KABANATA 4

1702 Words
RINA'S POV PAGKATAPOS kong magsawang lumangoy sa pool at mag-ayos ng sarili, pumunta naman ako ngayon sa isang bar na malapit din sa pavilion ng party. Hindi ko nakahiligang uminom ng alak pero pagkailangan tulad ngayon, bakit hindi? Maglalasing ako para may dahilan akong iuwi na ng driver ko. Napangiwi ako ng malasahan ko ang pait ng wine na 'yon.   Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang nangyari kaninang umaga sa mansion ng mga Rejares. Ang mansion na yun ay bahay ng mga magulang ni Daddy.   Sinalubong ako ng maid na si Desa pagpasok ko ng bahay mula sa pagjo-jogging. "Mam, kanina pa po kayo hinihintay nila Mam Ruth sa sala." sabi niya nang ilapit sakin ang tray na may pitsel at baso ng tubig.   Si Tita Ruth ay kapatid ni Daddy sa ama. Mas matanda sa kanya si Daddy. Tita Ruth is thirty five years old but she looks young and pretty.   "Bakit daw?" dampot ko sa baso ng tubig.   Nagkibit-balikat si Desa. "Kasama po niya ang nagpakilala samin na bestfriend niya." "Okay." pihit ko agad papunta sa sala habang maingat na uminom ng tubig.   Bumagsak ang hawak kong baso nang maabutan ko si Tita Ruth at Carla Vhilonn na nasa sala at masayang nag-uusap. Nilingon ako ng dalawa na natigilan sa pagtawa.   Umayos ako nang tayo nang pagsalit-salitan ng tingin ang dalawa. "What's going on?"   "Ah! Rina, she's Carla Vhilonn," sabi ni Tita Ruth sa masayang tinig. "you know her right?" Napalunok ako nang isuksok ang dalawang kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket ko.   "Carla, she's Rina-" "Yeah, I know her," ngisi ni Carla, "the last time na nagkita kami ay noong nasaksihan niya kung paano ko ipahiya ang isang Kharla Rejares sa maraming tao."   Naalala ko yun. Hindi ko makakalimutan ang nasaksihan ko noon. Nakita ko kung paano niya ipahiya si Ate Kharla sa maraming tao at sa lahat ng sampal at masasakit na salita na tinanggap ng kapatid ko, si Carla Vhilonn pa rin ang kinampihan at kinaawaan ng maraming tao habang kinamumuhian si Ate Kharla. Saka ko lang nalaman na boyfriend ni Carla Vhilonn si Brent Elcolo bago ito ipagkasundo at ipakasal kay Ate Kharla. Fixed Marriage, pero hindi ang magulang ko ang may gusto non kundi si Ate Kharla. "Kharla Elcolo," kampante kong sabi. "tawagin mo siyang Kharla Elcolo na ngayon dahil Elcolo na ang apelyidong binibitbit ng isang Kharla Rejares noon simula ng ikasal sila ni Brent Elcolo." Nagbago ang reaksyon ng mukha ni Carla. "Rinayah!" saway sakin ni Tita Ruth.   Nagtitigan kami ni Carla habang tumatayo siya at humahakbang palapit sakin.   Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng takot ng nasa harap ko na siya. Kita ko sa mga mata ni Carla ang nagbabagang galit na parang kapag napadikit ako ay ikalulusaw ko 'yon.   Ngimisi siya nang tignan ako mula ulo hanggang paa.   Napalunok ako.   "Rinayah Vhilonn," pabulong niyang sabi.   Tumaas ang kilay ko ng hindi ko magustuhan ang apelyidong idinugtong niya sa pangalan ko. "bagay nga sayong bitbitin ang apelyidong Vhilonn dahil sa tabil dila mo." Napakuyom ang kamao ko.   Saglit kong sinulyapan si Tita Ruth na nakamasid lang saming dalawa.   So, isang Vhilonn naman ang gustong ipa-date sakin ngayon ni Tita Ruth?   Napaatras ako ng isang hakbang. "Im not-" "Yes you are. You can be. Lalo na kung gugustuhin ko." "Anong magagawa mo kung ayoko ko?" "Mamili ka," diing sabi ni Carla ng humakbang pa ng isang hakbang palapit sakin. "palitan natin ang apelyido mo o sa lapida nalang mababasa ng ibang tao ang Rinayah Rejares?" Pinilit kong matawa.   Hindi na sakin bago ang attitude na pinapakita niya sakin ngayon. Hindi ito ang unang paghaharap namin kaya masasabi kong ganto talaga siya magsalita. Kapag nagsasalita siya gusto niyang iparamdam sa kausap niya na kaya niya itong saktan, durugin or worst kunin ang buhay nito ng ganon lang kadali.   "Nakakatakot." pa-insulto akong ngumiti. Maaaring may kakayahan siyang gawin yun pero wala ako sa mood na maniwala kaya sorry nalang siya. Ang kaya ko lang ay sakyan ang sinasabi niya. "Nakakatakot na kapag naging Vhilonn ako lalong mawala sayo ang lahat." "Then, be a Vhilonn first." ngisi niya. "That's interesting." sabay bangga niya sa balikat ko.   Bahagyang natinag ang tayo ko sa lakas nang ginawa niya. Hinabol ko ng matalim na tingin ang paglakad niya palayo.   Pumihit ako paharap kay Tita Ruth na ngayon ay nakalapit na din sakin.   "Kelan pa po-" Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi ko.   "Sa susunod, maging magalang ka sa mga bisitang pinapapasok ko sa bahay na to." pautos niyang sabi.   Gulat na gulat akong sapo ang pisngi ko nang tignan si Tita Ruth. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya akong saktan ngayon. Ang dami kong ginawang mali at madalas na hindi pagsunod sa gusto niya pero ngayon lang niya ako pinagbuhatan ng kamay at ngayon ko lang siya nakitang galit na galit dahil sa ginawa ko.   "Makinig ka Rina, dadalo ka sa birthday party ngayong gabi ni Maverick Vhilonn at wag kang gagawa ng eksenang katulad ngayon." pagdidiin ni Tita Ruth. "Kaibiganin mo si Carla at paibigin si Maverick!" Kung makapagsalita siya ngayon parang hindi siya si Tita Ruth na nagbawal ng lahat ng produkto at serbisyo ng Vhilonn sa mansion, kompanya at sa lahat ng lugar na meron ang Rejares. "Naalala ko po ang bilin sakin ni Ate Kharla noong huli kaming magkita." habol ko kay Tita Ruth nang talikuran na niya ako. Huminto siya. "Tandaan mo Rina, kaibiganin mo na lahat wag lang si Carla Vhilonn at mahalin mo na kahit sino wag lang ang isang Maverick Vhilonn."   Ganon lang ang naging sagot sakin ni Ate Kharla ng minsan ko siyang tanungin tungkol sa relasyon ng Rejares at Vhilonn.   Hindi ko alam ang mga detalye ng mga pangyayari sa pagitan ng Rejares at Vhilonn. Nasa Amerika ako noon para mag-aral at minsan lang kung umuwi.   Sinubukan kong alamin ang mga nangyari pero tikom ang bibig ng mga natatanong ko. Kaya nananatiling palaisipan sakin ang mga pangyayari ng nakaraan.   Narinig ko kasi mula sa bibig ng ibang tao na ang naging kasal ni Brent at Ate Kharla ang naging simula ng pagiging mortal na magkaaway ng Rejares at Vhilonn.   "Alam po ba ni Ate Kharla ang-"   "Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin." sabi ni Tita Ruth nang pumihit paharap sakin. "At hindi mo sasabihin ang tungkol dito di ba, Rina?" Nagkatitigan kami. Tumango ako nang maalala ko si Daddy. Nakalimutan kong tagasunod nga pala ako ni Tita Ruth ngayon. "Kapag nalaman ni Kharla ang tungkol dito. Magpaalam ka na sa daddy mo."   May dalawang taon ng coma si Daddy dahil sa isang car accident.   Sa ganong kalagayan, si Tita Ruth lang ang binigyan ni Daddy ng karapatan na magdesisyon para sa buhay niya.   Isang buwan palang na coma si Daddy nang magdesisyon na si Tita Ruth na ipatanggal ang makinang bumubuhay kay Daddy. Nagmakaawa kami ni Ate Kharla na hayaan ni Tita Ruth na mabuhay si Daddy kahit sa ganong sitwasyon. Naniniwala kami na isang araw magigising pa si Daddy lalo pa't vegetative stage 'yon.   Pumayag si Tita Ruth, sa dalawang kondisyon. Una, sa ibang bansa maninirahan si Ate Kharla kasama ang asawa niyang si Brent. Kung kelan ito makakabalik sa Pilipinas si Tita Ruth lang ang magtatakda niyon. Pangalawa, tutulungan ko si Tita Ruth na magpatakbo at iahon ang pabagsak na namin kompanya. Kaya tumulong ako sa pagpapatakbo ng Manufacturing Company namin. Pero lagi akong nagkakamali sa ginagawa at nagiging desisyon ko para sa kompanya kahit pa pinag-aaralan ko ang lahat tungkol sa kompanya. It's so hard. Nahirapan akong pagtagumpayan ang isang bagay na hindi ko gusto at napipilitan lang akong gawin. Tinanggal ako ni Tita Ruth sa kompanya at isine-set ng date sa mga anak ng kilala niyang businessman at kilalang tao sa lipunan para sa mga dagdag na investor at impluwensya para mapalakas ang kompanya.   It just a dinner, movie and sightseeing date. No physical or s****l contact. "Rinayah, kung hindi mo kayang makipagkaibigan kay Carla, pag-aralan mong maging plastic sa harap niya. Kung hindi mo kayang mahalin si Maverick dahil kay Gerard, magpanggap kang siya ang lalaking pinapangarap mo."   Nanatiling tikom ang bibig ko tungkol sa estado ng relasyon namin ngayon ni Gerard. "Ito na ang huli Rina,"   Nagliwanag ang mukha ko nang marinig 'yon. "kapag naging Vhilonn ka na." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Dahil kapag naging Vhilonn ka na. Maiaahon natin ang pagbagsak ng kompanya, mapapahaba ang buhay ng Daddy mo at matutuldukan ang pait ng nakaraan sa pagitan ng Rejares at Vhilonn."   Saglit akong natigilan. "Wala po sa usapan natin ang-" "Gusto ni Maverick na maging Mrs. Vhilonn ka kaya 'yon din ang gusto kong mangyari." Umawang ang bibig ko para magsalita pero inunahan na ako ni Tita Ruth. "No questions and no buts." pagdidiin nito bago ako iwan mag-isa doon.  Sinalinan ko ulit ng alak ang baso ko at saka tinungga 'yon. "Matutuldukan ang pait ng nakaraan sa pagitan ng Rejares at Vhilonn." napapaisip ako sa lalim nang sinabing 'yon ni Tita Ruth. Sigiradong ang nangyari sa pagitan ni Ate Kharla at ni Carla Vhilonn ang tinutukoy niya. "Gusto ni Maverick na maging Mrs. Vhilonn ka."   Oh no!   Napakagat labi ako nang maisip ko na ang posibleng dahilan ni Maverick. Paghihiganti. Gusto nilang iparanas sakin ang ipinaranas ni Ate Kharla kay Brent.   Ang sakit na matali sa taong hindi mo talaga mahal.   Gusto nilang iparanas kay Gerard ang dinaranas ngayon ni Carla.   Ang sakit na mabuhay na hindi mo kasama ang taong mahal mo at nagmamahal sayo. Ganon ang plano nila kahit wala silang alam sa tunay na nararamdaman ni Ate Kharla. Ang totoo, hindi siya masaya. Hindi masaya si Ate Kharla! Ang sakit na mabuhay na hindi mo napapasaya ang taong mahal mo dahil hindi ikaw ang kasiyahan niya. Hindi ka pa rin sapat para maging masaya siya.   Napahigpit ang hawak ko sa baso.   Naalala ko ang pangyayari noon nang masaksihan ko ang pagluhod ni Brent sa harap ni Ate Kharla. Nagmamakaawa si Brent na wag sasaktan ni Ate Kharla si Carla. Narinig ko din nang sabihin nito na mahal na mahal niya si Carla.   Sa kanilang tatlo, walang masaya. At ngayon, mapapabilang ako sa kanila dahil kay Maverick Vhilonn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD