Kasama ni Zader ngayon ang kaniyang tactical team nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha naman niya ito at mabilis na sinagot kahit sa mapa pa ng buong Prestige City nakatuon ang atensyon niya. “Hindi ka magtatagumpay sa mga plano mo. Hindi mabilis bulahin si Zader. I would like to say na hanggang pangarap mo na lang siya! Oh, hindi rin ’yon mangyayari. Not even in your wildest dreams!” “Hello? Churie? Mahal? Mahal!” Pinagmasdan ni Zader ang kaniyang phone bago muling dinala sa kaniyang tainga. ‘I swear, boses iyon ni Churie.’ Nakikita pa ni Zader ang pagbibilang ng minuto sa kaniyang phone, hudyat na connected pa rin ang tawag. Ang tauhan naman ni Zader ay panay ang senyas na ipagpatuloy niya ang tawag at kung maaari ay pahabain pa ito. “Ah! No! Ang anak ko, Ciro! Ciro!” Namilog

