Chapter 10
ITS been more than 2 months since Hazel's world turned upside down and her life changed drastically, unti-unti na siyang nasasanay sa bago niyang buhay lalo na sa ugali at sa pagiging overprotective ng mga pinsan niya na para na rin niyang mga tunay na kapatid na talo pa talaga ang lolo nila na hindi naman ganoon kahigpit at istrikto sa kanya pero aminado naman siya na spoiled na spoiled siya sa mga kuya niya.
Day off niya kaya tinatamad siyang bumangon kahit na isang oras na siyang gising, inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa ng libro. Kilala na rin siya ng lahat dito sa bahay este palasyo nila na kapag day off niya at wala naman siyang importante na lakad o pupuntahan kasama ang mga kaibigan o mga kuya niya ay tamad siyang bumangon pero hinahayaan lang siya ng mga ito para daw makapagpahinga siya.
"Princess, get up!" Sigaw ng Kuya Dustin niya habang kumakatok sa pinto ng kuwarto niya, makakapasok naman ito kung gugustuhin nito dahil alam nito at ng iba pa niyang pinsan maging ng lolo niya ang passcode ng kuwarto niya pero sabi ng mga ito ay hindi papasukin ng mga ito ang kuwarto niya ng wala niyang pahintulot para bigyan siya ng privacy. "C'mon, get up!"
Lahat ng kuwarto rito sa palasyo nila ay may passcode except sa mga kuwarto na pwedeng puntahan ng lahat kahit walang permiso tulad ng library, theater room, playroom ng mga pinsan niya at gym.
"Tinatamad pa ako, Kuya!" Balik-sigaw niya. "Ang aga-aga pa!"
"You promised to date me today!" Sigaw ulit nito. "Papasok na ako. Me and Quincy brought you breakfast in bed."
Pati nga pala si Nanay Rose, si Melissa at yung tatlong stewards niya ay alam ang passcode ng kuwarto niya bukod kasi sa pag-asikaso sa kanya noong tatlo ay ang mga ito rin ang naglilinis ng buong kuwarto niya habang si Nanay Rose naman ay parang master key dahil lahat ng passcode dito sa bahay ay alam nito at s'yempre dahil assistant niya si Melissa kaya may access din ito na pumasok sa kuwarto niya lalo na't ito ang taga-gising niya kapag nala-late siya ng gising.
Kahit naman siya alam lahat ng passcode dito since mga birthday lang naman ng mga kuya at lolo niya ang mga iyon kaya madaling tandaan, hindi man lang nag-isip ng iba ang mga ito ang daling hulaan samantalang ang kanya ay combination ng birthday niya at ng parents niya.
Napabangon siya ng bumukas ang pinto. "Kuya naman, eh!"
Napangiti siya ng lihim ng makitang ang kuya niya ang may bitbit ng tray habang si Quincy ang nagbukas ng pinto. They're really gentlemen even they look so callous and rude.
"Quincy, please, pakihanda na ng pampaligo ni Hazel." Utos nito kay Quincy habang papalapit sa kama niya.
"Okay po, Sir." Tumuloy na sa banyo niya ang dalaga.
Binalingan na siya nito habang pagkaganda ng ngiti na sinuklian niya ng matalim na tingin. "Kuya naman, mag-7 am pa lang. Huwag ka ngang masyadong excited para namang hindi ikaw ang future na magma-manage ng mall natin, 9 am pa bukas ng mall."
Dinampian nito ng halik ang noo niya bago nilapag sa harap niya yung tray ng hot choco, bacon, tapa, sunny-side up egg at sinangag saka slice riped mango. "It's traffic, princess."
"Para namang pagkalayo ng mall mula rito, it's only a 15 minutes drive." She just sighed and started eating her breakfast. "Tayong dalawa lang ba talaga, Kuya?"
"I'm afraid, yes. Busy kasi talaga sa trabaho sina Kuya tapos si Sean ay may lakad na hindi niya mai-cancel tapos si Grandpa as usual ay may lakad with his oldies friends kaya tayong dalawa lang talaga. Well, kasama natin ang men in black ko at men in black mo for security."
Napatango na lang siya. "Did you eat?"
"Yeah, kasabay ko sina Kuya at Grandpa bago sila umalis kani-kanina lang."
Hindi na siya dinaldal nito para hindi maistorbo ang pagkain niya at nanood na lang ito sa malaking tv niya at pagkatapos niyang kumain ay nagtungo na siya sa banyo sa kuwarto niya. On the way papunta sa banyo niya ay nadaanan niya si Quincy sa walk-in closet niya na namimili ng damit para sa kanya, may pagka-stylist din kasi ang tatlong steward niya from head to toe.
"Quinz, huwag sobrang seryoso, hindi naman sosyalan ang pupuntahan namin ni Kuya. Magmo-mall lang kami, huwag mong i-stress ang sarili mo." Nakangiting biro niya dito.
Nginitian din siya nito. "Ang hirap kasing pumili, lahat bagay sa inyo, Miss Hazel."
"Huwag mo na nga akong bolahin, kahit ano na lang dyan." Aniya. "Ligo na ako baka magwala pa yung kuya kong excited. Matagalan nga, tinatamad pa talaga ako."
Napatawa naman si Quincy sa sinabi niya at nagbabad na ako sa bathtub niya na may milk at rose oil. Hindi naman niya gaanong tinagalan ang pagbababad at kaagad na nag-shower, si Quincy ang nagtuyo ng buhok niya habang naglo-lotion siya ng buong katawan. Moisturizer, face powder, blush on at colored lip balm lang ang inapply niya sa mukha imbis kung anu-anong makeup na ikinakairita niya tapos naka-ponytail lang ang buhok niyang hanggang kalahati ng likod niya ang haba na medyo curly.
Naka-light blue maong skirt jumper na umabot sa itaas ng tuhod niya ang haba at plain pink t-shirt ang napili ni Quincy para sa kanya kaya naka-pink na rubber shoes siya tapos ang bag niya ay maliit na cream sling bag na kasya lang ang cellphone, card holders at wallet niya.
"Miss, sa kotse ka na lang daw hihintayin ni Sir Dustin." Pagbibigay-alam ni Melissa na naroroon na rin pala habang nag-spray siya ng paborito niyang cologne.
"Okay. I'm ready."
"Ang ganda ninyo talaga, Miss Hazel." Nakangiting komento ni Quincy.
"Bola. Nasaan nga pala yung dalawa?" Tanong niya.
"Nag-off po si Eunice kasi may emergency sa kanila, hindi na po nakapagpaalam sa inyo dahil alam niyang ayaw ninyong iniistorbo kapag ganito kaaga kapag off ninyo habang si Sheena po ay sumama kay Nanay Rose at Mr. Sandro sa grocery para bumili ng mga toiletries at kung anu-anong gamit ninyo na paubos na." Sagot nito.
Humahanga talaga siya sa apat na ito na sobrang dedicated sa trabaho kaya mas lalo siyang naiinspired na kumita ng sarili niya.
"Sabihin ninyo kay Eunice na kung may kailangan siya magsabi lang siya at sana maayos niya ang kung anumang emergency na iyon. Saka next week, tayo namang lima ang mag-mall sa off ko pero medyo pa tanghali na, alam ninyo naman ako kapag off ko, ililibre ko kayo gamit yung sinweldo ko noong isang araw." Sabi niya.
Nagliwanag ang mukha ng mga ito. "Sigurado kayo, Miss Hazel?"
"Oo naman." Aniya. "S'ya nga pala, Melissa. Paki-check lagi yung email ko dahil baka i-send na ng Vardent ang class schedule ko since classes would start in a few weeks weeks, kailangan ko kasing abisuhan si Miss Hevn sa sched ko before classes starts and pakilagay sa schedule ko yung bonding natin next week na day off ko."
"Noted, Miss Hazel."
"Thanks. Sabihan ninyo kaagad yung dalawa para makapagpaalam kayo kaagad kina Nanay Rose at Mr. Sandro, okay?" Tumango lang ito saka siya nagpaalam sa mga ito baka mainip na ang kuya niya sa paghihintay at sumugod pa rito sa kuwarto niya.
"Finally!" Exaggerated na sigaw nito saka siya pinagbuksan ng pinto sa passenger seat sa tabi ng driver since ito ang driver. "Girls!"
Inirapan niya ito bago sumakay. "Huwag OA, kuya."
"Ang tagal mo kaya, nauna ka na ngang maligo pero mas nauna pa rin akong natapos na mag-ayos." Komento nito ng makaupo ito sa tabi niya.
"Medyo nakatulog kasi ako sa bathtub." Aniya kaya binigyan siya nito ng matalim na tingin. "Joke lang, kuya. Matagal lang kasing magpatuyo ng buhok."
"Don't ever sleep while you're soaking in the bathtub, you might drown." Sermon nito.
"Of course, kuya and don't worry lagi namang nakabantay sina Eunice sa oras kapag nagbababad ako." Pag-aassure niya rito.
Tumango ito. "What do you want to do first? Shopping, arcade, watch movie?"
"Movie, I wanted to watch yung ipinakita sa tv noong isang araw na showing na." Masaya at excited na wika niya.
Nakangiting umiling ito bago binuhay ang makina ng isa sa luxury sports car nito na milyones ang halaga pero ayon dito ay hindi itong sinasakyan nila ang pinakamahal, collector kasi ang mga kuya niya ng mga sports car kaya nga may nakalaan na napakalaking garahe para sa mga sports car ng mga ito na iba pa sa main garage pero pinakamarami pa rin ang sa Kuya Dustin niya.
"Nalaman kong patago ka palang nagpa-practice kasama sina Seth at Karl ng martial arts at different weapons baka naman masaktan ka sa ginagawa mo." Seryosong sabi nito.
"Magaling namang instructors sina Seth at Karl, Kuya at never naman silang pumayag na makipag-sparring sa akin." Paliwanag niya. "Kaya wala kayong dapat ipag-alala sa akin."
Napabuntung-hininga ito. "As long as you won't badly hurt yourself then it's okay."
"Kuya, don't worry, I'll be very careful." Aniya.
"Okay. Enough about that, let's just enjoy our date today."
***
"BY the way, princess, Kuya Ford said that you and your friends should file a few days leave starting on July 29 until August 9 because we're going on an island resort, since he promised you that we'll have an out-of-town trip before the classes starts." Pagbibigay-alam ng Kuya Dustin niya habang nakain sila sa isang italian restaurant.
Pagkatapos nilang manood ng movie ay nagdesisyon silang kumain muna bago mag-shopping at arcade, ito daw ang taya sa date nila kaya wala siyang gagastusin.
Aware siya na kanina pa nakasunod ang tingin ng halos lahat ng nakakasalubong nila at nakakakita sa kanila lalo na yung mga babae, ramdam niya na marami sa mga ito ang naiinis sa kanya at kung anu-anong binabansag sa kanya dahil kasama niya ang isa sa Nuevareal prince.
Napaka-judgemental talaga ng ibang tao, wala naman silang alam at hindi naman siya kilala ng mga ito pero kung makapanghusga at makapagsalita parang kilala ng mga ito ang buong pagkatao niya.
Hindi na lang niya pinapansin ang mga ito at itinuon na lang ang atensyon sa date nila ng Kuya Dustin niya dahil baka mawala pa siya sa mood at masira lang ang bonding moments nilang dalawa.
Napangiti siya ng sobrang tamis. "Yes! Akala ko hindi na niya matutupad iyon since sobrang busy niya pero kasama ba sina Kuya Xander?"
Pinisil nito ang ilong niya. "Oo naman. That's why they've been very busy these past few weeks, they're trying to finish their works to be able to have a few days off para maka-bonding ka naman daw nila ng walang istorbo from work."
"So, where are we going?" Usisa niya.
"I think it's the newly opened island resort near Coron, it's called Vanzelle Cove." Nakangising sabi nito na ikinalaki ng mga mata niya.
That island resort is one of the many island resort of Dalton Hotel International, ang isa sa kompanya na ipinamana sa kanya ng lolo niya sa mother side. Kasalukuyang ang Kuya Lee niya muna ang namamahala ng DHI habang nag-aaral pa siya, buti na lang na hotel and restaurant management ang kukunin niyang course.
"Wow, I'm so excited to go there."
Ngumisi ito. "I know you are."
Nginisian din niya ito. "I'll apologize in advance pero I think mabubutas ko ang bulsa mo since you said na wala akong gagastusin ngayon and it's all on you. I need to buy swimwears, summer dresses, sunglasses, sunblocks, slippers and other things."
"I thought of that so you don't have to worry about anything, princess. Sagot ko ang pang-shopping mo." Mayabang na sabi nito.
"Ikaw na ngayon ang nasa top ng listahan ng pinakapaborito kong Nuevareal prince." Pambobola niya rito.
Pinisil nito ng ilang segundo ang ilong niya. "Huwag mo na akong utuin dahil alam kong wala namang nakakalamang dahil pantay-pantay kami sa paningin mo. Salawahan ka kasi!"
"Because my love for you guys are just equal." Sagot niya.
"And we love you more."
Napatawa siya. "Pero admit it, you love Jessie more."
"My love for you is different from what I feel for her, hypothetically, if ever my feelings for her change, my love for you won't change." Madamdaming sagot nito.
"Ang cheesy mo!" Sigaw niya rito sabay subo niya rito ang isang buong slice ng pizza kaya muntik itong mabulunan pero natatawa lang ito sa ginawa niya. "Pero huwag na huwag mong sasaktan si Jessie, kung hindi ako ang makakaaway mo. She'd been through a lot and if you're not sure of what you feel or you're not sure that you're feelings for her won't change then I suggest that you just offer her friendship."
"Don't worry, I won't pursue her if I'm not 200% sure of my feelings for her because I don't want to hurt her." Seryosong sabi nito. "Besides, I'm still trying to get to know her more."
Nginitian niya ito ng sobrang tamis. "Just bear with her, like I said she'd been through a lot and learning to trust the likes of you would be hard for her."
Napakunot-noo ito. "What do you mean?"
Umiling siya. "Not my story to tell."
"Dustin..."
Sabay silang napabaling sa boses ng isang babae na nasa likuran niya. She was a very beautiful girl na halatang may lahi, since her eyes are green while her hair is a natural dark-brown pero nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang kasama nito. It's no other than her arch-nemesis, Tyler Saavedra. Girlfriend kaya nito ang babaeng tumawag sa pinsan niya.
Matalim na nakatingin sa kanya ang mokong, siguro ay hindi pa rin ito nakaka-move on sa ginawa niya rito noong huling pagkikita nila. Kahit naman siya ay hindi pa rin nakaka-move on sa ginawa nitong pagnanakaw sa first kiss niya kaya tiningnan niya rin ito ng matalim saka inirapan ito at nag-iwas na ng tingin baka kasi makita pa ng kuya niya.
"Jenica..." Nakangiting tumayo ang kuya niya pero matalim na mga tingin ang ibinato nito kay Tyler na poker-faced lang.
Lumapit ang babae sa pinsan niya saka humalik sa pisngi ng kuya niya. "I didn't expect to see you here on a date this early."
Napangisi ang kuya niya. "The earlier, the longer I could spend time with my date."
Nilingon siya ng babae at inismiran. "The faster you get rid of her, just like the other girls you'd dated."
Hindi niya gusto ang tabas ng dila ng bruhang ito baka masungalngal niya ito sa pizza sa table nila.
"I'm very different from those other girls, Miss. He can't get rid of me that easily or it's the other way around, I can't get rid of him that easily no matter how I want to." Kung matalas ang dila nito ay kayang-kaya rin niya iyon, tumayo na rin siya at inilahad ang kamay sa harap nito. "Hi, I'm Hazel Morales, a friend of Dustin."
Nagtatakang tingin ang ibinigay sa kanya ng kuya niya na sinagot niya ng tingin na sinasabi ritong sakyan na lang ang sinabi niya, ayaw kasi niyang malaman ng mokong na Tyler na iyon kung sino talaga siya.
"Jenica Petrovsky, one of the heiress of Petrovsky Group." Hindi rin siya mayabang at hindi man lang nito tinanggap ang pakikipagkamay niya. "And that's my bestfriend, Ty—"
"Kilala ko siya." Putol niya sa pagpapakilala sa mokong nitong kasama.
Inirapan lang siya ni Jenica at binalingan ang kuya niya, muntik na niya itong bigwasan sa ginawa nito buti na lang nakapagpigil siya.
"Can we join you guys for lunch?" Malanding anito sa kuya niya kaya pinanlakihan niya ng mata ang kuya niya na sinagot nito ng kibit-balikat at ngisi. "Please..."
"Yeah, sure." Sagot na ng Kuya Dustin niya at kaagad namang umupo sa katabi nitong upuan ang bruha kaya wala siyang choice kung hindi ang makatabi ang pinakanakakainis na nilalang na nakilala niya. "I heard you flew to London when the summer vacation started. How's your vacation there?"
Malanding ngumiti ito sa kuya niya na ikinairita talaga niya. "I had a great time there. Ikaw, how's your summer vacation?"
"It's quite interesting and fun, actually." Sagot naman ng kuya niya.
Kung kanina ay sobrang ganda ng mood niya ay biglang naging sobrang badtrip, panira kasi ang dalawang ito lalo na itong katabi niya. Wala man itong sinasabi o ginagawa ay presensya pa lang nito ay nakakaimbyerna na.
"Selos ka ba?" Bulong nito habang nagkukuwentuhan ang dalawang nasa harap nila at hinihintay ang inorder ng mga ito. "She's more prettier than you."
Mabilis na tiningnan niya ito ng matalim saka siniko ito sa dibdib kaya napaigik ito. "Gusto mong maospital ulit?"
"I-I'm just being honest." Mukhang nasaktan ito sa ginawa niya.
Nilingon niya ito at tiningnan ng matalim. "I'm not jealous but I'm annoyed especially with you."
"By the way, Hazel, are you from the Morales of GM Insurance Inc.? You look familiar kasi." Nakataas ang kilay na tanong noong bruha na umagaw sa atensyon niya.
"No. I'm not from any rich family. Ulila na ako at lumaki sa bahay-ampunan."
Mukhang nagulat ang dalawa sa sinabi niya, magkaiba naman ang reaksyon ng dalawa pero ang pinakakinainisan niya ay ang reaksyon ng babaeng katabi ng pinsan niya. Mapanuring tingin ang ibinigay nito sa kanya habang pagkamangha naman ang tingin na ibinigay sa kanya noong mokong na bastos sa tabi niya.
"Then, how did you become friends with a Nuevareal?" Maarteng usisa nito.
"Regular customer siya sa Cafe Hevn where I'm currently working part-time as a waitress." Nakangiting sagot niya.
Ngumiti ito ng mapanuya sa kanya. "How convenient is it to be acquainted with a Nuevareal? Latest cellphone? Shopping spree?"
Mukhang napansin nito ang cellphone niya na nasa tabi ng pinggan niya since ka-text niya ang mga kaibigan niya at ang Kuya Sean niya, talagang pinagdidiinan nito ng husto nang binigkas nito ang salitang acquainted at friends.
"Jenica!" Saway rito ng katabi niya.
"Actually, it's very convenient since ipagsa-shopping niya ako ngayon aside from that ay niregaluhan niya ako ng mga mamahaling gamit, as in yung latest talaga which includes this phone." Sarkastikong pang-aasar niya rito. "And did I mention I'm friends with a Hamilton heiress? Na lagi akong inililibre sa spa, salon at mga mamahaling restaurants."
Inismiran siya nito. "And you're so proud that you're a user friendly gold digger?"
Nginitian niya ito. "And you're so judgemental like most of RK that I encountered. Kapag ba niregaluhan ka ng isang mamahaling bagay ng isang kaibigan, does it mean you're a user friendly gold digger, too? Magkaiba ang binigay kaysa sa hiningi o ni-request o pinabili mo at isa pa, sabi ng isa sa mga kaibigan ko kapag niregaluhan ka tanggapin mo dahil nakakasama ng loob sa part ng nagreregalo kung tatanggihan mo ito."
Namula ito sa sinabi niya, mukhang napahiya sa sarili nito buti na lang at dumating na ang order ng mga ito. Nginitian at kinindatan ng loko niyang pinsan na may kasama pang thumbs up bago ito nagsimulang kumain ulit kaya kumain na rin siya ulit.
"Tsk." Iyon lang ang nasabi noong bruha.
"But I'm quite curious, Saavedra." Medyo kinabahan siya sa gustong itanong ng pinsan niya sa kanyang katabi, lalo na't medyo unpredictable ang expressions at tono ng pagsasalita nito. "How did you and Hazel know each other? She never mentioned she knows you."
Poker faced lang naman si Tyler. "I guess it's none of your business, Nuevareal."
Sumeryoso na ang hitsura ng kuya niya. "But I'm making it my business, Saavedra. Hazel is one of the most important people in my life and since she's an orphan, someone must look after her welfare. So, care to share, how you know Hazel?"
"Ahm... Kasi—"
Gosh! It's like he's interrogating him and not just a simple question. Ano bang nakain ng pinsan niya at bigla na lang naging ganito ito? Talo pa niya ata si Kuya Lee na mag-interrogate.
"I'm talking to him and not you, Hazel." Putol ni Kuya sa sasabihin niya na ikinatahimik niya.
"Welfare? Then, maybe she needs to be cautious of you since you changes your girlfriend more often than changing your underwear." Balik na sagot ni Tyler na nakapagpatawa sa kanya kaya tiningnan siya ng matalim ng dalawa bago nagtagisan sa pagtitigan ng matalim sa isa't isa.
"And since when did you care about my affair, Saavedra? I didn't know you care about my escapades." Mapanuyang saad ng kuya niya. "Or maybe you're interested with Hazel that's why you're so concern."
"Being concerned doesn't necessarily mean I'm interested with her, don't you think she's too innocent and naive just to be tainted by a moron like you." Sagot rito ni Tyler na muntik na niyang ikasamid. "You're using friendship to get into her pants."
Tuluyan na siyang nasamid sa huling sinabi nito, siraulo ito! Kung makapagsalita ay parang wala siya sa tabi nito pero sa totoo lang gusto niyang humagalpak ng tawa, mukhang kilalang-kilala nito ang pinsan niya.
"What do you care if I am using friendship to get laid?" Pinanlakihan niya ng mata ang pinsan sabay sipa rito sa ilalim ng lamesa since ito ang katapat niya para sawayin ito pero binigyan siya nito ng tingin na sumakay na lang siya. "I'm not going to force her anyway, I'll never force any girl to sleep with me if they don't want to."
Yuck! Kadiri! Argh! Jusko, ano ba itong lumalabas sa bibig ng pinsan niya?! Isusumbong talaga niya ito sa mga kuya nila. She doesn't know what the heck is her cousin's problem to antagonize and start a word war with Tyler but if this is about what occurred between her and Tyler then this would be chaos.
Nagulat na lang siya ng biglang hilahin ni Tyler ang kaliwang kamay niya since nasa kaliwa niya ito, kaya napatayo siya at bigla na lang siyang hinila palabas ng restaurant. Muntik pa niyang maiwanan ang cellphone at sling bag niya kung hindi kaagad niya nakuha ang mga iyon.
"Hoy, saan mo dadalhin si Hazel?!" Sigaw ng pinsan niya.
"Wait, Dustin! Don't leave me here!" Susundan sana sila ng pinsan niya kaya lang napigilan ni Jenica at noong waiter para magbayad ng kinain nila kaya nakalayo na sila.
*****
All Rights Reserved.