Nanginginig ang mga tuhod ni Churie nang makita niya ang kaniyang anak na si Ciro. “M-mommy, I'm having snacks. W-would you like to have some?” nakangiting tanong nito sabay umang sa kamay na may hawak na cookie. Pumikit naman si Churie sabay kalma sa sarili. “That cookie looks good, baby. Pero nasaan nga pala si Nana Lani mo?” tanong niyang inilibot ulit ang mga mata sa loob ng music room. “Sabi n-niya po ay magc-cr daw po siya.” Nangunot naman ang noo ni Churie. “Then who gave you these cookies?” Mabilis na dinampot ni Churie ang bowl. “The he-helper, Mommy.” Dahil sa sinabi nito ay mas kinabahan pa si Churie. “Come here, little man. Hanapin natin si Nana Lani mo. Leave the cookie on the table. Babalikan na lang natin ’yan later.” Nang tumayo si Ciro mula sa pagkakaupo sa silyang g

