Arrival of the Presidents

1058 Words
Unknown Disease 13 | Arrival of the Presidents _______________________________________ Astrid An asian looking guy appears on the screen together with her first lady. Isang tingin ko pa lang ay sigurado na akong siya ang Pangulo ng China na si Mr. Lin Xing Cai. Sinalubong sila ng masigabong tugtugin ng banda at mga taong nakasuot ng mga katutubong damit. I don't know kung bakit kailangan ng ganitong pagsalubong sa kanila despite ng nangyayari sa bansa ngayon. Isn't it inappropriate to host such big event like this? I mean, c'mon. Isa-isa ng nagsidatingan ang mga Pangulo sa iba't ibang panig ng bansa at lahat sila ay sinalubong ng Presidente at ng Vice President ng bansa namin. Ang pagsalubong sa mga Presidente ng iba't ibang bansa ay live na nababalita sa TV sa mga oras na ito. Pero tanging pagdating lamang nila ang ipapakita sa media, liban na ro'n ang mapag-uusapan sa gaganapin na conference na mariin nilang hinabilin na maaari lamang ipalabas ang mapapagusapan kinabukasan. Napapanood namin ang lahat ng nangyayari sa labas dahil sa malaking screen sa taas na pinapakita ang mga kaganapan do'n. Kita rin namin ang ina ni Maggie na siyang nagbabalita at sumasalubong sa mga nagsisidatingan na Presidente. "You don't look like your mom Maggie," I blurted out at muling tumingin kay Maggie para kumpirmahin ang aking hinuha. Mukha kasing Spanish ang Mom niya at si Maggie naman ay kabaliktaran dahil asian na asian 'yong mukha niya dahil na rin sa singkit na mga mata at mapuputing balat niya. Rinig ko ang mahinang pagtawa nila sa sinabi ko at ang pag-ikot ng mata ni Maggie sa akin. "Whatever," she says gawking at me. Napakunot noo ako dahil sa naging reaksyon niya sa sinabi ko pero agad namang nabaling ang atensyon ko kay Froy. "Pagpasensyahan mo na 'yan Ash. Lagi kasi naming inaasar na hindi niya kamukha ang Mom niya at lagi siyang nagagalit everytime na inaasar namin siyang ampon," bulong sa akin ni Froy habang nagpipigil ng tawa. Nagkibit balikat na lang ako matapos nang sinabi niya. That explains kung bakit ang sama ng tingin ni Maggie sa akin. Hindi nagtagal ay nagsimula nang magsipasukan sa loob ang lahat ng mga Pangulo na dumalo. Halos lahat ng Presidente ng Asya ay nandito at present gayundin ang mga Pangulo ng Europa at Amerika. Naging abala naman ang tatlong lalaki sa pagkuha ng mga larawan at pag-document sa mga nangyayari. Habang si Maggie ay pumuwesto naman sa may bandang gitna at nagbalita kuno na para simulan ang aming munting palabas. Masasabi kong in character kaming lahat ngayon at pare-parehas na sineseryoso ang bawat role na ginagampanan. "Magandang umaga sa inyong lahat! Kasalukuyang nakarating na nga ang mga mahahalagang tao sa pagpupulong. Inaasahan na—" Kung anu-ano pang pinagsasabi ni Maggie na animo'y nagbabalita talaga siya. Hindi man namana ni Maggie ang itsura ng kanyang ina ay masasabi kong namana niya naman ang galing nito sa pagbabalita. "Yon lamang ang aking news report. Nagbabalita, Rosemary Natividad mula sa Malacañang Palace," huli niyang sabi bago natapos ang kanyang report. Napunta ang aming atensyon sa harapan maging ang iba pang mga reporter ng marinig namin ang pagbukas ng mikropono. "Good morning ladies and gentlemen. I'd like to thank all of you, who attended and participated at this important conference," paunang salita ng Presidente. Kanya-kanyang flash naman ng camera ang mga cameraman sa paligid at matamang sinusubaybayan ang bawat sinasabi ng Pangulo. "I know everyone here has already heard of the news. An unknown disease from Antartica spread out around the world that kills billions of people in a short span of time. We are facing the most critical global phenomenon problem we ever had that is threatening all of humanity and every aspect of our lives. Now, this virus finally entered our country, the Philippines." Tahimik lamang kami habang nakikinig sa sinasabi ng Pangulo at tanging ang walang tigil na pagtunog lamang ng camera ang aking naririnig. Over a decade ago, hindi kapani-paniwalang tumaas ang economic development ng bansa ng nahalal sa puwesto si Mr. Doware Fransisco bilang Pangulo ng Pilipinas. Halos lahat kaming mga mamamayan noon ay hindi makapaniwala sa mabilis na pagtaas ng Pilipinas sa ekonomiya. Maging ang Peso ay tumaas din na ikinababa ng halaga ng Bahrain, RMB at maging ng Dollars. Can you believe that? I mean, when I was in highschool I really don't think the Philippines will ever attain this big achievement we have now. Especially that there are tons of corrupt politicians. No offense but they're plenty of them before. Until now, our country is considered to be the most respected country in the world. Unbelievable isn't it? Noon halos manghingi na tayo ng tulong sa ibang bansa especially when China was claiming our territory na sa kanila. Nakuha ba nila? Yes. Pero no'ng ika-pitong termino na ni President Doware ay nakayanan niya na itong maibalik sa Pilipinas. Ngayon hindi na natatakot ang bansang Pilipinas kung sakaling may gera mang magaganap sa hinaharap dahil handa ang lahat ng mamamayan kung mangyayari man 'yon kung sakali. 'Wag naman sana mangyari. Taong 2070 kasi ipinatupad ang batas tungkol sa pag-uubliga ng pagpasok sa militar ng mga Filipino citizen mapababae man o lalaki pagsapit ng tamang edad na dise-otso para mag-training ng isa at kalahating taon. Kasabay rin dito ang pagpapalago ng military force ng bansa. Bata pa lamang ay na train na kami para ihanda sa anumang bagay na kakaharapin ng aming bansa sa hinaharap at anumang banta ng gera. Kaya gano'n na lang kadali sa Presidente naming tawagin ang atensyon ng iba't ibang leaders at papuntahin sa bansa namin. "Ayokong lumala pa ang sitwasyon ngayon sa aming bansa. That's why I call you all to get some help. We need your help. Alam kong hindi lang bansa namin ang naaapektuhan sa isyu na ito, kung hindi pati na rin ang iba pang-karatig bansa. We'll help together, to fix and to put an end to this pandemic that we're facing," He says that make us all agree and nod habang tinatranslate naman ng interpreter niya ang sinasabi ng Pangulo. We badly want their help and cooperation in this. We need to end this as soon as possible before its too late. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD