Panimula
WARNING: MATURE CONTENT ‼️
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
There are some words that may not be suitable for young readers.
Panimula
PAGKAPASOK ni Everlee sa kuwarto nila ni Pace ay natigilan siya sa mga ungol na nanggagaling sa loob. Nakapatay ang lahat ng ilaw. Pero bukas ang pinto ng kanilang kuwarto.
Napatingin siya sa sahig. Kita niya sa sahig ang nagkalat na mga damit. Dahan dahan niyang pinulot isa — isa. Kilala niya ang ibang mga damit, niyakap niya iyon at dahan — dahang naglakad. Pilit niyang sinusubukang 'wag makalikha ng ingay upang 'di mabulabog sila.
"F^ck! Sige pa, P-Pace. A-Ahhh..." rinig niyang ungol habang dahan dahan niyang inihahakbang ang kanyang mga paa papunta sa switch ng ilaw.
Mariin niyang natutop ang bibig. Nanlalaki ang kanyang mga mata, kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.
"D*mn! So good. O-Ohhh...." boses iyon ni Pace. Boses iyon ng magaling niyang asawa. Sarap na sarap ang tono nito. Naaninag ni Everlee ang pang^ng^b*yo ng babae sa ibabaw ng kanyang sariling asawa.
'Di siya mapansin dahil parehong abala sa sarap ng sensasyon na nararamdaman. At halos wala silang pakialam sa paligid nila.
"Mga h^yop sila!" Paulit — ulit iyong isinasambit ni Everlee sa kanyang isipan. Paano nagawa ng kanyang sariling asawa ang lokohin siya. Kanina pa nagngingitngit si Everlee sa galit. Parang sasabog na ang d^bdib niya. Mariing napapapikit na lamang siya at panay ang pagtulo ng mga luha niya.
Nanginginig ang kamay na inabot niya ang switch ng ilaw at biglang lumiwanag ang buong kuwarto.
Natulos si Everlee sa kanyang kinatatayuan. Nanlalaki ang kanyang mata habang titig na titig sa dalawang nilalang na nakahubad sa ibabaw ng kama. Dumadaloy sa kanyang mga mata ang masaganang luha.
Nagulantang sina Pace at Zoya nang lumiwanag ang buong kuwarto. Napabangon sila sa kama at nilingon ang mapangahas na nagbukas ng ilaw.
"F^ck! Sino bang nagbukas ng ilaw?" Sigaw na untag ni Zoya.
"L-Lee..." usal ng nabiglang si Pace na ang mata'y nakatingin kay Everlee.
Nagpapalit — palit ng tingin si Zoya kay Pace at sa babaeng kanina pa nakatayo malapit sa switch ng ilaw.
"Pace, who's that girl?" Nakataas ang isang kilay ni Zoya na tanong, ang mata ay nasa dako ni Lee.
Halos walang salita ang lumabas mula sa bibig ni Everlee. Nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa asawa niyang walang kagalaw galaw na nakatitig din sa kanya.
"A-Ah, she's a m-maid," sagot ni Pace na napaiwas ng tingin kay Everlee. Hindi niya kayang salubungin ang mga matang iyon ni Lee.
Natigagal si Everlee sa namutawi kay Pace. Katulong siya dati sa bahay ng mga Raven. Pero asawa na siya ngayon ni Pace. Nagpakasal sila isang taon na ang nakakaraan.
"Tell her to go out! Istorbo naman, oh," naiinis na sabi ni Zoya, humiga siya at nagkumot na tumalikod kay Pace.
Panay pa rin ang pagtulo ng mga luha ni Everlee sa kanyang mata. Nakatitig pa rin sa kanyang asawa na mayroong babaeng kasama sa mismong kama nila.
Agad na bumaba sa kama si Pace nang mahimasmasan. Pinulot niya ang kanyang boxer shorts at isinuot. Hinawakan niya si Everlee sa braso. Kinaladkad niya ito palabas ng kuwarto.
"Why you're not knocking the door?" bungad na madiing tanong ni Pace. Panay ang tingin sa pintuan ng kuwarto. Inaalalang baka lumabas si Zoya at madatnan sila.
Iyon lang ang sasabihin nito sa kanya. Sana nagpaliwanag ito sa kanya sa kanyang mga nakita. Niloloko siya ni Pace. May ibang babae ito at sa loob mismo ng kuwarto nilang mag-asawa gumagawa ng milagro. Doble — dobleng sakit ang nararamdaman ni Everlee ngayon. Para siyang nagkapiraso — piraso. Niruyakan ni Pace ang kanyang buong pagkatao. Pagkatapos iyon lamang ang sasabihin sa kanya.
Malakas na sinampal ni Everlee si Pace. Napabiling lang ang mukha nito at ni hindi ininda ang malakas niyang sampal.
"Ang kapal ng mukha mo! May pinuntahan lang ako sandali. Tapos madadatnan kitang may ibang babae sa kuwarto natin. Wala na ba kayong ibang mapuntahan? Sa loob pa mismo ng kuwarto natin, nakikipag-s^x ka sa kabit mo!"
Huminga muna ng malalim si Pace saka hinarap si Everlee. "She's not my mistress. Hindi ko siya kerida o kahit ano pang tawagin mo kay Zoya. She is my wife. Kaya ang mabuti pa pumunta ka na sa guest room. Pansamantala doon muna ang magiging kuwarto mo," kaswal niyang sabi pero may diin ang salitang 'wife'.
Nagpanting ang tenga ni Everlee. Ume-echo ang mga katagang iyon sa tenga niya. Asawa niya ang babaeng nasa loob ng kuwarto nila? Eh, sino siya dito? Ano ang papel niya kay Pace? PInakasalan siya ni Pace, ibig sabhin asawa siya nito.
Ibig bang sabihin, dalawa silang asawa ni Pace? Paano nangyari iyon?
Naguguluhang tumingin si Lee kay Pace. "Asawa mo ang babaeng 'yon? Ano mo pala ako dito sa bahay mo? Di ba, kasal ka sa akin? Paano nangyari na sa dalawang babae ka nagpakasal?" Napakarami niyang tanong. Ang gusto sana niya ay marinig ang isasagot ni Pace. Pero, sa nakikita niya ang dami nang kasinungaling na kuwento ang asawa niya.
Napasuklay si Pace sa kanyang buhok. Nahihirapan siyang ipaliwanag kay Everlee ang lahat tungkol sa sitwasyon nila.
"Zoya is my wife. We got married three years ago sa US. She left the country and after two years, bumalik siyang muli sa akin." Ang paliwanag ni Pace.
Natulos si Everlee sa kanyang kinatatayuan. At bigla siyang nanghina sa natuklasan. Nangingilid ang luha niya sa mata na tumingin kay Pace. Hanggang sa 'di na niya napigilan na bumagsag ang luha sa kanyang mga mata.
"I-Ibig sabihin ba nito a-ako ang k-kabit?" Kahit siya ay hindi rumerehistro sa utak niya ang tanong niyang iyon. Matalim niyang tinignan si Pace. "Sagutin mo nga! Ginawa mo akong kabit sa loob ng isang taon nating pagsasama! Bakit mo nagawa 'to? Nagtiwala ako sayo. Akala ko mahal mo rin ako. Niloko mo ako, Pace..."
Marahang napatango si Pace at napayuko. Nang mag-angat ng ulo sa kanya. "I'm sorry. Hindi ko alam na babalik siya. Ang akala ko tuluyan na akong iniwan ni Zoya. Aaminin ko na nahulog ako sayo. But she comeback. This house is built because of her. Ang lahat ng kagamitan at detalye dito ay si Zoya ang pumili. Patawarin mo ako, Everlee. Pero mahal ko pa rin si Zoya."
Mas masakit pa iyon kesa sa nahuli niya si Pace na may kasamang babae. Para siyang sinaksak ng kutsilyo sa puso. Halos madurog siya sa narinig na mahal pa nito ang dating asawa.
Minahal naman niya si Pace. Ibinigay niya ang lahat para sa asawa. Naging mabuti siyang asawa.
Tumalikod si Pace kay Lee at iniwan ito upang balikan ang asawa sa kuwarto.
Napasandal si Everlee sa pader at napahagulhol ng iyak. Sinusundan na lang ng tingin ang papalayong asawa. Mali, hindi niya pala asawa si Pace. Kabit siya ni Pace. Ang totoong asawa ay ang nasa loob ng kuwarto.
Sa pagkapasok ni Pace sa loob ng kuwarto ay nakahiga na si Zoya sa kama at mahimbing na natutulog. Napailing na lang siya at tumabi ng higa. Hinalikan niya ang exposed na balikat nito.
"I want to sleep, Pace. Nawalan na ako ng gana nang pumasok bigla ang katulong mo sa kuwarto. Bakit ba pumasok 'yon dito? She's not supposed to come inside our room. Lalo't gabi na. Ano bang kailangan niya?"
Humiga si Pace inunan ang mga palad at napatingin sa kisame. "Hindi niya alam na may tao. Kadarating mo lang, di ba? Wala pang nakakaalam na nakauwi ka na. Even mom and dad don't know you're here with me." Pagdadahilan niya kay Zoya. 'Di niya maamin kung sino si Lee sa buhay niya.
Humarap ng higa si Zoya sa kanya. Napalingon si Pace at umayos ng higa. Ngumiti ng pagkatamis tamis ang asawa niya. "Babe, I know na masama pa rin ang loob ninyong lahat sa akin, dahil sa pag-alis ko noon. Pero ngayon nagbalik na ako hindi na ako ulit aalis. Samahan mo akong kausapin si Tita Chloe at Tito Alejandro bukas. I will explain to them everything. Alam ko naman na maiintindihan nila ako dahil ako ang paborito nilang manugang," ani nito at sumiksik sa kanya. Inunan ang kanyang dibdib.
Iniyakap naman ni Pace ang kanyang mga kamay sa beywang ni Zoya. Nasa isip niya si Everlee, nasaktan niya ito at walang kapatawaran ang ginawa niyang panloloko.