Kabanata 1
"Ang ganda ganda ko parin talaga!" nakangiting sabi ko sa sarili ko habang nananalamin. Umiikot ikot ako at nakahawak sa baywang ko masyado akong nagagandahan sa dress na suot ko ngayon. Sa ganda ko ba naman na to nakuha pa akong ipagpalit ng asawa ko?
yan din ang tanong sa sarili ko kung bakit nga ba ipagpapalit pa ang tulad ko.
natigil ako sa pag iikot at pagsasalamin ng biglang binuksan ang pinto nakangiting pumasok si manang lusya at binati ako.
"Happy Birthday sa pinaka magandang alaga ko!" bati niya sakin saka ako niyakap. Siya ang naging pangalawang mama ko dahil simula nang mamatay ang mga magulang ko ay siya na ang kumupkop at nag alaga sakin. Dati namin siyang kasambahay dito sa bahay pero ngayon ayaw ko na siyang pagtrabauhin dahil nga medyo may edad na siya. Nawalan na ako ng magulang at ayoko nang maulit pa iyon.
"Thankyou manang, kanino pa ba ako magmamana edi sayo po!" nakangiting sabi ko sakanya. Umikot akong muli at nagpakurap kurap sakanya. "Look manang pretty na ba ako?" nakangusong sabi ko.
nagpailing iling lang siya at natatawa sa ginagawa ko. Hinawakan nya ang iilang buhok ko sa gilid ng tenga ko at inayos iyon. "You're so beautiful my favorite alaga." nakangiting sabi niya sakin na siyang nagpamula sa pisngi ko.
"ikaw talaga manang natuto kana mag english dahil sa kakapanood nyo ng cocomelon at me bean ng anak ko ah! aha!" natatawang sabi ko sakanya.
Lumabas nakami ng kwarto ko at agad nagtungo sa mesa upang kumain na. Inabutan ko na nauna nang kumain ang asawa ko at ang anak ko. "hindi na nila ako hinintay." nakangiti akong bumati sa anak ko na si Hershey inilapit niya ang mukha nya saakin para halikan ako sa pisngi.
"Happy Birthday mommy i love you!" bati niya sakin. Ang cute mo anak.
"sweet naman talaga ng baby ko! Thankyou baby i love you too" nakangiting sabi ko at hinawakan ang ilong niya. Natigil ako sa paglalaro sa ilong ng anak ko dahil sa pagtunong ng isang cellphone. Hindi naman sakin yon dahil iniwan ko ang cellphone ko sa kwarto.
Tumingin si David saakin at sa anak namin na ngayon ay nakatulala sa daddy niya. Dali daling tumayo si David at sinagot ang tawag.
Napatingin saakin si Hershey at nagtanong. "Mommy" tawag niya sakin.
"Yes baby?" sagot ko.
nagtingin tingin muna siya sa gilid at sa dinaanan ni David bago siya muling magsalita.
"Diba po mommy love ako ni daddy kasi baby nya po ako." nakangusong sabi ng anak ko.
Alam ko na saan nanaman to mapupunta at saan nanggagaling ang mga tanong niya.
David, please wag mo na pahirapan ang anak natin. Kahit ako nalang wag na si Hershey.
"Yes anak, daddy loves you so much!" Pinisil ko ang pisngi nya saka ito nginitian.
"Kung love nya ako mommy ibig sabihin po love ka nya rin diba po?" Natulala ako sa tanong ni Hershey saakin. At napaisip nanaman.
Hindi ko yan masasagot Hershey dahil kahit ako ay hindi ko alam kung mahal nya parin ba ako o minahal nya ba talaga ako.
Tama na Xandra! Sinisira mo nanaman utak mo! Manhid kaba? Syempre hindi kana nya mahal! May iba na nga diba.
Iniba ko na lamang ang usapan at sinubuan nalang si Hershey ng kanin. "Kailangan mo na tong ubusin, may pasok kapa." Sabi ko sakanya at isinubo na ang huling kanin. Tumango siya at nginitian ako. Ang cute cute talaga ng baby ko. Hindi ako nagsisisi na dumating siya sa buhay ko.
Hinatid ko na si Hershey sa school nya ayaw nya pa mag pa iwan at hihintayin ko na lang daw siya pero sabi ko ay may work pa ako at papabantay ko na lamang siya kay Yaya Ging, ang nagaalaga kay Hershey.
"Alexandra Montemayor!" Sigaw ni Love saakin ewan ko ba bakit sa dami daming pangalan ang pinangalan nya sa sarili nya love pa talaga ang napili nagmumukha tuloy na boyfriend ko siya tuwing tumatawag siya sa cellphone ko o magkikita kami. Ang best friend kong beki! Yes beki my 10 years best friend. Nagtatatalon ang gaga papunta saakin.
Nakangisi ako na sinalubong siya at agad agad nya akong niyakap ng mahigpit.
"Love chill ka lang, parang nag abroad ako ha? Excited ka nanaman masyado sa work na to! Sobrang aga mo naman." Natatawang sabi ko.
"Syempre, namiss ko na makatrabaho ka! At namiss ko na makita kang rumampa ulit." Hinawakan nya ang kamay ko at iwinagayway at nagsisigaw pa ito. Baklang to nag umpisa nanaman ang kabaliwan!
"Baliw ka talaga! Kumain kana ba? tara kain muna tayo habang wala Ang photographer." Sabi ko sakanya at ikinaladkad na siya palabas.
Naghanap kami ng kakainan at syempre unang nakita namin ay 7/11 alam ko na dito nanaman kami mapupunta dahil favorite ng kaibigan ko ang sisig nila dito na nakasama sa kanin. Kahit alam ko naman na mag eexpect lang ako dito kung masarap ba o hindi.
Pagpasok namin sa loob ng 7/11 ay agad kumuha ng sisig ang kaibigan ko at ibinigay iyon sa lalaking nagiinit ng sisig. Nakita ko pa na nagpa cute ang kaibigan ko sa lalaki at inirapan lang ng lalaki Ang kaibigan ko. Yan ang bakla kasi ang harot di kayo talo!
"Oh ano napala mo sa pagpapacute mo?" Pangaasar ko sakanya at inirapan nya lang ako.
Kasalukuyan kong sinisipsip ang straw ng coke ko ng biglang tinapik ni love ang braso ko at para bang naka kita sya ng multo. Tinignan ko ang itinuturo ng daliri nya. At hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon para akong nanlalamig at nanginginig ang binti ko.
Sa Pangalawang pagkakataon nakita ko nanaman siya hindi ito ang unang beses na nakita ko siya nakita ko sila! Alam ko na ang tungkol dito pero iba parin Ang sakit parang pinipiga ang puso ko. Ang sakit mo David.
"Xandra? Bakit hindi ka sumugod! At kaladkarin ang babae ng asawa mo! Xandra!" Pagsisigaw ng kaibigan ko sakin. Para akong nabibingi kahit Ang dami nyang sinasabi at ang daming nag bubulungbulungan sa likod at gilid ko ay hindi ko na iyon pinansin. Basta pinapakinggan ko lang ang iyak ng puso ko.
Dali dali akong tumayo at naglakad papunta kung saan kami mag tatrabaho. Hinawakan naman ng kaibigan ko ang kamay ko. Agad kong hinanap ang Cr at nagtungo doon. Nagpupumilit pa si Love na samahan ako sa Cr kasi alam naman nya na iiyak lang ako doon ngunit umiling nalang ako.
"Tumigil kana Xandra! Wag kana umiyak nagmumukha kanang tanga!" Sigaw ko sa sarili ko habang pinupunasan ang luha na parang bagyo na sobrang lakas at hindi ito mapigilan.
Naging masamang Ina ba ako sa anak ko? Naging pabayang Asawa ba ako Kay David? Para maranasan ko ito? Ano pa ba ang pagkukulang ko bilang Asawa niya para danasin ang lahat ng sakit na to!
Pagod na ako umiyak.
Bakit hindi ko siya kayang sumbatan sa ginagawa nya hindi ko alam bakit nagpapaka tanga ako sakanya. Biglang pumasok SI Hershey sa utak ko kaya mas lalo akong humagulgol sa iyak.
Hindi kakayanin ng anak ko ang ganito. Pano pag siya na ang makakita ng kagaguhan ng daddy nya? Higit pa sa nararamdaman kong sakit ang mararamdaman nya. Doble o triple pa!
Ayokong masaktan ang anak ko. Paano ko sasabihin sakanya ang nangyayari saamin ng daddy nya. Hindi ko kayang sirain ang pamilya namin hindi ko hahayaan na mawasak ito dahil hindi kailanman nababagay sa anak ko ang wasak na pamilya. Hindi pwede! Ilalaban ko to kahit ako lang mag isa. Para sa anak ko.
Lumabas na ako sa Cr at nagulat ako ng makita ko si love na naghihintay sa labas kasama ang mga Ibang kaibigan namin. Dali dali silang lumapit saakin at niyakap nila ako. Napataas ang kilay ko at tumingin kay love alam ko na ikwinento na nya ang nangyari sa mga ito. Ang bakla talagang to.
"Are you okay na Xandra?" Tanong ni max sakin kasama ko sa pagmomodelo. Naalala ko tuloy nung pinagselosan sya ni David dahil sobrang lapit ng mukha ni max sakin dahil kasama naman iyon sa mga poses at utos ng manager at photographer namin.
Tanga mo Xandra! Iniisip mo pa ang siraulo mong asawa!
"Yes max okay nako." Sabi ko at iniba na ang usapan. "Oh ready na ba kayo rumampa? Nandyan na ba ang photographer love?" Tanong ko kay love. Tumango ito at tinuro ang photographer na nakatingin saamin. Kaya naman pala patango tango lang Ang baklang to may pogi nanaman syang nakita. hays!
Inayusan nakami ng iilang make up artist at gusto ko ang pagkaka ayos saakin simple lang. Dahil sabi nga nila mas bagay ko ang simpleng make up dahil mas kita ang ganda ko at bumabagay sa puti ko. Nagbihis na ako agad para lalabas na. Kitang kita ang likod ko dito sa susuotin ko fit na fit na short at parang bra naman ang pang itaas ko kita ang cleavage at likod at kita din ang puson. Bakit di nalang ako nag bra? Nahiya pa ata sila.
Hindi na ako nagreklamo dahil sanay naman na ako sa ganito. Simula highschool pa lang kami ay sumasama na ako sa pagmomodelo at ang kasama ko ay ang mga kaibigan ko na si Love, Max, Andrea at Vj. Kaming Lima ang palaging magkakasama at ngayon kami ulit!
"Nakakaloka mag uumpisa na mga teh!" Sigaw ni Love saaming lahat. Atat naman ang baklang to porque excited makatabi ang photographer. Bakla iuwi mo nalang.
"Eto na ikalma mo ang sarili mo teh ano ka ba!" Pagtataray ni Andrea sakanya. Talagang mataray tong kaibigan ko na to simula bata pa lang kami. Siya lagi ang nambabara sa mga nangaaway saamin. Inirapan lang siya ni Love dahil baka magkapikunan nanaman sila. Sila kasi ang palaging nag aaway sa grupo namin. Kahit dalawa lang kaming babae ni Andrea sa grupo ay masaya na kami dahil todo ang pag protekta ng mga boys samin.
Pumunta nakami kung saan rarampa. Iba ibang poses ang nagawa namin tuwing icclick na ang camera ay napapatili si Love saamin. Dahil sobrang ganda daw ng pagkakakuha ng mga pictures namin.
"Pwede ba na si max ay hahawak sa tyan mo Xandra? At hahawak ka sa mukha nya na parang hinahaplos haplos mo ito. Para sexy tignan." Kumindat ang photographer at sinunod nga namin sya. Naiilang akong humawak Kay max kaya nakikita ko ang pag ngisi nya kaya pinag taasan ko siya ng kilay.
"Anong nginingisi mo dyan?" Mahinang sabi ko para kami lang ang maka rinig.
"Tagal na natin ginagawa ito bakit ka pa naiilang?" tanong nya ng nakangiti. Pogi talaga ng lalaking to. Ewan ko ba at hindi pa ito mag asawa I girlfriend man lang e. Ang dami naman nagkakagusto sakanya.
"Tumigil ka nga baka hindi kita matan- " naputol ang sasabihin ko ng biglang pumalakpak ng malakas si Love at ang photographer. Ilang Segundo na palang tapos ang pag picture saamin pero hindi namin ito namalayan.
Shet! Nakakahiya yon.
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na umuwi na dahil nga iba na ngayon Hindi na ako madalas makasama sakanila at hindi na maka sabay sa trip nila dahil ako ay may Asawa at anak na.
Asawa pa nga ba?
Ako ay may anak. At sya lang ang Mundo ko.
"Mommy!" Nakangiting tawag sakin ni Hershey at yumakap ng mahigpit saakin.
"Hello my baby my princess! I miss you baby." Sabi ko sakanya at hinalikan siya sa noo. Siya lang talaga ang nagtatanggal ng pagod ko. Tuwing makikita ko ang ngiti nya at maramdaman ko ang yakap nya nawawala ang pagod na nararamdaman ko.
Siya nalang.
Dahil ang pahinga ko ay namamahinga na sa iba.
Yan ka nanaman Xandra sa kadramahan mo sa buhay!
Binuhat ko ang napakabigat kong anak at nagtungo nakami sa kwarto. Nakita kong nakahiga at mahimbing na natutulog si David. Mukhang pagod din sya dahil himala ay umuwi sya ng maaga hindi nagpa madaling araw sa iba.
Pero bakit naman siya pagod? Malamang dahil sa babae nya. Tinatanong pa ba yan.
Dinala ko na si Hershey sa kwarto nya dahil agad na itong nakatulog. Pagod sa school ang anak ko at bukas gigising nanaman sya ng maaga para mag aral. Masipag sya mag aral matalino at bibo sa school kahit grade 2 pa lang sya ay kakaiba na ang pag iisip nya. At madalas ay advance sya kung mag isip.
Kanino pa nga ba magmamana edi sa daddy nya. Daddy nya na palaging honor student noon. Nangunguna palagi sa klase namin at nanguna din sa puso ko. Sa sobrang pag uuna nya sa puso ko ako naman itong pang huli sa buhay nya.
Dapat ba ako mag sisi na nakilala ko siya? Hindi ko magawang magsisi dahil may binigay sya na mas mahalaga na kahit kailan ay hindi mawawala sakin. At yon ay ang anak namin.
Hindi ko napansin ang pagpatak ng luha sa pisngi ko kanina pa pala ako umiiyak. Nagmamanhid na nga ata ako sa sakit na binibigay mo David.
Nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko. Nagising sya! Biglang bumilis nanaman ang t***k ng puso ko. Pero nag aapoy sa galit ang isip ko. Hinawi ko ang kamay nya at kinuha ang kumot ko simula noong malaman ko na may iba siya hindi na ako nakikisali sa kumot nya o sa kahit anong ginagamit nya. Ayokong hawakan ang hinahawakan ng iba. Nandidiri ako sa sarili ko kapag hinahawakan nya ako nandidiri ako sakanya.
"Babe? Bakit gising kapa?" Antok na antok na tanong nya.
Babe? Nagpapatawa ba sya? Kapal ng mukha na tawagin ako ng babe. Nakakadiri ka David.
Hindi ako sumagot wala akong balak na kausapin sya. Pansin naman nya na Todo iwas na ako sakanya pero wala syang sinasabi saakin wala syang sinusumbat saakin. Nararamdaman nya kaya na alam ko na may iba na sya? Malamang diba. Nanggagago kana nga magiging manhid kapa na David?
Nagulat ako ng bigla nyang ilagay ang kamay nya sa tyan ko niyakap nya ako. Nakatalikod ako sakanya kaya mas nilapit nya ang katawan nya.
Please David wag mo na akong pahirapan pa.
Mabilis kong inalis ang kamay nya sa tyan ko at paupo na sana ako ng bigla nya ulit akong hawakan sa baywang at mas inilapit pa sa katawan nya. Mainit na hininga Ang nararamdaman ko dahil naka lagay ang ulo nya sa leeg ko at sobrang pagkakayakap saakin.
Paano mo nagagawa ang ganito saakin? Nagiging ganito ka din ba sa babae mo? O mas malala pa dito.
"David bitawan moko." Pagpupumiglas ko. Pero ayaw nya makinig nagmamatigas lang sya at mas hinihigpitan ang yakap nya. Nararamdaman ko ang halik nya sa leeg ko. Nararamdaman ko na din na konti nalang ay bibigay na ako sakanya. Sa isang halik lang ay mapapatawad ko na sya.
Hindi pwede wag kang tanga Xandra! Hindi halik ang kapalit ng sakit na ibinibigay nya sayo wag kang tanga!
"D-david tama na, wag mo na akong pahirapan." s**t bakit ganyan ang boses na lumabas saaking bibig.
"Babe bakit hindi mo na ako kayang tignan o halikan man lang?" Antok na antok parin ang boses nya at nangangamoy syang alak. Sabi na nga ba! Mahal nya ako ngayon kasi lasing sya. Pag wala nang alak sa katawan nya babalik nanaman sya sa babae nya at parang hindi nanaman nya ako asawa.
Pinipilit ko na alisin ang kamay nya ngunit mabilis nya akong hiniga ng maayos at ikinulong sa mga kamay nya hawak nya ang dalawang kamay ko at nakalagay ang isang paa nya sa tyan ko at nakapatong ito.
"David stop! Mas sinasaktan moko." Hindi na napigilan ang luha sa mata ko tuluyan na itong nakatakas sa umagos ng mabilis sa pisngi ko. Pumungay ang mata nya at tinignan ako tinitigan nya lamang ako bago magsalita.
"Alam ko na alam mo na. I'm sorry babe." seryosong sabi nya.
Sorry? Yun lamang ang masasabi nya? Kainin nya ang sorry nya! Hindi mabubura ng isang sorry ang sakit na binibigay mo sakin at sa anak mo. Sayo na ang sorry mo isaksak mo sa utak mo na walang kwenta ang sorry mo.
Hahalik na sana sya sakin ngunit nag salita ako. Siguro ay oras na para maliwanagan sya at pati narin ako kung ano na ang mangyayari samin ngayon.
"David ngayon kapa talaga hihingi ng tawad? Hindi lang isang beses na nahuli kita na may ibang babae ka dalawang beses David! Dalawang beses! Sa unang beses na alam mo na nahuli kita bakit hindi mo itinigil? Bakit nagpatuloy ka parin sa kagaguhan mo!" Humagulgol na ako at hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Parang pinipiga nanaman ang puso ko at nanginginig ako. Tahimik lang sya na nakatingin saakin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin nya o kung ano ang nasa utak nya ngayon. Sana naman ay matauhan sya.
Umaasa kapa talaga Xandra?
"Patawarin nyo ako. Patawarin sana ako ni Hershey pag nalaman nya ang lahat ng to. Please Xandra ako ang magsasabi sa anak natin." Pagmamakaawa nya saakin. Ngumiti akong peke at pinunasan ang luha sa mata ko. Nahihibang na ba sya? Patatagalin nya ang sakit na mararamdaman namin ng anak ko?
"Hindi ko mapapangako David. Ayokong makita umiyak ang anak ko pero sa oras na mahuli pa kita na may iba at hindi tinigil ang kagaguhan mo. Hindi na ako magdadalawang isip sabihin Kay Hershey ang lahat. At maghiwalay na tayo. Aalis kami sa US nakami titira at hindi mo na kami makikita kahit kailan. tandaan mo mo yan David!" Seryosong sabi ko sakanya napatulala lamang sya sa sinabi ko. Gagawin ko talaga yon dahil may bahay naman kami sa US. Sana naman ay matauhan sya sa sinabi ko. Please David magbago kana.
Tumalikod ulit ako sakanya at nararamdaman ko nanaman ang pagyakap nya saakin. Basa ang likod ko dahil sa pag iyak nya. Talaga ba? Totoo ba to na umiiyak sya? hindi iyakin na tao si David. Unang beses na makita ko syang umiyak ay noong nagpakasal kami at ang pangalawa ay noong dumating sa buhay namin si Hershey. At ngayon dahil nasasaktan nya kami.
Naniniwala na ako sa kantang PAG LASING DUN KA LANG MALAMBING
lasing ka lang kaya minamahal mo ako. Gigising nanaman tayo na hindi moko kayang yakapin ulit. Hindi moko halikan ulit. Hindi mo ako titignan ng matagal na para bang ako lang ang nakikita mo.
Dahil
Hindi na ako ang nag iisang nagmamay ari sayo. Hindi na ako ang nag iisang hahalik at yayakap sayo. Hindi na ako ang iiyakan mo. May iba na. Hindi na ako at hindi na magiging ako kahit kailan. Dahil meron kanang iba. Hindi na ako.