National Conference

2518 Words
Unknown Disease 12 | National Conference _______________________________________ Astrid "Is everything settled?" Tanong ko habang muling chine-check ang mga gamit na dadalhin at kakailanganin namin. Mabuti ng sigurado. Mahirap na kapag may nakalimutan kami. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga gamit na kakailanganin namin at naghahanda na sa pag-alis. "Yes ma'am!" Attentive na sagot ni Keil na tinapunan ko lang ng tingin pabalik. We ran a password attack on their system using a brute force algorithm yesterday at kamuntik na ma-damage at mapasok ang digital data namin kagabi dahil sa pagkalingat ni Keil. Mabuti na lang talaga at nagawan ko kaagad ng paraan at mabilis na backupan sa lalong madaling panahon kung hindi ay mabubulilyaso ang lahat ng mga plano namin, worse baka makulong pa kami. Nang makita namin ang hinahanap naming list ng mga imbitadong media kagabi ay kaagad naming dinagdag ang Fantagio media sa listahan ng mga imbitado. In which we will act out as. It's the best choice, since Fantagio is well known in the media industry but they aren't invited though. I wonder why? Nagkibit balikat na lang ako. Para namang may alam ako 'di ba. Pagtatago nga nila sa sakit hindi ko alam ang dahilan ito pa kaya. "Let's go. Time is running," anyaya ni Zeros at wala pang minuto nang mabilis na kaming nagsipasok sa van na inisponsoran ni Froy. Ginamit niya ang connection niya para makakuha ng van na katulad sa Fantagio kaya hindi na namin prinoblema ang aming transportation. Froy do the driving with Zeros in the shotgun seat. Inukopahan naman nina Keil at Maggie ang second row habang kami nina Minna at Brenda ang umukopa sa pinakadulong seats. "Inaantok pa ako," humihikab na turan ni Brenda bago isandal ang ulo niya sa may bintana. Alas-singko pa lang ng umaga at ang conference ay magsisimula ng eksaktong alas-sais trenta. Inagahan talaga namin para makarating kami kaagad sa Malacañang at makahanap kami ng magandang puwesto malapit sa mga kilalang mga personalidad. "Kinakabahan ako," bulong sa akin ng nasa tabi kong si Minna. "Everything's gonna be fine," pagsisiguro ko sa kanya bago marahang pinisil ang kanyang kanang kamay. Napabuntong hininga siya bago ako binigyan ng alanganing ngiti. Twinkle twinkle little star, how I wonder what you are. Halos lahat kami ay nagising ang diwa sa tunog na umalingawngaw sa buong van. Up above the world so high. "Kanino ba 'yong tumutunog na 'yon?" Iritang tanong ni Maggie sa amin na mukhang nasira ang pagkakaidlip. Like a diamond in the sky. I mentally rolled my eyes when I realized where the sounds were coming from. "Minna," tawag ko sa kanya na nagpabalik sa kanya sa sarili. "Bakit?" She innocently asks na mukhang wala pa ring alam sa nangyayari. "Your phone," sabi ko habang minuruwesta pa ang kamay ko sa harapan niya. She immediately pick up her phone nang mapagtanto ang sinabi ko. Twinkle twinkle little star. Up a— "Hello Dad..." sagot niya sa tawag na nagdahilan nang pagkakuha sa atensyon ng lahat. Brenda signed her to loudspeaker the call, so she did. "Where are you Minna? Your mom told me that you didn't sleep at our house last night," bungad na tanong ni Tito Miguel. I notice that Minna slightly tremble so I lightly pat her shoulder to calm her. Minsan lang kasi tumawag sa kanya si Tito Miguel 'pag may importante itong sasabihin kay Minna. "Uhm. Yes dad. I slept at Astrid's place last night. Why? Is there any problem Dad?" Minna truthfully answers. "Nothing. I just want to know your whereabouts 'cause someone told me that they saw you in the Boutique at the Suarez Mall yesterday," Tito Miguel states that makes her bit her lips. Bigla akong kinabahan sa pumasok sa isipan ko. So, I came closer to Keil. "Hand me the laptop," I instruct as I lean towards him. He hesitated at first, but still handed me the laptop. "I— I'm with my fellow friends. You know dad girls' night out," she reasons out. "Hey Minna, ang aga-aga ang ingay mo. Magpatulog ka nga," kunwaring arte ni Brenda na medyo lumayo pa kay Minna. I chuckle a little as I open the laptop. "Whose friend are you talking about? You haven't told us about them," her dad again asks. Minna has a hella strict parents. Hindi ko naman sila masisi rin kasi muntik na makidnap si Kuya Dash noon para i-kidnap for ransom, buti na lang talaga Kuya Dash has some knowledge on martial arts and able to escaped those bastards who tried to kidnap him. What do you expect? Maraming tao ang nabubulag para sa pera. Lalo na at anak sila ng Bise Presidente ng Pilipinas. Agad kong pinasok 'yong phone ni Minna thru the laptop and set her location or rather her GPS to my condo's location. I know anytime soon Tito Miguel will check it to know if Minna's saying true. That's how strict Tito Miguel is to Minna. "Sorry— Hello Dad. Do you know Maggie, Maggie Blackwoods and Brenda Hilton?" Matagal na sagot ni Minna sa kabilang linya para sakyan 'yong trip ni Brenda. "Oh, a Blackwoods and a Hilton. Of course I know them. Paanong hindi ko sila makikila. I'm now going to drop the call, get back to sleep my dear," Tito Miguel replied, which made us all shocked. That easy? I mean, nabanggit lang niya 'yong name nila Maggie and Brenda tapos abswelto na siya? Maging si Tita nang makausap si Maggie last last night ay mabilis din siyang pinayagan. "Wait... Dad," napatingin naman kami kay Minna nang pigilan niya si Tito Miguel sa pagbaba ng tawag. Why didn't she end up the call? Siguro may sasabihin pa siya kay Tito. Nagkibit balikat na lang ako bago binalik ang tingin sa labas ng bintana. "Yes?" "Uh. Dad, I heard that you'll be attending a conference this morning," panimula ni Minna na ikinabalik ko nang tingin sa kanya. "How did you know? Yes, I'm attending a conference. I'm actually getting ready right now," Tito Miguel answered. That makes me realize something. Shit. Ang nakalagay sa details namin five kami from Fantagio Media. Bakit hindi namin naisip na maaaring pumunta sa conference na iyon ang tatay ni Minna? He's the Vice President after all. "I just heard it from a friend of mine," ang sagot na lang ni Minna. "Sir, the car is ready." We all heard on the other line. "Dad... seems like you need to go. Mag-iingat po kayo," pagpapaalam ni Minna. "I will. You too, take care anak," Tito says as the phone call ends. We were stopped by the guard in front of the Malacañang Palace gate. Mabilis na nilabas ni Froy ang permit na ginawa namin ni Keil at ipinakita ito sa guard na nagbabantay. Bahagya pa akong kinabahan pero nang makita ng guwardiyang nagbabantay ang aming permit ay kaagad na kami nitong pinagbuksan ng gate bago nagpatuloy si Froy sa pagpapatakbo papasok sa loob. We made it. "Hey guys. Nandito na tayo," Froy announced as he parked the car. "Wait, guys. I don't think I can make it there," alanganing sabi ni Minna. "I bet so, Tito Miguel has a sharp eye. No matter how Minna hide it Tito Miguel will eventually notice her. He's hella observant," pag sang-ayon ko sa sinabi ni Minna. Kilala ko si Minna bukod sa kanino man. Hindi niya kaya na magtago sa family niya especially to her dad. Siguradong mawawala si Minna sa pokus lalo na't alam niyang nandoon si Tito Miguel sa conference. Maaaring makasira sa mga plano namin ang kawalang pokus niya at hindi ko papayagan mangyari 'yon. We've come so far to turn back now. "Bakit nga pala hindi natin na isip 'yong possibilities na kasama ang dad ni Minna sa conference?" Iiling-iling na tugon ni Brenda. "Sorry naging problema pa tuloy ako," paumanhin ni Minna habang nakayuko. "Don't be. Kami 'yong hindi nakaisip ng possibilities na baka nga umattend 'yong dad mo sa conference," Froy says assuring her. Masyado kaming nakapokus sa aming plano na pagpasok sa Malacañang na nakalimutan namin ang tungkol kay Tito Miguel. It is such a shame. "Wag na kayong magsisihan diyan. Walang magagawa kung magsisihan na lang tayo," awat ni Maggie sa kanila. Napabuntong hininga na lamang ako. Seems like we don't have any choice. "I'm going to do Minna's part while Minna will do mine," anunsyo ko. "Huh? Paano 'yan? Hindi ko alam gagawin ko?" Nag-aalang tanong ni Minna. Tiningnan ko si Keil at sinenyasan siya na tulungan si Minna na agad naman niyang nakuha. "Ay! Ay! Captain!" I just shrug at what he just reply. I really don't get him. "The details?" Tanong ko bago nilahad 'yong kamay ko sa harapan nila. Lumipat na ng puwesto sina Minna at Keil upang maturuan na ni Keil si Minna ng gagawin niya. Brenda lend me the paper that shows the name of the person I'm going to imitate. I scan thru the papers— her name is Gwen Fernandez, 23 years old. A Mass Comm graduate from University of Santo Tomas. Nakalagay rin doon 'yong mga characteristics niya kapag nasa mga conference. Like, she often wear a striped top, always seen near the cameraman and so on. Buti na lang at naka-stripes akong long sleeves na pula ngayon. As stated at her information and looks, pina-braid ko kay Maggie ang buhok ko and put some prosthetic and heavy makeup on my face para magmukhang si Gwen ako. "Tapos na kami rito," sabi ni Keil kaya nagsitanguan naman kami at naghanda na ng mga gamit na bibitbitin namin papasok. "We're heading out. Take care, Minna," paalam ko kay Minna habang inaayos ang pagkakalagay ng salamin sa mukha ko. Tumango naman siya sa akin at nag-thumbs up. "Don't worry guys. Expert kaya ako rito," taas babang kilay na sabi ni Minna at bigla na lang nagloko 'yong computer. Napa-iling na lang naman kami sa inasta niya. Agad naman niya rin namang naayos 'yon pagkatapos. "Haha. Support kita riyan Minna," natatawa-tawang sabi naman ni Brenda sa kanya na may kasamang pag thumbs up pa. Naghanda na naman kami sa paglabas. I wear the earpiece on my left ear at pinagkahawakan ang folder na props ko. Pagkababa namin sa sasakyan ay nagdire-diretso na kami papasok sa loob kung saan gaganapin ang conference. Nakakita kami ng iilang mga staffs na nag-aayos na para sa mangyayaring conference mayamaya at mga nakahilerang tao na sasalubong sa pagdating ng mga mahahalagang tao. Naghanap na kaagad kami ng puwesto pagkatapak pa lang namin sa loob. We choose the spot at the middle. Sa puwesto namin kitang-kita ang kabuuan ng silid. Mabuti na lang at wala pang masyadong media ang nandito kaya nakapili kami ng magandang puwesto. Perks of being early. Nag-ayos na kami ng mga gamit namin at pinuwesto ang mga gagamitin namin para mamaya. Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit at camera ay umupo muna kami sa nakita naming bakanteng upuan sa harapan. Dito mismo gaganapin ang conference sa Malacañang. Kung saan madalang gamitin ng mga nakakataas at ginagamit lamang tuwing may SONA at mahalagang pag-uusapan patungkol sa nangyayari sa bansa. Isa itong malaking silid na puno ng mga upuan na nakahilera paharap na kung saan naka-puwesto ang upuan ng Pangulo at pangalawang Pangulo. Nandoon din sa gitna nakatayo ang wooden podium with microphone na mukhang gagamitin ng pangulo sa pagsasalita sa buong pagpupulong. Sa bawat upuan din ay mapapansin mo ang mga nakalagay na pangalan ng mga opisyales na dadalo sa pagpupulong. Sa nakikita ko ay mukhang talagang pinaghandaan nila 'to. Sa napakaikling oras lamang ay nagawa nilang maisaayos ang lahat. Sa una at ikalawang hilera ng upuan nakapuwesto ang may mga katungkulan sa gobyerno samantalang ang ika-tatlo at ika-apat naman na mga upuan na siyang aming inuupuan ngayon, uupo ang mga piling tao at personalidad na inimbitahan para sa pagpupulong na ito. Mabilis na lumipas ang oras at unti-unti ng nagsidatingan ang mga tao. Kaya napagdesisyunan na naming bumalik sa kanya-kanya naming puwesto. Time check, it's already 6:00 in the morning. Trenta minutos bago magsimula ang pagpupulong. "Hey, Gwen!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalang ginagampanan o mas magandang sabihing ginagamit ko. Napatingin ako sa gawi ng lalaking tumawag sa pangalan na Gwen at nakita ko ang isang lalaki naglalakad ng diretso papunta sa direksyon ko. "Minna, his details," Mabilis na mahinang sambit ko sa micro chip na nakakonekta kay Minna. "Copy." "I thought your team wouldn't come? What's with the sudden change?" Tanong ng lalaki sa akin na base sa suot ay mukhang galing sa TV5. A hologram suddenly appears on my glasses that is only visible with my eyesight na nagpakita ng detalye at impormasyon tungkol sa lalaking nasa harapan ko ngayon. It's stated here that his name's Victor Ocampo, Gwen's suitor. Ang salamin na suot ko ay hindi basta-basta. Kayang-kaya nitong i-determine at makita ang anumang hologram at impormasyon na gustong ipakita ng host nito. Kaya natatanggap at nakikita ko ang anumang gustong ipakita sa 'kin ni Minna sa pamamagitan ng salamin na suot ko ngayon. "Oh. Sorry, biglaan kasi talaga, hindi na nasabi sa amin ang dahilan," I reason out as I lift my hands overhead. One of Gwen's characteristics when she feels shy or guilty for what she'd done wrong. Ginulo naman niya 'yong buhok ko dahil sa ginawa kong iyon. "Okay lang 'yon, ano ka ba. Malay ko ba kung biglang na approve pala ang inyong permit para makapunta rito," he says and I just smile at him shyly. Also Gwen's characteristic. Base sa sinabi ni Victor, mukhang hindi talaga na approved 'yong permit nila to attend this conference. "Victor, kailangan ka na rito!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan niya na mahinang pinagpasalamat ko naman. "Anyway, bagay sa 'yo ang ash gray na buhok," he compliments as he give me a quick kiss on my forehead and runs towards his fellow teammates after what he did. Medyo nag-blush naman ako sa ginawa niyang iyon. I never been kiss by some stranger, so it's all strange to me. "Yiee. Dalaga na si Astrid!" Narinig kong tukso ni Minna sa earpiece na ikinaikot ko ng mata pagkatalikod ko kay Victor. I heard someone hissed from my back, but I just ignored it. "You should be the one kissed by that Victor, not me. So, shut up," Iritang sagot ko bago inayos ang aking sarili at bumalik sa puwesto ko. "Sorry na agad," sabi niya na lang sa akin pabalik at kahit 'di ko siya nakikita ay alam kong naka-peace sign pa siya habang sinasabi iyon. "Pwe. Akala ko mabubuking na tayo," narinig kong mahinang bulong ni Brenda sa amin na mukhang nakahinga ng maluwag. Akala ko rin kanina nga eh. Jeez. Mabuti na lang at nakalusot kami. "Guys, on the way na. Paparating na ang mga Pangulo!" Anunsyo ni Minna kaya na pa seryoso kaming lahat at na alerto. Nalalapit na. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD