Quinn

1463 Words
Kanina pa ako inis na inis sa Dr. Loesco na ito. Hindi niya tinatantanan ng titig si Margaux. Kita na ngang nandito ang anak namin at nandito ako, hindi pa rin nagpapaawat sa pagtitig! Matatalim na titig ang ipinukol ko sa kanya habang todo ngiti ito kay Margaux. Just what the f**k?! “Inexplain ko naman na sa’yo, ‘di ba?” Aniya kay Margaux. Ngumiti si Margaux at tumango. “Thank you, Dr. Loesco.” She told him. Dr. Loesco nodded and smiled before tapping her shoulder and winking at her. I clenched my fist when I saw that. Tangina! Hindi ba niya ako nakikita? How dare he flirt with Margaux in front of me and my son? Gaguhan lang?! Nang umalis siya sa kwarto ay doon lamang ako kumalma. Kinukuha ni Margaux ang mga papel sa bag niya at inaayos iyon para mas mapadali ang paglalakad ng discharge ni Shawn. “I have my car outside. Magpapatawag ako ng tutulong para dalhin ang mga gamit doon.” Sabi ko. Tumango si Margaux habang binabasa ang kanyang mga IDs. Nagtungo ako sa may telepono at nagtawag ng pwedeng tumulong sa amin sa pagbababa ng gamit. “Daddy!” Tawag ni Shawn sa akin habang naglalaro ng mga trains nito. Binihisan ko na siya at inayos para sa discharge niya. Ang sabi ni Margaux ay ayaw niyang nagpapabihis pero mabilis naman itong pumayag sa akin. Naglakad ako papunta kay Shawn at nakipaglaro habang naghihintay ng mga kasamang maghahakot ng gamit. “Bababa na ako. Hintayin niyo na lang ako sa lobby.” Ani Margaux. Nilingon ko siya at umiling. “Hintayin na natin iyong mga maghahakot ng gamit para sabay na tayong bumaba.” Tumikhim siya at tila tututol pa pero tumingin kay Shawn. Humugot siya ng malalim na hininga at tumango. “Alright.” Aniya at umupo muna sa kama. Napakagat ako sa aking labi para itago ang ngiting sisilay na. I won’t let her walk alone there with all the men looking at her and thinking she’s single. I’ve seen how that Loesco eyed her. I won’t let others look at her that way. Ang buong akala ko ay si Theo ang problema—hindi lang pala siya. But why am I thinking too much about that anyway? Hindi naman kami ni Margaux. Nandito lamang ako dahil kay Shawn…nothing more. May kumatok sa pinto. Ito na siguro iyong mga maghahakot ng gamit. Binuksan ni Margaux ang pinto para makapasok ang mga maghahakot. “Shawn, keep your toys. We’re going.” Ani Margaux sa anak namin. Mabilis namang inayos ni Shawn ang mga gamit niya at tumayo para lumapit kay Margaux. Sumunod ako at tumayo malapit sa mag-ina ko. Lalaki ang mga maghahakot kaya naman ayaw kong tumayo malayo sa kanila. I don’t know why I feel so protective of Margaux. We’re not in a relationship or anything! “Doc, saan po namin ilalagay ito?” Tanong ni Hayes, iyon ang nakalagay sa badge niya. Nilingon ako ni Margaux. “Sa lobby na lang muna. Magbabayad pa kami.” Sagot ko. Tumango naman ang mga lalaki at nagsimula nang i-load ang mga gamit namin sa trolley. “Let’s go.” Pag-aya ko nang matapos nang ilagay ang mga gamit. Nauna kami nina Margaux at nakasunod ang mga gamit. Kinarga ko si Shawn habang naglalakad papuntang elevator. “Your papers all good?” tanong ko kay Margaux nang nasa elevator na. Tumango siya. “I can really pay for this, Quinn.” Sabi niya. Tumikhim ako. “I’m the father. I will pay.” Matigas kong sabi. Ngumuso siya at tumango. Yes, you can’t do anything, Margaux. My words are rules. Nang makarating kami sa ground floor ay dumiretso kami sa billing office. Dahil kilala si Margaux roon ay napadali ang pagbabayad. Hindi na kami pumila. “Hi, Shawn!” Anang babae sa cashier. “Hi, Tita Ylona!” Bati ni Shawn. “Who’s with you?” Tanong ng Tita Ylona ni Shawn. Niyakap ako ni Shawn sa leeg. “My Daddy!” Masaya niyang bati. Tipid akong ngumiti kay Ylona. Ngumiti rin siya paballik bago lumingon kay Margaux. “I could’ve just paid for it, you know.” Aniya. Ngumiti si Margaux. “I wasn’t the one paying.” Sagot niya. Tumaas ang kilay ni Ylona at lumingon sa akin. “You are?” Tanong niya. “Quinn Leonard Guevarra.” Sagot ko sabay labas ng wallet ko. Tiningnan ko si Margaux dahil ipinapakita niya sa akin kung magkano pa ang babayaran. Naglabas ako ng perang ipambabayad. Cash. Ngumisi si Ylona at saka kinindatan si Margaux. “Thanks, Quinn.” Aniya habang tinatanggap ang pera. Umiling si Margaux at hinaplos ang likod ni Shawn.Her hand brushed my arm and I suddenly froze. Alam kong hindi niya iyon sinasadya pero parang nahirapan akong makagalaw. Nababaliw na ata ako. Nang matapos kaming magbayad ay tinanong ko sila kung nagugutom ba sila. Lunch time na rin kasi at ayokong magutom si Shawn. “Mommy wants Italian restaurant!” Ani Shawn. Tumingin ako kay Margaux na umiiling. “Saan?” Tanong ko. “Kahit saan. Kung saan gusto ni Shawn.” Sagot niya habang nagtitext. Tumikhim ako. Hindi niya ako tinitingnan. Nasa cellphone niya ang atensyon niya at nangingiti pa sa kung sino man ang katext niya. Parang may kung anong nag-aalab sa puso ko. Why is she texting someone when she’s with me? “Where’s your car, Daddy?” Tanong ni Shawn. “That one.” Turo ko sa itim na Range Rover Sport. Inilalagay na nila ang mga gamit doon. Naglakad si Margaux sa tabi ko. “I have my car. I’ll use that and I’ll just meet you at home.” Aniya. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. “Hindi ka sasabay sa amin?” Halatang disappointed ako sa tono ko. Umiling siya. “Walang mag-uuwi ng sasakyan ko.” Sagot niya. “I can let my assistant handle that.” Sabi ko. Damn. Bakit ba desperado akong sakin siya sumabay? Na parang hindi ako matatahimik hanggang hindi siya sa sasakyan ko nakasakay? Tumaas ang kilay ni Margaux. “No. It’s fine. I can drive. You can have Shawn with you.” Aniya bago bumuntgong hininga. “I trust you on this na hindi mo ilalayo sa akin si Shawn. Please bring him home to me, Quinn.” Seryoso siya habang sinasabi iyon. Nanliit ang mga mata ko. Ano bang iniisip niya? Na itatakas ko si Shawn? Is she kidding me? Isinantabi ko ang inis ko dahil alam kong mas malaki pa rin ang kasalanan ko rito. “Saan ang address niyo?” Tanong ko. “Alam ni Shawn. I-Waze mo na lang.” Sagot niya. Hinalikan niya si Shawn sa pisngi bago sinabing magpakabait ito sa akin. Ngumuso si Shawn at tinanong kung bakit hindi siya sasabay sa amin. Ipinaliwanag ni Margaux ang lahat at agad namang naintindihan ni Shawn. Madaling kausap ang batang ito. “I’ll see you at home. I asked Mela to prepare lunch for you. Pero kung gusto niyong kumain sa labas ay ayos lang rin.” Ani Margaux sa akin. Tumango ako. “Doon ako titira sa bahay niyo.” Ngayon ko lang ulit ito sinabi. Natigilan siya pero agad pa ring tumango. “Ipinaayos ko na ang magiging kwarto mo.” Sagot niya. Tumango ako. Ang buong akala ko ay ipagtatabuyan niya pa rin ako kaya laking gulat ko nang sinabi niyang ipinaayos na niya ang magiging kwarto ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. “Thank you, Margaux.” “Whatever makes my son happy.” Aniya. My son. Hanggang ngayon ay inaangkin pa rin niya si Shawn. Nakakainis pero siguro ay ayos na ako sa ganito. At least papatirahin niya ako kasama sila. I think I’ll just have to keep working to make her realize that Shawn is also my son. He’s our son. “Mommy, see you at home!” Ani Shawn habang papasok siya sa loob ng sasakyan ko. Ngumiti si Margaux at kumaway habang nakababa ang bintana sa side ni Shawn. I stared at Margaux’s smiling face. Hindi ko na ata maalala kung kailan ko siya huling nakitang ganito kasaya. Siguro ay sobrang pasakit lang ang ibinigay ko sa kanya kaya ngayong nakikita kong nakangiti siya ay manghang-mangha ako. Her smile is so genuine and it reaches her eyes. She looks so beautiful like she ever did. I couldn’t help but stare. Agad akong sumimangot nang makita ko si Theo sa likod niya. Kaya ba ayaw niyang sumabay ay dahil kasama niya si Theo? “Oh! Bye, Tito Theo!” Laking gulat ko nang kinawayan siya ni Shawn. Kilala niya si Theo? Are they close? Parang iniipit ng dalawang pader ang puso ko habang iniisip kong malapit ang anak namin sa ibang lalaki. Lalo pa’t ngayon lamang ako nakapiling ni Shawn. Suddenly, I was so curious about who my son knows. Lahat ng lalaking kilala ng anak ko. I want to know everything. I want to know everyone! Pinaandar ko ang kotse ko at isinara na si Shawn ang bintana niya. “Do you play with tito Theo?” I asked my son. Tumango siya. “Sometimes he goes to our house with Tita Deonna. We all play together. Sometimes, tito Luke comes, too.” Nanliit ang mga mata ko. “Who’s tito Luke?” tanong ko at tila ba may namumuong kung ano sa puso ko. “He’s Tita Deonna’s husband.” Aniya. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko dadami pa ang problema ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD