Kabanata 21 These past few days pansin ko ang sobrang pagkabusy ni Zach sa trabaho. Minsan hindi niya ako napapansin na pumasok na pala ako sa loob ng opisina niya dahil sa sobrang busy niya sa mga papeles na binabasa niya. Nagseselos na tuloy ako. "Kamusta kayo ni Zach?" tanong ni Patricia. Nagka-ayaan kami na magbonding sa bahay namin. Ang plano ay mag-movie marathon lang sa kwarto ko. "Feeling ko parang medyo aloof sa akin si Zach," malungkot na sabi ko sa kanila. "Huh? Diba isang linggo pa pang kayo mag-jowa tapos aloof na agad?!" Vien asked. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko rin maintindihan ang nangyayari. After niya kasing sabihin iyon ay iniwan niya na lang ako at umalis na. The next day hindi siya pumasok buong araw kaya tinext ko siya kaso ang sabi niya ay may important

