Para akong nawalan ng kaluluwa nang matanggap ko ang tawag galing sa school ni Shawn. I even had to slap myself to be able to believe that it was real.
“Is this Miss Margaux Marbel?” The urgency in the principal's voice kept me nervous.
Nasa ospital ako at busy sa mga pasyente. I wouldn’t even plan on taking the call if it wasn’t Shawn's school.
“Speaking. Bakit po?” I tried to calm down kahit may kung ano sa aking kinakabahan na dahil sa posibleng nangyayari.
I texted Quinn to fetch Shawn at 3:30. Hindi niya ako nireplyan kaya kinulit ko siya. Siguro naman ay nandoon na iyon at kasama na niya ang anak ko. Quinn may be a grade A asshole but I believe he would take care of my son.
He should try and hurt Shawn and he will see!
“Ma'am, si Shawn po, dinala po namin sa ospital.”
Para akong natabunan ng buong building nang marinig ko iyon. Paano? Shawn's with his father! Paanong school ni Shawn ang tumatawag sa akin?
Dali dali akong nag-ayos ng gamit. “Saan pong ospital? Bakit po?”
Halos manginig ako sa pagbubukas ng pinto ng opisina ko habang hinihintay ang s**o ng principal. Damn it.
“Nabangga po kasi siya ng bike, Miss. May mga galos at parang nagkafracture rin. Sa ospital po ninyo namin siya dinala…”
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon. May mga sinabi pa siya ngunit hindi ko na iyon inintindi.
Galit na galit at sobrang ninenerbyos akong tumakbo pababang ER. Hindi ko na nga hinintay ang elevator dahil nasa 11th floor pa iyon.
Tinakbo ko ang hagdan at pagod na pagod na tumakbo sa ER. Nakita ko roon sina Theo at ang iba ko pang mga kasamahan.
Patakbong sumalubong sa akin si Deonna. Mainit at mahigpit akong niyakap.
“Where's my son?” nanginginig na tanong ko.
Theo looked at me with worried eyes. Nang matapos akong yakapin ni Deonna ay siya agad ang lumapit sa akin para yakapin ako.
“Sorry, Margaux.” Iyon ang sinabi niya sa akin.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Galit na galit ako kay Quinn. Simpleng bagay lamang na pagsundo sa anak ko ay hindi man lang niya nagawa!
Kung sana ay inabisuhan man lamang niya akong hindi niya masusundo o mahuhuli siya sa pagsundo, wala sanang ganitong nangyari.
Kumalas ako sa yakap at agad na nagtext kay Quinn. I don’t want to hide how angry I am right now. At him. Dahil putang ina niyang lalaki!
To: Guevarra
I CAN HANDLE YOU f*****g WITH ME BUT NOT WITH MY SON! YOU’RE A REAL MOTHERFUCKER, ASSHOLE! DON’T SHOW YOUR FACE TO SHAWN EVER AGAIN!
Wala akong ibang nakikita. All I'm seeing is red and I feel like I could kill someone this instant.
It wasn’t enough that he left me lost and broken. Now, he's breaking and hurting my son.
I swear I'm going to sin!
Ilang beses nagring ang cellphone ko at alam kong si Quinn iyon. Gusto kong sagutin pero alam kong hindi ko siya kayang awayin ngayon dahil humahagulgol ako.
Ipinasok nila si Shawn sa operating room para sa open reduction. s**t! My son's just a kid!
Muling nagring ang cellphone ko at nakitang si Quinn iyon.
Agad kong sinagot at sinigawan siya. I don’t care if people saw me. They don’t know hard and painful it is to see my only baby go through something like this.
“f**k you, Guevarra! If something bad happened to my son, I’m never going to forgive you.”
Hingal na hingal ako pagsigaw ko. Namamaos na rin ako. I have cried nonstop. I haven’t even cried this hard beforem
“What happened?”
Gusto ko siyang saksakin nang paulit ulit hanggang sa magsawa ako. I don’t care if I go to jail. I can never tolerate this.
“You’re not a parent. Kahit kailan, hindi ka niya naging Daddy. You’re just one horny creature who would do everything to satisfy your libido! Now what? If Shawn doesn’t survive this, I’m going to kill you. This is not even a threat!”
Alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao rito. Maging si Deonna ay pinapatigil na ako.
Theo was holding me, telling me to calm down. But I can't.
“Look, Margaux, calm down… Please, tell me where you are.” Ani Quinn pero wala akong naiintindihan. Nahihilo na ako. Malamang ay dahil sa kakaiyak at kawalan ng tulog kagabi sa kakaisip kung anong mangyayari kay Shawn sa bahay ni Quinn.
“Margaux!” iyon na ang huli kong narinig bago nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Pero pagkagisin ko ay kasagutan si Theo sa labas ng room ko.
“You were supposed to pick him up, asshole. If you were just true to your words, wala sana rito ang mag-ina mo!” Sigaw ni Theo ang naririnig ko.
Umupo ako sa kama at hinilot ang sentido. Naalala ko na ang nangyari. Si Shawn! Kamusta na ang anak ko?!
“Hindi ko alam na ganun ang mangyayari. Kaya pwede ba? Papasukin mo ako! I need to see Margaux!”
Tila nag-alab ulit ang galit sa loob ko nang marinig amg boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Quinn iyon.
“She's damn resting! And you should know your place!” angil ni Theo.
I heard Quinn scoff. “Know my place? Baka iyo dapat ‘yan?! Know your place, doctor, because you are not a part of our family!” Galit na galit si Quinn. Pero huwag niya akong makausap-usap dahil mas galit ako sa kanya!
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Quinn na sobrang gulo ng buhok. Meron rin siyang pasa sa gilid ng labi.
Nagkatitigan kaming dalawa. Lumapit siya sa akin.
“Margaux…” Aniyang parang nagmamakaawa at nagsusumamo.
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. No amount of apology could calm me right now. I'm beyond mad. Too angry to even see reason.
The only thing I could think about is my son.
“Theo, kamusta si Shawn? Tapos na ba iyong operasyon?”
Natigilan si Quinn sa pagbabalewala ko sa presensya niya. I'd rather a ghost than him!
Theo walked towards me. Umupo siya sa paanan ng kama at hinaplos ang balikat ko.
“He's in the recovery room.” Aniya. “Anim na oras ka ring walang malay.” Dagdag nito.
Tumango ako at mahinang ngumiti. “Can I see him?” Tanong ko.
Umiling ito. “Huwag daw muna. Mas lalo ka lang maistress kung makikita mo si Shawn. Ayos na siya at ililipat na rin dito pagkatapos ng dalawang oras.” He explained.
I sighed in relief. Pansin ko rin ang pagbuntong hininga ni Quinn sa gilid ko.
I wanted to roll my eyes so bad. But everyone knows me. I can yell at you when I'm frustrated but then if I reached my limit, kahit maglupasay ka sa harap ko ay hindi kita pagtutuunan ng pansin. Someone can die in front of me for all I care.
Theo looked concerned. “You should rest first. Inaasikaso ni Deonna si Shawn.”
I nodded. “Thank you. I don't know what I would do without you.”
Ngumisi si Theo. “Of course, we'll always be here for you. Now, rest and save energy for Shawn. I'm sure he needs a mother when he wakes up.”
I smiled and nodded. He's right. I need to be stronger for my son.
Humiga ulit ako sa kama. Pinanood ako ni Theo bago tumunog ang phone niya. “Yes? Oh…oo. Sige. Papunta na ako. Oo. Pakisabi hintayin lang ako nang konti.” Ibinaba niya ang tawag at tumingin sa akin. “May pupuntahan lang akong pasyente. Babalik rin ako.” Aniya.
Tumango ako at ngumiti. “Sige na. You’ve helped me bunch today. Kaya ko na.”
Parang nagdadalawang isip pa si Theo. Pero nang nginitian ko siya ay tumango siya agad. “Babalik rin ako.” Aniya.
Tumango ako at pinanood siyang lumabas ng kwarto.
Katahimikan ang bumalot sa buong room. Walang nagsasalita.
Sinubukan kong pumikit at magtulug-tulugan pero nang maramdaman kong nasa paanan ko siya at hinawakan ang binti ko, mabilis akong dumilat at inilayo ang paa.
“What the f**k is your problem? Umuwi ka na!”
Umigting ang bagang niya at pagod akong tinitigan. “Margaux, please. I want to be here for you and for our son.”
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. “You’re not needed. You weren’t even there in the first place.” Sagot ko. Galit na galit pa rin ako. “Kung hindi ka nagpakita, kung hindi ka niya nakilala, kung hindi ka nanggulo…” Tears started brimming in my eyes. “This wouldn’t have happened!”
Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Quinn.
“This is your fault! All your fault!” I yelled at him and hit him multiple times until he embraced me tight so I could calm. But no. I won’t calm down.
“This is your fault. My son’s hurting because of you…” Paulit ulit ko iyong sinasabi habang paulit ulit rin siyang humihingi ng tawad sa akin.
“I’m sorry. I’m so sorry, Margaux…” Bulong niyang paulit ulit habang wala akong magawa kung hingi umiyak.