Chapter 8

963 Words
Naalimpungatan siya ng maramdamang may yumakap sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata at nagising siya ng tuluyan ng makitang nasa kuwarto pa rin siya ni Marco. Nabigla man pero dahan dahan niyang nilingon ang lalaking nakayakap sa kanya. Tulog na tulog pa rin ito. Anong oras na kaya? Tanong niya sa isip niya at tumingin sa may bintana. Madilim pa rin pero medyo sumisikat na si haring araw. Ngumiti siya at nagdesisyong bumangon na para maipaghanda ng pagkain si Marco at saka baka magalit ito pag nagising na andito pa rin siya sa kuwarto nito. Dahan dahan niyang inalis ang braso nito na nakayakap sa may bewang niya. Gumalaw ito at lalo siyang hinapit palapit dito “Mira” bulong nito. Nawala ang ngiti niya sa labi ng marinig ang binangit na pangalan nito. Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso niya sa naramdamang sakit. Napapikit siya para pigilan ang luhang nagbabantang pumatak. Pero hindi nagpapapigil ang mga luha niya kusa itong tumulo, ang sakit sobrang sakit bulong ng isip niya. Binigkas nito ang pangalan ng babaeng pinakamamahal nito kahit tulog. Ibig sabihin si Mira ay hindi lang laman ng puso’t isipan nito pati sa panaginip. Siguro pati ang nangyari kagabi ay ito pa rin ang iniisip nito. Kahit kailan ay hindi niya narinig na binangit nito ang pangalan niya na may paglalambing. Binibigkas lang nito ang pangalan niya na puno ng galit at pangiinsulto. Lalo siyang napaiyak sa naisip na iyon. Marahil ay iniisip nito si Mira habang nagniniig sila, hindi malamang na si Mira talaga ang iniisip nito at hindi siya o kaya iyong babae na bisita nito kagabi pero isa lang ang sigurado hindi siya ang nasa isip nito. Kumilos ito at lumuwag ang pagkakayakap sa kanya. Kinalma niya ang sarili ayaw niyang magising ito na katabi siya at baka magalit ito. Kailangan niyang makalabas ng kuwarto nito bago ito magising. Nagpalipas siya ng ilang minuto at pinakiramdaman kung magigising ito, ng matiyak na tulog pa rin si Marco ay dahan dahan niyang inangat ang braso nito na nakayakap sa kanya. Hindi naman na siya nahirapan at nakakawala rin siya mula sa pagkakayakap nito. Isinuot niya ang robe niya at sinubukuang hanapin ang nighties niya pero hindi niya nakita kaya nagdesisyon siyang lumabas na at baka magising pa ito. Pagpasok niya ng kuwarto ay napasandal siya sa may pinto at nanghihinang napaupo. Hindi na niya napigilan ang pagiyak. Akala niya ay magiging maayos na ang lahat dahil sa mga pinaramdam nito sa kanya kagabi pero hindi pala. Hindi para sa kanya ang mga iyon kundi para sa ibang babae. Sobrang sakit na hindi na siya makahinga. Tanga ka talaga Jessica tanga ka. Sisi niya sa sarili, umasa ka kaagad dahil lang sa pinakita niya kagabi. Isa ka talagang tanga. Kailan ka ba magigising? Hanggang kailan ka aasa at masasaktan? Hangang kailan tanong niya sa sarili niya habang walang tigil ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Nagising si Marco na magisa na lang sa kama. Bumangon siya at tinignan ang oras sa bedside table. Mag aala-siyete na pala ng umaga tumayo na siya at nagtungo sa banyo. Matapos maligo at magbihis ay bumaba na siya. Naabutan niyang nakahain na ang almusal at andun si Manang Agnes na tila inaantay siya. “Morning, Manang.” Bati niya “Si Jessica?” Tanong niya dito at umupo na sa may dining table. Lumapit ito at pinaglagay siya ng pagkain “Bumalik sa kuwarto niya, matutulog daw siya ulit at medyo masama daw ang pakiramdam niya, Iho” sabi nito na patuloy sa pagsilbi sa kanya. Kumunot ang noo niya “Pero siya ang nagluto” mabilis na sabi nito. Tinikman niya ang sinangag at luto nga ito ng asawa niya. Ininum niya ang kape na mainit pa rin. “Kanina pa ba?” Tanong niya at sumubo na “Ngayon lang” anito “Hinanda niya na rin ang lunch mo, pork steak” anito na nakangiti. Tinapos niya ang pagkain at bumalik sa taas deretso sa kuwarto ni Jess. Pinihit niya ang doorknob at nagulat siya na nakalock ito. Alam na alam ng asawa na hindi ito puwede na magkandado ng pinto ng kuwarto kaya nagulat siya sa ginawa nito. Kinatok niya ang pinto at umaasang mabubuksan agad iyon pero hindi. Kumatok siya ulit mas malakas dahil baka tulog talaga ito pero wala pa ring nangyari lalo siyang nagalit at sinipa ang pinto. Naglakad siya sa may puno ng hagdan “Manang” sigaw niya “Manang” mas malakas na tawag niya nang hindi ito agad lumabas. Mayamaya ay nakita niyang nanakbo na ito “Iho?” Nagtatakang tanong nito “Pakiakyat po ung duplicate key ng kuwarto ni Jessica” sabi niya dito at bumalik na siya sa may kuwarto ni Jessica para katukin ulit ito. Nakailang katok at pihit siya ng doorknob bago niya nakita si Manang Agnes na nagmamadali papunta sa direksyon niya na dala ang susi “Ano ba ang nangyayari?” Nagtatakang tanong nito sabay abot ng susi sa kanya. Hindi na siya sumagot at binuksan ang pinto. Wala si Jessica sa kama. Dumeretso siya sa may banyo at pinihit ang doorknob pero nakakandado rin. Kumatok siya ng malakas pero walang nasagot. Inabot ni Manang Agnes ang susi ng banyo sa kanya at binuksan niya iyon. Pumasok siya at nakita niya si Jessica na nakababad sa bathhub na may nakasuot na earphones sa magkabilang tenga. Inis na hinablot niya iyon at gulat na dumilat ito. “Marco?” Nagtatakang tanong nito “Anong ginagawa mo dito?” Lumingon ito sa may pinto at nagtataka pa nang makita si Manang na nakatayo sa may pintuan ng banyo. Gustuhin man niyang magalit pero kinalma niya ang sarili niya. Naiiling na lang siya at lumakad na palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD