Title: Blody island
Genre: Horror
Author: Zeon Canlas
Jerick: Tara na sa rest house! Dahil namiss ko kayong lahat, madami ako ipinahandang pagkain para sa inyong lahat!
Micheal: Ayos!
Jobert: Sea foods paborito nating lahat!
Leslie: Tara na Krista tignan natin ang rest house nyo ni Jerick!
Krista: Ano ka ba Leslie! Rest house nila Jerick toh!
Leslie: Ikakasal na kayo ganon na din yon! Jerick hiramin ko muna itong si Krista!
Jerick: Sige lang, mag enjoy lang kayo!
David: Sir Jerick, naayos na po namin ang generator!
Jerick: Salamat po kuya David! Saan na pala ang 3 mo pang kasama?
David: Naglilibot sila sa isla sir! Baka may tresspasing..
Jerick: Ganon ba? Bakit hindi mo na kayo kumain!
Vic: David, may nakita kaming tao! Banda doon sa mabatong lugar. Sinita namin ang sabi niya nanghuhuli lang siya ng isda. Nagtataka nga ako wala naman siyang bangka paano nakarating dito yon?
David: Nasaan na siya ngayon?
Vic: Pinabantayan ko kay pareng Nelson!
Jerick: Sino ba yon?
Vic: Pamilyar lang po sa akin yon! Bulag yong kanang mata niya! Tapos may nunal sa kaliwang pisngi!
Jerick: Teka, yon yong manong na muntik ng mabangga namin sa daan. Nakaalitan ko pa nga yon? Bigla kasing tumawid..
Randy: Kamusta po kayo sir Jerick?
David: Nasaan si Nelson? Bakit iniwan mo?
Randy: lumipat kasi ng pwesto yong matandang bulag! Si Nelson na daw ang bahala at sinundan niya si bulag!
David: Sir Jerick, mag iingat kayo doon kay bulag! Kasapi yon ng isang kulto! mangingisda ang hanap buhay nun, kaya siguro napadpad dito! Usap usapan dito sa lugar natin yang baryo at kulto nila bulag, sumasamba kay satanas! Usap usapan din na dalawang daang taon na daw yan si bulag! Ang nakakatakot pa tuwing piyesta nila nagkakatay daw yan ng mga hayop, tapos kinakain nila ng hilaw! Kaya tuwing piyesta sa kanila walang dumadayo sa baryo nila! Tingin ko mga sira ulo mga tao doon!
Nelson: Hindi ba, piyesta ngayon sa kanila!?
Jerick: Nako hayaan nyo na yang bulag na yan! Saka kwento kwento lang naman yon! Saka wala pang tao na umabot ng dalawang daang taon! Kqlokohan yon!
David: Tama ka sir Jerick!
Randy: Saka subukan nila na manggulo dito kundi ko sila maratrat ng baril natin! Hehehe
Jerick: Oh kuya David pag kayo nagutom, huwag kayo mahiya! Ang dami kung ipinahanda! Sige balik muna ko sa rest house!
(Bumalik na si Jerick sa rest hause!)
Jerick: Oh mga tropa! Ayos lang ba kayo? Kuya Miko! Huwag kayo mahiya importanteng guest kayo dito!
Miko: Salamat sayo Jerick!
Jobert: The best talaga ang pagkain dito!
Micheal: Ayos ang bahay dito! My second floor pa! Kitang kita ang magandang view ng beach at ang white sand nito!
Jerick: Nasaan si Krista!?
Andres: Ayon magkakasama lahat ng mga babae! Naglalakad sila malapit sa dagat!
Jerick: Di bale dahil masaya ako ngayon! Ito ang surpresa ko sa inyo!
Micheal: Wow ayos! Alak...
Andres: Laklakan na!
Habang nagkakasayahan sila Jerick, ang mga babae naman ay nasa tabing dagat!
Jessica: Ang swerte mo naman Krista! Mayaman napangasawa mo, sweet pa!
Honey: Alam mo girl, huwag ka magagalit huh? May kayabangan si Jerick eh! Pero siya yong tipo ng lalaki na hindi ka ipagpapalit!
Leslie: Honey! Ano may kayabangan? Sobrang yabang kamo! Pero mabait talaga yon si Jerick! Matulungin sa kapwa, kahit mahangin!
Krista: Alam nyo ba! Hindi ako makapaniwala, hindi ko ma explain ang nararamdaman ko ngayon? Para akong nakalutang sa hangin! Alam nyo yon! Parang ayuko ng umalis pa dito sa isla!
Leslie: Ako din bessy!
Honey at Jessica: Kami din!
Leslie: Teka parang may tao doon sa mabatong lugar!
Krista: Wala naman!
Leslie: Sigurado ako may nakita ako! Ang wierd ng itchura niya kulay itim ang buong katawan!
Honey: Girl, isa lang ibig sabihin niyan!
Leslie: Ano naman yon?
Honey: Kailangan mo na ng BF!
Krista: Hahaha ikaw na lang single sa aming tatlo!
Jessica: Maganda ka naman girl bakit wala ka pang BF!
Krista: Kasi hinahantay niya si kuya Miko!
Leslie: Ako talaga ang topic? Tara na nga gutom lang siguro toh, kaya kung ano ano na na iimagine ko! Kumain muna tayo! Baka kayo pa kainin ko! Grrrrrr
Krista: Hahahahaha
Honey: Hahaha kaloka ka girl tara na!
Jessica: hahahaha!
Habang nagkakasayahan ang mga magkakaibigan, sa isang banda, sa lugar na mabato nandoon si Nelson at naglilibot!
Nelson: Hhmm nasaan na kaya yong matandang bulag na yon! HOY BULAG UMALIS KA NA SA ISLA KUNG NARIRINIG MO AKO! BAKA BULAGIN KO PA YANG ISANG MATA MO!
Bulag: PSSSSSTTTT
Nelson: Nandito ka lang pala! Bwesit ka pinagod mo pa ako! Umalis ka na dito para makapag tanghalian na ako!
Bulag: Masama ang tabas ng dila mo aahh? Kami muna manananghalian! Hawakan nyo siya!
Nelson: Sino kayo? Bitawan nyo ako! Anong gagawin nyo sa akin?
Toto: Ka Rodi ano pong gusto nyo? Patay oh buhay?
Rodi(bulag): Toto, syempre yong gusto ko yong buhay! Gusto ko kasi marinig ang iyak niya at yong gusto ko sa lahat, naramdaman natin ang panginginig ng katawn niya! Kaya takpan nyo na ang bunganga niyan! Pero wag nyo gagalawin ang ulo huh? May gagawin ako dyan!
Nelson: Mga Putang in.... Hmmmmmmmm
Toto: O yan nakatakip na ang bunganga mo! Narinig mo yon taba? Wag daw gagalawin ang ulo mo! At dapat buhay daw!
Rodi: Ano pang ginagawa nyo? Hubaran nyo na yan at lantakan na natin yan!
Nelson: HMMMMM huhuhuhu hHhhmmmmm aaahhHHhhhh
Hinubaran nila si Nelson at kinain. Kinagat ni Totoo ang kanang pisngi ni Nelson at sumirit ang dugo dito, habang kinakagat naman ni ka Rodi ang kanang mata nito!
Rodi: Hmmm sarap ng kanang mata mo! Parehas na tayo walang kanang mata! Hahaha
Nelson: HMMMM huhuhhuhuhu hhhMMMhh
Toto: Hoy gago ka Bruno! Wag mo muna kagatin sa leeg baka mamatay kagad! Unahin mo muna yong kamay!
Rodi: Hoy n***o ano ba yan? Wag mo muna kainin ang tyan, baka matuluyan! Unahin mo muna yong paa!
Rodi: Gayahin nyo si Jomar, daliri muna ang kinakain! Diba Jomar!?
Hirap na hirap na si Nelson, at sumisirit na ang dugo nito sa buong katawan!
Toto: Ka Rodi mukhang mamatay na si taba!
Rodi: iabot mo sa akin ang itak!
Pak! Pak!
Pinutol ni Ka Rodi ang dalawanh tenga ni Nelson..
Nelson: Hmm...... Huhu.......
Rodi: Oh taba, iiwan ko ang isang mata mo sa kaliwa para masaksihan mo ang aming tanghalian! Hehehehe
Tapos putulin ang dalawng tenga ni Nelson! Pinutol na din ang dalawang braso, dalawang hita at pinaghatian nila ito!
Pak! Pak! Pak! Pak!
Nelson: hmm..........
Rodi: Ang lutong ng mga buto mo! Oh taba ulo muna lang ang natitira! Handa ka na ba? Oh teka huwag ka muna mamatay! Tanggalin nyo nga takip nito sa bunganga niya! Para marinig natin ang huling habilin niya!
Nelson: Pu...tang in..... mo.....!
Rodi: Hindi kita marinig taba!? Ano uli yon?
Nelson: pa...tayin mo.. na.. ak.o! Pu....tang....
Rodi: Edi sige!
Pak! Pak! Pak!
Rodi: Lantakan nyo na yan, yong ulo niya ilagay nyo sa kawayan!
Negro: Ka Rodi, pwede akin na lang yong atay?
Jomar: Akin yon!
Rodi: Hating kapatid mag hati kayo!
Toto: Ka Rodi, anong susunod na gagawin natin?
Rodi: Imbitahan mo lahat ng taga baryo natin! Imbitado silang lahat sa pagtitipon, at sabihin mo may handaan! Ano pa inaantay mo? Lumangoy ka na bilisan mo!