Unknown Disease
11 | Infiltration
_______________________________________
Astrid
"So, what's the plan?" Froy asks.
Matapos nang sinabing 'yon ni Minna ay napagdesisyunan ng lahat na rito magsama-sama sa condo ko. Since ang condo ko ang pinakamalapit mula sa school. 'Di na naman ako nagprotesta kasi bakit naman? Mas convenient nga sa akin walang hassle pag-uwi 'no.
Magaalas-singko kinse na sila nagsidatingan sa condo ko at magdidilim na nang makarating ang nahuling si Keil. Halos ilang oras lang bago kami magkahiwa-hiwalay ay heto na naman at nagpupulong na naman kami.
"We need to be there," panimula ko na mukhang sinang-ayunan naman nila.
Hindi ko intensyon na makialam at manghimasok sa nangyayari pero mukhang kailangan namin dahil hindi kami sigurado sa maaaring kahantungan ng conference. Malawakang ipapalabas sa buong bansa ang opening ng conference pero liban do'n ang magaganap sa mismong pagpupulong. Gaya ng sinabi ko noong nakaraang araw. We can't leave it solely to the government.
"Pero paano? Paano tayo makakapasok sa Malacañang?" Pagtatakang tanong ni Brenda habang pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri sa kamay.
"That's why we're planning Brenda," Maggie asserts.
"Sabi ko nga," sabi na lang ni Brenda bago umayos nang pagkakaupo.
"Infiltrate, we can infiltrate," Zeros suggests.
"Pero paano?" Keil asks and a little smirk forms onto my lips.
"Do you hack systems, Keil?" Diretsang tanong ko habang diretso akong nakatingin sa mga mata niya.
"Yes, why?" Mabilis na nagtatakang sagot niya.
"Hack our way to the Malacañang palace," I look at each of them, wrapping my arms around.
"Impossible naman yata 'yang sinasabi mo Ash," alanganing sabi ni Minna.
"No. It's possible. I've entered their system non purposive last time."
See? He's an Information Technology student after all.
"That's too risky. We can still think of other ways to—" I cut Froy's word.
"Don't you trust him?" Tanong ko na ikinawas nila ng tingin sa akin.
"Hindi naman sa gano'n kasi mas— Trust me," pagpuputol ni Keil sa gustong sabihin pa ni Brenda.
Napuno ng tensyon ang apat na sulok ng silid matapos ng naging takbo usapan namin na 'yon. Hindi ko naman gustong umabot sa ganito ang usapan, but we have no other choice. It's the only way I can think of.
"Wag kayong mag-alala. I'll help him," pagbabasag ko sa tensyon na mukhang hindi ata nakatulong.
"Help him, how?" Naguguluhang tanong ni Maggie.
"I have knowledge in hacking. Huwag na kayong magtanong pa, sinisigurado ko na hindi kami papalya. For now, we should think of a plan on how we can infiltrate, as what?" Pag-iiba ko nang usapan na mukhang gumana naman.
"We can act out as a media," Froy propounds.
"But I've heard na pili lang ang mediang kinuha nila para i-broadcast ang magaganap na pagpupulong," sabi ni Minna. Napunta ang tingin ko kay Keil at maging siya ay napatingin sa akin dahil sa naiisip ko na mukhang parehas sa iniisip niya.
"That's the reason why we need to hack the Malacañang system," Keil proudly says.
"So, shall we?" Nakangiting tanong ni Keil sa akin na mukhang excited na sa mga gagawin namin. Well, can't blame him. It's really interesting and exciting kasi na mag-hack. Kung 'di ako pinag-doctor ng pamilya ko bukod sa pagiging criminal investigator ay paniguradong IT ang kursong inaaral ko ngayon.
Matagal na rin simula nang gawin ko ang pag-hahack. Masyado kasi akong naging busy dahil sa mid terms. But we should take this seriously. We need to be exact and precise sa gagawin namin or else maaari kaming mapatawan ng imprisonment of prison mayor or a fine of not more than five hundred thousand pesos (Php500,000) or both sa ilalim ng Republic Act No. 10175. Hindi basta basta ang aming gagawin at alam kong alam nila Minna kung gaano ito kadelikado. Isang maling galaw at pagkakamali lang namin ay tiyak na mapapahamak kami. But of course, I wouldn't let that thing to happen, we wouldn't.
"Prepare all the things we can use sa gagawin nating pag-infiltrate. Kayo ng bahala sa lahat. Do what you wanna do. You, follow me," pag-aassign ko sa gagawin ng bawat isa bago ako tumayo gayon din si Keil na 'di na umangal at sumunod sa akin nang magsimula akong maglakad.
Dumiretso ako sa puting pintuan ng kwarto ko at marahan itong binuksan. It's been a while since I've got to use it and I can feel the strange excitement feeling building inside of me. Like a burning passion I buried years ago.
"Huh? Anong ginagawa natin sa kwarto mo? Don't tell me you're planning to do something to me? Dapat sinabi mo agad sa akin para—" naputol ang dapat sasabihin niya when I open a door at the back of my bookshelf.
"A hidden door, huh," he blurted out.
I type my door code that unlocks it and expose my mini computer room hidden inside of it.
"Woah. Paano ka nagkaganito?" Namamanghang tanong ni Keil as he roam around the room.
Gosh. I miss this room.
• • •
Minna
"So, tara na. We need to buy things for our play tomorrow," Brenda playfully says at hinila na kami ni Maggie papalabas ng condo unit ni Ash
We're going to go shopping. Excited na akong mamili. Kung hindi niyo nalalaman ay shopaholic yata ako.
Mabilis naman kaming nakarating sa Mall since malapit lang naman ang condo ni Ash sa mga mall. Walking distance lang din siya kaya 'di na namin kailangang sumakay pa. Ganda ng lugar ni Ash 'no? Ang gara walking distance ang mall pati na rin ang school. Hanggang sana all na lang ako, 'di hatid kasi ako sa kotse. Ayaw akong ipag-condo ni dad ewan ko ba.
"Kayong girls ang maghanap ng mga susuotin natin while Zeros and I will go and buy some cameras and stuffs na kakailanganin natin. Message us when you're done shopping," paghahati ni Froy sa dapat naming bilhin na hindi naman namin tinutulan. Mas mapapadali naman kasi kami kung maghihiwalay-hiwalay kami tiyaka gabi na rin. Maya maya lang ay magsasara na rin ang mall.
Humiwalay na kami nina Brenda at Maggie sa kanila at dumiretso sa department store para mamili ng mga damit na kakailanganin namin para bukas.
"Let's go shopping guys!" Nakingiting sabi ko bago ako nagpahila na kay Brenda papasok ng department store.
• • •
"Eh ito bagay ba?" Pang-limang beses na tanong ni Brenda sa amin. She's wearing a pencil skirt, with white long sleeve a coat and a pair of heels.
Napatampal naman kami ni Maggie sa mukha nang makita si Brenda.
"Di ba nga assistant lang tayo. Si Maggie nga ang mag-iinterview kuno," sabi ko habang napakamot pa sa batok.
Bago kasi kami pumunta rito ay hinati na namin 'yong role namin para bukas. Iyong tatlong boys ang cameraman tapos kami ni Brenda parang backup lang ni Maggie kasi siya ang magiging news reporter. Tapos si Ash naman ang magmomonitor at magiging mata namin habang nasa loob kami ng Malacañang.
Napanguso naman si Brenda bago muling bumalik papunta sa dressing room para magpalit. Pang-limang palit na kasi niya 'yan tapos wala pa rin siyang napipili. Eh, paano kasi puro pang-sosyal sinusuot niya. Haha. Parang ako hindi. Eh halos umabot ng sampung beses bago ako makapili, kapag kasama ko si Kuya. Kala niyo ah. Hiya ko naman 'di ba, kaya ayon mga dalawang beses lang ako bago nakapili.
"Hey. Tapos na ba kayo?" Naagaw ng pansin namin ang papalapit na pigura nina Froy at Zeros bitbit-bitbit sa magkabilang kamay ang kanilang mga pinamili.
"Asa ka kasama namin si Brenda," nakairap na sagot ni Maggie.
Kasi ba naman halos dalawang oras na kaming nag-iikot dito kaya siguro bagot at asar na si Maggie. Pero kahit 'di naman yata ganito eh talagang laging asar si Maggie sa mundo. Pero naiintindihan ko naman si Brenda siyempre. Eh kasi ba naman, ang dami kayang magagandang damit dito ang hirap maghanap at mamili. Agree ka rin ba?
"As usual," kibit balikat na sagot ni Zeros na mukhang inaasahan na ang ganitong eksena. Nagsiupo naman sila sa tabi namin ni Maggie habang inaantay namin ang muling paglabas ni Brenda sa dressing room.
"Eh ito okay lang ba?" Tanong ni Brenda na lumabas sa dressing room suot-suot ang pantalon, white top at denim jacket.
"Perfect!" Bulalas ko at napapalakpak pa. Finally.
"Sa wakas," nakahalukipkip na sabi ni Maggie kaya mabilis na bumalik nasa loob si Brenda para makapagpalit.
Agad naman naming binayaran 'yong mga napili namin at halos abutin kami ng mga labing isang paper bags sa dami ng napamamili namin.
"Sa susunod hindi na ako sasama sa 'yo mag-shopping Brenda," asar na sabi ni Maggie sa kanya habang naglalakad kami papalabas ng department store.
Naghati-hati kami ng mga bitbitin girls kasi may mga dala rin 'yong boys na mas malalaki pa sa dala namin kaya no choice kami kung hindi kami ang magdala ng mga napamili namin na halos kay Brenda lahat.
Gusto ko rin sana bumili ng madami kaso nahihiya naman ako sa kanila. Next time na lang kapag kasama ko si Kuya o kaya si Ash.
"Edi 'wag mo. Palibhasa kasi tamad maghintay," nakairap na sagot ni Brenda at nagmake face pa sa harapan ni Maggie.
"My gosh Brenda! Anong hindi marunong maghintay?! Halos isang oras ka naming hinintay para bilhin ang lahat nang nakikita mo sa kada stall na dadaanan natin, tapos sasabihin mong hindi ako marunong maghintay?" Hindi makapaniwalang turan ni Maggie kay Brenda.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na matawa matapos ang naging palitan nila ng salita. Kanina pa kasi 'yan sila nagbabangayan kada papasok pa lang kami sa store. Ang cute lang.
"Are you laughing at me?" Nakataas kilay na tanong ni Maggie na pinupukulan ako ng masamang tingin kaya mabilis akong napa-iling.
"Whatever. Maggie the sophisticated. Iwan na nga natin 'yan," sabi ni Brenda na dumila pa sa harapan ni Maggie bago ako hinila papalayo. Si Maggie kasi 'yong tipo na laging prim and proper eh.
Tahimik na sinundan lang nila kami kahit pa ramdam ko ang masamang titig ni Maggie sa amin, lalo na kay Brenda. Pansin ko lang 'yong mga lalaki ay parang walang paki o sadyang sanay na sila sa ganitong eksena.
Hanggang ngayon ay 'di pa rin talaga ako makapaniwala at gulat pa rin talaga ako nang malaman ko na kakilala sila ni Ash. Eh, sikat na sikat kaya sila sa school. I mean they're out of our league.
Matapos ng nangyari ay dumiretso muna kami sa The Marine House para bumili ng pagkain namin for dinner. Malapit na kasi magsara 'yong mall kaya bumili na kami bago pa magsara. Anong oras na kasi para magluto pa ng gabihan namin. Masyadong hassle kaya. Pagkatapos namin umorder ay agad na rin kaming bumalik sa condo ni Ash para ipagpatuloy ang plano.
I hope our plan goes as smoothly as possible.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆