MAVERICK'S POV
BUMUKAS ang pinto.
"Future wife mo na ba 'yang pinag-uusapan nyo?" bungad ni Carla.
Itinago ni Rico ang cellphone na naka-flash pa ang picture ni Cinderella.
"Pagmarunong ka nang kumatok bago pumasok ng pinto sasabihin ko sayo kung ano 'yon."
"Papasok ako kung saan at kelan ko gusto Mr. Rico Mihoya," pataray na sagot ni Carla.
"That's a Vhillon's attitude! Wow!"
Humakbang papalapit samin si Carla. Si Carla ay kapatid ko sa ama, mas matanda ako sa kanya ng isang taon.
Minsan napagkakamalan kaming kambal dahil sa parehong mga mata namin na namana namin kay Daddy habang ang iba pang-features ng mukha namin ay sa magkaibang Mommy na namin namana.
Bilugan at maliit ang hugis ng mukha ni Carla na binagayan ng asymmetrical short haircuts. Matangos ang ilong at bow-shaped ang labi.
Habang ako naman ay pangahan ang mukha na binagayan ko ngayon ng short pompadour hairstyle. Matangos ang ilong at heart-shaped ang labi.
Naiiritang umirap si Carla kay Rico ng tabihan niya 'yon sa sofa.
"Kuya Maverick, why don't you just change your assistant?" baling niya sakin.
Sumipol si Rico tapos kumindat sakin.
"When you get married and have a husband that I can work with and trust our businesses. Magpapalit ako ng assistant," pabiro kong sagot.
"Matagal na akong nakahanap. Nawala lang siya sa tabi ko," mabilis na sagot ni Carla.
"Ouch for you!" react ni Rico.
"Sino dun?" na-curious ako. Hindi ko maalalang may sineryoso siya sa mga lalakeng pinakilala niya sakin noon. Ang bilis niya kasing magpalit ng boyfriend.
"Wala siya sa mga naipakilala ko sayo."
"At bakit siya nawala sa tabi mo?"
Seryosong napatitig sakin si Carla sa tanong ko.
"Hey Carla, alam ba nung guy na boyfriend mo siya bago siya mawala sa tabi mo?" patawang singit ni Rico.
Tumaas ang kilay ni Carla ng balingan niya si Rico. Agad na nagtaas ng kamay si Rico sa pormang tila sumusuko nang makitang seryoso si Carla.
"Oo," dampot ni Carla sa wine glass ni Rico, "alam ng marami na fiancee ko siya bago siya sapilitang agawin sakin ng iba," saka tinungga 'yon.
Napaawang ang bibig ko. Bago sa pandinig ko ang tungkol sa sinasabi niya at ngayon ko lang din siya nakitang uminom ng alak.
Natawa si Rico, "Real men can't be stolen."
Naningkit ang mata ni Carla nang bumaling kay Rico.
"What? First time mo bang narinig yun?" kuha nito sa baso ni Carla. "Let them go. If he change other girl last name after saying he loves you. You don't deserve that jerk! Because-"
"That's enough Rico," sabi ko nang mapansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Carla.
Nakangiti na nang bumaling ulit sakin si Carla.
"Anyway, Kuya Maverick since it's your twenty-eighth birthday, sana makapili ka na ng future wife mo ngayong gabi. I gathered women who passed the standard of the Vhilonn-"
"Carla," pagod kong umpisa. "I hope this is the last time you do this. Sinabi ko naman sayo na hindi sa gantong set-up ko makikita ang babaeng pakakasalan ko."
Sumisipol-sipol si Rico sa himig na kumakanta ng love song pero hindi namin ito pinansin.
"Okay!" masiglang sabi ni Carla. "By the way, Kuya Maverick hindi si Mia ang pinili ko na maging isa sa isasayaw mo ngayong gabi."
Tumigil si Rico sa pagsipol.
"Teka Carla, nag-away ba kayo ng bestfriend mong si Mia?" taka ni Rico. "Kasi sa pagkakaalala ko kinukulit mo si Maverick na pakasalan na niya si Mia. And now you have chosen another woman for him to dance with tonight? "
Natawa si Carla, "Come on, don't take it seriously," sulyap nito kay Rico tapos sa mga wine sa harap namin. Hinaplos niya ang mga yun at namili, "Si Mia parin ang gusto kong pakasalan ni Kuya Maverick," tapos dumampot ng isang bote ng wine. "I just picked another girl tonight to have fun."
"Just for fun?" taka ni Rico.
Tumango si Carla nang buksan ang wine. Dumampot siya ng wine glass, sinalinan yun at iniabot kay Rico.
"Im out," singit ko nang makaramdam ng hindi maganda.
"Kahit na ipilit ko?" pabagsak na lapag ni Carla sa bote ng wine tapos sumeryosong nag-angat nang tingin sakin pero agad ding ngumiti. "Look Kuya Maverick, hindi tayo lumaki ng sabay. We didn't experience playing with each other when we were kids. Kaya bakit hindi tayo maglaro ngayon?" tapos sinalinan niya ng wine ang wine glass ko ng kasing taas tulad sa kanya.
Apat na taon palang ang nakakalipas ng dumating ako sa buhay ng mga Vhilonn at maging si Maverick Vhilonn.
Lumaki ako na gamit ang apelyidong gamit ng mommy ko sa pagkadalaga.
Limang taon naman ang nakakalipas nang mamatay si mommy sa isang car accident. Hindi niya naipagtapat sakin kung sino ang Daddy ko.
First year death anniversary ni Mommy ng magpakilala sakin si Mr. Craison Vhilonn na siya ang Daddy ko.
Napatunayan na mag-ama kami pagkatapos naming magpa-DNA paternity test. Kinuha ako ni Daddy sa poder ng Lolo ko na Daddy ni Mommy, tapos mabilis na naiproseso na bitbitin ko ang apelyidong Vhilonn.
"Kung lumaki tayo ng sabay, sa t'wing birthday mo reregaluhan kita ng laruan pero hindi nangyari 'yon kaya bumabawi lang ako sayo ngayon. Yung regalo ko sayong laruan, mamaya ko ipapakilala," dagdag ni Carla.
Napatitigan lang ako kay Carla. Naninibago ako sa kanya ngayon.
"Whoa! That was intense!" sabi ni Rico. "Or should i say, that was cool?"
"Great idea right?" proud pa na sabi ni Carla. Saglit akong sinulyapan ni Rico bago pumihit paharap kay Carla.
"Carla, ang problema hindi kayo sabay lumaki ni Maverick kaya hindi niya nakalakihan ang trip mo. Sa poder kasi ng Mommy niya natutunan niyang hindi dapat ganyan itinuturing ang mga babae."
"Kuya Maverick, look who's talking?" iretableng saglit na sulyap sakin ni Carla bago ulit harapin si Rico. "Did that really come from you Rico? I know you, playboy!"
Natahimik si Rico. Carla hit the button to make Rico silent.
Ayaw na ayaw ni Rico na tinatawag siyang playboy.
Tinaas ni Carla ang baso niya sabay baling samin ni Rico.
"Happy Birth-"
"Anong koneksyon ng babaeng ireregalo mo sakin sa sapilitang pag-agaw sayo ng fiancee mo?" tose ko sa baso niya.
Natigilan si Carla at tila nawalan ng gana nang ibaba ang baso.
"Siya ba ang dahilan-"
"Hindi," agap ni Carla.
"Then, why?"
Ngumiti siya, "Like i said earlier, it just for fun. Gusto ko lang maglaro."
Napasulyap ako kay Rico. Malapit sila ni Carla sa isa't isa pero sa reaksyon niya ngayon halatang pareho kaming walang alam sa mga sinasabi ni Carla.
"Come on, this isn’t the first time I’ve toyed with the lives of others."
"I do not know-"
"Ngayon mo lang nalaman kasi ngayon ko lang naisip na isali ka," taas ulit ni Carla sa baso niya.
Revenge.
Nababasa ko sa mga mata ni Carla na hindi niya lang gustong maglaro kundi maghiganti.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.
Make sure the grave you are digging is not yours... gusto kong sabihin kay Carla.
Dinampot ko ang baso ko para makipag-tose sa kanya. Sinabayan ako ni Rico.
Protektahan mo ang kapatid mo. Mga Vhilonn kayo, walang dapat na mang-api at manakit sa mga Vhilonn. Naalala kong sabi ni Daddy ng maging Vhilonn na ako.
Wag mong hayaang manakit at mang-api ang apelyidong bitbit mo ngayon. Naalala ko ding sabi ni Mommy noong bitbit ko pa ang apelyidong gamit niya sa pagkadalaga.
"Happy Birthday Kuya Maverick Vhilonn!" masaya nitong sabi.
Naamoy ko agad ang tapang ng wine ng lumapat ang labi ko sa labi ng baso. Kaya hindi ko binalak na makipagsabayan sa kanila na ubusin 'yon sa isang inuman lang.
Kasunod non, narinig ko na ang pag-ubo ni Rico na hindi kinaya ang tapang ng wine habang parang sanay na sanay naman si Carla sa lasa niyon.
Nagawa pa ni Carla na magpakita ng malambing na ngiti ng tumingin sakin, "Best wishes Kuya Maverick Vhilonn," tapos pabagsak na ibaba ang baso sa table.
Tumayo siya at lumapit sakin, "See you later Kuya," tapos saglit akong niyakap bago umalis.
Wala na akong nagawa at nasabi kundi ihatid nalang siya nang tingin palabas ng pinto.
Ngayon ko lang naisip na simula nang dumating ako sa Vhilonn, hindi ko pa natutukang kilalanin ng mas malalim si Carla. Sa unang taon kasi ng pagdating ko sa Vhillonn ay naging abala ako sa pagkilala kay Daddy.
Naging abala kami ni Daddy sa pagtuturo niya sakin kung ano at paano tumatakbo ang mga negosyo nilang pabagsak na noon. Sa ikalawang taon ay namatay si Daddy dahil sa cancer kaya naging abala ako sa pag-aasikaso ng mga naiwan nito hanggang ngayon.
Umuubo parin si Rico ng tignan ko siya.
"Grabe, kelan pa siya ganon katapang uminom? s**t!" sabi ni Rico na nakagusot ang mukha.
"Rico," seryoso kong sabi sa kanya, "gusto kong malaman kung anong pinagkakaabalahan ni Carla at ang mga nakaraan niya," tingin ko yun ang kulang.
Natigilan si Rico nang mapaisip.
"Dude, gusto kong wala kang ililihim sakin sa lahat ng malalaman mo tungkol kay Carla," dagdag ko.
Kahit na madalas silang mag-asaran at magtalo ni Carla alam kong madalas niya din itong pagtakpan.
"Siguro nga marami pa akong hindi alam tungkol kay Carla," tungga ko sa baso ko.
"Got it," nahiwagahan ding sagot ni Rico nang mapatitig sa bote ng wine na pinili ni Carla kanina.