MAVERICK'S POV
"s**t!" iniiwas ko agad ang paningin ko nang tumalon at sumisid ang babae sa pool.
"Oh come on..." pagpapakalma ko sa sarili nang makaramdam ako ng kakaibang init dahil ginawa niya.
Nasa kabilang bahagi ako ng pool na 'yon, nakaupo sa table set. Madilim ang paligid kung nasaan ako kaya siguradong hindi niya ako nakita.
Kaya nasaksihan ko ang nang-aakit niyang paglapit sa pool habang naghuhubad.
Oh s**t! hindi niya alam kung ano ang nagagawa niya sa sistema ko!
Humakbang ako papalayo doon nang makasalubong ko ang assistant kong si Rico.
"Maverick Vhillonn! nandito ka lang pala-"
"Shhh...shut up!" agad na lapit ko kay Rico saka hinila ito papunta sa lugar na hindi kami makikitang dalawa. "Bakit? Ano bang meron?" tanaw ni Rico sa unahan nang maghanap ng kasagutan. "Namboboso ka ba?" pabiglang sabi niya nang matanaw ang babae sa pool.
"Can you just zip your mouth?" pabulong pero nagbabanta ko nang sabi habang inaawat si Rico na masilip ang babae.
Tumigil si Rico nang tumingin sakin tapos gumuhit sa mukha niya ang naglalarong ngisi.
"Wag kang tatawa, bawal mag-ingay," banta ko.
"Alright," pabulong niyang sabi na tinaas pa ang dalawang kamay para makumbinsi ako. "You know what, ngayon ko lang nalaman na may ugali ka palang-"
"Of course not, hindi ako ganon," sabi ko habang pinatalikod siya sa pool. "Wag mo nga siyang tignan."
Ayoko talaga!
Ayokong may ibang makakita nang nakita ko sa kanya. Ayokong maramdaman ng iba ang nararamdaman ko dahil sa kanya.
Madalas kami ni Rico sa mga beach kasama ng mga kaibigan namin. Hindi ko nakahiligang magmasid at kilatisin ang katawan ng mga babaeng nandoon tulad ng madalas na gawin ni Rico kapag may natitipuhan siya.
At ayokong gawin niya 'yon ngayon!
Nakakalokong ngumiti si Rico, "Come on, gusto ko lang maranasan ang trip mo."
"Ano ka ba?! Sabing hindi ako namboboso!" napalakas kong sabi dahil nagpipilit parin siyang makita ang babae.
"Shhh..." agad niyang tinakpan ang bibig ko. Ngayon si Rico naman ang nataranta.
"May tao ba dyan?!" huli naming dinig na sigaw ng babae nang hilahin na ako ni Rico palayo doon.
PAULIT-ULIT na sumakop ang halakhak ni Rico sa kwartong kinaroroonan namin sa hotel na 'yon.
Magkaharap kaming nakaupo sa sofa. Nasa harap namin ang may limang klase ng bote ng wine, mga wine glass, iba't ibang klase ng pulutan at yelo.
Pinahanda ni Rico ang mga 'yon para sa pagdating ng mga kaibigan naming hindi pupunta sa pavilion kung saan gaganapin ang program ng birthday party ko.
"Teka, anong araw ngayon?" biglang naging seryoso si Rico.
Saglit akong nag-isip. May nakaligtaan ba akong schedule ngayong araw?
"Thirstday ba ngayon?" seryoso pa din.
Kumunot ang noo ko sa pagkakabanggit niya ng word na 'thirstday' imbes na thursday.
"Hindi. Bakit?" sagot ko sa pangalawa niyang tanong tapos sunod kong sinagot ang una niyang tanong.
"Wednesday ngayon-" bigla kong nakuha ang ibig niyang sabihin.
Lalo pa nang ngumisi na siya, "Kaya pala mukha kang wetday kanina ng mahuli kita!" sabay tawa niya na para siyang kinikiliti sa saya.
"Get out!" sambit ko nang masiguradong dirty words 'yon.
Nakakainis.
Kung hindi ko lang siya kaibigan at pinsan sa side ng mommy ko baka sa pang-aasar niya sakin ngayon tinanggal ko na siya bilang assistant ko.
Napatungo nalang ako ng hindi ko na siya mapigilan sa kakatawa. Nahihiya ako sa nangyari pero hindi ko maiwasang mapangiti ng pasikreto.
"Look Rico! hindi ako namboboso," angat ng tingin ko sa kanya.
Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko kahit sa kaisipan ng lalaking ito.
Pero ngumisi lang siya.
"I want to be alone. Nasa madilim ako para hindi agad ako makita ng mga naghahanap sakin tulad mo tapos bigla nalang siyang dumating na... ganon." natigilan ako ng biglang ko na namang maalala ang nakita ko kanina.
"Now i know!" pitik ni Rico sa hangin na tila gumising sakin. "Yan ba ang tinatawag nilang, love at first sight?"
"No." Agad kong sagot sa kanya.
Ayokong isipin niya na naiinlove ako sa ibang babae.
Hindi niya nakilala ang babaeng nasa pool kanina dahil pinipigilan ko siyang tignan 'yon.
"May maganda din naman palang idudulot sayo ang ganitong set-up para sa celebration ng birthday mo." sabi niya habang iniisa-isa niyang damputin at basahin ang label ng mga wine bottle.. "Thumbs up! para kay Carla."
Huminto si Rico sa pagpili ng wine na uunahing buksan tapos tumitig sakin.
"Stop, staring me like that." irita ko ng agawin sa kamay niya ang hawak niyang wine bottle.
Kanina lang pakiramdam ko inaakusahan niya ako sa isang krimen, ngayon parang hahatulan na niya ako.
"Tingin ko kasi na love at first sight ka. Congratulations, may kapalit na at nakalimutan mo na si Cinderella." seryoso niyang sabi.
"Damn! Of course not!"
Ibig kong sabihin, hindi ako na love at first sight kanina dahil matagal na kaming nagkatagpo ng babaeng 'yon.
Hindi din siya ang kapalit at nakapagpalimot sakin kay Cinderella dahil ang tinutukoy ni Rico na Cinderella ay siya mismo.
Hindi niya tunay na pangalan ang Cinderella dahil bansag lang 'yon sa kanya.
Nagkita, nagkausap at nagkasama na kami ni Cinderella pero hindi ko pa alam ang tunay niyang pangalan.
At siya ang iniisip ko kanina.
Kung totoo ngang natutupad ang mga wish sa mga birthday?
Ang maging akin siya, ang wish ko.
Wala na akong gustong makuhang regalo sa mga natitira pang birthday ko kundi ang makasama siya.
"I am damn sure!" pagpipilit ni Rico.
"Come on! she's not the only woman I've seen wearing a two piece." yun nalang ang nasambit ko. Gusto ko pa din kasing makatiyak na si Cinderella nga 'yon. "Kaya-"
"Kaya nga ganto ako mag-react dahil ang laki ng epekto niya sayo." putol ni Rico sa sasabihin ko na tumango-tango pa para makumbinsi akong tama siya.
Inagaw niya sakin ang bote ng wine tapos dumampot ng wine glass at sinalinan yun. "Sa itsura mo ngayon parang ngayon ka lang nakakita ng babaeng nakabikini na lumalangoy samantalang higit pa doon ang-"
"Hey! stop it!" Pigil ko sa kapilyuhan niyang sasabihin.
Inabot sakin ni Rico ang wine glass na nasalinan na niya ng wine.
"What?" tumaas ang kilay ni Rico habang nakangisi parin. "Don't tell me, dahil sa babaeng 'yon naramdaman mo nalang bigla na conservative ka na ngayon?" ibinaba niya ang wine glass sa harap nang hindi ko kunin 'yon tapos bigla siyang napaisip. "Kanina lang din kita nakitang nataranta ng ganon." iling niya habang kumukuha ng isa pang wine glass tapos sinalinan din 'yon.
"Ayokong makita niya ko sa ganong posisyon-"
"Bakit?" tawa niya ng umpisahang tikman ang wine. "Nahihiya ka na baka makita ka niya sa ganong posisyon at isipin niya na binobosohan at pinagnanasahan mo siya?"
"Shut your f*****g mouth!" awat ko sa iniisip niya. "Baka may makarinig pa satin dito."
"Now look at you. Dahil sa kanya may pinag-aalala ka na ngayon," muling napahalakhak si Rico ng sumandal sa sofa. "Kahit may makarinig satin ngayon, sigurado akong hindi non babalakin na magpakalat ng usapang hindi mo magugustuhan. Takot lang non na banggain ka."
Napailing nalang ako nang damputin ang wine glass sa harap ko at tunggain ang wine na laman niyon.
Alam kong may ibig sabihin ang huli niyang sinabi pero wala akong balak na tanungin kung ano ang gusto niyang pag-usapan dahil okupado ni Cinderella ang utak ko.
"Ito pa." abot ulit ni Rico sa bote ng wine. "Uminom ka pa pangpawala ng tama," saka sinalinan ang wine glass ko.
Ngumisi ako, "Uminom ka din dahil kung makatawa ka para kang may tama sa ulo-"
"At ikaw tinamaan sa puso? Congrats!" suntok ni Rico sa hangin.
Tumunog ang cellphone ni Rico, pinindot niya yun habang iniinom ang wine.
Nakita kong agad na nanlaki ang mata niya. Instinc sakin na agad na umilag bago pa niya maibuga sakin ang wine na hindi na niya malunok.
"s**t!" bulalas ni Rico nang iharap sakin ang cellphone niya. Nakita ko ang picture ni Cinderella na naka-flash sa screen.
"Inalam ko kung sino ang babaeng pumunta sa pool kanina at siya lang daw ang pumasok doon," hindi makapaniwalang sabi ni Rico.
Siya nga yun!
"Kaya ganyan ka mag-react dahil si Cinderella yung nakita mo? How-"
"Rico, gusto kong alamin mo kung paano at bakit siya nandito ngayon?"
"Ready ka nang makilala siya-"
"Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya."
"Got it!"