WATT 7

2870 Words
Chapter 7 TANGING si Jecca at Kuya Oliver na lang ang bumalik sa cafe noong bandang tanghali since gusto daw ng parents ni Cheska na i-confine ito kahit overnight lang since nagtamo ito ng mild concussion sa nangyari para lang makasigurado. Ayon naman kina Seth at Karl ay may pupunta na sa presinto kung nasaan si Manong Leo para umayos daw ng nangyaring aksidente na siguradong magiging in favor kay Manong Leo lalo na kung wala naman itong kasalanan. "Sana ayos lang talaga si Cheska." Nag-aalalang ani Dani. Kasalukuyan silang papunta sa ospital kung saan naka-confine si Cheska para kamustahin ito, sakay sila sa SUV niya. Nakapagpaalam na rin siya sa Kuya Xander niya na pupunta siya sa ospital bago umuwi. "Okay na siguro iyon kaya huwag ka nang mag-alala diyan." Paggagarantiya ni Jessie rito. "Kung hindi ay hindi iyon naka-online at naglalaro. Bruhang iyon ni-raid at in-attack ako porke nakahilata lang siya habang nagtatrabaho tayo! I'll get my revenge!" Napatawa siya sa sinabi ni Jessie na nakatutok sa nilalaro nito sa cellphone, nakiusyuso na rin si Dani rito habang itinuon naman niya ang tingin sa mga nadadaanan nilang buildings at establishments. Hindi naman kasi siya mahilig sa mga games na iyan, mapa-online man o offline kaya walang kahit anong games sa phone niya, tanging mga apps tulad ng w*****d at kung anu-anong reading apps ang nag-e-exist sa phone niya. "Haze, dalhan daw natin siya ng pizza, pasta at milk tea yung favorite daw niya saka siomai at takoyaki, damihan daw natin." Imporma sa kanya ni Jessie. "Bruhang 'to, na-ospital lang ay naging demanding at matakaw na." Napangiti siya saka binalingan si Karl na siyang driver ngayon. "Sa mall muna tayo, Karl." "Okay, Miss Hazel." Bukod sa mga ni-request ni Cheska ay bumili rin sila ng mga malalaking chips, ilang big bottle ng iced tea, buckets of fried chickens, maraming french fries at maraming burgers. "Hindi kaya maimpatso tayo sa dami nitong binili natin." Komento ni Jessie habang naglalakad sila papunta sa labas kung saan sila susunduin nina Karl. "Pwede ba ito sa pasyente sa ospital?" "Kung hindi, eh di tayo ang uubos. Mainggit ang bruhang iyon." Ani Jessie. "Hazel, ipa-reimburse mo kay Cheska yung mga pinabili niya, ha." Malapit na sila sa exit sa harapan ng mall nang may bumangga sa balikat ni Jessie kaya napahinto sila sa paglalakad at napatingin sa dalawang babae na siguro ay kaedad nila na huminto rin habang nakangisi na tila nangungutyang nakatingin ang mga ito kay Jessie, magkahawig ang dalawa kaya magkapatid siguro ang mga ito. "Ginnie. Gabbie." Poker-faced na recognized sa mga ito ni Jessie. "How's your pathetic life, Jessie?" Ani noong may mahabang buhok na naka-ponytail, sinuri pa nito mula paa hanggang ulo si Jessie na ikinataas ng isang kilay niya. "It looks like you're working as an errand girl, I hope you earn enough to be able to afford college but if it wasn't then I could give you a nicer job with a good pay." Napatawa naman yung may maikling buhok sa sinabi ng kasama nito na para bang joke yung sinabi nito. What the hell?! Sino ba ang mga bruhang ito? "And what kind of job will you give me, huh, Gabbie?" Sarkastikong tanong ni Jessie. "My personal maid, I think it's not quite different from your work right now but you can earn more." Sagot noong Gabbie. "And speaking of college, Jessie. We're going to study at Vardent this coming school year, lucky us, right?" Nakakainis na saad noong maikliang buhok, ito siguro si Ginnie. Napaismid si Jessie at saglit na iniiwas ang tingin sa mga ito. "Lucky? Morelike wealth, with your IQ level I doubt that you passed the scholarship exam who only an alien could passed without bleeding their brains out." Nasamid siya sa sinabi nito para kasing pinapatamaan siya nito. "Baka naman goddess, Jessie." Natatawang sabad ni Dani. "Hindi kasi bagay ang alien doon sa kilala nating nakapasa sa scholarship exam ng Vardent with flying colors." Nakangisi ito nang tinapunan siya ng saglit na tingin nito kaya inirapan niya ito bago pa nito ibinalik ang tingin sa kaharap nila. "I'm happy with my work so I must decline your offer, Gabbie. Besides, I'm go—" "Gabbie, Ginnie, what are you still doing here?" Isang eleganteng matandang babae ang lumapit sa dalawang kaharap nila. "I thought you were in a hurry." "Look who we ran into, Lola." Ani Ginnie kaya napatingin sa kanila yung matanda na kahit may edad na ay bakas pa rin ang kagandahan na taglay nito noong kabataan nito. Nanlaki ang mga mata nito ng mapadako kay Jessie. "Jem, apo." Nginitian ito ni Jessie. "Hi, Lola. How you've been?" "I've been doing great." Saglit na niyakap ng matanda si Jessie. "You grew up so beautifully. How are you? The twins, how are they?" "I'm good, Lola. Jerson and Jerwin are doing good too, they're already 14." Bahagyang ngumiti si Jessie. "How about Lolo?" "Just the same, you know your Lolo so grumpy all the time." Sagot ng matanda. "How about school? You're going to be in college this semester, right? Where are you going to study? I can enroll you at Vardent." Umiling si Jessie. "No need, Lola. I passed the scholarship exam at Felestine University so I got full scholarship and monthly allowance, I'm already enrolled so there's nothing to worry about." "Wow, that's great to hear, apo." Mukhang natuwa ito na sa isang magandang university din papasok si Jessie. "Congratulations." "Thank you." "Ahm...your mom? How is she?" Nag-aalangang tanong ng matanda. "She's doing great especially in her current job." "Would you like to join me and your sisters in shopping?" Yaya rito ng matanda. "Lola!" Kontra noong dalawa. "Shut up." Saway sa mga ito ng matanda. "Ahm...maybe next time, me and my friends need to go somewhere to visit a friend." Paalam ni Jessie. Nalungkot ang matanda sa sinabi ni Jessie. "Okay. Always take care of yourself." Dinampian ni Jessie ng halik sa pisngi ang matanda. "You too." Walang lingon-lingon na tinungo ni Jessie ang palabas ng mall kasunod silang dalawa, saktong pagdating naman nina Karl kaya kaagad silang nakasakay, tahimik at poker-faced lang si Jessie sa buong durasyon ng biyahe nila papunta sa ospital pero hindi naman ito umiiyak. "Are they your family on the hidden side of the family tree?" Pagbubukas niya ng usapan. Nakangiting tumingin sa kanya si Jessie. "Really, Hazel? Hidden?" "Hidden doesn't only means as a secret, it could also means you don't disclosed easily to the people who are not close to you or forgotten part of your life story." Sagot niya. "Eh, di ikaw na nga ang genius goddess." Pang-aalaska nito. "So?" Pangungulit niya. "Do I even need to answer that?" Umiling siya. "Actually, no. I just want to confirm it and not assume about them." "They are." "You resembles your lola." "Yeah and the twins is the exact replica of our father, what we got from our mom are her argentine eyes and dark brown hair." "Mahirap siguro sa mommy mo na lagi kayong nakikita lalo na yung mga kapatid mo." Singit ni Dani. "I don't know, she never—" "Uy, tagalog yung sinabi ko sumagot ka ng tagalog." Bara rito ni Dani. "Kanina pa kayo english nang english malapit na akong mag-nosebleed at magka-brain hemorrhage dito, eh." Napatawa silang dalawa maging sina Karl at Seth sa hirit ni Dani. "Hoy, hindi nakakatawa iyon, ha!" Sigaw ni Dani. "Oo na!" Balik rito ni Jessie. Hindi na sila nagpatulong kina Seth at Karl sa pagdadala ng mga pinamili nilang mga pagkain papunta sa kuwarto ni Cheska sa Saavedra Medical Hospital, hindi naman sila nahirapang hanapin ang kuwarto nito. Isang magandang dalaga na nasa early 20s ang nagbukas sa kanila, binati nila ito at tinanong kung iyon nga ang kuwarto ni Cheska na tinanguan saka sila pinapasok. "Uy, bruha, heto na ang mga request mo." Agaw-pansin ni Jessie kay Cheska na abala sa cellphone nito. Bukod kay Cheska at sa magandang babae na nagbukas sa kanila ay nandoon din sa loob ang isang napakagandang babae at napakaguwapong lalaki, sa tingin niya ay mag-asawa o magkasintahan ang mga ito. Nahahawig si Cheska sa mga ito kaya ang hula niya ay ang mga ito ang parents ng kaibigan nila at malamang ay nasa early or mid-40s na ang edad ng mga ito kahit na ang mga hitsura ng mga ito ay mga nasa late 30s lang. "Sa wakas! I'm starving na." Komento ni Cheska. "Good afternoon po." Bati nila ni Dani sa dalawa. "Nagdala po kami ng mga pagkain." Inilapag namin sa isang 6-seater na dining table malapit sa floor to ceiling glass window wall ang lahat ng dala namin, parang isang malaking studio type apartment ang hospital room ni Cheska. Nginitian sila ng mga ito. "Good afternoon din. Kayo ba ang mga kaibigan ni Cheska sa cafe?" "Opo." Sabay-sabay na sabi nilang tatlo. "We're Cheska's parents." Ani noong lalaki. "You can call us, Tito Francis." "And I'm your Tita Chelsea." Saad naman noong babae. "Ako po si Dani." "I'm Jessie po." "I'm Hazel po." "You're Hazel Nuevareal?" Biglang sabad naman noong magandang dalaga na nagbukas aa kanila, nagulat at nagkatinginan silang tatlo kahit si Cheska ay nagulat sa tanong na iyon. "Uy, bruha, pinagsabi mo na kaagad yung tungkol kay Hazel." Nakangising akusa ni Jessie kay Cheska. "Confirmed! Tsismosa ka talaga." Inirapan ito ni Cheska. "Hoy, bitter, wala akong pinagsasabihan na kahit sino. Huwag kang bintangera, bitter ka na nga bintangera pa." Mukhang may call sign na ang mga ito sa isa't isa, ah pero nakakatawa naman, bruha at bitter talaga. May call sign din kaya ang mga ito sa kanya o kaya kay Dani? Nang-aasar na binelatan ni Jessie si Cheska kaya naman gumanti yung isa na parang mga batang paslit pa. "Hindi si Cheska ang nagsabi." Pagtatanggol naman noong magandang babae kay Cheska. "Ako nga pala si Alliana, panganay na anak ng driver ni Cheska." "So, how did you know about Hazel, Ate Alliana?" Usisa ni Cheska. "Hindi ba pinsan ka ni Atty. Lee Nuevareal?" Usisa sa kanya ni Ate Alliana na tinanguan lang niya kahit na nagtataka siya kung paano nito nakilala ang kuya niya at paano nito nalaman ang koneksyon nila. "Pakisabi na lang ulit sa kanya na salamat sa pagtulong sa amin kanina sa presinto." Napamaang siya rito at maging yung tatlo ay tila nabatubalani. "Si Kuya Lee po ang pumunta sa presinto kanina?" Gulat na tanong niya. Nginitian siya ni Tita Chelsea. "Yes. We're actually surprised to see and learn that a Nuevareal is going to help us settle the conflict." "It seems that you don't have any idea that he's going there." Naweweirduhang komento ni Tito Francis. "Honestly po, I really didn't know that he's the one going there. Iba po kasi yung hiningan ko ng pabor para puntahan si Manong Leo sa pinangyarihan ng aksidente." Sagot niya. "Pero salamat pa rin sa inyo ng kuya mo, Hazel." Ani Tita. "Ahm...wala naman po akong ginawa, Tita." Aniya. "It's because of you that you're Kuya went to the precinct to help us, if it wasn't for your concern to our daughter then maybe we won't be able to settle what happened." Saad ni Tito. "It's nothing, Tito. All of us were worried about Cheska." "Speaking of Cheska." Ani Jessie saka bumaling sa kumakain nang si Cheska. "Hoy, bruha, mag-alok ka naman." "I'm so hungry na, eh." Depensa ni Cheska. "Uy, pwede ka bang kumain ng mga ganito?" Usisa ni Jessie na kumuha na ng isang slice sa pizza box na nakapatong sa kama ni Cheska. "Mamaya bawal pala, kami pa ang masisisi." "S'yempre nagtanong muna ako sa nurse." Bara ni Cheska rito na inirapan lang ni Jessie. "Kain na po tayo baka maubusan pa tayo ni Cheska." *** "ANONG pakiramdam mo nang makita mo sila?" Usisa ni Cheska kay Jessie. Nagkukuwentuhan silang apat habang nakaupo sa hospital bed ni Cheska habang may mga pagkain sa gitna na kinakain niya at hawak ang mga grande-sized flavored milk tea nila. Nasa couch naman ang parents ni Cheska at si Ate Alliana na nakatuon ang atensyon sa TV. Nagkibit-balikat si Jessie. "Sa totoo lang, wala akong naramdaman nang makita ko yung kambal, yun bang parang nakasalubong ko lang ang isang kakilala pero hindi ko naman close. There's a bit annoyance kasi naabala kami pero maliban doon ay wala na tapos ng makita ko si Lola after 6 years ay masaya ako ng konti pero alam ninyo iyon, it's still so awkward." "Hindi ka ba nagtatampo o nagagalit sa kanya at sa lolo mo na parang pinabayaan kayo, pati doon sa ibang kamag-anak ninyo sa father side?" Usisa ni Dani. "Dati siguro lalo na kapag nakikita kong nahihirapan si mommy at kapag napuputulan kami ng kuryente but I thought keeping such negative feelings towards them or my dad and Gizelle would not help my mom in supporting our family's needs." Sagot nito. "Paano kung mag-reach out sa inyo ang grandparents mo?" Usisa pa ni Dani. Muling nagkibit-balikat si Jessie. "I don't know pero kung gagawin nila iyon, bakit ngayon lang kung kailan maayos na kami? At hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nina Jerwin at Jerson, ilang buwan mula nang umalis kami sa poder ni daddy ay never nang binanggit noong dalawa ang kahit sinong Faustine kahit ang lolo at lola namin like we never have any connection with them." "But they're still part of your family." Komento ni Cheska. "Yeah, they are but like what Hazel said they're the hidden side of my family tree which should be forgotten and never be brought to the light." Seryosong anito. "Honestly, I don't want my mom and my brothers be associated with any of the Faustines, it's just makes things complicated in our lives and I don't want them to go through such hardships again." "I think so too." Komento niya. "Bakit?" "I might just be overthinking things but...if you'll be involved with them especially your mom even though your parents had been separated for six years already, someone might make a fuss about it and create something to ruin your family of four's peace." Sagot niya. Kunot-noong tiningnan siya noong tatlo. "Anong pinupunto mo, Hazel?" Nagkibit-balikat siya. "Naisip ko lang kasi na baka baliktadin ng common-law wife ng daddy mo na siya ang legal wife since siya ang kilalang asawa ng daddy mo at hindi ang mommy mo. Ano ba itong naiisip ko? Nasobrahan lang siguro sa mga binabasa kong romance novels at w*****d stories." "Iyan ang hirap kapag genius goddess, eh bukod sa pang-alien ang katalinuhan ay kung anu-anong naiisip." Ani Dani kaya napatawa yung dalawa habang napanguso siya. "Iyan ba ang call sign ninyo sa akin?" Usisa niya. "Call sign?" Nagtatakang usisa ng mga ito. "Oo, yung bruha ang tawag ni Jessie kay Cheska tapos bitter naman yung kay Jessie." Sagot niya. "Jessie started it, chinat ba naman ako ng bruha dahil in-attack ko yung territory niya kaya ginantihan ko na bitter naman siya." Imporma sa kanila ni Cheska. "Eh, sa akin, ano?" Curious na tanong ni Dani. "Loka." Natatawang sagot ni Jessie. "Maigi nang loka kaysa naman sa bitter at bruha pero mas type ko yung dyosa." Ani Dani. "Tulad ni Hazel." "Teka, it's unfair na dyosa si Hazel habang tayo ay ang pangit ng call sign." Reklamo ni Cheska. "Dapat alien na lang." "Ches, Nuevareal iyan, huwag ka nang kumontra." Ani Dani. "Saka hindi bagay sa kagandahan niya." "Hey, hindi naman ibig sabihin na alien ay mukhang halimaw na, eh. Saka mukha ba akong witch?" "Bakit lahat ba ng mangkukulam ay pangit? Kaysa naman tsismosa ang itawag namin sa'yo, take your pick." Cheska pouted. "Sabi ko nga ayos na ang bruha." Natatawa siya sa mga ito. "Ayos na sa akin ang alien, unfair nga naman kung dyosa ang tawag ninyo sa akin samantalang Hevn's four goddesses ang ibinansag sa atin sa cafe which means hindi lang ako ang dyosa sa atin." "Hmm...may punto ka." Nagkatinginan silang apat saka sabay-sabay na tumawa na akala mo ay may joke na sinabi ang isa sa kanila. "Sabi nga pala ni Kuya Oliver, huwag ka na raw munang pumasok bukas para makapagpahinga ka ng maayos pagkatapos nang nangyari ngayon." Imporma rito ni Jessie. "Pahinga? Hindi pa ba pahinga ito? Nakakainip kaya." Reklamo ni Cheska. "Saka di ba day-off na ulit natin the day after tomorrow, saan ang hustisya doon?" "Wow. Grabe, ikaw lang yata ang nagreklamo na binigyan ng mahabang day-off sa trabaho." Sarkastikong saad ni Jessie rito. "It's because of the salary, Jess. Kung hindi pa ako papasok bukas ay dalawang araw ang bawas sa sweldo ko." Apela pa ni Cheska. "Ches, kung makapagsalita ka parang kapos na kapos ka sa budget, ah." Asar rito ni Dani. "Speaking of budget, bayaran mo kay Hazel lahat ng ni-request mo." Ani Jessie. "Libre na iyon dahil na-confine ako saka sobrang yaman kaya niyang si Hazel kahit hindi pa 'yan isang Nuevareal ay may 1.5 Million pa rin iyan tapos may monthly allowance pa na sobrang laki mula sa Vardent." Depensa ni Cheska. Kung makapagsalita ito ay parang invisible siya, natatawang naiiling na lang siya sa palitan ng mga ito ng salita habang kumakain ng mga nasa harapan nila. "In my defense, dinonate ko na nga yung 1 million sa ampunan na pinanggalingan ko." Sabad niya. "Saka libre ko na nga lahat ng pagkain, huwag na ninyong pagtalunan pa." "Oh, libre nya na daw sabi ni Hazel." Binelatan ni Cheska si Jessie. Tuloy pa rin sa pagbabangayan yung dalawa habang nakamasid lang sila sa mga ito. "Masyado yatang naalog ang utak ni Cheska at biglang naging ganyan o baka naman may alcohol itong iniinom nating milk tea kaya tila lasing iyan." Natatawang ani Dani. Napatawa na rin siya. "Maybe she started loosening up after what happened." "Pero seryoso, Hazel. Kapag tinagalog ka ng kausap mo ay dapat tagalog din ang sagot hindi yung english." Hirit ni Dani. "Please lang, lalabas na talaga sa magkabilang teynga ko yung dugo sa utak ko dahil nag-o-overflow na sa kaka-english ninyo, quota na quota na ako today." "Sira." ***** All Rights Reserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD