RINA'S POV
Here we go Rina... pilya kong ngiti sa sarili habang humahakbang papalapit sa nasa harap ko.
Ngayong gabi, binalutan na naman nila ako ng eleganteng kasuotan...
Nakasuot ako ng tube top, sequined at shiny blue-green gown.
Huminto ako.
Inabot ko ang zipper sa likod nang suot kong gown. Dahan-dahan kong hinila 'yon pababa hanggang sa tuluyan kong mahubad 'yon.
Ngayon, black two piece nalang ang natitira kong saplot.
Naramdaman ko ang pagdampi ng panggabing hangin sa aking balingkinitang katawan.
Sinunod kong hubarin ang mahahaba kong hikaw at saka itinapon 'yon sa lapag.
Nilapatan na naman nila ako ng make-up at pinaliguan ng kaaya-ayang pabango...
Hinawi ko ang piraso ng buhok na tumabing sa makinis at hugis mala-puso kong mukha. Dinama ng mga daliri ko ang nang-aakit kong mga mata na pinarisan ng magandang hubog ng kilay at mahahabang pilik-mata, pababa sa matangos kong ilong at mamula-mulang labi. Hinaplos ng daliri ko ang labi ko nang burahin ko ang mapulang lipstick doon.
Saka malandi akong nagpatuloy sa paghakbang, suot pa ang glass sandals kong may tatlong pulgada ang taas.
Para lang mapansin at maakit si Maverick Vhilonn...
Ngumisi ako nang makalapit na ako sa kanina ko pa tinititigan.
Tinanggal ko isa-isa ang mga hairpin sa nakapalupot kong mahaba at tuwid na buhok tapos malandi kong hinaplos yun pababa.
Kaya lang, wala akong balak na makaharap ang isang Maverick Vhilonn....
Hinto ko sa tapat ng malaking pool na hindi kalayuan sa pavilion kung saan ginaganap ang party ni Maverick Vhilonn.
Dahil para sakin ang maganda lang ngayong gabi sa birthday party niya ay ang malaking pool na nasa harap ko ngayon.
Sinipat ng tingin ko ang paligid habang hinuhubad ang glass sandals ko.
Bigla kong naalala ang nangyari sa pavilion kanina bago ko maisipang pumunta sa pool na 'yon.
Mula sa pagkakatayo ko sa stand round table sa isang sulok, sinenyasan ko ang isang waiter.
Nginuya ko nang maigi ang bubble gum nang makita ko ang bote ng wine na hawak nito.
Perfect magagamit ko yun sa plano ko!
Nginitian ko lang ang waiter nang senyasan kong ibigay sakin ang wine bottle. Saglit pa itong nag-isip bago ibigay sakin 'yon.
Nang makaalis na ang waiter nangingiti kong sinalinan ang wine glass ko tapos pasikreto kong kinuha ang bubble gum sa bibig ko at idinikit 'yon sa pwet ng bote na balot pa ng papel.
Ipinatong ko yun sa gitna ng table na balot ng table cloth.
Napataas ang gilid ng labi ko nang magdikit 'yon. Kapag inangat ko ang wine bottle, tatapon sa damit ko ang wine na nasa wine glass ko at 'yon ang magiging dahilan ko para umalis doon at magkunwaring magbibihis.
Tinapik-tapik ng paa ko ang lapag habang naghihintay ng pagkakataon nang maramdaman ko ang paglapit ng tatlong babae sa kinaroroonan ko.
Nagpokus ang paningin ko sa wine glass ko nang ipatong nila ang mga wine glass nila sa table.
Uh! oh! wala sa plano ko na idamay sila.
Sulyap ko isa-isa sa mga gown na suot nila saka ko binalingan ang mga wine glass sa harap nila.
Sapat na ang dami ng wine sa wine glass nila para mataranta silang magbihis ulit ng bagong gown ngayong gabi.
"Hey Euly, what do you think? Sino ang lucky woman na huling isasayaw ni Maverick ngayong gabi?" umpisa ni Marih. Sigurado akong sakin na naman patungo ang usapan dahil bahagya pa siyang lumapit sakin para lang masmarinig ko ang sinasabi niya.
Hindi malakas ang tugtog sa pavilion kaya dinig na dinig ko siya. Nasa kanan ko si Marih na naka-yellow trumpet style gown, sa kaliwa ko si Mia na naka-powder blue A-Line style gown at sa harap ko si Euly na naka-soft gray off shoulder style gown.
Napataas ang kilay ko nang maalala ko ang sinabi sakin ni Jacky kanina, isa sa mga assistant ni Tita Ruth.
"Kapag birthday ni Maverick, isinasayaw niya isa-isa ang lahat ng babaeng bisita niya. Then, the most anticipated of all is to find out who are the last three girls that Maverick will dance with again. Ang mga babaeng hahawak ng titulong, 'Most awaited woman of the night.' na merong third runner-up, second runner-up and first runner-up. The funny thing is how they pick runners-up. Ang third runner-up ay ang babaeng pinili ng mga board members ng Vhilonn's Corporation. Ang second runner-up naman ay ang pinili ni Carla Vhilonn. Ang first runner-up ay ang pinili ni Maverick. Yung tatlong yon ay maise-set ng date kay Maverick. And from there, people expect one of them Maverick will choose to marry."
This is not a birthday celebration. This is a damn competition and a crazy game!
"Disgusting," pabulong kong sabi ng maramdaman ko ang insulto para sa sarili ko dahil nandoon ako.
"Kaya dapat hindi na umaasa ang iba dyan," sabi ni Euly nang sulyapan ako at taasan ako ng kilay.
Saktong nagtama ang paningin namin.
What?!
Parang gusto ko siyang pagmulatan ng mata, ituro ang sarili ko at ipakita sa kanya na hindi ako makapaniwalang ako ang tinutukoy niya.
"kasi siguradong si Mia parin ang pipiliin ni Maverick tulad nung mga nakaraang taon," dagdag niya na nakipagtitigan pa sakin.
So, nandito sila para inisin ako.
Ngumisi ako't inirapan siya. Sa inis ko natungga ko ang wine glass at naubos ko ang laman non.
Oh my gosh!
Naningkit ang mga mata ko nang magsisi. Sinulyapan ko ang wine bottle.
Hindi ako ang dapat na mag-angat non.
Sinulyapan ko ulit ang wine glass ko.
Gosh! walang tatapon sa damit ko!
Nilaro ng daliri ko ang labi ng wine glass habang nag-iisip nang susunod na gagawin.
"Let's give others hope because there's a lot of beautiful tonight," sabi ni Mia pero sa tono niya parang alam ko na ang susunod niyang sasabihin, "Oh! kasama ka na dun Rina. Kabilang ka sa mga magagandang babae na may pag-asang mapili,"
Huminto ang daliri ko sa paglalaro sa labi ng wine glass.
See? Hindi niya lang ako gustong paringgan, gusto niyang ipamukha sakin ang insultong sitwasyong ito sa mukha ko.
"pang third runner-up?" nasa boses ni Mia panunuya. "What do you think? I heard-"
"Excuse me?" hindi ko napigilang mag-angat ng tingin kay Mia. "Hindi porke't pinababayaan ko ang sarili kong makasama kayo sa table eh close na tayo," hindi ko napigilan ang pagtataray sa tinig ko.
Ngumisi lang siya.
Gusto kong ipakita sa kanya na hindi parin ako nagbago!
Hindi porke't sinusunod ko ang mga gusto ni Tita Ruth ngayon ay magpapa-bully na ako sa kanila.
"Oh! come on, Rina. Wag-"
"Sa tingin mo gusto kong kinakausap mo ko?" taas ng kilay ko ng balingan naman si Euly.
"Alam namin na sinubukang kumbinsihin ng Tita Ruth mo ang board members para lang piliin ka-"
"So what?" sabat ko kay Marih. "Yun lang ba ang alam nyo? Hindi lang board members ang kausap niya. Kausap niya din si Carla Vhilonn."
Kita kong natigilan ang tatlo.
"You b***h-"
"I am." Baling ko agad kay Mia.
Im trying to be a nobody but you guys push me to be a mean girl.
"So, be carefull," mataray kong sabi tapos tinignan sila isa-isa. "I won't hesitate to pull your hair out tonight just to get home right away. Alam nyo na sigurong hindi ko gustong nandito ako pero baka gustuhin ko, just for fun." ngisi ko, "Sa mga naririnig ko, mukhang interesting ang isang Maverick Vhilonn," sinabi ko lang yon para mag-alala sila na gustuhin ko ngang makipagpaligsahan sa kanila.
"No doubt," tinignan ako ni Mia mula ulo hanggang paa, "Kilala naman talaga ang mga Rejares na sapilitang nang-aagaw ng lalaking may mahal-"
"Kaya mag-ingat ka," putol ko sa sinasabi niya. Gusto ko nang manampal, "Dahil baka isang araw magising ka nalang na ikakasal na din kami ni Maverick." pagyayabang ko para maslalo siyang mangamba.
Nagtitigan kami ni Mia. Nakita ko ang galit sa mga mata niya.
Nakita ko din sa gilid ng mata ko ang titig sakin ni Euly na parang handa akong sabunutan. Napahawak naman sa wine glass niya si Marih na parang gusto akong buhusan.
Go! Do it Girls!
Pero alam kong hindi nila gagawing mag-umpisa ng gulo. Hindi dito. Hindi ngayon.
Dahil hindi gulo ang gusto nila kundi kumpirmasyon kung totoo ang kinatatakutan nila.
"Prove it," ngisi ni Mia, "patunayan mo sakin na hindi si Maverick ang ipinunta mo dito."
Napangiti ako ng damputin ang wine glass ni Mia at isalin sa wine glass ko ang laman niyon.
"Cheers?" ngiti ko, aaktong dadamputin ang wine glass ko.
Glamorosa pang dinampot ni Mia ang bote ng wine para salinan ang wine glass niya. Hindi ako gumalaw ng iangat niya ang bote at mahila ang table cloth.
Kasunod non ang sabay-sabay na pagtumba ng mga wine glass at pagtapon ng laman non sa mga gown namin nila Marih at Euly.
"Gosh!" gulat ko kunwari ng maramdaman ang wine sa damit ko.
I made it!
"Oh no!" sabay na sabi nang gulat na gulat na sina Euly at Marih.
Lumikha pa ng ingay yun ng mahulog sabay-sabay ang mga baso sa lapag at nabasag.
"Mia what the hell are you doing?!" si Euly na di napigilan ang pagkairita.
"So-sorry..." gulat na sabi ni Mia saka napakunot ang noo nang malaman kung bakit nangyari 'yon.
"Uh... oh..." nirelax ko ang sarili, "I think, i need to wash up," pihit ko patalikod.
"You b***h," habol sakin ni Mia, "Sinadya mo to-"
"Yeah," lingon ko kay Mia tapos bahagya akong lumapit, "pero ikaw ang may hawak ng bote kaya sa paningin ng mga nakatingin satin ngayon," pabulong kong sabi, "sinadya mo yan tulad ng ginagawa nyo sa ibang babaeng target ang isang Maverick Vhilonn."
Umangat ang kamay ni Mia, "You-"
"Ah. Ah. Ah. Play victim," parang tutang turo ko sa dapat na maging attitude niya, "Don't worry, mapapanood ni Maverick sa cctv na plinano ko to. Come on, gusto kong maging salbahe sa paningin ni Maverick," tingin ko sa kanila isa-isa,"Thank me later." sabay alis ko doon.
"Ahhh!" tapos umakto akong nanghihinayang sa gown ko, "Mia you ruin my dress! Oh my gosh!" arte ko habang dumadaan sa mga nakikiusyoso.
Matipid akong napangiti nang maalala ang ka-malditahang ginawa ko kanina.
Hold on! marami pa akong dapat gawin.
Nakapamewang kong ikiniling-kiling ang ulo ko at iginalaw-galaw ang balikat ko bilang paghahanda sa gagawin kong pagtalon sa tubig.
At isa na doon ang pagtanggal sa make-up at pabango sa katawan ko.
Nakangisi kong tinalon at sinisid ang lalim ng tubig sa pool na 'yon.