Jack "Someone tried to kidnap you. Noong nagpunta ka sa comfort room. Doon sa wake ni Kelsie. Hindi mo ba maalala kung ano ang nangyari?" tugon ko nang makabawi ako. Napahawak naman si Myton sa ulo niya. Pilit inaalala ang nangyari. "Biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko. Iyon lang ang huli kong naalala." "They tried to kidnap you. Mabuti na lang naisipan kitang sundan." Sinulyapan ko siya pero binalik ko rin agad sa daan ang tingin ko. "So, it means that they are really behind Kelsie's death?" Nakita ko na naikuyom nito ang kanyang kamao nang muli ko siyang sulyapan. "Siguro nga. Dahil sinubukan nilang kunin ka sa burol ng kaibigan mo. Pero hindi pa tayo sigurado sa motibo nila. Maaaring may iba pa silang dahilan kung bakit nila pinatay si Kelsie. Kaya 'wag mong sisihin ang sa

