Chapter 11
"HOY!" Hinaklit na ni Hazel ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Tyler. "Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Kakain."
What?! Bwisit na ito! Kumakain sila kanina tapos bigla na lang magwo-walkout para lang humanap ng ibang kakainan at talagang isinama pa siya, kung hindi naman isa't kalahating timang itong lalaking ito.
"Siraulo ka talaga, eh 'no? Ang sarap-sarap ng kain ko tapos bigla kang manghihila para lang kumain sa ibang restaurant, bakit hindi na lang ikaw mag-isa?" Nagtitimpi lang siya pero gigil na gigil talaga siya sa lalaking bastos na ito.
"I'm just taking you away from that playboy who's trying to get into your pants." Hinawakan ulit nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa isang fastfood restaurant na nadaanan nila.
Akala ba niya ay hindi ito kumakain sa fastfoods, bakit dito siya dinala ng mokong na bastos na ito?
"Humanap ka ng table at ako ang oorder, anong gusto mo?"
Tiningnan niya ito ng matalim. "Kahit ano basta huwag cola yung drinks."
Naiinis na humanap ng table at pagkaupong-pagkaupo niya ay tumunog ang cellphone niya. It's her Kuya Dustin.
"Where did that Saavedra take you? Is he still with you?"
Iyon kaagad ang binungad nito ng sagutin niya ang tawag nito, mukhang galit yata ito base sa kaseryosohan sa boses nito.
"Nandito pa rin naman kami sa mall, Kuya."
"Where exactly? I'll get you."
She nipped her lower lip. "No need, Kuya. Baka mamaya ay magkagulo pa."
"Magkakagulo talaga kung hindi ka niya tatantanan!"
Mukhang hindi lang basta galit talaga ito, she thinks it's way beyond anger.
Napabuntung-hininga siya. "Kuya, ngayon na lang ulit kami nagkita, ano bang sinasabi mo na hindi niya ako tinatantanan?"
He sighed too on the other line. "Just tell me where exactly are you right now?"
"We're in a fa—"
Nagulat siya ng may biglang humablot ng cellphone niya kasabay ng paglapag ng tray sa harap niya na may rice meal, fries at pineapple juice. Umupo sa harap niya si Tyler na hawak-hawak ang cellphone niya at may kinalikot doon bago nito ibinulsa ang cellphone niya.
"No phone calls." Anito. "I'll give this to you later."
Tiningnan niya ito ng matalim. "Ano bang problema mo?"
"How about you? Hindi mo man lang ba naintindihan na kaya nakikipagkaibigan sa'yo ang Nuevareal na iyon ay dahil gusto niyang isama ka sa listahan ng mga naging babae niya. Kung sa paningin mo ay bastos na yung ginawa ko sa'yo ay mas masahol pa ang maaaring gawin ng Nuevareal na iyon." Kunot-noong saad nito.
Inirapan niya ito. "Don't you think that those girls he bedded are very willing to shared it with him kaya it's not entirely his fault?"
Nakakunot-noo ito habang nakatingin sa kanya. "So, you're saying you are willing, too?"
Yuck! Pinsan kaya niya iyon at kapatid na ang turing niya rito, ganito ba talaga ang mindset ng mga lalaki? Yung bastos kaagad ang naiisip at kung makapagsalita ay padalus-dalos na hindi man lang naisip yung consequences ng mga lumalabas sa bibig ng mga ito.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. "I'm not that kind of girl, moron. Kung sa kiss nga lang ay nanggagalaiti na ako sa tingin mo ay papayag ako sa ganoong bagay without the sanctity of marriage."
Napangisi ito. "Then, bakit sumama ka pa rin sa babaerong Nuevareal na iyon?"
"Because he's a friend and I trust him."
"You shouldn't trust someone like that Nuevareal."
Napabuntung-hininga siya. "What's your problem with Dustin? Being a playboy doesn't mean he's a bad person and he doesn't respect girls."
Tiningnan siya nito ng matalim. "It's none of your business."
"If you don't want me meddling with your business then, don't meddle with mine." Mataray na sabi niya rito na tinapunan siya ng matalim na tingin. "Though, I'm curious. Bakit ako ang hinila mo at hindi yung kaibigan mo? Shouldn't you be more concerned that Dustin take advantage of her since she's showing motives to Dustin, in my point of view, that's the kind of girls that Dustin could easily convince to sleep with him."
Curious lang talaga siya since magkaaway sila ay nakakapagtaka ang ginawa nitong paghila sa kanya palayo sa pinsan niya.
"No matter how Jenica shows motives and seduce him, he'll never take advantage of her." Anito. "He's a no-strings-attached kind of guy, he doesn't want to be involve with a girl who has romantic feelings towards him. He avoids those kinds of girls like a plague."
"Maybe because he hasn't found the right girl for him then." Aniya na nagpakunot-noo rito.
"Then? Are you saying you're the right girl for him?" Natatawang saad nito na muntik na siyang mabulunan. "I don't think so."
Tiningnan niya ito ng matalim. "No! I'm referring to my friend, moron."
"Is it that Jessie I heard you two were talking about in the italian restaurant?"
Nanlaki ang mga mata niya. "You're eavesdropping on us?! How dare you?!"
Ngumisi ito. "It isn't my fault that you guys chose to sit at the table behind me."
Inirapan niya ito. "Jerk!"
"But I'm kinda curious, what does he mean with 'his love for you is different from what he feels for her, hypothetically, if ever his feelings for her change, his love for you won't change'?"
"Because he treats me as his little sister and he wants my friend to be his forever." Mataray na sagot niya.
"Does all of the Nuevareal prince treats you as their little sister? I heard one of his cousins promised you an out-of-town trip with all of them."
May pagkatsismoso talaga ito at wala talagang pinalampas ang tenga nito sa conversation nila ng Kuya Dustin niya.
"Ang tsismoso mo rin, 'no. Oo parang nakababatang kapatid ang turing nila sa akin, kaya sa ginawa mong pag-kidnap sa akin ay siguradong may manhunt nang nagaganap dahil medyo may pagka-OA si Dustin dahil hindi niya ako matawagan kaya siguradong nagsumbong na iyon kina Kuya Xander sa panghihila mo sa akin. Aside from that you're the one who dragged me, I'm pretty sure that he's quite furious right now." Babala niya rito. "Kaya pwede bang ibigay mo na sa akin ang cellphone ko para matawagan ko sila na okay lang ako."
Inabot naman kaagad nito ang cellphone niya na pinatay pala nito kaya kaagad niyang binuhay. Sabay-sabay niyang tinawagan ang mga pinsan niya through conference call.
"Where are you, Hazel?" Kuya Lee niya.
"Did that Saavedra do something to you?" Kuya Calvin niya.
"Are you alright, Princess?" Kuya Ford niya.
"I'm going to kick Saavedra's a*s if he did something to you?" Kuya Dustin niya.
"Did he kiss you again, Princess?" Kuya Kelvin niya.
"Do we need to send the men-in-black to look for you?" Kuya Calvin niya ulit.
"Or the SWAT or the SAF?" Kuya Dustin niya ulit.
Sabi sa inyo, OA ang Kuya Dustin niya na minana sa Kuya Calvin niya.
"Will you all shut up?! You're making my head hurts more. Princess, you're okay, right?" Kuya Xander niya.
Sa wakas natahimik din ang mga pinsan niyang may sapak, namula nga yata siya sa tinanong ng Kuya Kelvin niya. So, alam nga ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Tyler na nag-viral pero hindi lang siya inusisa ng mga ito.
"I'm fine. Don't worry, we're just eating."
"Do you want us to fetch you?" Kuya Sean niya na ngayon lang umimik.
"No need. Magta-taxi na lang ako pauwi saka wala namang gagawing masama si Tyler sa akin. Kasalanan mo kaya ito, Kuya Dustin! Kung hindi mo siya prinovoke, eh di hindi niya ako hinila na lang basta-basta! Ang sarap-sarap ng kinakain ko kanina tapos... Argh! Saka bawas-bawasan mo nga yang pagiging OA mo!" Naiinis na sabi niya.
"Sorry na, Princess. Huwag ka ng magalit." Kuya Dustin niya.
"Can't you control yourself, Dustin? Next time, don't try making trouble with Saavedra. Same goes for all of you. Princess, don't be out too late since you don't have any bodyguards with you. I still have a meeting. Bye." Kuya Xander niya.
"Are you sure, Princess?" Kuya Ford niya.
"Yes, Kuya."
"Okay. Take care. Bye." Kuya Ford niya ulit.
"Just call me, when you can't find a taxi and be careful, okay? Bye." Kuya Lee niya.
Sunod-sunod na ring nagpaalam ang iba pa niyang Kuya na may kung anu-ano pang habilin, sobrang overprotective talaga ang mga ito.
"You're that close to the Nuevareal princes that they're so worried about you, huh." Nanunuyang ani ng kasama niya.
"Like I said they treat me as their little sister." She rolled her eyes at him.
Napailing ito. "You know what, you're the only person besides my little sister who could roll her eyes at me that I couldn't scare with a glare and the only person who could injure me."
"I'm flattered then."
"Where do you want to go after eating?" Tanong nito kaya napatingin siya rito.
"Home. Ayokong mag-shopping ng ako lang mag-isa." Sagot niya.
"Anong mag-isa? Kasama mo kaya ako, since naudlot ang libreng shopping spree mo with that casanova Nuevareal prince, ako na lang sasagot ng pagsa-shopping mo for your out-of-town trip to Vanzelle Cove." Anito na ikinagulat niya.
"Tsismoso ka talaga, 'no pati pala iyon ay narinig mo." Sarkastikong anito. "I can pay for my shopping spree but I would accept your offer to accompany me."
"No. It's a package deal, I'll accompany you and pay for everything you want to buy." Anito.
"Ayoko ngang magkautang sa'yo."
"Libre nga, hindi utang."
Anong nakain nito at talagang sasagutin ng libre ang shopping spree niya? As far as she can remember ay magkaaway sila at nanggagalaiti ito sa galit sa kanya. Is he planning something to get even? Well, malabong maging even sila since the scoreboard says it's still 2-0. Pero kung ano man ang trip nito ay sasakyan na lang muna niya at least libre ang shopping spree niya.
Napangisi siya. "Okay fine. Walang bawian, pero I'll apologize in advance dahil mabubutas ang bulsa mo sa akin."
Ngumisi ito. "I'm a Saavedra. I earn millions of US dollars per hour without breaking a sweat. Money isn't an issue, you can buy anything you want."
Napapangiti siya habang kumakain. "Oo na! Ikaw na ang mayaman!"
Sana naman ay totoo ang kabaitang ipinapakita ng mokong na ito at hindi isang palabas lang para pasakayin siya para makaganti sa kanya. With his attitude right now, hindi malabong maging magkaibigan sila kahit na may hint ito ng kayabangan at sobrang pagkabilib sa sarili.
"Hindi mo ba tatawagan yung kaibigan mo? Hindi ba dapat siya ang sinasamahan mo?" Usisa niya.
"I'm sure she's with Dustin, she'll never let him go until she's done with her shopping and Dustin take her home." Medyo nahimigan niya ang lungkot sa boses nito. "Kung hindi tayo umalis ay siguradong magkakasama tayo ngayon kahit sa pagsa-shopping at gera lang iyon."
"So, hindi ka naman talaga concern sa akin, you have a selfish martyr reason."
Napakunot-noo ito. "Huh? Selfish martyr?"
"Selfish because you don't want to see Jenica trying to caught Dustin's attention but at the same time martyr since you dragged me with you so that Jenica could be alone with him without anyone in her way." Paliwanag niya.
"Bilisan mo na nga lang kumain diyan para marami kang mabili for your trip." Angil nito sa kanya.
***
"ISN'T that too daring for you?" Nakakunot-noong komento ni Tyler sa two-piece bikini na hawak niya na strapless ang top, nandito sila sa isang season boutique na naka-sale pa since tapos na ang summer season. "Choose a swimwear with a strap, it's very risky to wear that."
"Okay." Sang-ayon niya since may punto naman ito.
Sampung two-piece bikini ang napili niya, pitong one-piece, benteng beach shorts na may kasamang tank top, twelve na see through cover na iba-iba ang design, twenty-five na maong shorts, sampung maong short shorts at sixteen na summer dresses.
"That's all?" Tanong nito ng ipakita niya rito ang mga napili niya. "Hindi mo mabubutas ang bulsa ko sa unti niyan."
Tinawag nito ang isang sales lady ng boutique. "Yes, Mr. Saavedra?"
"Get her one of each style and color of swimwear you have in her size except for the strapless tops and sexy back bikinis, also one of each style and color of summer wear and beach wear you have in her size. And get her one of each style of sunglasses you have." Inabot nito ang isang debit card sa sales lady saka siya binalingan. "That's how you dent my bank account."
Napatawa siya. "It's kinda an exaggeration when I said that."
May kabaitan din pala sa katawan ang mokong na ito pero yun nga lang may kasamang kapreskuhan, hindi lang siguro talaga maganda ang unang pagkikita nilang dalawa. Pero hindi pa rin niya makakalimutan na ito ang nagnakaw ng first kiss niya na dapat ay sa first boyfriend niya at hindi niya pa rin maiwasang magduda rito, ngunit sa ngayon ay i-enjoy muna niya ang company nito.
"But I'm serious." Nakangising sabi nito.
Napailing siya. "Sobra-sobra na nga yung pinili ko, eh."
"Ayaw mo non, hindi mo kailangang mag-ulit ng damit."
"I'm not that kind of girl, sanay akong mag-ulit ng damit especially kung paborito ko." Aniya.
Pagkatapos nila sa boutique na iyon ay kung saan-saan pa sila napadpad kaya sobrang dami na ng bitbit nitong paper bags. Naawa naman siya kaya palihim niyang kinausap yung nasa cashier na ipadala na lang sa bahay nila yung mga pinamili niya mula sa shop ng mga ito since pwede naman iyon, ibinigay na lang niya ang address nila at contact number niya with her name.
"Tara?" Yaya niya rito.
"Oh, paano yung pinamili mo?" Nagtatakang tumingin ito sa kanya.
"Ipapadala na lang nila sa bahay namin, nakakaawa ka na kasi sa dami ng dala mo at ayaw mo pa akong pagbitbitin."
Napangiti ito. "I'm an old school gentleman, I'll never let a girl carry a single thing. Hindi naman ito mabigat, yakang-yaka ito ng muscles ko."
Inirapan niya ito at nauna nang lumabas ng shop na iyon, mayabang talaga ang mokong.
After nilang mahalughog ang lahat ng boutique for clothes, shoes, accessories at bag ay humantong sila sa bookstore na ikinataka nito.
"You read?"
"It's my hobby since I learned to read kaya kapag namimili ako ay hindi nawawala ang pagbili ko ng libro."
"That's nice."
Ilang libro din ang napili niyang bilhin since mostly ay meron na siya pero bukod sa mga romance fiction ay bumili rin siya ng sketchpads, pencils, color pencils, hotel and restaurant management books, recipe books, business management books, fashion design books at jewelry design books. Ipapadala na lang daw sa kanila ang mga binili niya tulad ng ibang binilhan nila kanina.
"You're done?"
Nagulat siya na nasa likod na niya ito samantalang bigla na lang itong nawala kanina habang namimili siya ng mga libro na gusto niya.
"Saan ka galing?" Tanong niya.
"Just somewhere." Sagot nito saka inabot sa kanya ang dalawang grande ng chocolate milk tea na paborito niya na nasa isang carton na lalagyan or carrier nang makalabas sila ng bookstore. "Oh huwag mong ibubuhos sa akin iyan."
Napatawa siya nang itapon na niya yung carton na carrier. "Of course not since ikaw ang nagbayad ng lahat ng pinamili natin."
"Pwede bang ikaw ang humawak ng milk tea ko, ang dami ko kasi bitbit." Tinanguan lang niya ito at iniumang sa bibig nito ang nasa kaliwang kamay niya na milk tea. "Saan na tayo ngayon?"
Napatingin siya sa wristwatch niya. It's already 7 pm kaya pala nagugutom na siya. "Dinner."
"Anong gusto mong kainin?"
"How about you? Anong gusto mo?" Balik-tanong niya rito.
"Sa food court na lang tayo para maraming choices." Suggestion nito.
"Okay."
Inilapag lang nito sa isang bakanteng table ang mga dala nito at umorder na ito ng dinner nilang dalawa. Iba't ibang putahe ang dala nito ng bumalik at may kasunod pa itong staff ng isa sa mga stall doon, talagang dalawang platter pa ng kanin.
"Hindi ka naman gutom sa dami ng binili mo." Sarkastikong aniya.
"Kasi nakakapagod ka naman palang samahan mag-shopping." Pang-aasar nito saka tumabi sa kanya since puno ng paper bags ang kabilang side. "Pero masaya at hindi boring."
Napatawa siya. "Ikaw kasi, bawat madaanan nating boutique at shop ay itinuturo mo sa akin."
Napatawa na rin ito. "Kasalanan ko pa pala."
He looks so gorgeously handsome when he's laughing genuinely but her heart skipped a beat when he smiles and grins at her like a greek god heartthrob from Mount Olympus. She's trying to keep a cool facade in front of him to hide that she's very affected by him but deep inside it's quite the opposite and she can't explain why when she still hates him for stealing her first kiss.
"Oh, by the way." Inabot niya rito ang card nito habang kumakain ito. "Thank you for sponsoring my shopping spree today."
"It's yours now. I have other cards anyway and don't worry I personally opened that account, it's my own money and it's not from my parents or grandparents." Anito na nagpanganga sa kanya. "Don't let that playboy Nuevareal pay for your things, he might wants something in return. I really don't believe that he treats you as his little sister unlike his siblings and cousins."
"I know he does so giving this to me isn't necessary."
"If he does or not, it's yours now."
Tiningnan niya ito ng matalim. "Baka naman may masama kang binabalak kaya ibinibigay mo sa akin ito. Mamaya ay damputin na lang ako bigla ng pulis at sabihing ninakaw ko itong card mo."
"I already called the bank about you using it from now on and only you could use that." Anito.
"May saltik ka talaga, ano? Why would you trust me with something like this? Eh, kung gamitin ko sa pagbili ng iba't ibang property." Banta niya rito.
Nagkibit-balikat lang ito. "Bahala ka basta para sa sarili mo at sa mga taong mahalaga sa'yo."
Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. They're not even friends kaya bakit naman siya nito bibigyan ng access sa bank account nito? Nababaliw na ito.
"What about your parents and family? What would they think about me? Hindi naman ako mapang-abuso na tao."
"Kung may malaman man sila ay ako na lang ang magpapaliwanag sa kanila. Sagot kita, Hazel kaya huwag kang mag-alala."
"Hindi ko talaga matatanggap ito." Tanggi niya.
"Okay kapag hindi mo iyan tinanggap ay isusuplong kita sa pulis na ini-skim mo yang card ko sa cafe kung saan ka nagtatrabaho tapos ginamit mo sa pamimili mo ngayon." Pananakot nito habang nakangisi.
Nanggigigil na hinampas niya ang braso nito bago inilagay sa loob ng sling bag niya yung card. "Nakakainis ka."
"Kumain ka na nga lang." Dinagdagan pa nito ng pagkain ang plato niya. "Ubusin mo yan para walang masayang."
Napangiwi siya. "Ikaw ang umubos niyan dahil ikaw ang umorder niyan."
"Oo na." Natatawa ito. "Huwag ka nang magalit."
"Fine." Singhal niya rito.
Sa dami ng cards niya malabong magamit niya ulit ang card na ibinigay nitong may saltik niyang kasama ngayon.
"You know we should do this more often, it's quite fun." Anito.
"Ayoko nga. Nakakainis ka kaya, napaka-manipulative mo." Biro niya.
Ngumisi ito. "Sinabi mo na, napaka-manipulative ko kaya gagawa ako ng paraan para maulit ito."
"Kumain ka na nga lang!"
"Can you please add me as one of your friends in sss? Since your account is private, I can't add you." Tanong nito.
She took out her phone and send a friend request for him. "Done. Pero subukan mo lang gumawa ng kalokohan, humanda ka sa akin."
Natawa ito. "Behave naman na ako, ah."
"Give me your phone." Ini-unlock muna nito bago inabot sa kanya, she called her number from his and save my number in his phone bago ibinalik rito saka niya pinagtuunan ng pansin ang cellphone niya para i-save ang number nito, Manipulative Pasaway ang pangalan nito sa contacts niya. "Since I have your number I could hunt you down when you did something annoying."
Nagulat siya ng may biglang flash mula sa direksyon nito kaya napatingin siya rito, he took a stolen picture of her. "Contact pic mo."
Gumanti siya rito and took a photo of him but heck, he's grinning from ear to ear while looking at her cam. She rolled her eyes but she still used it as his contact picture in her phone.
"It's getting late, finish your food."
Isang oras pa silang nagtagal sa food court bago sila nag-desisyon na umuwi na, pinilit nitong ihatid siya pero mariing tinanggihan niya.
"Sigurado ka bang magta-taxi ka na lang?" Nag-aalangang tanong nito habang inisasakay sa backseat noong taxi driver yung mga paper bags ng pinamili nila.
"Yap." Saka iniabot dito ang ilang paper bags na inihiwalay niya kanina. "These are for you."
"Pinag-shopping mo rin ako?" Nagulat yata ito na pinamili rin niya ito.
"Malamang." Aniya.
"Mam, ayos na po." Sabad ni Manong.
Tinanguan lang niya ito at binalingan ulit si Tyler. "Sige na, ba-bye. Ingat ka sa pag-uwi mo."
"Ikaw rin. I-text mo ako kapag nakauwi ka na." Anito.
"Okay."
***
PAGTAPAT ng taxi na sinasakyan ni Hazel sa pinto ng palasyo nila ay kaagad na pinagbuksan siya ng isa sa mga men-in-black nila ng pinto ng taxi para makababa siya ng taxi kasunod nito yung tatlo niyang steward at si Melissa na siyang kumuha ng mga paper bags sa loob ng taxi.
Naka-standby na ang mga ito sa pagdating niya mula pa ng pumasok sa loob ng Helena Heights ang taxi na sinasakyan niya since kailangan niyang i-encode yung passcode niya para makapasok yung taxi since walang electronic pass ang sinasakyan niya and for identification, tapos magre-relay iyon sa household ng pupuntahan o tinitirhan ng pumasok sa gate since it's the only entry and exit point ng village nila kaya alam ng mga ito na parating na siya. Isa iyon sa security features ng village nila at nang iba pang subdivisions saka villages na pag-aari ng kompanya nila.
"Dumating na pala yung mga pinamili mo, Miss Hazel." Ani Melissa na kasunod niya sa pagpasok sa loob na may bitbit ding paper bags ang isang kamay. "It's already in your room."
"Okay." Pagpasok niya sa loob ay napatingin siya sa receiving area ng bahay nila, nandoon ang mga pinsan niya at lolo na mukhang kanina pa siya hinihintay, binalingan muna niya yung apat bago harapin ang mga ito. "Pakilagay na sa closet yung mga damit except doon sa swimwears at pang-beach, pati yung mga accessories at ibang gamit ay pakilagay na sa dapat kalagyan pero ako na ang bahala sa mga libro."
"Okay, Miss Hazel."
Nginitian niya ang mga ito. "Susunod na lang ako, may interrogation muna akong dadaluhan."
Napatawa ang mga ito bago tinungo ang hagdan habang isang buntung-hininga ang pinakawalan niya bago tinungo ang kinaroroonan ng pamilya niya. He kissed their cheeks one by one pero s'yempre una ang lolo nila saka siya tumabi sa Kuya Sean niya na busy sa pagta-type sa laptop nito.
"So, Princess, did you enjoy your day?" Tanong ng lolo nila. "I heard you were with Tyler Saavedra, is he your boyfriend?"
Nagulat siya sa huling tanong nito. "No, grandpa! Tatlong beses pa lang po kaming nagkikita at yung dalawa roon ay hindi maganda, yung kanina nga muntik na ring hindi maging maganda dahil muntik na silang mag-away ni Kuya Dustin at muntik ko nang bigwasan yung bruhang Jenica na iyon."
Napansin niya ang lihim na pagtawa ng mga kuya niya sa sinabi niya.
"Who's that Jenica, Princess?" Nagtatakang tanong ng lolo nila.
"Jenica Petrovsky of Petrovsky Group, grandpa."
"Oh, one of the daughters of the shrewd Dmitri Petrovsky. So what did that Jenica did to you?" Tanong ulit ng lolo nila.
"She called me a user friendly gold digger when she saw my phone just because I told her I'm an orphan and grew up in the orphanage." Naiinis na kuwento niya. "So I told her she's a judgemental rich kid, hindi ba pwede niregaluhan ako ng cellphone. Sarap isungalngal doon sa pizza yung mukha niya, kung hindi lang ako nakapagpigil at kung hindi lang nagsimula ng g**o si Kuya Dustin."
She glared at her Kuya Dustin who's sitting a few feet from her.
"Sorry na nga." Hingi nito ng paumanhin. "Saka babayaran ko lahat ng nagastos mo sa pagsa-shopping. Magkano ba?"
"Kay Tyler mo iyan itanong. He paid for everything I shopped today." Sagot niya na mukhang ikinagulat ng mga ito. "Ang yabang-yabang pa nga niya habang inuutusan yung mga staff na kuhanin ang lahat ng style meron sa mga boutique sa mall para bilihin iyon lahat pero napaka-conservative, okay lang naman yun since ayoko din naman ng mga masyadong revealing and very gentleman kasi siya nagbitbit ng lahat noong dala ko rito pag-uwi at ayaw naman akong pagbitbitin, naawa naman ako kaya ipinadala ko na lang dito sa sobrang dami."
"He paid for everything?" Nagtatakang tanong ng Kuya Kelvin niya.
"Baka naman may kapalit iyan, Princess." Ani Kuya Dustin niya.
Napatawa siya. "Well, he have the same opinion about you. Sabi niya huwag na huwag daw akong papayag na ikaw ang bumili ng mga gamit ko dahil baka daw may hingin kang kapalit dahil babaero ka kahit na sinabi ko na sa kanya na kapatid lang ang turing mo sa akin ay mukhang hindi siya kumbinsido."
"Kay Dustin ka lang ba niya winarningan?" Natatawang usisa ni Kuya Kelvin.
"Oo, mukhang malaki ang galit niya kay Kuya Dustin." Sagot niya.
"It's because of Jenica, he's been in love with her since they're in junior highschool but Jenica fell for Kuya Dustin and still chasing him until now." Sabad ng Kuya Sean niya.
"Then, she must have the time of her life since Kuya Dustin accompanied her today on her shopping spree." Sarkastikong aniya bago binalingan ang Kuya Dustin niya. "Kuya, huwag na huwag mo talagang papatulan ang bruhildang iyon kung hindi babangasan kita. I-sort mo na lang yang feelings mo kay Jessie at iwasan mo ang bruhildang iyon, may mapapala ka pa."
"Oo na."
"Nag-dinner ka na ba, Princess?" Tanong naman ni Kuya Lee.
Nginitian niya ito. "Yap, Kuya. Ang dami nga naming nakain ni Tyler, ang dami kasi niyang inorder sa food court."
Kuya Xander sighed. "I guess, we got what we wanted to know but are you sure that Saavedra didn't do anything to you?"
"Yes, Kuya. Saka kung may kalokohan man siyang binalak kanina ay baka nasa ospital na naman siya, he knows what I can do kaya hindi niya ako gagawan ng masama." Pag-aassure niya rito.
"Ospital na naman? What do you mean by that?" Usisa ng Kuya Ford niya.
"Naospital siya gawa mo?" Si Kuya Dustin niya.
Napakamot siya sa batok niya. "Noong first meeting kasi namin ay sinipa ko yung tuhod niya mula sa likod tapos na-spain kaya ilang araw siyang na-detain sa bahay nila tapos noong maayos na yung sprain niya ay hinunting niya ako at magkita kami sa isang fastfood sa mall then he did something not nice kaya tinuhod ko yung pinagmamalaki at pinakaiingatan niyang organ ng limang beses kaya dinala ulit siya sa ospital, so ilang araw din siguro iyon na-detain sa kama niya dahil s'yempre hindi siya makakalakad kung namamaga iyon. Kanina lang ulit kami nagkita."
Napanganga ang mga ito sa ikinuwento niya, hindi nga pala nasaksihan nina Seth at Karl ang nangyari noong tinuhod niya si Tyler dahil nagpaiwan ang mga ito sa katapat na coffee shop since puno ng tao doon sa fastfood noong time na iyon kaya hindi nila nai-report sa mga pinsan niya.
"Nakakatakot ka, Princess." Komento ng Kuya Calvin niya habang nakahawak sa pinakaiingatan nito.
"Hazel, hindi mo dapat ginawa iyon." Sermon ng pinakamatanda niyang kuya. "You could have killed him."
Napayuko siya. "Hindi ko naman gaanong nilakasan kaya alam kong hindi niya ikamamatay iyon pero hindi na mauulit, kuya."
He sighed. "Good. Magpahinga ka na, may pasok ka pa sa cafe bukas, hindi ba?"
"Okay, kuya." Isa-isa niyang hinalikan sa pisngi ang mga ito at sinabihan ng 'I love you' lalo na ang lolo nila na niyakap niya ng sobrang higpit. "Good night."
Patungo na siya sa hagdan ng tawagin siya ng Kuya Ford niya at ipinaalala yung pagpafile nila ng mga kaibigan niya ng leave para sa out-of-town trip nila papuntang Vanzelle Cove na tinanguan lang niya.
*****
All Rights Reserved.