Kabanata 20 "Do we have a problem?" Zach asked. Napansin siguro niya na hindi ko siya pinapansin pagkatapos ng meeting niya with that girl! Ano nga ulit ang pangalan noon? Kara Ayaw? Naramdaman kong mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Napatingin ako kay Krissa na katabi ko lang, wala siyang alam na may relasyon na kami ng boss niya! "Answer me, please." Bulong niya malapit sa tenga ko. Hindi ko pa rin sinasagot ang tanong niya, naramdaman ko na lang na hinahalikan na niya ang leeg ko. Hindi ba siya nahihiya na ginagawa niya 'to sa harap ng secretary niya? "Ano ba, Zach!" Reklamo ko. Lumayo ako ng bahagya sa kanya. Nakakahiya kay Krissa! Nakikipaglandian pa sa akin sa harap pa talaga mismo ng secretary niya. Napatingin ako kay Krissa na busy sa mga paperworks pero alam kong napapati

