“Nagtataka talaga ako, Kate” sabi niya sa kaibigan. Andito ito sa bahay nila ngayon, ito na ang nagpunta at alam naman nitong hindi siya puwede lumabas ng hindi kasama si Marco.
“Saan ka naman nagtataka?” Balik na tanong nito sa kanya. Kinuwento niya dito ang nangyayari sa pagitan nila. Mag-iisang lingo na rin simula ng bumisita si Leila at malaking pagbabago ang nangyari sa relasyon nila ng asawa.
Sa kuwarto na nito siya natutulog, pinalipat na nito ang mga gamit niya sa kuwarto nito at sabay na silang nakain. Hindi na siya natayo sa likuran nito at kahapon lang ay nagdala siya ng lunch sa office nito at sabay din silang kumain.
Hindi pa siya nito pinauwi agad at inintay niya ito. Kumain pa sila sa labas at kagaya ng mga nakaraang gabi at inangkin siya ng asawa ng buong pagiingat. Nakakatulog siyang may ngiti sa labi habang yakap yakap nito. “Bakit ganon siya ngayon sa akin? Nagiba na ang trato niya sa akin?” Naguguluhang tanong niya. Bumuntong hininga si Kate at tinitigan siya
“Hindi kaya ipapa-annull na niya ang kasal niyo?” Napatingin siya sa kaibigan at hindi niya mapigilan na makaramdamn ng takot sa sinabi nito “Ti-tingin mo ganon ang plano niya?” Parang maiiyak na sabi niya dito. “Gaga!” Sabi nito at niyakap siya.
“Hindi ko alam, Jess kung anong laro na naman ang ginagawa ni Marco” sabi nito at humiwalay sa kanya “Pero kung sakali man dalawa bagay lang naman ang puwedeng mangyari.” Anito na seryosong nakatingin sa kanya
“Maaaring natauhan na siya at nagdesisyon na ayusin ang pagsasama ninyo o paraan niya ito para lalo kang masaktan pag hiniwalayan ka na niya.” Sabi nito. Hindi na siya nakaimik at napaisip na lang hangang sa makaalis ito. Ano nga ba ang bagong laro ni Marco? Tanong niya sa sarili niya.
“Iha” tawag ng mama niya sa kanya. Lumingon siya at nakita niya itong nakatayo sa may pinto ng balcony. Nakaupo siya sa may sofa sa balcony ng room niya habang binabasa ang reviewer niya
“Yes, Ma?” Sagot niya dito
“Pupunta ang Tita Angela mo at Tito Clark mamayang gabi dito sila mag di-dinner kasama daw si Marco”
Napahawak siya sa dibdib. Itutuloy ba ni Marco ang sinasabi nitong pamamanghikan. “Okey, Ma” iyon lang ang tanging naging sagot niya. Bumalik siya sa pagbabasa at naramdaman niya ang pagalis nito.
Bumuntong hininga siya at napatulala na lang. Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng usapan nila sa condo nito at hindi na sila nagkausap o nagkita man lang ulit. Hindi niya alam kung anong gagawin mamaya pag tinuloy ni Marco ang sinasabing pagpapakasal nila.
Mabilis lumipas ang oras at dumating nga ang pamilya Alvarez para sa dinner. Tahimik lang siyang kumakain ng biglang pukawin ni Marco ang atensiyon ng lahat.
“Tito Lance, gaya po ng sinabi ko sa inyo ng magpunta ko sa office ninyo. Balak ko pong pakasalan si Jessica” sabi nito na nagpalaki ng mata niya
“Well, Jess.” Tawag sa kanya ng ama “Marco, speak to me about his plans to marry you. Sabi ko wala namang problema sa akin pero dapat sa iyo pa rin manggaling ang pag-oo” sabi nito na nakatingin sa kanya at nakangiti.
“Ahmmmm, Pa” hindi niya malaman ang sasabihin lalo na at nakatingin habang nakangiti ang mga magulang nila sa kanya. Napatingin siya kay Marco na blangko ang mukha “Ma-Marco, we should talk about it first.” Aniya dito at nakita niya ang pagtiim ng bagang nito. “We already did talk about it, right?” Anito na nakakunot ang noo “Yeah, we did but..”
“And we agree to get married” putol nito sa sasabihin niya. Lalong nanlaki ang mata niya sa sinabi nito “Bu-but..”
“Then it’s settled then” rinig niyang sabi ng Daddy ni Marco, si Tito Clark “We need to announce the engagement and then prepare for the wedding” masayang sabi nito “Kumpadre, ay hindi pala balae” masayang sabi nito sa Papa niya, “Oo balae” sagot ng ama niya at nagtawanan na ang lahat.
Nang matapos ang dinner ay hinila niya si Marco sa garden gusto niya itong makausap hindi siya makapaniwala na itutuloy nito ang plano nilang pagpapakasal. “Marco, you don’t have to do this” mariing sabi niya dito “It is done at wala ka ng magagawa para pigilan ito” walang kabuhay buhay na sabi nito. “Unless na ikaw mismo ang aayaw” naiiling siya sa sinabi nito “You, think I will do that after ng napagusapan” frustrated na sabi niya dito
“I don’t understand why your pushing this marriage. Hindi mo naman dapat panagutan iyong nangyari sa atin. Hindi ako buntis I already have may period” sabi niya dito na totoo naman nagkaroon na siya nung isang araw lang kaya malabo na buntis siya.
“Please, Marco” pakiusap niya dito “Don’t do this” naiiyak na sabi niya. “Ayokong masaktan si Mira, Marco.” Patuloy niya na pangungumbinsi dito “Kayong dalawa ang nagmamahalan. Hindi ako dapat maging hadlang sa relasyon ninyo” tinignan niya ito umaasa na magbabago ang isip pero bumagsak ang balikat niya at patuloy siyang naiyak sa sinabi nito.
“Tuloy ang kasal. Wala kang magagawa para pigilan ito” at iniwan na siya sa garden. Matapos ng gabing iyon ay nasunod nga ang gusto nito. Wala na siyang nagawa para tutulan ang plano nito at ng mga magulang nila. Inayos ang engagement nila at nagdaos ng party para rito.
Pagkatapos ng party na iyon ay nagpakamatay si Mira na siyang lalong nagpaguilty sa kanya. Nakaligtas ito at kasalukuyang nasa ospital para magpagaling. Sa kabila ng pagpapakamatay nito ay walang nagbago sa plano ni Marco, tuloy pa rin ang kasal nila at ayaw man niya ay nangibabaw ang pagmamahal niya at pinikit niya ang mga mata.
Idinahilan niya sa isip niya na si Marco naman ang nagpumilit na magpakasal sila at hindi siya. At kagaya nga ng plano ng mga magulang nila ay kinasal sila ni Marco 2 months after ng graduation nila at 6 months after ng engagement nila at pagpapakamatay ni Mira.
Nagsama sila ni Marco sa iisang bahay. Naging isang mabuting may bahay siya dito at ginampanan ang obligasyon bilang asawa nito. Naging maayos din ang pakikisama ni Marco sa kanya sa kabila ng malamig na pakikiharap nito ay hindi naman siya sinasaktan nito pero nagbago ang lahat dahil sa isang desisyon na ginawa niya at siyang naging dahilan ng kanyang paghihirap.