WATT 8

3252 Words
Chapter 8 "BIGLA ko yatang pinagsisihan na dito tayo pumunta." Ani Hazel nang mapansin ang isang grupo ng kalalakihan na pumasok sa kinaroroonan nilang fastfood, katatapos lang nilang magpa-derma at spa sakto namang nasa mall na pagmamay-ari ng pamilya nila yung salon na recommended ni Cheska kaya napagdesisyunan nilang mag-lunch muna bago tumuloy roon. "Kapag nga naman minamalas ka." Isang linggong mahigit na ang lumipas mula ng ma-confine si Cheska sa ospital at ngayon nga ay day-off na naman nila kaya ngayon nila isinasagawa ang plinano nilang makeover treat kaya lang mukhang may asungot na naman. "Akala ko ba hindi kumakain sa fastfood ang mga iyan?" Usisa ni Jessie kay Cheska. "Bakit nandito? Imposible namang puno ang mga restaurants dito, eh mas gusto ng mga tao sa mura." "Malay ko. Impormasyon lang naman galing sa pinsan ko ang source ko." Sagot ni Cheska. "Saan ba yang pinsan mo ng masabunutan ko?" Nanggagalaiting usisa niya kay Cheska. "Pamali-mali ang impormasyon niya." Napangisi si Cheska. "Nasa Florida at nagbabakasyon, sundan mo doon." Inirapan ito ni Jessie. "Bruha ka talaga." "Kung huwag na lang kaya nating pansinin." Suhestiyon ni Dani. "Mabuti pa nga." Sang-ayon nilang tatlo. Kahit na anong gawin niyang hindi pagpansin sa grupo ng bastos na iyon ay hindi niya magawa kaya hindi siya makapag-concentrate sa pagkain niya. Hindi na nga sila sa food court kumain para lang hindi muling magkasalubong ang landas nila pero heto at nasa iisang lugar lang sila ng bastos na iyon. "Hoy, alien, huwag ka kasing paapekto." Sabi sa kanya ni Jessie. "Ikaw lang rin ang nahihirapan." Hindi naman siya natatakot o kinakabahan sa presensya nito, kundi naaalibadbaran at naiinis. Makita o maalala lang niya ito ay kumukulo talaga ang dugo niya, ang hirap kayang maka-move on na may nakakuha ng first kiss mo na hindi mo naman kilala tapos pinagpustahan ka pa na akala mo ay napakaliit na bagay ang ginawa nito. Hello, hindi maliit na bagay ang kiss! Argh! "Pwede bang bilisan na lang nating kumain, naaalibadbaran talaga ako." Aniya sa mga kaibigan. "Relax ka lang, Hazel baka mamaya bigla mo na lang sugurin ng saksak ng tinidor yung lalaking iyon. Hintayin mo munang may mahugasang stainless na tinidor, mababali lang iyang plastic kung yan ang gagamitin mo." Pagbibiro ni Cheska. Tiningnan niya ito ng seryoso. "Kung humiram na lang kaya ako ng kutsilyo sa kitchen, meron naman siguro sila, 'no." Muntik yatang mabulunan sina Dani at Jessie sa sinabi niya habang napatawa naman ng mahina si Cheska. Half-joke at half-meant yung sinabi niya dahil talagang pikang-pika siya sa inis. "Kung gantihan mo na lang rin ng halik para maka-move on ka na." Biro naman ni Dani kaya nabatukan ito ni Jessie. "Loka ka talaga." Sermon dito ni Jessie. Napatawa naman si Cheska. "Well, may point doon si Dani." She pouted. "Eh di, mas natuwa pa yung bastos na iyon kapag ginawa ko iyon. Nasaan ang hustisya doon?" "Sabagay pero hindi ba nakaganti ka na rin naman sa ginawa niya kaya quits na kayo." Ani Dani. "Quits?! Ang milk tea nahuhugasan at nadadala sa pagligo pero yung ginawa niya kahit anong gawin kong toothbrush at gargle ng mouthwash ay hindi matanggal-tanggal, and no matter what I do, nothing could change the fact that he's my first kiss." Nagpupuyos lalo siya sa galit. "Nakakainis." "I get what you mean." Ani Cheska. "Mahirap nga 'yon." Dagdag ni Jessie. "Girls, papalapit sila sa atin." Imporma ni Dani habang pasimpleng nagsubo ng fries. "Mukhang tayo yata ang sadya nila kaya sila pumunta rito at hindi para kumain." Natulos yata sila sa kanilang kinakaupuan nang dahil sa papalapit ang grupo ng bastos na iyon sa kanila. Sana ay nagkamali lang si Dani at lalagpas ito sa kanila dahil may bakante nang table malapit sa kinaroroonan nila pero mukhang minamalas talaga siya dahil tumigil ang mga ito sa mismong tabi na kinaroroonan nila. "Look what we have here." Sarkastikong sabi noong bastos. "Are you living peacefully with all the bashing you get in the social media? Or you regret what you've done to me?" Nakangising tiningala niya ito. "Actually, since kagagawa ko lang ng first ever ko na SNS account more than a week ago na naka-private at saka hindi ako masyadong active doon except kapag ka-chat ang friends ko kaya hindi ko alam kung ano yung mga pinagsasasabi ng mga friends mo sa mga social media kaya I'm living very peacefully, thanks for asking." Mukhang nagalit niya ito ng todo kaya sobrang tumalim ang tingin nito sa kanya na hindi naman niya inatrasan at nakipagtitigan dito. "And by the way, I will never regret what I did to you. Kung hindi mo pa kasi alam, you deserved it and honestly, that's not even enough to compensate what you did to me. Your lucky I didn't broke your knee." She smirked at him. "So, kung wala ka ng kailangan, I think you should go before you make another scene for people to feast on in those SNS baka ang sunod nilang makita ay yung pamimilipit mo sa sakit." Kinuha ng lalaking bastos ang baso niya ng iced tea at akmang ibubuhos sa kanya. "Sige, subukan mo lang na ituloy iyan. Baka sa ospital na kahantungan mo dahil pamamagain ko iyang pinagmamalaki mong parte ng katawan mo." Matigas na banta niya rito saka ito tiningnan ng matalim pero binalewala nito ang banta niya at itinuloy pa rin. Napasinghap ang lahat ng nakakita sa ginawa nito lalo na ang mga kaibigan niya na agad na dinaluhan siya na may hawak na tissue at panyo. Ngumisi ito ng sobrang nakakainis. "Ano nga uli yung sina—" Nginisian niya ito habang tumatayo mula sa kinauupuan niya saka niya hinawakan ang magkabilang balikat nito at kaagad niyang tinuhod ng malakas ang pinagmamalaki nito ng limang beses kaya napaluhod ito habang sapo ang tinuhod niya niyuko niya ito para magpantay ang mukha nila. "I always do what I say, sabi ko naman kasi sa'yo na ang susunod na magiging viral video mo ay yung namimilipit ka sa sakit. Just hope that you can still have kids after that." Mahinang sabi niya at saka binalingan ang mga kaibigan nito. "Dalhin na ninyo sa ospital baka matuluyan na iyan." Kaagad naman itong tinulungan ng mga kasama na hindi alam kung anong gagawin. Nakakatawa ang hitsura nito, grabe! Sa kayabangan nito ay mabilis niya itong napatumba sa loob lang ng ilang segundo, sobrang tapang sumugod pero wala naman palang laban at puro angas lang. "Pakisabi sa bastos at aroganteng iyan na huwag na huwag na siyang lalapit sa akin dahil may mas malala pa diyan na pwedeng mangyari sa kanya." Padabog na kinuha niya ang bag niya at nilisan ang fastfood na iyon kasunod ang tatlo niyang kaibigan na nagpipigil ng tawa. "Ilabas na ninyo iyan baka kung saan pa iyan lumabas, maging mabaho pa ang resulta." Humagalpak ng tawa ang tatlo. "That's the fastest confrontation I watched." "Grabe ka, Hazel. Baka mamaya mabaog iyon." Natatawang sabi ni Jessie. Ngumisi siya. "Aba, binalaan ko siya." "Ikaw ayos ka lang?" Ani Cheska. "Iced tea lang iyon." Aniya. "Bili na lang tayo ng pamalit saka wet wipes, buti na lang magpapasalon tayo dahil siguradong magdidikit-dikit ang buhok ko kapag hindi na-shampoo agad." "Tara na nga." *** "YOU don't have anything to worry about, Mr. Saavedra. No serious damage have been done to your private area pero dahil namamaga ito ng sobra ay hindi ka makakagalaw ng ilang araw. Reresetahan kita ng anti-inflammatory para sa pamamaga." Sabi ng doktor na tumingin kay Tyler. Nagpasalamat ang mga kaibigan niya sa doktor bago sila iniwan nito. Nandito na naman siya sa emergency room ng ospital na pagmamay-ari ng pamilya nila nang dahil sa kagagawan ng babaeng iyon at sa pangalawang pagkikita nila ay nandito na naman siya, mas malala kaysa noong una. That woman is very lethal but he just can't let that woman gets away from everything she did after all the physical pain and humiliation she inflicted on him, he needs to have his revenge on her! "Bro, sa tingin ko talaga kailangan mo nang layuan yung babaeng iyon." Komento ni Jolo. "Tingnan mo nga iyang inabot mo sa loob lang ng ilang segundo pagkalapit natin." "Tama si Jolo." Sang-ayon ni Henry habang napapailing. "I think you should take everything she says seriously. Saka kaka-recover mo pa lang mula sa sprain mo tapos heto na naman, mas malala pa." "Ikaw naman kasi bakit ba hindi mo na lang hayaan ang babaeng iyon?" Ani Adrian. Tiningnan niya ng matalim ang mga ito. "After what she did, no way!" "Dude, everytime you go near her, you're the one ending up in the hospital." Saad ni Rolf. "First, you had a sprain in your knee because she kicked you from behind then she bathe you with milk tea and now this, dude, she almost killed you and rendered you impotent." Naisahan na naman siya ng babaeng iyon, akala naman niya ay makakaganti na siya pagkatapos siyang ipahiya nito, mas lalo pa yata siyang napahiya ngayon dahil siya na naman ang nasa ospital. Namumuro na talaga sa kanya ang babaeng iyon, hindi niya talaga ito titigilan hangga't hindi siya nakakaganti rito, wala itong karapatang gawin iyon sa isang Saavedra kaya pagbabayarin niya ito anuman ang mangyari. "Pare, stop plotting your revenge on her. Ikaw lang naman ang nasasaktan sa huli, eh. Kalalabas mo pa nga lang ng bahay ninyo ngayon pagkatapos ka niyang bigyan ng sprain tapos heto na naman matetengga ka na naman, hindi lang sa bahay kundi sa kama mo dahil ilang araw kang hindi makakakilos." Seryosong sabi ni Marco. "Baka sa susunod ay sa ICU na ang kahantungan mo." "If you didn't pour iced tea on her then you would not be here." Komento naman ni Bobby. Tiningnan niya ito ng matalim. "Mas kinakampihan ninyo ba ang babaeng iyon kaysa sa akin na kaibigan ninyo?!" "Dude, nananahimik kaya yung tao tapos ginulo natin." Sagot ni Rolf. "Hayaan mo na nga lang siya, madala ka na sana ngayon." "Besides, you were the one who started it. If you didn't picked her to kissed then maybe none of these could have happened." Dagdag pa ni Bobby. "Bakit nga ba kasi siya pa yung pinili mong halikan, sa dami ba naman ng babaeng nagpapantasya sa'yo doon sa food court ng mga oras na iyon?" Usisa ni Jolo. She caught his attention, that's why but he'll never admit it to anyone even to his closest buddies. He admits that she's very beautiful and quite mesmerizing that he couldn't take his eyes away from her that day, coincidentally they're also playing truth or dare and when the bottle pointed at him he chose dare so his friends dared him to kiss any girl he doesn't know and she picked that amazona girl because he thought she has the same characteristics as her angelic face but looks can really be deceiving and he also thought it's best to kiss the girl who caught his attention than any random girl but he's kinda regretting it. What he did not know is that his friends made a bet about it to make things worst. "Pare, it's best for your own good to stay far away from her because everytime you encountered her you ends up in the hospital." Ani Marco. "No! The next time I see her, I'll make sure she's going to kneel down in front of me." Mariing pahayag niya. "She's going to pay big time for doing this to me." "Dude, why don't you just listen and leave that feisty girl alone?" Hikayat ni Rolf. "Mamaya minor pa iyon, ikaw lang ang magiging talunan." Ani Adrian. "Well, according to my source, she's already 18." Ani Bobby. Nakakunot-noong tiningnan ni Adrian si Bobby. "Anong source?" "sss. I can't see other information since naka-private yung account niya." Sagot ni Bobby hawak ang cellphone nito. "Though, her name is Hazel Morales and that's it. Saka bago lang talaga yung account niya and she looks so innocent in her profile pic, you wouldn't think she's a feisty brat with lethal tendencies when provoked." Nakisilip din sa cellphone nito yung mga tsismosong kaibigan niya. "Dude, she's a goddess when she smiles." Tiningnan niya ito ng matalim. "I don't care. I hate her." "I think the feeling is mutual." Biro ni Henry. "Kasi kung may pakialam siya sa'yo ay hindi ka niya limang beses na tutuhurin which only proves that she also hates you." Actually, sa sobrang sakit ay hindi niya alam kung ilang beses siyang tinuhod ng babaeng iyon dahil ang tanging tumatakbo sa isip niya ay ang sakit. Limang beses?! Walang awa ang babaeng iyon! Paano kung napatay siya nito?! "Pero hindi kaya gusto mo siya kaya siya yung hinalikan mo at kaya ayaw mo siyang tigilan." Pang-aasar naman ni Jolo. "She's really pretty and any guy would fall for her." "I agree." Ani Adrian. "It's only Jenica for me." Aniya. "But Jenica only sees you as her bestfriend because she's in love with that Dustin Nuevareal." Kontra ni Marco. "Someday, she would realize that I'm the one for her and not that Nuevareal." Malamig na aniya. "She just fancies that Nuevareal, who wouldn't right? He's a Nuevareal, anyway. Kahit yata ang amasona na iyon ay may gusto sa isang Nuevareal." Mas nagngitngit siya sa isiping may gusto ang amasona na iyon sa isa sa mga Nuevareal. Halos lahat na lang ba ng mga babaeng kilala niya ay may gusto sa mga ito lalo na sa hambog na Dustin Nuevareal na iyon?! "But you're a Saavedra, second to the Nuevareals. What else would Jenica look for that wasn't in you?" Ani Jolo. Napailing na lang si Marco. "Tyler, kung magugustuhan ka talaga ni Jenica ng higit sa kaibigan then sana noon pa. Wake up, she's not really into you." "Huwag na ninyong kulitin si Tyler tungkol diyan, hindi ninyo mababago ang pagtingin niyan kay Jenica." Saway ni Bobby sa mga ito. "Malala ang tama niyan sa bestfriend niya." "Malala din naman ang naging tama niya mula sa amazona na iyon. Literally." Biro ni Rolf. "Dude, mukhang bedridden ka ng ilang araw." "Damn! She's really going to get what she deserves for doing this to me!" Sigaw niya ng maalala na naman niya ang ginawa ng babaeng iyon. "Humanda talaga siya sa susunod naming pagkikita." *** NANG matapos makapag-salon sina Hazel ay kumakalat na ang dilim sa labas at nagugutom na sila since hindi naman sila nakakain ng maayos nang dahil sa bastos na iyon kaya kumain muna sila sa isang restaurant. "Siguradong galit na galit na naman sa'yo si Tyler sa ginawa mo sa kanya kanina." Komento ni Jessie habang kumakain sila. "At siguradong hahanapin ka niyon para makaganti sa'yo." "Hayaan ninyo siya kahit naman ilang beses pa siyang gumanti ay hindi ko naman siya uurungan." Aniya. "Besides, ilang araw magiging bedridden ang mokong na bastos na iyon kaya hindi niya ako masusugod kung nasaan man ako." "Pero paano naman ang mga fangirls niya? Siguradong hahuntingin ka ng mga iyon." Nag-aalalang sabi ni Dani. "Nakadalawa ka na kaya kay Tyler." "Balita ko nga, na-sprain si Tyler ng sipain mo yung likod ng tuhod niya kaya kanina lang ulit nakalabas ng bahay tapos binigyan mo na naman ng injury." Natatawang kuwento ni Cheska. Namangha siya na natatawa. "Hindi nga? Ang malas naman ng taong iyon. Para sa kabutihan niya sana hindi na kami magkita ulit baka kapag magaling na ulit siya ay magkita ulit kami tapos ma-ospital na naman siya." Napatawa na rin sina Dani at Jessie sa sinabi niya. Nakakatawa naman kasi talaga ang kamalasan ng bastos na iyon pero kasalanan naman nito kaya nito sinasapit ang mga nangyayari rito kung hindi siya sinugod nito kanina ay baka nakaka-gimik ito ngayon kasama ang mga kaibigan nito at wala sa ospital. "Ang malas naman ni Tyler at ikaw pa ang nahalikan niya, kung iba siguro iyon ay malamang hindi niya sasapitin ang mga injury niya." Natatawang sabi ni Jessie. "Malamang! Baka nga magdiwang pa ang ibang babae kung sila iyon. Malas lang talaga ang lalaking iyon at ako ang nahalikan niya." Komento niya ng may confidence pero bumalik na naman ang inis niya para sa ginawa ng bastos na iyon. "Pero, argh! Ang malas-malas ko din nang dahil lang sa walang kakuwenta-kuwentang pustahan na trip lang ng mga gunggong na RK na iyon ay nawala yung pinakaiingatan kong first kiss. Asan naman ang hustisya doon?! Kahit ilang beses ko pa siyang masaktan, hindi pa rin magbabago na ninakaw niya ang first kiss ko! Isang estranghero, ni hindi ko nga siya makikilala o malalaman kung sino siya kung hindi niya ginawa ang bagay na iyon! Gosh! Child a***e pa iyon at act of lasciviousness iyon kung hindi man s****l assault." Napangiwi naman yung tatlo sa mga sinabi niya, alam niyang paulit-ulit na siya pero masisisi ba siya kung ganito siya ka-bitter at hindi maka-move on. Ang mga natamo nito mula sa kanya ay naghihilom pero ang ginawa nito sa kanya ay nakatatak na at wala nang makakapagbago unless pwedeng i-rewind lahat. "Masama talaga sa'yo ang epekto ng presensya ni Tyler." Komento ni Jessie. "Nagbi-beast mode ka at nagiging amasona, malayong-malayo sa mala-anghel na Hazel na kilala namin." Huminga siya ng napakalalim. "Pasensya na pero talagang kumukulo ang dugo ko sa bastos na iyon." "Pero, Hazel, hindi ka pa rin ba inuusisa ng mga kuya mo?" Tanong ni Cheska. "Natanggal na't lahat sa net ang mga viral videos ninyo noong unang engkwentro ninyo ni Tyler pero wala pa rin silang alam? Imposible naman yata iyon." Nagkibit-balikat siya. "Siguro alam nila pero ayaw lang nilang maapektuhan pa ako kaya hindi na lang sila umimik, since kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko mula sa lalaking iyon." "Pero may bago na naman." Ani Dani. "Baka mamaya ay ikaw pa ang palabasing masama ng mga fangirls niya." Ani Jessie. She sighed. "Well, hindi rin naman maganda ang ginawa ko pero nakakainis naman kasi talaga yung lalaking iyon. Sa tingin ninyo dapat ba sa susunod ay hayaan ko na lang siya?" She could see horror in Cheska's face. "Anong hayaan? Aapi-apihin ka noon kapag ginawa mo iyon." "Oo nga, try mo na lang na iwasan siya pero kapag kinanti ka ulit ay saka ka gumawa ng aksyon. Wala namang masama sa ginawa mo dahil may ginawang masama sa'yo si Tyler." Saad ni Jessie. Napabuntung-hininga ulit siya. "Nakaka-stress naman ang lalaking iyon." Si Cheska ang nagbayad ng kinain nila since siya naman daw ang gumastos sa mga pinaggagagawa nila ngayong araw. Dumiretso na sila palabas ng mall para makauwi na, si Cheska na rin daw ang maghahatid doon sa dalawa para makauwi na siya at makapagpahinga. Hinihintay lang nila ang mga kotse na sundo nila pero nagulat siya ng may pumaradang isang sports car na kulay blue sa harap nila, bumaba mula roon ang Kuya Ford niya na ikinalaki ng mga mata niya. "Kuya..." "I'm here to fetch you." Malamig na sabi nito pagkatapos siyang dampian ng halik sa sentido. "Ahm... Kuya, mga friends ko sina Cheska, Jessie at Dani." Pakilala niya sa mga kaibigan. "Girls, ang Kuya Ford ko." Tinanguan lang nito ang mga kaibigan niya na tila na-starstruck rito. "So, let's go?" "Hintayin muna natin yung sundo nila bago tayo umalis. Nasa parking lang naman iyon at naitext na." Aniya at sakto namang pumarada sa harap ng kotse ng kuya niya ang kotse ni Cheska. "The car is here na." Ani Cheska. "Bye, Hazel. Text-text na lang." Nagpaalam na rin sa kanya yung dalawa at sabay-sabay silang sumakay sa mga sasakyan nila pauwi, pinagbukas pa siya ng kuya niya ng pinto bago ito pumunta sa driver side. "Did you enjoy your day with your friends?" Usisa ng Kuya niya. Nginitian niya ito ng matamis. "Yes, kuya." "Kapag nagka-free time ako tayo naman ang magbonding." Anito. "Oo ba." Nginitian siya nito. "Then, I'll look forward for that." "Dapat humanap ka ng free time." Napanguso siya. "Lagi na lang kayong busy, minsan nga hindi na namin kayo kasabay mag-dinner." "Sorry, bunso. Marami lang talagang trabaho, hayaan mo sasabihin ko kina Kuya Xander at Kuya Lee na mag-out of town tayo before your classes starts." Anito. "Talaga?!" Aniya. "Yes. You can bring your friends as well." "Kuya, promise yan, ha?" Pangungulit niya. "Oo nga." ***** All Rights Reserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD