Jack Nakabalik na kami sa mansyon. At kasalukuyang ginagamot ni Tracy ang sugat ko. "Ouch!" Napadaing ako nang bigla nitong diinan ng bulak na may alcohol ang sugat ko. "Dahan-dahan naman!" saway rito ni Myton. Nakita ko na napangisi ito. Mukhang sinadya nito na diinan ang sugat ko. "Bakit parang ikaw ang nasaktan? Si Jack ang ginagamot ko, ah. Concern ka na ngayon sa kaniya?" nang-aasar na tanong nito kay Myton. "H-hoy! Ano'ng pinagsasabi mo riyan? At tsaka bakit ba nandito ka na naman? Bakit hindi ka pumirmi roon kay Glen?" sita ni Myton kay Tracy. Bago pa sila magtalo ay sumabat na ako. "She's here for the mission," sabi ko. "Bakit ikaw ang sumasagot? Ikaw ba si Tracy?" masungit na tanong ni Myton sa 'kin. "Fine. Ako na ang sasagot. Nandito ako para maki-balita sa misyon. T

