May humihingi ng tulong.
Napatampal naman ako ng mukha nang makitang pinalitan ni Minna ang ringtone ng phone ko. Siya lang naman ang may paborito niyan. Tuwing pumupunta siya rito sa condo ay wala siyang ibang ginagawa kundi mag-binge watch ng favorite niyang Wonder Pets na 'yan.
May humihingi ng tulong kung saan.
Speaking of which.
"Why did you change my ringtone?" I asked her with a hint of irritation in my voice.
I heard her chuckle on the other line that makes me even more pissed.
"Mi— We don't have much time. Buksan mo ang messenger mo. Now na," huling sabi niya bago ako mabilis na binabaan ng tawag.
Oh, yeah. Whatever. Napaikot na lang ako ng mata dahil sa ginawa niya.
Gaya ng sabi niya ay binuksan ko nga ang messenger ko and a video call suddenly appeared on the screen. Isa siyang group video call kasama sina Minna. Pinindot ko na lang ang accept at nag-join sa video call.
"Hey guys! I heard that they'll be having a National Conference tomorrow morning!"
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆