Quinn

1713 Words
I’m watching Margaux sleep. On the other side is my son who just finished his operation successfully. Sobrang sakit ng puso ko habang tinititigan si Shawn. I can’t help but feel guilty for ditching him. Putang ina! Sa dinami rami ng batang mababangga, bakit si Shawn pa? Hinaplos ko ang mukha ng anak ko. Hindi ko mapigilang maiyak dahil alam kong ako ang rason kung bakit siya nakahandusay sa kama ng ospital. He should be with me, playing with me tonight because he wanted a sleep over. Then I looked at Margaux again. Sobrang putla niya. Ang sabi ni Deonna ay hindi pa siya kumakain ng kahit ano. Napagod pa siya sa kakaiyak at siyang naging dahilan kung bakit siya nakatulog. I could only imagine how frustrated she is right now. Limang taon niyang inalagaan si Shawn at ngayon lamang ito nangyari sa kanya. Ngayong nandito na ako. Pilit niya akong pinapaalis pero ayaw ko. I’ve been absent for the past five years. Now, I want to be here for them. I want to be here for Margaux. I want to be here for Shawn, for my son. Kahit ipagtabuyan ako ni Margaux, titiisin ko pa rin. Pagbabayaran ko lahat ng kasalanan ko basta huwag lang akong mawala sa buhay ng anak ko. I can endure Margaux and all the hurtful and hateful words she would throw at me. I can endure all the pain. I just want to be with my son now that he’s hurting. My phone suddenly rang. It was Louise. Tumikhim ako. Hindi ko mapigilang isiping, kasalanan namin ni Louise ito. She asked me to be with her tonight. At dahil hindi ko masabi sa kanya ang totoo, napabayaan ko ang anak ko. I know it’s wrong to blame someone else, especially Louise who doesn’t know about my son. Pero habang nakikita ko si Shawn at si Margaux na nakahiga sa kama ng ospital ay hindi ko mapigilang may mamuong inis sa puso ko. Pinatay ko ang tawag. Hindi ko siya kayang kausapin ngayon. I don’t want to betray my son. I want to be here for my son. Bumalik ako sa paanan ng kama ni Margaux. Hindi ako makatingin sa kanya nang hindi nakakaramdam ng inis sa sarili ko. It wasn’t enough that I left her five years ago to go all through this alone. Now, I had to hurt the one she loved the most. Margaux stirred in her sleep. Naningkit ang mata ko nang bigla siyang bumangon. “Shawn!” Parang takot na takot ang boses niya. Luminga-linga siya at nakahinga nang maluwag nang makita si Shawn na nakahiga sa kama sa tabi niya. Pinilit niyang tumayo at tutulungan ko na sana siya pero hinawi niya ang kamay niya. “Umalis ka na.” Malamig na sabi niya. Naglakad siya papuntang kama ni Shawn. Kita ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata habang hinahaplos ang mukha ng anak namin. Pumikit ako dahil nasasaktan ako. Kahit na sinabi na ng Orthopedist na maayos na si Shawn at kailangan lang ng ilang buwan para makabalik sa dati, hindi pa rin ako matahimik. Hell! Even Margaux who’s a doctor herself looked so worried. Paano pa ako? Umupo si Margaux sa tabi ni Shawn at pinagmasdan lang ang anak namin. This scene breaks my heart the most. It makes me blame myself over and over again. Hindi ako kinausap ni Margaux. I expected that. Hindi niya ako papansinin. Magpapanggap siyang wala ako sa kwartong ito. She’s probably very mad at me. If I were she, I would feel the same way, too. I cleared my throat to get her attention but she didn’t even budge. “Nagugutom ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Kita ko ang pag-irap niya sa akin kahit na kay Shawn siya nakatingin. No, Quinn. Hindi ka dapat sumuko sa simpleng irap lang niya. Alam mo na iyan, matagal na. Mataray talaga si Margaux kahit noon. “Magpapadeliver ako ng pizza. Ano bang gustong flavor ni Shawn?” I probed again. Tiningnan niya ako. Her eyes were cold and there were no emotions in them. “Bacon and pepperoni.” Nagulat ako nang sagutin niya ang tanong ko. Okay, I was expecting another glare, not an answer. But this is better. Basta para kay Shawn, isasantabi ni Margaux ang lahat. Kahit ang galit niya para sa akin. Tumango ako at nagsimula nang hanapin ang numero ng pizza parlor. Inorder ko ang gusto ng anak ko at dinagdagan ko pa ng pasta para kay Margaux. I remember she loved pastas—lasagnas to be exact. “Darating iyong pagkain in fifteen minutes.” Sabi ko. Tumango lamang si Margaux at hindi inalis ang mga mata niya kay Shawn. She’s holding onto our son’s small fingers sadly. Naglakad ako palapit sa kanila. “I’m really sorry.” Humugot ako ng malalim na hininga. Alam kong walang patutunguhan ang sorry ko pero kailangan ko iyong sabihin. I want her to know that I am truly sorry for what happened to Shawn. Tumikhim si Margaux. “Where were you anyway? Akala ko pa naman ay excited kang makasama ang anak ko.” I almost flinched with the possessive pronoun she used. Hanggang ngayon ay hindi niya kikilalaning anak ko rin si Shawn. I bit my lip. “Papunta na dapat ako pero tumawag si Louise sa akin…” Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga ni Margaux. I don’t want to tell her this but I don’t want to lie. I want her to know the truth. Ako na ang bahalang magbayad sa kasalanan ko. “It turns out na may usapan pala kami ngayong gabi.” Hirap na hirap akong sabihin iyon dahil ipinapaalala lamang noon na wala akong kwentang ama. “And you chose her over Shawn.” It wasn’t a question. It was a statement and I was hit right on the right place. Masakit. “Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol kay Shawn. Natatakot akong hindi niya tanggapin ang anak natin.” Bahagya siyang tumawa. Tiningnan niya ako gamit ang galit na galit na mga mata. “If you can’t tell her about Shawn, then maybe you have to forget about him.” Aniyang sobrang tumagos sa puso ko. “Kung hindi mo rin naman pala kayang mawala si Louise sa’yo dahil kay Shawn, bakit mo pa gustong makausap si Shawn? Why do you still want to be close to my son?” I pursed my lips in a thin line. “If Shawn isn’t worth your relationship with her, then how about forget about being a father to my son? Don’t worry. Kaya ko namang palakihin ang anak ko. I’ve been doing that all his life.” Nanliit ang mga mata ko sa kanya. How can she easily just shove me away? Bakit ba gusto niyang solohin na lang ang anak namin? I have the right, too. I have rights to Shawn because he’s also my son. Hindi niya ginawang mag-isa si Shawn! “It’s not because of that, Margaux.” Sabi ko. Tumaas ang kilay niya. “If I let you choose now, Shawn or Louise, sino ang pipiliin mo?” Tumikhim ako. “I want to be a father to our son.” Sagot ko. “That doesn’t answer my question.” “Because it’s pointless to choose. Mahal ko sila pareho.” Ngumisi siya. “You don’t love them equally.” Sagot niya. “I do.” “If you do, bakit ganito ang nangyari sa anak ko? If only you were man enough to risk for my son. Kahit iyon lang. Sana hindi nangyari ito.” Kita ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. “You don’t know how excited he is when I allowed him to stay at your place. Hindi mo alam kung gaano siya kasaya nang malaman niyang may daddy rin pala siya kagaya ng mga kaklase niya.” She wiped her tears and my heart is clenching. I can’t see Margaux crying like this. Para akong tinutusok nang maraming kutsilyo sa sobrang sakit. Para akong pinapatay sa sakit. Humakbang ako at niyakap siya. Nagpupumiglas ito pero hindi ko hinayaang makawala siya. “I’m sorry, Margaux. I promise I’ll be better.” Bulong ko. Humagulgol sa dibdib ko habang sinusuntok niya ako. I kept apologizing and asking her not to shut me out of their lives. Shawn is a part of me. Hindi pwedeng mawala ako sa buhay ng anak namin. Patuloy ang pag-iyak niya nang biglang magising si Shawn. “Mommy, why are you crying?” Napatigil si Margaux at napatingin kaming dalawa kay Shawn. He looks so weak. It breaks my heart to pieces. Agad-agad pinunasan ni Margaux ang luha niya at niyakap si Shawn. He blinked a few times. He should feel lost right now. “I’m so glad, Baby. I’m so happy that you’re awake.” Iyak ni Margaux habang yakap-yakap si Shawn. I am touched by this scene. Seeing Margaux hug our son is giving me all these feelings and emotions that I haven’t felt ever. Kahit si Louise ay hindi pa naipaparamdam ito sa akin. “Daddy!” Maligayang sabi ni Shawn sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Kumalas si Margaux sa yakap niya kay Shawn at tumikhim. “How are you, big boy?” Tanong ko. Ngumiti si Shawn. “I’m fine, Daddy.” He actively said then he frowned. “Where am I? Why do I have this?” He asked as he pointed at his right arm. Hirap na hirap na umupo si Shawn sa bed kaya tinulungan siya ni Margaux. Ayaw pa sanang paupuin ni Margaux si Shawn pero nagpilit ang anak namin. He’s stubborn. Like his mom. “You were a really strong boy, Shawn. You’ve lived past a broken bone!” Pabiro kong sinabi at tumawa si Shawn. “Come here, daddy!” Aniya at iginiya ang space sa tabi niya. Pinapaupo niya ako roon. I bit my lip and looked at Margaux. She’s passionately staring at our son. Tears are still brimming in her eyes and damn I want to wipe all those away. Naglakad ako palapit kay Shawn at umupo sa tabi niya. Madaldal siya at maraming sinasabi. Akala ko ay medyo manghihina pa siya dahil kakatapos lang ng operasyon pero hindi. He’s still active. My son is really strong. “Mommy! Are we going to live in one house now?” He asked and Margaux and I stared at each other. She smiled at Shawn. “Yes, Baby. Daddy is going to live with you from now on.” Gulat na gulat si Margaux nang marinig niya iyon sa akin. Shawn looked at me and smiled. He was already celebrating and I can’t help but smile. Whatever makes my son happy, makes me happy.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD