WATT 9

3822 Words
Chapter 9 "OMG! It's really that amazona girl!" Napatingin ang halos lahat ng nandoon sa cafe sa sumigaw na kakapasok pa lang na grupo ng mga babae with some gays. Lumapit ang mga ito sa kinatatayuan ni Hazel habang may hawak na tray na buti at walang laman. "So, dito ka lang pala nagkakampo." Tinaasan siya ng kilay ng babaeng siya yatang leader ng grupo. "We've been looking everywhere for you, you b***h!" Hinilot niya ng isang daliri ang kanyang sentido dahil pinipigil niyang mainis since nasa trabaho siya at nandirito na rin kasi ang boss nilang si Miss Hevn. Nasa kanila na rin ang atensyon ng lahat ng nandodoon at napansin niyang naging alerto rin sina Seth at Karl na nasa isang table sa isang tabi. "At bakit naman ninyo ako hinahanap?" Usisa niya pero may idea na siya kung bakit. "May utang ba ako sa inyo? Pasensya na pero sa pagkakaalam ko kasi ay wala akong utang kahit kanino." Tiningnan siya ng matalim nito maging ng mga alipores nito. "Don't act so innocent as if you didn't do anything bad to our Tyler!" Tinaasan niya ito ng kilay. "So, it's about that bastos guy. Hindi ninyo naman kasi nililinaw, ano naman ba ang tungkol sa lalaking iyon? Nakakagalaw na ba siya ngayon o bedridden pa rin siya kaya kayo ang sumugod dito?" Mukhang nagulat ang mga ito sa sinabi niya. "B-Bedridden?! P-Pero ang alam namin ay magaling na yung sprain sa tuhod niya dahil nag-post si Rolf na nasa mall sila noong wednesday lang at kasama si Tyler sa picture na pinost niya, paanong bedridden siya?!" Anim na araw na nga pala ang nakakalipas mula noong magtagpo sa pangalawang pagkakataon ang landas nila ng bastos na Tyler na iyon at day-off na ulit niya bukas. "Omg! Our poor Tyler!" Reaksyon noong isa sa bakla. "What happened to him this time?!" Hysterical na ani naman noong isang babae. "Huhuhu... Kagagaling pa lang noong sprain niya, ano na naman ba ang nangyari sa kanya?" Hindi niya talaga mapigilang matawa kapag naaalala niya na kagagaling lang nito noong nagkita ulit sila sa mall tapos sa ospital na naman ito humantong. Ang OA naman ng mga ito na para bang namatay yung Tyler nila, hindi pa iyon ang lahat ng reaksyon nila dahil mas marami pa talaga pero hindi na niya i-elaborate dahil nakakasuyang pakinggan, may paiyak effect pa nga. "Wala yatang video o picture noong nangyari." Bulong sa kanya ni Cheska. "Everyone was so shocked and everything happened so fast that nobody got anything as evidence of what you did." "Ganun?" Bulong din niya rito. "Nasabi ko na, eh." "You!" Dinuro siya ng leader ng mga ito. "What did you do to him again?!" "Paano ka naman nakakasiguro na kasalanan ko, ha?" Kunwari hindi siya ang salarin. "Nobody have ever had the guts to do that to a Saavedra, only you kaya sigurado ako na ikaw ang may kasalanan kaya bedridden siya ngayon!" Singhal nito sa kanya. She sighed irritatedly. "Yeah, ako nga ang may kasalanan. Tinuhod ko ang private area niya ng limang beses yung may kalakasan pero kasalanan naman niya since hindi lang pala siya bastos kung hindi walang modong hambog. Nananahimik ako ay bigla na lang siyang susugod na akala mo walang makakapagpatumba sa kanya pero ilang segundo after niya akong buhusan ng iced tea ay namimilipit na siyang nakahilata sa sahig sa sobrang sakit. Binalaan ko siya but he never learns kaya hindi siya makakagalaw ng ilang araw and just pray that your Tyler wouldn't end up an impotent." Horror is very visible in their faces, talo pa nila ang nakakita ng multo. "You would pay for what you did to Tyler!" Akmang sasabunutan siya nito ng iharang niya ang tray na hawak niya saka kinuha ang isang kamay nito sabay pinilipit patalikod at nang susugurin na siya ng mga alipores nito ay pinagsisipa niya sa tiyan ang mga ito kaya napaupo ang mga ito sa sahig ng cafe saka itinulak palayo sa kanya ang hawak niya. "Kuya guard!" Tawag niya sa natigilang security guard nila. "Ilabas na nga ninyo ang mga ito, wala naman silang balak umorder at nakakasikip lang sila, ang dami pa naman nating customers." Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga audience nila maging ang mga customers habang natatawa na napapailing lang yung dalawang bodyguards niya. "Ang astig mo pala, Hazel!" Sigaw ni Kuya Ben. Tiningnan niya ng matalim ang mga intrimitida na ito. "Sabihin ninyo diyan sa Tyler ninyo, hindi ko naman siya uurungan kung gusto niya ng g**o. Huwag lang siyang parang tuta na bahag ang buntot na umaasa na ipagtanggol at ipaghiganti siya ng mga tulad ninyo dahil pumapatol ako lalo na't kumukulo ang dugo ko sa kanya, iyon ay kung handa ulit siyang maospital and the next time ay naka-confine na siya sa bali ng buto at bugbog." "You won't win against him! He's a black belter in different martial arts." Sigaw ng isa sa alipores noong bruhang muntik na niyang mabalian. "Well, I am too and between me and your Tyler, he is one who've been injured twice in the two times we saw each other." Mataray na aniya. "2 for me and zero for him. Baka nga 3 pa since none of you got to touch me." "Ano bang pinagmamalaki mo, eh isang hamak ka lang service crew habang he's the one and only Saavedra prince?!" "Aba! Mga bruhang ito! Marangal ang trabaho namin!" "Hoy, manong guard, ilabas ninyo iyang mga iyan bago pa namin kalbuhin ang lahat ng buhok ng mga iyan sa katawan!" "Ang yabang ng mga ito! Kung kayo kaya ang igiling namin, imbis na yung kape!" "At least, hindi kami asa sa mga magulang namin dahil may sarili kaming income! Eh, kayo?! Ang lakas ninyong manglait, eh!" Reaksyon iyon ng mga katrabaho niya na gusto na yatang katayin ang mga bruhang ito. "Anong ipinagmamalaki ko laban sa Tyler na iyon?" She smirked. "Hindi man ako mapera na tulad niya pero I'm proud na kaya ko siyang patumbahin sa loob lang ng ilang segundo and I have done it twice already pati nga sa dami ninyo na iyan ay nakaya ko, siya pa kaya na puro yabang lang. Saka huwag nga ninyong minamaliit ang trabaho namin! At least kami ang ginagastos namin ay galing sa pagsisikap namin, eh kayo galing iyan sa paghihirap at pagsisikap ng mga magulang ninyo na inaaksaya ninyo lang sa mga walang kuwentang bagay." Napansin niya na parang natatawa ang ibang katrabaho nila sa sinabi niya. Oo nga pala, alam na nga pala ng mga ito ang tungkol sa pagiging Nuevareal niya kaya siguro ganoon ang reaksyon ng mga ito. "Hoy, alien, anong hindi ka mapera? Kung hindi ka mapera, ano pa kami." Bulong sa kanya ni Jessie habang pinapalabas noong guard ang mga nanggulo. "Sshh. Hayaan mo na." Balik-bulong niya. "Para mas astig ang dating." "Manong guard, hindi na sila pwedeng pumasok sa mga cafe ko. I-rely mo sa ibang branch baka kapag nakita ko pa ang mga iyan ay sila ang gawin kong banderitas sa labas." Natahimik sila nang makita si Miss Hevn na nasa labas ng opisina nito. "Gosh! Kaimbyerna ang ibang people talaga, sobrang pathetic." Kaagad din namang bumalik sa loob ng opisina nito ang boss nila habang pinapalabas naman ng guard nila yung grupo. Nahihiya siya kay Miss Hevn sa gulong idinulot niya sa cafe nito, sana ay hindi siya masisante sa nangyari dahil masaya siya sa pagtatrabaho niya rito. "Ang astig mo kanina, Hazel." Puri sa kanya ni Kuya Jonas. "Para kang action star sa mga movies." "Mas malaki kasing g**o, Kuya kung uuwi siyang may pasa at kung anu-ano pa kaya maigi nang inunahan niya." Sabad ni Jessie. "Alam ninyo na..." Napatango si Kuya Jonas. "May punto ka, malaking g**o nga kung nagkataon." "Social sinker." Bara sa kanya ng napadaan sa likuran nila na si Jecca kaya napahagalpak naman ng tawa ang lahat ng katrabaho niya, maging yung tatlong kaibigan niya. "The opposite of social climber." Napangiwi siya. "Nakakatawa, Jecca." Lumingon ito sa kanya habang nakangisi. "Oh, tinamaan ka?" "Uy, ikaw din naman. Social sinker ka rin." Sabad ni Dani. "May point si Dani, bestie." Komento naman ni Winna. "Di ba nga, kaya mo naimbento ang salitang 'social sinker' dahil ganoon ka din." "Bestie, ako ang friend mo kaya ako ang kampihan mo." Pagmamaktol ni Jecca na palapit sa kaibigan. "I'm just being honest." Natatawang ani Winna na lumalayo naman kay Jecca. Hindi niya napigilan na mapangiti habang pinapanood ang kulitan ng dalawa at ang iba pa niyang katrabaho, this is another reason why she doesn't want to stop working here, it's fun working with these people. At kahit alam na ng mga ito kung sino siya ay walang nagbago sa pagtrato sa kanya ng mga ito, iyon ang pinagpapasalamat niya. "Galit kaya si Miss Hevn?" Nag-aalalang tanong niya. "Baka matanggalan ako ng trabaho nito." "Don't worry, hindi iyan." Ani Kuya Ben. "Basta nasa tama ang empleyado niya ay walang pakialam si Miss Hevn kung magmukhang ginera pa ang hitsura ng buong cafe, iyon nga lang bawas sa sweldo ang magiging damages pero since wala namang nasirang kahit ano sa pakikipag-away mo ay mas lalong walang pakialam si Miss Hevn." "Sure ka, kuya?" Paniniguro niya. "Oo nga, kaya relax ka lang." Anito. "Isa pa, malakas ang kita ng cafe kaya sobrang good mood iyon." Well dahil iyon sa mga kuya niya na ginawa na yatang tambayan ito kahit ang mga nakakatandang mga kuya niya ay dito na rin bumibili ng kape nila sa umaga lalo na yung kambal na dumidiga pa sa mga katrabaho niya kaya maraming girls at gays na pumupunta dito para lang ma-sight ang mga Nuevareal prince. "Buti na lang, hindi tumambay dito ang Kuya Dustin at ang Kuya Sean mo ngayon." Ani Dani sa kanya. "May pinagawa kasi si Kuya Xander sa kanila." Sagot niya. "Saka kahit naman nandito yung mga iyon ay gagawin ko pa rin iyon." "Ang astig mo nga pero paano kung mas madami pa roon ang sumugod sa'yo?" Nag-aalalang ani Jessie. "Siguradong to the rescue ang mga bodyguards ko and I don't only mean Seth and Karl, pati yung mga discreet and I think there's a bunch of them." She sighed. "Since iyon ang inatas na trabaho nila, ang siguraduhin ang kaligtasan ko kaya hindi nila hahayaan na mapahamak ako." Napangiti si Cheska. "So, kahit anong gawin noong Tyler na iyon laban sa'yo ay hindi uubra." Bumalik na naman ang inis niya. "Bakit ba kasi hindi na lang niya ako tantanan?! Eh, siya ang nagsimula nitong lahat tapos siya pa ang may ganang maghiganti sa akin. Alam ninyo hangga't hindi siya tumitigil sa paghihiganti ay hindi ito matatapos, I was just defending myself from his assaults." "Hayaan mo na baka magsawa rin iyon lalo na kung hindi naman ikaw ang magsisimula ng g**o sa pagitan ninyong dalawa." Ani Jessie. "As much as possible ay iwasan mo na lang o huwag mong pansinin kahit na ito pa ang lumalapit sa'yo." "Sa totoo lang, gustong-gusto ko siyang sungalngalin ng isang sako ng coffee beans everytime na nakikita ko siya." Seryosong aniya pero napatawa ang mga kaibigan niya. "Isang sako lang ba talaga?" Pang-aasar ni Jessie. "Isang truck." Nakakunot-noong aniya. "Eh, kung ikaw na kaya ang makipag-ayos kay Tyler?" Suggestion ni Dani. Napatingin silang tatlo rito na nakataas ang isang kilay. "Malabo iyon, lalo na't kumukulo ang dugo ko sa lalaking iyon kapag naaalala ko siya lalo na kapag nakikita ko. Kung pwede nga lang siya na lang igigiling ko imbes na kape." Napatawa ang mga ito sa sinabi niya. *** "DUDE, kawawa naman yung grupo ni Annie." Mahinang saad ni Rolf. Natatawa naman si Art. "Siguradong na-sprain ang braso niyon at may pasa naman sa tiyan ang mga alipores niya. Astig pala talaga iyang amasona mo, Tyler." Tiningnan niya ito ng matalim. "Ano namang astig doon?!" Napatawa ang mga ito. "Aminin mo na kasi na humanga ka rin naman sa amasona mo." He will never admit that he was so amazed with her while she was fighting Annie's group without even breaking a sweat and everything happened in a spun of 3 minutes. Kapag kasi umamin siya na bumilib siya sa amasona na iyon ay parang umamin na rin siya na nakaisa na naman sa kanya ito since siya ang nag-imporma sa lahat ng fangirls niya, anonymously s'yempre, kung saan ito nagtatrabaho kaya nalaman ng grupo ni Annie kung nasaan ito. Ang plano niya ay gamitin ang iba't ibang grupo ng fangirls niya para makaganti sa mga ginawa sa kanya ng amasonang Hazel na iyon, inaasahan na niya na ang grupo ni Annie ang unang susugod since ang mga ito ang pinaka-agresibo at padalus-dalos sa lahat since isa ang mga ito sa pinakamalakas at war freak na grupo ng fangirls niya pero hindi man lang nahawakan ng mga ito kahit dulo ng buhok ng amasona na iyon at ang mga ito pa ang napuruhan. "Namumuro na talaga sa akin ang babaeng iyan!" Mahinang saad niya na punong-puno ng inis habang matalim na nakatingin sa bawat kilos ng babaeng amasona na walang kaalam-alam na pinagmamasdan niya ito. "She's really getting into my nerves." "Ano nang plano mo ngayon?" Usisa ni Art. Matalim na nakasunod pa rin ang tingin niya doon sa amasona na wala man lang kamalay-malay sa presensya niya. "Nothing change. We'll stick with the plan since there are still other groups who could do the revenge in my stead to that amazona girl." "Kung ikaw nga walang binatbat sa amasona mo, paano pa kaya ang mga fangirls mo?" Ani Art habang may katext, tinapunan niya ito ng matalim na tingin na ikinataas nito ng dalawang kamay sa ere. "Hindi ako ang kaaway mo, sinasabi ko lang naman ang obserbasyon ko." "Tss." Binalik niya ang tingin doon sa amasona. "I know that but a group versus her would be a great advantage rather than one on one." "But with what just happened, I think she can handle it without a sweat." Komento ni Rolf. "Paano kung hindi pa rin umobra?" "Kung maghire kaya ako ng mga goons para makaganti na ako sa kanya." Hindi niya inisip kung anuman ang lumabas sa bibig niya habang nakatingin pa rin sa amasona na iyon. "Dude, that's out of line." Seryosong ani Rolf. "If you're going to pursue with that then I don't want to be part of that." "Same goes for me." Segunda ni Art. "Tyler, kahit na magaling pa siya sa martial arts ay babae pa rin siya at ang mga goons ay hindi patas lumaban." Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya dahil tama naman ang mga ito pero naiinis talaga siya rito. Mag-iisip na lang siya ng ibang plano para magantihan ito dahil hindi talaga siya matatahimik hangga't hindi siya nakakaganti rito sa kahit anong paraan basta yung hindi siya makukulong. "Eh, kung ligawan mo tapos kapag hulog na hulog na sa'yo ay hiwalayan mo." Suggestion ni Art. Napatawa naman si Rolf. "Dude, kapag ginawa niya iyon ay ICU na panigurado ang kahahantungan ni Tyler at sino naman ang maniniwala na binugbog siya ng babae kapag kinasuhan niya. Nakikita mo naman na mukhang inosenteng dyosa siya at hindi isang matinik na amasona, kahit saang korte ay hindi mananalo si Tyler." "I didn't even thought of that and I would never do that, si Jenica lang ang liligawan ko at wala nang iba. Kung manliligaw man ako ng iba ay nasa pinakadulo siya ng listahan kaya imposibleng maligawan ko siya." Naiinis na saad niya. "Why is she even in the list? Pwede namang hindi mo siya isama sa listahan mo ng liligawan o gagawing girlfriend. O baka naman sa kasuluk-sulukang parte ng puso at isip mo ay nagkaroon siya ng pitak kaya hindi mo siya maalis sa sinasabi mong listahan at hindi mo lang maamin na kino-consider mo rin siya na maging girlfriend mo." Pang-aasar ni Rolf. "Baka naman siya lang ang nasa listahan mo na iyon at wala nang iba." Dagdag pa ni Art na nakipag-apir kay Rolf. "In denial ka lang na gusto mo siya at nabighani ka sa kanya kaya siya ang napili mong halikan noong iyon ang dare na pinagawa namin sa'yo sa dami ba naman ng babaeng nagpapantasya sa'yo ng mga oras na iyon." "Saka napansin ko rin noon bago mo siya halikan ay lagi kang napapatingin sa kinaroroonan niya habang kasama niya ang mga kaibigan niya." Ani Rolf. "Tss." He really can't hide even a tiny bit from his very observant friends but he'll never admit it. They're absolutely right that feisty amazona girl got his attention the first time he laid his eyes on her but he didn't know that behind that innocent goddess-like beautiful face is a feisty amazona girl who never backdown from a fight which really got his full attention with a plan of vengeance. Hindi niya mapigilang ngumisi ng palihim habang pinagmamasdan ang mga kilos nito, abalang-abala ito sa pagtatrabaho buti na lang at dito sila pumwesto sa medyo tagong parte ng cafe bukod pa doon ay naka-bullcap at reading glasses siya. Kung assassin siya ay kanina pa ito bumulagta dahil wala itong kamalay-malay na nasa paligid lang ang kalaban nito at inoobserbahan ang lahat ng kilos nito. "What if I work here to annoy her, aside from that revenge plan I staged between her and my fangirls group?" Aniya sa dalawa nang hindi inaalis ang tingin doon sa amasona. "That would be the sweetest revenge, don't you think so?" "Are you sure, dude?" Natatawang ani Rolf. "Ano naman ang alam mo sa pagtatrabaho sa isang cafe?" Natatawa ring usisa ni Art. "Your family might be into making different beverages but you have no experience in customer service and with your temperament, I doubt that you'd last working here for even a minute." "I'm willing to be trained and control myself." "But the question is, are they even hiring? Paano ka naman magtatrabaho rito kung hindi sila hiring?" Pang-aasar ni Art. "Eh di, hihintayin kong magkaroon ng hiring, problema ba iyon?" Aniya. "So, what's your plan now besides staring at her while she's working?" Pang-aasar naman ni Rolf. "How about stalking her? I want to know what she does after work and where she lives. I want to know everything about her, I might discover something that I could use against her." Aniya. "That's a very productive and boring plan, Tyler." Natatawang ani Art. "How long are you going to do that?" "Until I got a job here but in between I plan to antagonize her everytime we see each other so that she wouldn't think that I'm the one who planned for my fangirls to terrorize her." Nakangising aniya. "That's a good plan, don't you think?" "I think she already have an idea that you're the reason why she's being attacked by your fangirls." Ani Art. "So you don't need such a plan of annoying her because I'm pretty sure she's very annoyed with you without seeing you." "Dude, sakit lang ng katawan ang aabutin mo kapag itinuloy mo iyan." Ani Rolf. "At putok na nguso, panigurado." Dagdag ni Art. "Especially if she caught you stalking her and she might sue you for that." "Eh di, huwag papahuli." Depensa niya. "Dude, sa tingin mo kaya niyang umiwas sa pag-atake ng grupo ni Annie kung hindi malakas ang pakiramdam niya bukod sa mabilis ang reflexes niya?" Ani Rolf. "He's right. Madali ka niyang mahuhuli, bugbog at kalaboso ang aabutin mo." "What's the use of lawyers, if they can't defend and bail me out." Aniya. "And it's one of their duties to make sure such things or scandals wouldn't reach the press." Napailing ang mga ito. "Dude, nabaliw na yata ito." "Ibalik kaya natin siya sa ospital doon naman sa psychiatric ward natin dalhin dahil walang magagawa ang mga doktor sa E.R sa kalagayan niya ngayon, mukhang naapektuhan na ang utak sa ginawa sa kanya noong amasona." "Tama. Kaya tawagan mo na yung iba, Art at mahirap na kapag nagwala ito ay hindi natin kakayanin kung tayo lang." Hirit pa ni Rolf. Tiningnan niya ng matalim ang mga ito. "Kung makapagsalita kayo parang wala ako dito, ah." Napakunot-noo siya nang mapansin niyang sumunod ito sa tatlong kaibigan patungo sa bandang likod ng cafe kung nasaan ang kusina. Ano kayang ginagawa ng mga iyon doon? Bakit iniwan ng mga ito ang mga trabaho dito sa dining area ng cafe? Ilang minuto ang lumipas bago ito lumabas kasama ang tatlo pa nitong kaibigan, nakapagpalit na ang mga ito ng pang-itaas at may dala na ring backpack. Mukhang tapos na ang shift ng mga ito pero biglang ipinatawag ang mga ito sa opisina ng manager, tungkol kaya iyon sa nangyari sa pagitan nito at ng grupo ni Annie? Matatanggal kaya ito? Ilang minuto ang itinagal ng mga ito bago lumabas na mukhang sayang-saya habang nag-uusap, mukhang iba ang dahilan kaya ipinatawag ang mga ito. Hindi pa umalis ang mga ito at umupo sa isa sa mga bakante na lamesa saka umorder sa mga kasamahang naka-duty pa. Hindi niya naririnig kung anong pinag-uusapan ng mga ito pero sa tingin niya ay may plinaplano ang mga ito dahil naglilista ang isa sa tatlo nitong kaibigan. "Dude, si Dustin at Sean Nuevareal." Pagbibigay-alam sa kanya ni Rolf na itinuro ang dalawang papasok ng cafe. Mas lalong kumunot ang noo niya. "Anong ginagawa ng dalawang iyan dito?" "Malamang bibili ng kape. Cafe kaya ito." Pambabara ni Art. "Tsk." Mukhang hindi yata kape lang ang ipinunta ng mga ito dito dahil papalapit ang mga ito sa table na kinaroroonan nina amasona. "Or may taong pinuntahan dito." Nagsalubong ang dalawang kilay niya at dumiin ang pagkakalapat ng mga ibabang ngipin niya sa itaas nang dampian ng halik ni Dustin Nuevareal si amasona sa pisngi mula sa likuran ng dalaga, sa kaabalahan kasi noong apat at hindi napansin ng mga ito ang presensya ng dalawang Nuevareal. Nagulat yung amasona pero ng makita kung sino ay napangiti ito sabay tayo mula sa kinauupuan saka gumanti ng halik kay Dustin sa pisngi at maging si Sean Nuevareal ay hinagkan din nito sa pisngi na may kasama pang yakap. Wala na ba talagang babae na walang gusto sa mga Nuevareal? Lahat na lang yata ng kilala at nakikita niya ay may gusto sa isa sa mga Nuevareal na iyan. Ano bang meron ang mga ito? Isang dampi sa noo ang iniwan ng dalawang Nuevareal kay amasona bago tinungo ang counter para umorder bago bumalik doon sa table nina amasona at nakisawsaw sa ginagawa ng grupo. "Kumukulo talaga ang dugo ko." Padabog niyang naihampas ang kuyom niyang kamao sa mesa ng cafe habang nagpipigil naman ng tawa yung dalawang ugok na kasama niya. "Mga pabling talaga! Kahit pala ang Sean na iyon ay walang pinagkaiba sa mga pinsan niyang babaero. At ang amasona naman na iyon ay walang reklamo, samantalang noong hinalikan ko siya ay giyera ang kinalabasan, bakit doon sa mga Nuevareal na iyon ay para siyang anghel na hindi makabasag-pinggan?" "Dude, obvious naman na magkakilala sila at isa pa, sa pisngi lang hinalikan at sa noo habang ikaw ay sa labi mo hinalikan at hindi kayo magkakilala, malaking pagkakaiba iyon." Sarcastic na saad ni Rolf. "I agree with Rolf." "Kahit na. A kiss is a kiss whether it is on the cheeks or lips." Depensa niya. Nang dumating ang order ng mga Nuevareal ay umalis na ang mga ito pero dinampian pa rin ng halik sa noo yung amasona, nakakainis panoorin at ang sakit sa mata. Medyo kumalma na siya ng makaalis ang dalawa. "Malala na talaga ang isang ito." "Sa mental hospital ka na kaya tumawag kumpirmadong nawawala na iyan sa sarili." Padabog siyang tumayo. "Umalis na nga tayo, lalo lang kumukulo ang dugo ko rito! Nakakainis!" ***** All Rights Reserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD