Chapter 1
Naiiyak na lang si Jessica ng maramdaman ang sakit sa ginagawa ni Marco. Ramdam na ramdam niya ang sakit sa bawat paglabas-pasok nito sa kanya. Walang itong pagiingat at talagang gusto nitong iparamdam ang galit sa kanya “F**k!” Sabi nito na mas lalo pang idiniin ang sarili sa kanya. “Ito ang gusto mo di ba?” Galit na tanong nito sa kanya.
Hindi siya makasagot dahil sigurado siya na iiyak na siya sa oras na sagutin niya ito. “Such a slut!” Dagdag pang-iinsulto nito sa kanya at lalo pang naging marahas ang pag**yo nito sa kanya. “You’re so fu***ng tight, ohhhhh” ungol nito at lalong bumilis ang pag-galaw nito sa ibabaw niya.
Hindi nagtagal ay huminto ito at naramdaman niya ang pagdiin ng pag******ki nito sa kanya at ramdam niya ang mainit na nilabas nito sa loob niya. “Make sure to drink your pills. Hindi ka dapat mabuntis, ang mga kagaya mo walang karapatang maging ina.” Humihingal na bulong nito sa kanya. Umaalis ito sa ibabaw niya at humiga sa tabi niya. “Labas!” Malakas na sigaw nito sa kanya.
Nagmamadali siyang tumayo at isinuot ang robe niya na nasa sahig. Pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto nito at bumalik sa sarili niyang silid. Pagkapasok sa loob ay napasandal siya sa pinto at tuluyan ng umiyak, iyak na tuluyan ng nauwi sa paghagulgul. Unti-unti siyang napaupo sa lapag, niyakap ang mga binti at sumubsub doon. Awang-awa siya sarili niya pero anong magagawa niya. Ito na ang buhay niya ngayon. Ito na ang buhay niya sa piling ng mahal na asawang si Marco.
Siya si Jessica Recto Alvarez at asawa niya si Marco Leon Alvarez. Pero hindi asawa ang turing nito sa kanya. Hindi siya nito pinapakilala bilang asawa tila ba isa siyang sikretong dapat itago atikahiya. Nang minsan may bumisita sa bahay nila ay trinato siya nitong katulong sa harap ng mga bisita nito. Oo isa siyang katulong sa sarili nilang bahay mag-asawa na regalo pa ng sarili niyang magulang para sa kanila. Para kay Marco ay isa siyang katulong para pagsilbihan ito at isang parausan para ilabas ang init nito sa katawan. Hindi siya tinuring na asawa nito at kahit kailan ay hindi siya ituturing na asawa nito.
Tatlong taon na rin simula ng ikasal sila at sa loob ng mga taon na iyon ay hindi niya naranasan na maging asawa nito. Isa siyang pagkakamali na pinagsisihan nito at pinangdidirihan. Alam niyang kasalanan niya ang lahat. Kung hindi dahil sa kanya ay kasama dapat nito ang babaeng tunay nitong mahal, si Mira na dating nobya at ang talagang gusto nitong maging asawa. Pero nagmahal lang siya akala niya ay sapat ng magmahal ka at sundin ang totoong nararamdaman pero mali pala dahil siya lang ang nagmamahal at walang katugon na pagmamahal ang binibigay niya. Bagkus ay galit at pagkamuhi ang naging sukli noon.
Tumayo siya at pumunta sa may vanity table. Umupo at tinignan ang sarili niya sa salamin. Gulo ang buhok at maga ang mga mata ng babae na nakita niya. Nakakalungkot isipin na ang dating siya ay wala na. Wala na ang dating babae na matapang at puno ng pagasa. Ang nakikita niya sa salamin ay isang babaeng mahina at walang kakayahang ipagtangol ang sarili mula sa lalaking minamahal. Isa siyang martir, sa paningin ng nakakarami kung malalaman nila ang totoong sitwasyon niya. Pero mahal na mahal niya Marco at wala siyang magagawa sa nararamdaman. Mas gugustuhin na lang niyang mamatay keysa mahiwalay dito. Lalo siyang napaiyak ng maalala ang sinabi nito.
“Make sure to drink your pills. Hindi ka dapat mabuntis, ang mga kagaya mo walang karapatang maging ina.”
Lalo siyang naiyak pero ano nga ba ang dapat niyang gawin? Bumuntong hininga siya at pinahid ang mga luhang patuloy pa ring natula mula sa mga mata niya. Ganito ang sitwasyon nila gabi-gabi. Gagamitin siya ni Marco na walang pag-iingat pagkatapos ay palalayasin na para ba siyang babaeng bayaran. Mabuti pa nga ang talagang mga babae na nagbebenta ng aliw kahit papaano ay may nakukuhang kabayaran pero siya na asawa ay mas masahol pa ang trato ng sariling asawa na siyang dapat nag-aalaga at nag-poprotekta sa kanya.
Tama na iyan Jessica, alam na alam mong hindi magbabago si Marco ng pag-trato sa iyo dahil ikaw ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ka naging makasarili dapat wala kayo sa sitwasyon na ito. Hindi mo naisip na may masasaktan ka at ngayon ikaw ang nagdudusa dahil sa mga maling desisyon na ginawa mo.
Pinahid niya ang mga luha at kinalma ang sarili. Tumayo siya at nagtungo sa banyo para linisin ang sarili. Pag harap sa salamin ay kitang-kita niya ang mga bakas ng kalupitan ni Marco. Namumula ang dibdib niya na puno ng kissmark. Dati sa leeg siya nito nilalagyan ng ganon pero ng mapansin nito na nahihirapan siyang takpan ang mga iyon ay sa iba na nito siya minamarkahan.
Napahawak siya sa labi niya na hindi na muling hinalikan ng asawa simula ng mangyari ang sakuna na tuluyang nagpabago ng buhay nilang dalawa. Sabi nito ay hindi na siyang kayang halikan nito dahil sa nandidiri ito sa kanya. Nangingitim na rin ang mga braso niya dahil sa madiing hawak nito kanina. Nag-halfbath siya at nagpahinga na rin. Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Patuloy na kumapit o bumitaw na? Kaya ba niyang mabuhay ng hindi kasama si Marco? Nakatulugan na niya ang pagiisip ng tamang sagot sa mga tanong niya.