Part 1

1732 Words
Title: Bloody island Genre: Horror/love story Author: Zeon canlas Isang araw, may magkakaibigan na nagbakasyon sa probinsya, sa isang isla na pag-aari ng kanilang kaibigan, maliit lamang ang isla na halos kita na kagad ang rest house na natatakpan ng mga iilang puno sa isla, napakaganda ng isla, at sariwa ang hangin, walang polusyon at malayo sa gulo at ingay ng komunidad. Masaya ang mga magkakaibigan nung mga araw na iyon, ngunit may pangyayaring hindi inaasahan.. Ako nga pala si Krista, tubong manila, mahirap man ang aming buhay masaya naman ang aming pamilya. Ang trabaho ng aking ama ay jeepney driver at ang aking ina naman ay nagtitinda ng mga miryenda. At ito ang simula ng istorya namin sa isang isla! Nanay: Krista, may bisita ka! Krista: Nay sino po yan!? Nanay: Si Jerick, yong mayabang mong boyfriend.. Krista: Nay naman, baka marinig ka ni Jerick! Nanay: Totoo naman! Ubod nga ng yaman ubod naman ng yabang.. patuluyin mo na! hhmpp Krista: Tuloy ka Jerick! Jerick: May pasalubong ako sayo! Galing ito sa abroad at original yan! Hindi mo makikita yan sa Pilipinas. Nanay: Ehem, Hay nako ang init sobra.. Krista: Ano ba yan? Jerick: Chocolate! Nanay: Nako Jerick ang dami niyan sa tindahan may tig pipiso pa! Krista: Nay naman! Iba itong dala ni Jerick! Jerick: Aahhh Tita Rosa, pwede ko po ba mayaya si Krista na magbakasyon sa aming rest house? Doon sa isang isla ng pamilya namin? Nanay: Nako Jerick alam mo naman na nag iisang unica hija namin yan! Hindi pwede! Krista: Nay, safe naman po doon! May mga nagbabantay naman sa isla saka kasama ko naman po si Jerick at ang mga kaibigan namin! Please Nay pumayag ka na! Nanay: Nako payakap yakap ka pa! Binobola na naman ako ng maganda kong anak! Hmmm Krista: Payag ka na Nay? Nanay: Sa isang kundisyon isasama mo ang pinsan mo na si miko! Para mapabantayan kita! At bawal kayo matulog sa iisang kwarto at kung saan kayo pupunta dapat kasama mo si kuya miko mo! Mahirap na! Krista: Nay naman akala ko ba isang kundisyon lang? Saka Nay good boy yang si Jerick! Jerick: Tita Rosa, wag po kayo mag alala, good boy po ako! Alam ko po naman na may kayabangan po ako pero pagdating kay krista at sa inyo seryoso po ako! Nanay: Aahh basta kasama si miko at susundin nyo ang gusto ko! Jerick: Ok po! Para po sa inyo Tita Rosa! Nanay: Iingatan mo ang anak ko Jerick! Jerick: Pangako ko po yan! Umalis sina Jerick at Krista kasama si Miko para sunduin ang ilan nilang mga barkada! Jerick: Oh ano na mga alalay? Nandito na ang hari nyong napakagwapo! Micheal: Hindi ka talaga nauubusan ng hangin ano? Kamusta na pare! Jerick: Ito mayaman pa din! Hahaha biro lang! Leslie: Kamusta na kayong dalawa? Hoy Krista sobrang ganda mo pa rin! Ang tagal nyo na ni Jerick mga ilang taon na nga ba kayo? nakalimutan ko na! Krista: 10 years na kami! Leslie: infairness dito kay Jerick kahit ubod ng yabang loyal naman! Jerick: Grabe ka naman Leslie! Hindi naman ako mayabang mayaman lang! Leslie: Ay! Ay! Tignan mo siya ooww.. Oo na Jerick, kung di ka lang loyal sa bestfriend ko, nako matagal na kitang pinabugbog! Krista: Oh ayan na naman kayong dalawa mauuwi na naman yan sa asaran! Tama na yan nasaan na yong iba? Leslie: Hoy bessy! Si Miko na ba yan? Krista: Oo si kuya Miko! Leslie: Grabe lahi talaga kayo ng magaganda at gwapo! Hoy alam mo naman na crush ko yang si Miko noon pa! Baka pwede naman ilapit mo ko sa kaniya? Krista: Ikaw talaga! Puro ka kalokohan! Leslie: Sige na bestfriend ilapit mo naman ako kay Miko! I love you bestfriend! Krista: Oo na mamaya ipapa-rape kita kay kuya Miko! Hehehe joke lang! Leslie: Ay bestfriend nga talaga kita! I love you mwaaahh Jerick: nandyan na pala ang mga barkada natin! Jobert: Kamusta ka na Jerick! Jerick: Ayos lang ako pare! Ito mayaman pa din ako! Jobert: At mayabang pa din! Hahaha siya nga pala si Jesica, girlfriend ko! Jerick: Wow ang swerte mo pare! Ang ganda ni Jessica! Hindi ka ba nagsisi Jessica? Pwede ka pa umatras! Jobert: Loko loko ka pa rin talaga! Jerick: Hahaha Hindi, biro lang! Sa totoo lang sobrang the best itong si Jobert, imagine habang nag-aaral kami nagwo-work yan, napaka responsable anak pa! Kaya bilib ako dito eh! Jobert: Yan ang gusto ko sayo pare! Kaya mahal na mahal ka namin! Krista: Hi! Jobert! Kamusta? Gf mo siya? Jobert: Oo ang mahal ko! Si Jessica nga pala! Leslie: Naks si Jobert jackpot! Jessica hindi ka ba nagsisisi? Tignan mo itong si Jobert parang pinaglumaan na ng panahon! Jobert: Grabe talaga kayo sa akin huh? Mamaya iwanan ako si Jessica! Jessica: Ano ka ba! Mahal na mahal kaya kita! Jercik: Wooaaahh kinikilig ako grabe! Best wishes sa nyong dalawa at more children! Hahaha biro lang huh! Jobert: Loko ka talaga Jerick! Wow Micheal na miss kita! Micheal: Kamusta parekoy! Krista: Andyan na pala si Andres! Jerick: Mabuhay ang katipunan! Andres: Hahahan sira ulo ka talaga Jerick! Micheal: Sino yang kasama mo? Andres: Fiance ko! Si Honey! Krista: Ganiyan ka huh di mo sinasabi sa amin na may fiance ka na pala! Kamusta ka Honey? Honey: Ok lang Ako! kamusta kayo? Jerick: Oh tara na! Sino ang taya sa atin ngayon? Dahil si Micheal ang single, siya ang taya! Micheal: Hoy bakit ako mag dadrive! Si Leslie single din naman! Leslie: Sa ngayon single ako! Baka mamaya hindi na! Hehehe, Saka babae ako mahiya ka naman sa akin micheal! Micheal! Oh siya ako na ang taya! Jerick: Oh ito na ang susi salohin mo pare! Pumunta na ang mga magbabakarda sa isang probinsiya! Habang nagmamaneho si Micheal my biglang tumawid na mag ama! Natumba ito at kamuntikan ng masagasaan! Micheal: Putcha..... (Biglang nag break) Jerick: Pare ano yon? Micheal: Muntik na ako may mabangga! Jerick: Teka silipin ko, dito muna kayo sa sasakyan! Nakita ni Jerick ang mag ama! Jerick: Ano ba naman kayo? Hindi kayo nag iingat masisira nyo pa ang reuninon namin magbabarkada! Sige na umalis na kayo! Akmang bubunot ng itak ang ama ng bata! Ama: Hayop ka! Gusto mo tagain kita!? Jerick: Sige subukan mo tanda! Nakikita mo toh? Tawag dito baril! Sige ilabas mo tapang mo ngayon? Krista: Tama na yan Jerick pumasok ka na nga sa sasakyan! Manong pasensya na po kayo! Mag iingat po kayo pag tumatawid! Jerick pumasok ka na nga dito! Ama: HUMANDA KAYONG LAHAT KAKAININ NAMIN ANG MGA LAMAN NYO! Jerick: Ulol.. Dyan ka na! Sumakay na si Jerick ng sasakyan at nagpatuloy sila sa pag biyahe! Krista: Ano ka ba naman Jerick! Di mo dapat ginawa yon! Jerick: Pasensya ka na! Ayaw ko lang masira ang matagal ko na plano na mabuo uli ang barkada natin! Sorry sa inyo guys nadala lang ako ng emosyon ko! Leslie: Ok, tama na yan! Basta next time wag mainit ang ulo! Jobert: Pre narinig mo yong sinabi ng manong? Jerick: Kakainin daw niya mga laman natin? Hahaha baliw lang yon hayaan mo na yon! Andres: Kinilabutan nga ako, ang creepy ng manong na yon! Micheal: Alam nyo ba? May kwento kwento sa lugar na ito na madami daw ang kababalaghan dito! Leslie: 2012 na naniniwala ka pa din sa engkanto, dwende, aswang, kapre at kung ano ano pang lamang lupa? Kaya since birth wala kang naging GF eh.. Jobert: HAHAHA grabe ka naman kay Micheal. Nakarating na ang mga magkakaibigan sa isang daungan ng mga bangka! Jerick: Kamusta po kayo tatang? Tatang: Kamusta ka na Jerick! Na miss kita hijo! Salamat nga pala sa tulong financial mo! Napa operahan na ang apo ko na si Junior! Jerick: Nako tatang wala po yon! Naalala ko tuloy ng bata pa ako lagi nyo ako hinuhili gagamba! Ang saya ko po nun kaya wag nyo na po isipin yon! Basta ok na si Junior! Tatang: hahahaha Na miss ko talaga yon Jerick! Hayaan mo pag balik mo dito galing isla ihuhuli kita ng maraming gagamba! Jerick: Nako wag na po tatang! Leslie: infairness kay Jerick, kahit ubod ng yabang may puso naman! Ma swerte ka pa din Krista! Jobert: Oi tignan nyo, diba yan yong manong na muntik na natin mabangga? Jessica: Hayaan na lang natin siya babe! Krista: Tama si Jessica mabuti pa, enjoy na lang natin itong reunion! Sumakay na ng bangka ang mga magkakaibigan papuntang isla! Jobert: Astig! Micheal: Parang gusto ko dito na lang ako! Andres: Jerick hindi mo pa nasasabi sa amin na meron pala kayo ganitong kagandang isla! Jerick: Alam nyo kasi guys, binili ito ni Daddy, 2 years ago! So gusto ko kayo surpresahin! Kqya hindi ko sinabi! Leslie: So ibig mong sabihin may surpesa ka pa? Jerick: Malalaman nyo din maya maya! Nagulat lahat ng magkakaibigan ng biglang lumuhod si Jerick sa harapan ni Krista.. Jobert: Oh pre ano ginagawa mo? Andres: Pre tumayo ka na dyan! Leslie: Kayo talagang mga boys ang tatanga nyo! Obvious naman ang ginagawa Jerick diba? Jerick: Krista matagal ko na itong pinaghandaan! Mahal na mahal kita Krista! Krista, will you merry me? Krista: Jerick? Kasi hindi ko alam ang sasabihin ko kele Tatay at Nanay! Jerick: Mamanhikan ako sa kanila ipagpapaalam kita! Sasabihin ko sa kanila kung gaano kita kamahal Kaya please pumayag ka na pakasalanan ako! Krista: OK! Jerick: Anong ok? Krista: Sabi ko Yes! Yes! Payag na ako! Pakasalan ka! Jerick: Talaga? Wooooh hahaha Salamat Krista! Mahal na mahal kita! Narinig nyo yon guys! Wala ng bawian ito Krista! Tuwang tuwa si Jerick at napatalon ito dahil sa sobrang saya, at niyakap si Krista. Leslie: Naiiyak ako! Swerte mo bessy! Congrats sa inyo ni Jerick! Micheal: Binabati kita Krista! Masaya ako para sa inyo ni Jerick! Miko: Krista wag kang mag alala, hindi ako magsusumbong! Hahayaan ko kayo ni Jerick na magsabi kela Tita at Tito! Krista: Salamat kuya Miko! Jerick: Kuya miko, sobrang salamat! Miko: Wala yon Jerick! Jerick: Guys! Anouncement! Itong isla na ito, dito ko gusto ganapin ang kasal namin ni Krista! At imbitado kayong lahat libre ko na ang lahat at wala kayong gagastusin! Andres: Ayos pre masaya ito! Jobert: Masaya ako para sa inyo! Jessica: Congrats Honey: Nakakiyak naman! Masaya ako para sa inyo! Leslie: Sana ako din! Habang sila ay masayang masaya, may nagmamasid sa kanila..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD