Chapter 18

1106 Words
“What are you doing here? Nagtatakang tanong niya sa kaibigan. Lumabi ito at ikinawit ang kamay sa braso niya sabay hila sa kanya papasok “Dumating ako kagabi and I decided to suprise you. Nagulat ka ba?” Tanong nito habang hila-hila siya papasok. Pagdating sa sala ay naabutan nila si Jessica na nakaupo na sa sofa. Lumingon ito at napatayo ng makita kung sino ang kasama niya. “Oh, andito pala si Jess.” Ani ni Leila “Sorry, but you have to go at gusto kong masolo si Marco today, matagal kaming hindi nagkita” sabi ni Leila dito at nakita niya na nagmamadaling kinuha ni Jess ang bag niya. Pagkatapos ay dali daling umalis. Hindi man niya nagawang pigilan ito ang tanging nagawa niya ay sundan ng tingin ang likod nito. “Marco!” Pukaw ni Leila sa kanya. Lumingon siya at ngumiti sa kaibigan. Namiss din niya ito, ilang buwan din silang hindi nagkita. Itinuon niya ang buong atensiyon dito, dumating ang inorder niya at ang dapat na pagkaing pagsasaluhan nila ni Jessica ay silang dalawa ni Leila ang kumain. “Kamusta ka naman?” Tanong ni Leila habang kumakain sila. “Ayos lang ako, ikaw?” Tanong niya pabalik dito. “Ok lang din naman. Last sem ko na next month at tapos na rin ang paghihirap” anito Last sem na rin namin nila Jess. Graduate na rin sa wakas” “Musta pala kayo ni Mira? Buti at hindi ka na naman inaway at nandito sa condo mo si Jessica” “Hindi naman niya alam” at nagtawanan sila sa naging sagot niya. Tinititigan siyang maigi ni Leila at naiilang siya. Alam niya na nababasa siya nito, wala siyang maitago dito. “Mukhang may dapat kang ikuwento sa akin, Marco” anito at sumandal sa kinauupuan nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nagaalangan siyang sabihin dito ang totoong sitwasyon niya. Kaibigan niya ito pero hindi siya komportable na sabihin ang totoong sitwasyon ng relasyon niya kay Mira lalong lalo na kay Jessica. Bumuntong hininga siya at sumandal din sa kinauupuan niya. “Ayos lang ang lahat, wala kang dapat ipagalala” sabi niya dito at sinalubong ang tingin nito. Nakipagpalitan ito ng titig sa kanya at alam niyang hindi ito naniniwala. Bumuntong hininga ito at ngumiti. Naramdaman niya ang paggalaw ni Jessica na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Hinapit niya lalo ang asawa at hinalikan ito sa noo. Ngayon niya narealize na napakalaki niyang tanga para sisihin ang asawa at pahirapan ito. Siya ang may kasalanan ng lahat at iyon ay dahil sa pagiging duwag niya. “What are you doing here? Nagtatakang tanong niya kay Mira nang abutan niya ito sa may pintuan ng condo niya. “Marco, magusap tayo.” Kitang kita niya ang galit sa mukha nito. Wala na siyang magawa kaya pinapasok na niya ito sa loob. “Tama ako na kaya ka nakikipaghiwalay sa akin ay dahil sa malanding Jessica na iyon” nanguuyam na sabi nito. “So, anong gagawin mo kung totoo nga?” Sabi niya dito. Nagpanting ang tenga niya ng sabihan nito si Jess na malandi. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa kababata. Alam na alam niyang hindi ganong klaseng babae si Jessica at napatunayan niya ito. Siya ang kauna unahang lalaki sa buhay nito at sisiguraduhin niyang siya lang at wala ng susunod pa. Siya ang una at siya rin ang huli. Sampal ang naging sagot ni Mira sa kanya. “Ipagpapalit mo ko sa babaeng yon? Babae na pinagsawaan na ng kung sino sino. Di ba sinabi ko na sa iyo na marami ng naging boyfriend si Jessica. Maraming lalake ng dumaan sa kanya.” Patuloy na paninira nito kay Jess. Noon aminado siya na naniwala siya sa mga sinasabi nitong paninira kaya nabaling ang atensyon niya kay Mira dahil sa pinapapangit nito ang imahe ni Jessica sa kanya, kasalanan din niya at naniwala siya sa kabila ng katotohanan na sabay silang lumaking dalawa. at mas di hamak na malalim ang pagkakakilala niya kay Jess pero sa kabila ng lahat ay hindi pa rin niya naiwasan na maniwala. Kaya ng magpakita ng motibo si Mira ay pinatulan niya ang pangaakit nito. Pinaniwala niya ang sarili na gusto niya ito, hindi pinaniwla niya ang sarili niya na mahal niya ito. Nabulag siya sa maskarang suot nito na sadyang pinapakita lang ang gusto nitong ipakita sa kanya. “Ano man ang sabihin mo hindi na ko babalik sa iyo. Hangang dito na lang tayo Mira huwag mo ng ipilit” sabi niya dito “Puwede ka ng umalis” aniya at tumayo na para pumasok sa kuwarto. “Hindi mo puwedeng gawin sa akin ito Marco. Buntis ako” “Buntis ka?” Natatawang sabi niya “Buntis ka?” Nanguuyam na tanong niya dito. Hindi niya maiwasan na matawa. Oo may nangyayari sa kanila pero lahat ng pagkakataon na iyon ay si Mira ang nagpapakita ng motibo. Never siyang naginitiate ng s@x sa pagitan nila. Yes, s@x dahil wala naman love na involve, init ng katawan lang. Magaling si Mira sa kama, hindi siya ang una nito pero hindi na niya iyon pinagtuungan ng atensiyon at lalo na nasasatisfy naman nito ang pangangailangan niya. Pero ni minsan hindi siya nakipagtalik dito na walang gamit na condom at kadalasan ay nagwiwithdrawal pa siya. Sinabihan din niya ito na mag pills lalo na at ayaw niyang mabuntis ito. Ngayon alam na niya kung bakit ayaw niya dati naiisip niya lang na nagaaral pa sila pero ngayon sigurado na siya na hindi niya mahal si Mira at hindi niya nakikita na ito ang magiging ina ng mga anak niya. Nahinto ang pagiisip niya ng marinig niya ang sigaw nito “Anung nakakatawa?” “Ikaw, ikaw ang nakakatawa” sabi niya dito “Alam na alam mong hindi ka mabubuntis Mira. I always used protection whenever we had s@x so paano mo sasabihin na buntis ka. Joke ba ito?” Nanguuyam na sabi niya dito “Buntis ako, Marco at ikaw ang ama” “Ok, sige sabihin na natin na buntis ka pero I’m sure na hindi ako ang ama. So it means na your screwing someone else behind my back” galit na sabi niya dito “Ikaw ang ama nito” “Sige, I’ll give you the benefit of the doubt pero mag papa DNA tayu para malaman natin ang totoo.” Sabi niya dito “and pag nalaman ko na niloloko mo ko hindi ako magdadalawang isip na balikan ka sa pangloloko mo sa akin” galit na sabi niya dito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD