Labis ang pagpupumiglas na ginagawa ni Erish. Ramdam niya ang pananakit ng kaniyang braso ngunit patuloy pa rin siya sa paglaban sa mga may hawak sa kaniya. “Ahhh!” sigaw niya nang itulak siya ng dalawang lalaki sa loob ng isang silid. Nandidiri pa siyang tumayo sabay himas sa sikong tumama sa sahig. “Wait! No! Don't leave me here alone! Get back here! You, morons!” “Makikita mo! I warned you! I already warned you! Gaganti ako! Gaganti ako!” Halos mapigtas na ang lalamuna ni Erish sa kasisigaw, matapos siyang iwan ng dalawang nakaputing lalaki na kumaladkad sa kaniya paalis sa observation room kung saan naroon si Churie. Sa kaniyang palagay ay medyo malayo na siya sa kinalalagyan ng mga ito dahil mahaba-habang paghila rin ang ginawa sa kaniya. “Ang walang hiya. The audacity of that dis

