Ilang araw pa si Shawn sa ospital. Bawat araw ay naroon si Quinn. Tuwang tuwa si Shawn dahil lagi niyang nakakasama ang daddy niya. Mas lalo pa itong natuwa nang malaman niyang titira sa amin si Quinn.
Hindi pa ako pumapayag doon. Pero kapag nakikita kong sobrang saya ng anak ko ay wala rin naman akong magawa.
“He’s the father.” Deonna told me. Nasa opisina niya kami ngayon dahil nagtatanong ako kung ano ang gagawin ko sa kagustuhan ni Quinn na tumira sa bahay.
“Gusto niyang tumira kasama namin ng anak ko.”
Deonna nodded. “Syempre. Siya ang ama.” Sagot niya.
I shook my head. “Hindi ganoon iyon. Hindi dahil siya ang ama ay dapat na kaming tumira sa iisang bubong.”
Nagkibit lamang si Deonna. “Pero gusto niya kayong makasama sa iisang bubong. Is that not a sign? Maybe he wants to get back with you.” Aniya.
Gusto kong masuka sa sinasabi ni Deonna. Get back with me? Is she insane?
“Nasabi ko naman na sa iyong may girlfriend siya.” Sabi ko. “Pinili nga niya ang babaeng iyon kaya naaksidente ang anak ko.”
“Anak niyo.” She corrected. “maybe you should start acknowledging him as the father.”
“I acknowledge him.”
“Pero inaangkin mo ang anak niyo.” Aniya.
I narrowed my eyes at her. “Anak ko si Shawn. I’ve been a father and a mother to him. I have the right to call him my son.”
“So does he,” ani Deonna. “Ginawa niyo si Shawn. You didn’t conceive alone.”
“He left me.”
“You didn’t tell him you have a child.” She shrugged.
I rolled my eyes. Kaibigan ko ba talaga si Deonna? Bakit parang kampi siya kay Quinn?
“I already told you why I kept Shawn from him.” Sabi ko.
She nodded. “Yes. Pero ngayong alam na niyang may anak kayo at hindi naman niya tinatalikuran ito, why do you have to keep your son away? He looked responsible.” Aniya.
Tumikhim ako. Quinn takes care of Shawn, I know that. Pero mahirap nang magtiwala sa kanya gayong alam kong hindi niya pipiliin ang anak ko kapag pinagpili ko siya sa pagitan nila ni Louise.
I don’t want to hurt my son when that time comes. Paano kung sobrang attached na si Shawn kay Quinn pagkatapos ay iwan niya lang ito dahil mas pipiliin niya si Louise kaysa sa anak ko? I can’t see my son hurting. I’d kill if that happens.
“I saw how he took care of you and Shawn. He seemed genuine. Lalo na noong niyayakap ka niya dahil sobrang umiiyak ka.”
Parang may kumukurot sa puso ko. Hindi ko ipagkakailang gumaan ang loob ko nang yakapin ako ni Quinn. I’ve always felt so safe and secured in his arms. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin.
“Maybe you just have to give him a chance to be close to you and Shawn. I can see that he’s trying.” Aniya.
Nagbuntong hininga ako. Wala na ata akong magagawa kung hindi tanggapin ang lahat.
Pagkatapos kong makipag-usap kay Deonna ay tinawag ako ni Dr. Loesco, iyong ortho ni Shawn. Nasabi niya sa aking pwede ko nang ilabas si Shawn bukas kaya naman sobrang pasasalamat ko sa kanya.
Nang matapos ang shift ko ay dumiretso ako sa kwarto ni Shawn. Nadatnan kong tulog si Shawn habang karga siya ni Quinn. Nakabukas ang TV at cartoons ang palabas.
Quinn looked at me and smiled weakly. “Tapos na ang trabaho mo?” tanong niya.
Tumango ako at dumiretso sa fridge para kumuha ng tubig.
“Makakauwi na raw pala si Shawn bukas sabi ni Dr. Loesco.” Ani Quinn habang dahan-dahang ibinababa si Shawn sa kama.
Tumango ako at uminom ng tubig.
“Ako na ang bahala sa bills.” Aniya habang lumalapit siya sa akin.
Tumaas ang kilay ko. “Ako na. Kasama si Shawn sa beneficiary ng health insurance ko.” Sagot ko.
Pinagdikit niya ang labi niya. “I’m sure hindi sasagutin lahat ng insurance mo ang hospital bills. Ako na ang bahala sa excess.” Aniya. Nagulat akong hindi niya ipinilit ang gusto niya ngayon.
Tumango na lamang ako at ibinaba ang baso sa lamesa. “Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong ko habang inaayos ang pinagkainan nila sa lamesa.
Ramdam ko ang titig niya sa akin habang nagliligpit ako ng kalat. Rinig ko rin ang tikhim niya sa likod ko.
“Margaux,” aniya ngunit hindi ko pa rin siya nilingon. “I wasn’t kidding when I told Shawn I’d live with the two of you.”
Napahinto ako sa ginagawa. “You don’t have to do that. Paano na si Louise?” Tanong ko kahit hindi ko pa rin siya tinitingnan.
“I thought I’d tell Louise about Shawn.” Aniya.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Paano kung iwan ka niya?”
Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap ako sa kanya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
“Naisip kong kung talagang mahal niya ako, matatanggap niya ang mga taong mahal ko.” Seryoso ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.
“Pero titira ka kasama ni Shawn. Malamang ay iwanan ka niya.”
Ngumuso siya. “Kung ganoon ay susugal ako.” Aniya. “If Louise doesn’t accept Shawn then it just proves that she doesn’t love me enough to accept everything in my life.”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. “Whatever you do, just don’t hurt my son.” Sagot ko.
Ngumiti siya at tumango. “I won’t ever do that, Margaux. I won’t hurt Shawn.”
Nagbuntong hininga ako at tumango bago tumalikod ulit. May kung anong sakit sa puso ko habang sinasabi niya iyon sa akin. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.
He must really love her.
Hirap na hirap akong isantabi iyon dahil hindi umalis si Quinn. Ang sabi niya ay nagdala siya ng mga damit niya kagabi para hindi na siya umuwi.
Naligo muna ako at nang matapos ako ay nadatnan ko si Quinn na pumupwesto na sa sofa. He’s wearing a white wife-beater and a pair of sweat pants. Hanggang dito ay kita ko ang braso niyang nagsusumigaw sa muscles.
Nilingon niya ako at bigla akong nakaramdam ng hiya. Was I checking on him? Damn!
“Dito ako matutulog. Kayo na lang ni Shawn ang magtabi.” Aniya habang humihiga.
Tumango ako at hinawi ang kumot ni Shawn para doon makahiga. Alam kong pinapanood ako ni Quinn habang ginagawa ko iyon. I couldn’t help but feel conscious that he’s watching me.
Nang iangat ko ang mata ko para matingnan siya ay seryoso lamang siyang nakanood sa akin.
“You should sleep, now, too.” Sabi ko.
Tumango siya at inayos ang blanket niya. “Good night, Margaux.” Aniya.
“Good night, Quinn.”
Nagising ako sa tawa ni Shawn. Nakikipaglaro siya kay Quinn nang imulat ko ang mga mata ko.
Bumangon ako at nakita ko silang nakaupo sa sahig at naglalaro ng trains at cars. Humahagikgik si Shawn habang parang pinapalipad ni Quinn ang train.
Nang makita akong bumangon ni Quinn ay ngumiti siya sa akin.
“Good morning, Margaux.” Bati niya.
Napalingon rin sa akin si Shawn. “Mommy!” Sigaw niya at tumakbo palapit sa akin para mayakap ako. Tumawa ako dahil para pa rin siyang bata.
“Daddy and I are playing cars. He told me he’d buy a toy helicopter with remote!” Masaya niyang sabi.
Ngumiti ako at hinaplos ang mukha niya. “Really? That’s good.” Sabi ko. “You should be good to your Daddy then because he’ll buy you a toy.”
Tumango siya at hinagkan ang pisngi ko bago siya bumalik kay Quinn.
Nakatitig si Quinn sa akin at nakangiti. Hindi ko mapigilang ngumiti pabalik.
“I ordered breakfast.” Ani Quinn. “Ang sabi ni Shawn ay gusto mo raw ng pancakes kapag breakfast.”
Tumango ako at tumingin sa lamesang may mga pancakes, bacon, bread at hashbrowns. Mayroon ring natimplang kape roon.
“Thanks.” Sabi ko at tumayo na sa kama at naghugas ng mukha.
Tahimik akong kumain habang pinapanood ko sina Shawn at Quinn na naglalaro. Nang mapagod si Shawn ay nagpasya itong manood na lamang ng cartoons sa TV. Tumayo si Quinn at naglakad palapit sa akin.
Hinila niya ang upuan at umupo sa harap ko. “Anong oras ang pasok mo?” Tanong niya habang sumisim sa kape.
“Nine.” Sagot ko. “Pero kapag lalabas na si Shawn ay pupunta ako rito.”
Tumango siya. “Pero pwede mo naman nang iwan ang ID mo sa Health Insurance para ako na ang pupunta at mag-aayos.”
“Ayos lang. Wala si Mela kaya pag umalis ka ay walang magbabantay kay Shawn. Tawagan mo na lang ako kapag papauwiin na siya.”
Kumagat siya sa hashbrown.
“Wala ka bang trabaho?” Tanong ko. Lagi kasi siyang nandito.
“Nakabakasyon ako ngayon. Mabuti na lang talaga at nakabakasyon ako dahil hindi ko alam kung makakapag-isip ako nang mayos sa opisina kung alam kong naospital ang anak natin.”
Napatigil ako sa pagkain. Anak natin.Parang may kung anong lumundag sa puso ko nang marinig ko iyon sa kanya.