WATT 12

3480 Words
Chapter 12 SA ISANG cafe silang apat dumiretso pagkarating nila sa mall, doon kasi nila tatagpuin ang mga kasama nilang mamimili ng mga ipamimigay nila sa mga bata sa bahay-ampunan kung saan siya lumaki, bibisita kasi sila doon sa susunod nilang day-off sa isang linggo. This would be the first time that she would visit since she left the orphanage pero hindi naman siya nawalan ng komunikasyon sa mga ito dahil madalas na kinakamusta niya ang mga ito through text and calls. "Nasaan na ba 'yung mga iyon?" Aniya habang sinusuri ang loob ng cafe para hanapin ang mga ito. Kaagad niyang tinawagan ang kontak niya sa mga katagpo nila nang hindi makita ni anino ng mga ito sa pinag-usapan nilang lugar, wala rin namang message mula sa kontak niya at hindi rin nito sinasagot ang tawag niya. "Sino ba kasing tatagpuin natin dito?" Usisa ni Jessie. "Basta." Hindi talaga ito sumasagot, yari talaga iyon sa kanya kapag nakita niya. "Lagot tal—" Nagtaka siya nang biglang nanlaki ang mga mata ng tatlong kaharap niya. "O-O-Oh my ghad!" "H-Hazel!" "Waaaah!" Kasabay ng pagtili ng tatlo ay ang pagdampi ng kung anong malamig sa tuktok ng ulo niya saka may tumawa nang nakakaloko mula sa likuran niya. It was Tyler. She glared at him and took whatever cold thing he's holding on the top of her head. It was a grande sized chocolate milk tea with cream cheese like the one he bought for them when he accompanied her in shopping a few days ago. "Saan kayo galing, ha?" Pagalit na tanong niya rito sabay hablot ng straw na hawak nito habang marahan niyang sine-shake saka niya itinusok doon sa paper-like sealed cover ng milk tea niya. "I thought you'd wait here and you're ignoring my calls." "We just bought some milk teas for you and your friends." Binalingan nito ang mga kaibigan niya. "Hi and sorry for frightening you." Nilingon niya ang tatlo. "Sila ang makakasama nating mamili." Nagulat ang mga ito sa sinabi niya pero hindi na nagkomento ang mga ito, hindi kasi niya sinabi sa mga ito na ang grupo ni Tyler ang tatagpuin nila at makakasama sa pamimili. Mukhang hindi rin sinabi ni Tyler sa mga kaibigan nito na sila ang hinihintay ng mga ito, base sa pagtataka at gulat na nakikita niya sa mukha ng mga ito. "This is a surprise." Komento ng isa sa kaibigan ni Tyler na may pagka-meztiso. "But it's nice to finally meet you after our past not-so-nice encounters, I'm Art." "Rolf, pretty ladies." Pakilala naman noong moreno. "I'm Henry." Ani noong chinito. "I'm Adrian." Ani noong mukhang half-american. "Ako naman si Marco." Ani noong mukhang arabian. "I'm Jolo." Ani noong mukhang purong pinoy pero six footers. "And I'm Bobby." Ani noong naka-eyeglasses pero hindi mukhang nerd. Naiilang na binati naman ng tatlo niyang kaibigan ang mga ito. "You don't have to introduce yourselves." Putol ni Adrian ng magpapakilala sana ang mga kaibigan niya. "Kilala na namin kayo." "You do?" Napakunot-noo silang apat sa tinuran nito. "Research. I've done some research on your identity." Sagot ni Bobby. "I guess you know why but it's only basic informations available in your SNS accounts and not thorough." Tinapunan niya ng matalim na tingin si Tyler na sinagot lang nito ng isang ngisi at peace sign na ikinairap niya rito. "Okay, now that we're well acquainted, let's get down to business since we have a lot to buy." Aniya saka nagpatiunang maglakad patungo sa first stop nila. Simula kasi noong nagpalitan sila ng contact numbers at in-add niya ito sa sss ay constant na ang communication nilang dalawa ni Tyler through text messages or chat at gabi-gabi bago sila matulog ay natawag ito sa kanya o di kaya ay video calls talking about how their day goes or anything they could talk about. Nabanggit nga niya dito noong Saturday night ang tungkol sa balak nilang magkakaibigan kaya gusto rin nitong sumama at mag-contribute saka susubukan din nitong isali ang mga kaibigan nito para marami silang magtutulong-tulong pero bukod naman sa kanilang 12 ay sasama rin sa kanila ang Kuya Sean at Kuya Dustin niya, tapos yung mga personal assistant at close-in BGs nilang tatlo magpipinsan pati ni Tyler, yung mga bunsong kapatid ni Jessie at Dani, tapos si Mang Leo at yung bunsong anak pa nito. Inabutan na sila ng closing time ng mall nang matapos sila sa pamimili ng lahat ng kailangan nila para bukas kaya lang ay hindi pa sila nakakapag-hapunan kaya sa malapit na 24-hours na fastfood restaurant sila humantong para kumain, nagpaalam naman silang apat na gagabihin sila sa pamimili para sa plano nila, ewan lang niya dito sa walong lalaking kasama nila. "Gabing-gabi na pala." Komento ni Jolo habang nakain sila. "Hindi ba kayo mapapagalitan ng parents ninyo, girls?" "Nagpaalam naman kami sa mga parents namin kaya okay lang." Sagot ni Dani. "Pero delikado na sa daan sa ganitong oras baka may mapaano pa kayo, ang dami pa namang loko sa daan." Si Rolf. Napangiti yung tatlo niyang kaibigan, alam naman kasi ng mga ito na maraming bodyguards ang nakasubaybay sa kanila specifically mga bodyguards niya. "It's fine. Kasama naman namin kayo." Nakangising ani Cheska. "Saka may maghahatid naman sa amin pauwi." "But can you really trust that—" "Yes." Pagputol niya sa sinasabi ni Tyler. "So, you don't have to worry." "Nasaan na nga pala yung mga grinocery natin?" Usisa ni Adrian. "Hindi ko na nakita pagkabayad natin." "It's already been sent to my house." Sagot niya. "May mag-aasikaso na ng mga iyon, don't worry." Humarap sa kanya si Tyler na nakakunot-noo na nakahawak pa sa sandalan ng upuan niya since katabi niya ito. "Susunduin ka ba ni Dustin o isa sa mga Nuevareal?" Humarap din siya rito nang nakangisi at halos dalawang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila. "No. Pero nasa payroll ng pamilya nila yung mga susundo sa amin." Mas napakunot-noo ito. "What do you mean by in their payroll? They hire goons now?" Inirapan niya ito. "Their employees, silly. Bodyguards s***h drivers." Hindi na talaga maipinta ang mukha nito. "They gave you a bodyguard?" Nginisian niya ito. "Two actually but I think I have some others that are discreet and watching me from afar." "Tsk." Nag-iwas na ito ng tingin na hindi pa rin nawawala ang pagkakunot ng noo nito. "Are you related to the Nuevareals, Hazel?" Curious na usisa ni Art. "Tsk." Reaksyon ni Tyler sabay halukipkip, biglang sumama ang mood nito nang malamang empleyado ng mga Nuevareal ang susundo sa kanya. Pinipigilan niyang tumawa sa hitsura nito nang balingan niya si Art. "Kind of." "Ah...kaya pala noong minam—" "Noong napadaan kami sa cafe kung saan ka nagtatrabaho ay nakita namin na kasama mo sina Dustin at Sean." Putol ni Rolf sa sasabihin sana ni Art. Nahuli niya ang matalim na tingin na binato ni Tyler kay Art kaya naghihinala siya na may something na kalokohan na hindi niya alam na ginawa itong mokong na katabi niya. "T-That's right." Ani Art na may pagkamot pa sa batok. Siniko niya si Tyler sa sikmura, yung hindi naman kalakasan. "Ano iyon, ha?" Nginisian siya nito habang hinihimas ang nasaktang sikmura. "Wala lang iyon." "Isa, Tyler! Sabihin mo kung ano iyon kung hindi ipapadala na talaga kita sa ICU." Singhal niya rito. "Were you stalking me?" Nginisian siya ulit nito. "Nakita nga lang namin ng hindi sinasadya, iyon lang." "Siguraduhin mo!" Saka niya ito inirapan. Napansin niyang napapatawa yung mga kasama nila sa kanila lalo na yung mga kaibigan ng mokong na ito. "Curious lang ako, bakit ninyo naisipan na bumisita sa isang orphanage?" Usisa ni Art. Napatingin sa kanya yung tatlong kaibigan niya at si Tyler, ang mga ito pa lang kasi ang nakakaalam ng history niya. "Yung pupuntahan nating orphanage, doon ako lumaki at nagkaisip." Sagot niya. "I just left the orphanage recently since I'm already 18 that I have no choice but to leave and be on my own, ngayon lang ako makakabisita sa kanila mula ng umalis ako kaya plinano namin ito." "You're an orphan?" Nagulat ang mga kaibigan ni Tyler sa sinabi niya. "Yeah." "So you live on your own?" Umiling siya. "No. Before I could leave the orphanage something came up that changed my plans when I left the orphanage that turned my world around." "What do you mean?" Nakakunot-noong usisa ni Tyler. Nginisian niya ito. "Secret muna. Let's change the topic." Napabungisngis ang mga kaibigan niya sa isinagot niya rito, hindi pa kasi siya handa na sabihin dito o sa mga ito ang tunay niyang pagkatao. "Did I mentioned to you that Kuya Dustin would be joining us besides Kuya Sean?" Pagbibigay-alam niya rito. Nagkibit-balikat ito habang napamura naman ang mga kaibigan nito. "I've guessed that fact but it doesn't really matter to me, how about him? Did you told him that I'll be there?" Nakangising umiling siya. "I've told all the Nuevareal princes except him, I wanted to give him the most shocking surprise he will ever have." "Ang bully mo, Hazel." Reklamo ni Jessie. "Uy, uy, uy! Ba't ka nagre-react diyan, Miss Bitter? Anong konek naman sa'yo ng binabalak ko kay Kuya Dustin?" Panunukso niya. "Wala daw pakialam sa isang isip-batang babaero." Segunda ni Dani. "In denial lang iyan pero ang totoo, 'tulak ng bibig...kabig ng dibdib'." Dagdag pa ni Cheska. Inirapan lang sila nito at hindi na umimik pa kaya napatawa sila sa reaksyon nito. "Crush mo si Dustin?" Biglang tanong ni Jolo. Nagkatinginan silang tatlong magkakaibigan habang saglit na napamaang naman si Jessie rito saka ito tiningnan ng matalim. "Anong crush?! Ayoko nga sa hilatsa ng babaerong iyon, ang uri niyon ang pinaka-kinaaayawan ko sa mundo kaya imposibleng magkagusto ako roon at walang kahanga-hanga sa babaerong iyon." Angil ni Jessie. "He's handsome and intelligent, top 2 in our year." Pahayag ni Bobby. "He's kindhearted, reliable and friendly." Napabuntung-hininga si Jessie. "I know but it doesn't change the fact that he's a player and that's why I can't like him beyond a friend." "But it seems that he likes you more than a friend, Jessie." Aniya. "Tigilan mo nga ako, Miss Alien." Asar na anito sa kanya habang pulang-pula ang buong mukha nito na ikinangiti naman niya. "But it seems that moron is very interested on you, Jessie." Ani Tyler. "I've heard Hazel and that moron talking about you." Siniko niya ulit ito. "It's more like eavesdropping. Tsismoso ka kasi." "Kasalanan ko bang doon sa nasa likod kong table kayo umupong dalawa kaya narinig ko ang pinag-usapan ninyo?" Natatawang anito. She glared at him. "Interesado ka naman sa pinag-usapan namin kaya ka nakinig all through out our conversation." Ngumisi ito. "May point ka doon, hindi ko na-realize iyon." "Alam ninyo, curious talaga ako sa nangyayari in front of me. Base on the last two encounters you two had, you both hate each other that you want to strangle each other's neck but now..." Komento ni Cheska. "Yeah, I'm curious too, I think we all are." Ani Art. "With all the revenge plans Tyler plotting against Hazel suddenly this, what happened?" "Baka naman part ito ng plano mo para makaganti kay Hazel?" Tiningnan ng matalim ni Dani si Tyler. "Alam mo na, you'll make her fall then leave her with a broken heart." "Then, I'll kill him." Sabad niya at tinapunan ng matalim na tingin ang katabi. "And bury him somewhere that nobody could find his corpse." "Woah! Stop your morbidity right there, amasona. I would never do that." Tanggi nito. "I don't have such kind of plan." "Malabo iyon, kung si Jenica nga hindi niya mapa-fall sa kanya, si Hazel pa kaya. Kaya nga hindi niya niligawan si Jenica dahil ni 0.0001% ay wala siyang pag-asa roon, hindi pa nga dumadamoves ay basted na at na-friend zoned pa." Pambubuko ni Jolo. Tiningnan ni Tyler ng matalim ang madaldal nitong kaibigan. "Shut up." "Alam mo, Tyler, kung ako sa'yo ibabaling ko na lang sa ibang direksyon ang atensyon ko kaysa sa iisang direksyon lang ako nakatingin. Malay mo, nasa kabilang direksyon pala ang babaeng mas pupukaw ng interes mo na maaaring interesado rin sa'yo." Advice niya rito. "Saka sa dami ng babaeng nahuhumaling at nababaliw sa'yo, bakit hindi mo sa kanila hanapin ang taong mamahalin mo dahil siguradong mamahalin ka rin ng babaeng iyon. Kasi kung magugustuhan ka talaga ng Jenica na iyon, sana noon pa at sigurado akong laging si Kuya Dustin ang bukambibig niyon kaya malabo talaga saka hindi mo ba naisip na baka ginagawa ka lang niyang panakip-butas at pananggalang para hindi masabi ng iba na pathetic siya sa kakahabol sa taong ayaw naman sa kanya saka baka ginagamit ka rin niya para pagselosin lang si Kuya Dustin. Let me guess, madalas na kapag lumalabas kayong dalawa ay nakakasalubong o nakikita ninyo si Kuya Dustin, hindi mo ba naisip na baka hindi coincidence lang iyon na baka sinasadya iyon ng kaibigan mo? Sa lahat ng Nuevareal princes ay si Kuya Dustin ang active sa SNS, lagi niyang pinopost ang mga gagawin, ginagawa at ginawa niya sa isang araw kaya madaling malaman ng kahit sino kung anong plano niya sa isang araw." Nakangisi throughout na nagsasalita siya. "Naiintindihan ko." Napakunot-noo siya. "Iyon lang ang sasabihin mo sa haba ng sinabi ko." Tumango ito. "Nang dahil sa mga insights mo ay na-realize ko na may punto ka since ganoon nga ang madalas mangyari, hayaan mo susubukan kong ibaling sa ibang direksyon ang atensyon ko kaya salamat sa concern mo sa akin, amasona." Natatawa naman yung mga kasama niya sa sinabi nito pero mukhang nagpipigil lang humagalpak ng tawa. "Tsk." Inirapan lang niya ito. "Pag-usapan na nga lang natin yung plano natin sa next Wednesday." Sinabi niya sa mga ito ang bawat detalye ng gagawin nila sa Wednesday mula sa kung saan sila magkikita-kita hanggang sa kung anong oras sila matatapos at uuwi pati na rin kung anong gagawin nila sa pagbisita, hindi naman kasi pormal na event iyon na may program, more on pakikipaglaro at pakikipag-interact sa mga bata sa ampunan ang gagawin nila, yung bumisita lang talaga sila at nagbigay ng pasalubong sa mga bata. Bumuo rin sila ng group chat sa sss under the name Hevnsent para magkaroon sila ng communications, isinali na rin nila ang iba pang kasama nila since lahat naman sila ay mga account sa sss maliban sa Kuya Dustin niya for her surprise for him. "Hindi pala tulad noong mga ino-organize na formal event ng foundation nina Tyler na may mga program at entertainment." Komento ni Rolf. Napabaling siya kay Tyler. "May foundation kayo?" "Yeah. Mommy at Lola ko ang namamahala." Proud na anito. "Kahit ang mga Kuya mo ay meron din na para sa mga street children, sick children at orphans bukod sa Green Palace na foundation for the environment na binuo ni Doña Helena na si Mr. Stanley Reesia ang namamahala." Green Palace is a well-known international foundation, it's advocacy is to takes care of the environment and minimize the pollution in our planet that her grandmother founded since she was in her 20's and her legacy continues even she had already departed this world. "I know. It's Ronueda, Mo-I mean the Dalton twins started it with the mothers of my Kuyas but now..." Nalungkot siya nang maalala ang mga ito. "It's Miss Lauren Rodriguez-Dalton who's managing it with one of her and the Dalton twin's longtime friend." "Tita Reena, my mom's other bestfriend and her daughter is now my younger sister's bestfriend. She's the directress of Ronueda." Imporma nito. "It was Tita Vanessa who was bestfriends with my mom and Tita Reena, while Miss Lauren was Daniella Dalton-Rodriguez's bestfriend. Mom always tell us stories about their adventures since they're friends with the Dalton twins since their highschool days, how they got involved with the Nuevareals and Saavedras especially their love stories. She also told us how kindhearted and headstrong Tita Vanessa was, did you know that she and Tito Hubert were always fighting like cat and dog in their college days that's how their love story started." "R-Really? T-T-That's nice." Pasimpleng pinahid niya yung namumuong luha sa mata niya at pilit na inaalis ang nakabara sa lalamunan niya na binalingan ang tatlong kaibigan. "Ahm...I-I think it's getting so late. Uwi na tayo, girls." Mukhang nagulat ang mga lalaki sa inakto niya. "Wait! Nandiyan na ba ang sundo ninyo?" Tumayo na siya at sinimulang itext si Seth para sunduin na sila. "Yeah. They're waiting outside, so you don't have to worry. Salamat sa pagsama sa amin, see you next Wednesday." Hindi siya tumitingin sa mga ito habang nagsasalita at nakatutok lang sa hawak niyang cellphone ang kanyang tingin, unti-unti na kasing bumabagsak ang mga luha niya kaya pinanatili niyang nakayuko siya para itago sa mga ito baka kasi mag-usisa pa ang mga ito at hindi niya alam kung ano isasagot niya. "Hazel, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Tyler. Tumango lang siya. "A-Alis na kami. Ingat kayo." "Ingat din kayo sa pag-uwi." "Bye." Mabilis siya naglakad papalabas habang nagpapahid ng luha sa mga pisngi niya para hindi makita ng mga kasama nila ang pag-iyak niya, kaagad din namang sumunod yung tatlo. Eksaktong paglabas niya ay ang pagtapat ng SUV na minamaneho ni Karl, pinagbuksan siya ni Seth ng pinto ng kotse para makasakay siya at kaagad na sinaraduhan ang pinto sa side niya, napansin siguro nito ang hitsura niya. Tuloy-tuloy nang dumaloy sa pisngi niya ang kanyang mga luha habang nakakagat-labi siya at nakasandig sa bintana ng sasakyan na siyang naabutan noong tatlo nang bukasan ni Seth ang kabilang pinto para makasakay ang mga ito, sa third row sumakay sina Dani at Jessie habang katabi niya sa second row si Cheska, hinawakan nito ang kamay niya to comfort her. Itinuon na lang niya sa labas ang tingin para kahit papaano ay itago sa mga kasama sa sasakyan ang pagluha niya kahit alam niyang alam ng mga ito na umiiyak siya. *** HINDI nakatulog ng maayos noong isang gabi si Tyler dahil sa nangyaring biglang pag-aya ni Hazel na umuwi, alam niyang umiiyak ito at pilit na itinatago sa kanila pero hindi niya maintindihan kung anong nasabi niya para mapaluha ito. He texted her that night and she replied telling him that 'she's alright and she's sorry for leaving like she did' but she didn't tell him why. It really made him think that he have said something that made her upset but they were only talking about the Nuevareal's charity foundation and the Dalton twins, why would she be upset about that? It's bewildering. Kaya nagdesisyon siyang puntahan ito sa Hevn Cafe para makausap at kamustahin na rin ito, saktong tanging mga BGs lang ang susundo dito. Bago pa matapos ang shift nito ay nandoon na siya, kaagad naman itong lumapit sa kanya nang makita siya sa kanyang ikinauupuan. "Hi." Bati niya rito. "Hi. Why are you here?" Usisa nito. Nginitian niya ito. "I wanted to see you and invite you to the mall if you're free after your shift." Gumanti ito ng ngiti sa kanya. "Sure. Basta hanggang 7 pm lang tayo, may pasok pa kasi ako bukas." Tinanguan niya ito. "I'll wait for you here." Tumango lang ito bago siya iniwan. He's watching every move she does, she's so pretty while serving the customers with only her white shirt, black pants, doll shoes and a nude make-up. He noticed that most of the male customers in here were eyeing her that really annoyed him that he wanted to poke their eyes until they bleed. "Uy, may date sila." Tukso sa kanila ni Dani nang makalapit ang mga ito kasama si Hazel sa table na kinaroroonan niya. "Miss mo na agad si Hazel? 2 days pa lang kaya ang lumilipas noong huling pagkikita ninyo." "Dani, it should be 'it's already 2 days' and not 'it's only 2 days'." Dagdag ni Cheska. "I'm sure that he really missed Hazel." "That enough, you guys." Saway ni Hazel sa mga ito habang napapangiti lang siya bukod sa mga tukso nila ay dahil sa pulang-pula ang mukha ni Hazel, mukhang nahihiya ito. "So, let's go?" Tanong niya. Tumango lang ito sa kanya saka binalingan ang tatlong kaibigan nito. "Una na kami. Ingat kayo sa pag-uwi." "Bye, ladies." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Hazel. "Take care." Humirit pa ng panunukso ang tatlo habang papalabas sila ng cafe na talagang lalo pang ikinapula ni Hazel. "Tyler, okay lang ba na sumunod sa atin ang mga BGs ko? Pero hindi naman nila tayo bubuntutan sa mall, sila kasi ang maghahatid sa akin pauwi." Ani Hazel habang nagmamaneho siya. "That's okay. Pero hindi pa rin ba pwede na ihatid kita sa bahay mo?" Usisa niya. Ayaw pa kasi nitong malaman niya kung saan nakatira ito, secret pa daw muna. Nginitian siya nito. "Malalaman mo rin naman sa tamang oras, don't worry." Sa isang fastfood restaurant sila unang pumunta since konti lang daw ang kinain nito for lunch at ganoon din siya, siya ulit ang umorder ng pagkain nila. "Where do you want to go after eating?" Usisa niya. "Bookstore. Wala naman kasing magandang movie na mapapanood and I'm quite tired to go to the arcade, I'm not in the mood for it." Sagot nito. "Okay." Looking at her now, she seems okay unlike that time. Meron nga siguro siyang nasabi na ikinalungkot nito at curious siyang malaman kung ano iyon pero alam naman niyang hindi pa nito masasabi sa kanya ang dahilan, ito na nga rin ang nagsabi na marami pa itong inililihim tungkol sa pagkatao nito. "I'll buy anything that would make you happy, amazona." That's his purpose for inviting her out and not to ask her about why she cried that night. He doesn't want to see her sad or crying again, he wants her to be always happy and smiling. ***** All Rights Reserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD