CHAPTER 3

2906 Words
IPINILIG ni Miracle ang ulo at saka tiim-bagang na itinapon ang papel na ibinigay sa kaniya ng kapatid. She doesn't need it. She doesn't need any distractions right now. At alam niyang sa isip siguro ni Aaron, dahil sa mala-tagtuyot niyang love life ay kailangan siya nitong tulungan para may magdilig sa love life niya. Kahit na sino, basta pasok sa standard nito. Napabuntong-hininga na lang siya at saka humilata sa kama bago niya itinaas ang kamay niya at ipinatong iyon sa noo niya habang nakapikit ang mga mata niya. Ilang beses na siya i-s-in-set up nito sa date ngunut tuwina ay tumatanggi siya. Dating only reminds her of her ex who cheated on her. The only man she ever loved and trusted with all her heart but failed miserably. Isa pa, her schedule is already overwhelming. Bagama't ga-graduate na siya mamaya, hindi ibig sabihin noon ay may bakanteng oras na siya. It simply means that she needs to fill her late afternoon to evening schedule on weekly and her full day schedules on weekends. She heaved another sigh. Iidlip lang siya at sandali para kahit papano ay magmula siyang fresh sa Graduation niya. Bukod-tanging si Aaron ang sumama sa kaniya sa graduation niya dahil mapapagod lang din ang daddy niya at ang madrasta. “Kanina ka pa lingon nang kingon diyan, ah. May katagpo ka bang classmate mo?” untag niya sa kapatid niya patapos magpakuha ng litrato kasamaa ang mga kaklase niya sa iba't ibang subjects. Iregular kasi ang schedule niya kaya naman kalat ang nga kakilala niya. “Ah, wala, ‘te. ‘Lika na,” yaya nito sa kaniya bago siya umabrisiete rito at sinabayan itong maglakad. Ginamit niya ang voucher na iniregalo sa kaniya ni Mrs. Ambeth para may maiuwi silang simpleng handa. Dalawang whole roast, 5 roasted ribs, 5 side dishes, 1 Graduation cake at dalawang 1.5 liters na softdrink ang equivalent niyon na ikinagulat nilang magkapatid. “Ate, bundat tayo nito mamaya!” nakangising wika nito habang nag-aabang sila ng taxi. Kung hindi lang sa mga bitbit nilang gamit niya na kinuha niya sa locker niya at sa mga pagkain, ay hindi talaga niya sasayangin ang pera sa pamasahe lang. Papasakay na sana sila sa taxi na tumigil sa harap nila at kinontrata niya nang mapalingon siya sa may waiting shed. Para kasi siyang may natanaw na kakilala. “Ate, pasok na,” pukaw ni Aaron sa pansamantalang paglalayag ng isip niya. Ipinilig niya ang ulo at sa muling pag-angat ng ulo niya ay wala na roon ang lalaking inakala niya ay si Angelo. Okupado ang isip na sumakay siya ng taxi kasunod ang kapatid bago umiling-iling at sa isip ay natural na imposibleng pumunta roon si Angelo. Naiiyak ang mag-asawa nang pumasok na sila ni Aaron sa loob ng bahay. Nakaayos ang may kusina at may nakasabit na banner na ‘Congratulations!’ na ilagyan pa ni Hope ng may glitter na stars sa magkabilang gilid. At kahit pa nga anong pigil niya, kausang nanulas ang luha niya mula sa dalawang mata niya lalo na nang yakapin siya ng mga ito na sinundan din ng yakap ng dalawa niyang kapatid. What she went through just to finish college was unbelievable. From being able to practically buy whatever they wanted and live conveniently, now, she needs to work really hard after her father's loss in business. She also needed to do extra jobs for her father's hospitalization, kaya naman ang sobrang fulfilment ang nararamdaman niya ngayon. Pagkatapos nilang kumain at ilang oras na pagkukuwentuhan ay kusa na siyang iginupo ng pagod at antok na habang nagkukuwtuhan ang mga ito ay kusa nang bumagsak ang mga talukap ng magkabilang mata niya at bahagya pang nakangangang nakatulog siya.  Mahina rin ang paghagok niya na ikinatawa pa ng mga kapatid niya. “Aaron, buhatin mo na ang Ate Mira mo sa kuwarto niya at hayaan mong doon ‘yan matulog,” utos ng madrasta niya sa nakababata niyang kapatid matapos iakyat ang daddy nila sa kuwarto ng mga ito. “Opo, mommy,” maagap namang tugon ng binata. “Let her sleep continuously tomorrow. She's overworked and ‘yong constant antok niya is a sign of over-fatigue na,” singit naman ni Hope na noo'y naghuhugas ng plato. “Tama ang ate mo. Patayin n'yo lahat ng cellphone alarm niyan nang hindi ‘yan maalimpungatan,” sang-ayon at suhestyon naman ng madrasta niya. Tumango naman si Aaron at walang-kibo siyang binuhat ng bunsong kapatid patungo sa kuwarto niya at saka marahang ibinaba sa higaan niya. Nagpamaywang pa muna ito at saka mataman siyang pinagmasdan bago iiling-iling siyang kinumutan.   NAALIMPUNGATAN si Miracle dahil sa paglagabog ng kung ano mula sa ibaba ng bahay nila. Sa isang iglap ay bumangon kaagad siya at nagmamadaling bumaba ng hagdan para tingnan kung ano ang nangyari. “Daddy!” Awtomatiko namang nagdoble ang bilis ng pagtakbo niya nang makitang nakalugmok sa sahig ang ama habang dinadaluhan at tinatalakan ng madrasta niya. Si Hope naman ay inayos ang pagkakatumba ng wheelchair ng ama saka tinulungan ang ina nito na itayo ang Daddy nila. “Hay naku! Napakatigas kasi ng ulo! Bakit ba kasi nagpupumilit kang tumayo, eh,” panenermon ng step-mother niya bago bumaling sa kaniya nang magsalita siya. “Daddy, okay lang po kayo? Wala ba pong masakit?” nag-aalalang tanong niya rito habang awang-awang nakatingin sa ama at hawak ang hita nito para maiaayos sa pagkakasalang sa wheelchair. “I'm fine, I'm fine!” balewalang sambit ng daddy niya saka tinapik-tapik ang mga kamay nilang tatlo. “I'm fine, I’m fine kayo riyan pero mamaya magrereklamo na masakit ang tuhod or ‘yong kamay,” nakabusangot namang sambit ni Hope bago nagpakawala nang malalim na hininga at humarap sa kaniya. “Ikaw, dumito ka muna today, ha. Huwag ka munang umalis ngayon. Kailangan kong mag-prepare para sa shooting ko bukas,” irap naman nito sa kaniya. “Ha? Eh, kasi—” “I don't care kung ano man ‘yang dahilan mo. Basta dumito ka para tulungan si mommy kay daddy,” walang pakialam na sabi nito bago tiningnan ang daddy nila at lumuhod sa harapan nito pagdaka'y ginagap ang kamay ng ama. “Dad, huwag mang matigas ang ulo, ha? Don't worry, kapag nakuha ko ang payment ko sa gig ko bukas, I promise, mag-o-overnight stay tayo sa isang beach resort just like how we used to, okay?” anang half-sister niya bago tumayo nang nakatungong tumango ang daddy nila bago bumaling ulit sa kaniya. “Kumain ka na. It's two p.m. already,” anito na ikinalaki ng mga mata niya bago ito tuluyang umakyat ng hagdan patungo sa kuwarto nito. “A-Alas dos na?” nang makabawi sa pagkabigla ay usal nita at saka sinipat ang relong pambising. It is already 2:15 p.m. to be exact. “Sige na, anak, kumain ka,” untag naman ng daddy niya sa kaniya nang matigilan siya. Humugot siya nang malalim na hininga at saka hinarap ang mag-asawa sa nag-aalalang paraan bago hinila ang madrasta niya sa may kusina nang mawili ang daddy niya sa panonood ng tv. “Aba't bakit ba kailangan mo pa akong hilahin dito, ha?” may iritasyong tanong nito sa kaniya. Muli siyang bumuntong-hininga bago pabulong na nagsalita. “Mommy kasi… ‘di ba po puwede na umalis muna ako kahit sandali lang? Hindi po kasi puwedeng hindi ako pumasok sa event mamaya sa Manila Banquet Hall at baka hindi na nila ako pag-part-time-in doon sa susunod. Tapos, sayang din ‘yong raket ko sa Manila Museum mamaya,” nag-aalalang wika niya at tukoy sa isa sa mga events hall ni pinapa-part-time-an niya. And the time is not on her side. Ang event ay alas-kuwatro at kailangang naroon siya sa hotel ng bago mag-alas-tres y media para sa briefing ng mga banquet staff. “Aba, hindi mo ba narinig ang sinabi ng ate mo? Hindi naman pupuwedeng ako lang dito sa bahay kasama ang daddy n’yo. Nakita n’yo naman at napakatigas na ng ulo,” tanggi at katwiran ng madrasta niya habang iiling-iling. “Nasaan po ba si Aaron? Wala na pong pasok ‘yon, ah,” usisa naman niya patungkol sa nakababatang kapatid. Natapos na kasi nito kahapon ang clearance nito sa mga professors nito at sa susunod na Miyerkules pa nakatakdang pumunta ng Registrar para sa enrollment nito sa susunod na school year. “Aba, eh, may kausap kanina lang tapos nagpaalam na pupuntahan ang kaeskuwela at mamayang gabi na raw ang balik,” sabi naman ng madrasta niya. Isang malalim na buntong-hininga na lang ang napakawalan niya sa kawalang ng sasabihin. Gusto man niyang awayin ang Ate Hope niya ang kaso, importante rin naman dito ang career nito bilang isang ramp model at matagal-tagal din itong nabakante dahil nagkaproblema ang agency nito sa dati nitong handler. “Sige po. Tatawag na lang po ako at magdadahilan,” pasya niya at saka tumalikod paakyat sana sa kuwarto niya nang pigilan siya ng madrasta niya. “Kumain ka na muna. Kanina pa ‘yan nakahain,” anito at saka siya iginiya sa lamesa bago nito binalikan ang asawa. Muli niyang tiningnan ang wristwatch niya at saka muling tumayo at tumakbo sa may hagdan. “O, kumain ka na muna bago—” “Kukunin ko lang po ang cellphone ko,” aniya saka nagtuloy-tuloy na ng akyat sa kuwarto niya. Hindi pa man siya nakakapasok nang ganap sa kuwarto niya ay naririnig na niya ang ring tone ng cellphone niya mula sa hallway. “Uy, Clara!” bating-salubong niya sa tawag ng kaibigang waitress. Permanent staff ito sa Manila Banquet Hall na naging malapit sa kaniya. “Hoy, Mira, grabe!!!” eksaherado namang bati nito. Kulang na lang ay tumili ito na parang kinukurot ang t*nggil at malamang sa hindi ay nakita na naman nito ang crush nitong Event Planner na pumupunta sa hall kapag may hawak itong event doon. “Ngapala, kumusta ka, ha? Kumusta graduation mo kahapon?” pahabol na tanong nito. “Teka muna, Clara, mamaya na tayo magkuwentuhan. Nasa hall ka na ba?” alanganing tanong niya sa kaibigan. “Oo, umaga pa ako rito dahil may conference kanina,” sagot nito sa tanong niya. “Naku, ‘buti naman! Kailangan ko lang kasing makausap si Ma’am Divine, eh. Nandiyan na rin ba siya?” aniya at tukoy sa Banquet Manager ng Manila Banquet Hall. “Oo. Eh, kaya nga ako tumawag kasi pinatawagan ka niya sa ‘kin,” anito. “Ha? Bakit daw?” nagtatakang tanong niya. Nagkumpirma na kasi siya rito noong isang araw nang tawagan siya nito para maging isa sa mga part-timer sa event ngayon kaya nga gusto niya itong makausap para kahit papaano ay makapag-adjust ito sa mga job distribution ng mga staff na kasama sa event. “Eh, sabi ni pogi, may sakit ka raw kaya siya ang pinadala mo na pumalit sa ‘yo mamaya,” may halong pagtatakang pahayag nito. “Ha? Sinong may sabi? Sinong pogi?” Siya naman ang nagtaka ngayon sa sinabi ni Clara. “Eh, ‘di yong pogi mong kapatid. Kaya nga pinapatawagan ka ni Ma’am Divine para kumustahin ang lagay mo, eh,” paliwanag naman ng babae. “Grabe ka, ha, ‘di mo man lang sinabi na may sobrang guwapo ka palang kapatid, ha!” dugtong nito. “Teka…” Ipinilig niya ang ulo at saka himinga nang malalim. Baka kasi nagkamali lang siya ng dinig o pagkakaintindi sa sinabi nito. “Nandiyan ba si Aaron? I mean, ang kapatid ko? Sigurado ka?” “Ayun, oo, Aaron nga ‘yong pangalan ni pogi,” kumpirma naman ng kausap. Napariin ang pagpikit niya bago umiling-iling. “Pakisabi kay Ma’am Divine, pasensya na kamo,” sabi na lang niya. Mamaya, mamaya na lang sila magtituos ni Aaron pagkauwi nito sa bahay. “Sus! Ano ka ba? Mabuti ka nga at nagpadala ng karelyebo, eh. At least, hindi nangarag si Ma’am Divine. Saka artistahin si pogi. Alam mo naman si Madam, ‘pag pogi’t maganda, malakas talaga sa kaniya,” biro pa nito, bagay na ikinatawa niya nang bahagya. Mabuti na lang talaga at si Ms. Divine ang in-charge sa event na iyon at hindi si Mr. George na mahiya mo ipinaglihi sa sama ng loob at pirming nakabusangot pagdating sa mga staff, bagay na kabaligtaran kapagguests ang kaharap. Sayang nga lang kasi guwapo pero sobrang suplado at ang hilig pang manigaw. Kaya kung nagkataon na ito ang in-charge sa event, hindi na talaga siya makakabalik sa pagpa-part-time doon, one hundred percent! “Pakisabi, maraming salamat kamo, ha,” sabi pa ulit niya bago ito nagpaalam nang tawagin ng isa sa mga supervisors na naroon sa event hall. Tiningnan niya ang bag niya at tama ang hula niya, kinuha nga ng bunsong kapatid niya ang planner niya kung saan nakalagay doon ang mga schedules niya. “Hay naku, Ron!” naiinis na bulong niya at saka umupo sa kama. Noon niya lang napansin ang isang post it na nakadikit sa isang bote ng Gatorade na nasa ibabaw ng bed side table niya. ‘Ate Mira, rest day ka muna ngayon. Don’t worry, kami ang bahala sa schedules mo ngayong araw na ‘to. Diyan ka lang sa bahay, okay?’ Ang nakasulat sa post it. Hindi tuloy niya napigilang hindi mapangiti habang umiiling-iling. Sigurado kasi siya na kung sino man ang nakausap ng kapatid niya, siguradong hindi makaka-hindi rito. He has this persuasive personality na namana yata nito sa kaniya. “Pahiram ako ng white socks at black flat shoes mo, ha,” mayamaya ay wika ni Hope na bahagya niyang ikinagulat pag-angat niya ng mukha niya. Nakatayo ito at nakahalukipkip sa tapat ng nakabukas na pintuan ng kuwarto niya. Kunot ang noo niya itong tiningan. “Akala ko ba, eh, pupunta ka sa Spa ngayon? Eh, bakit—” “Oo o hindi lang ang isasagot mo, ang dami mo nang sinabi,” supladang putol naman nito sa sinasabi niya. “Ahm… sige,” alanganin man ay pagpayag niya at saka siya kumuha ng medyas sa drawer niya. Pagkasarado niya ng drawer ay natigilan siya at saka nagdududang lumapit sa half-sister niya. “Sa museum ka pupunta mamaya, ‘no?” nanghuhuling tanong niya rito habang naluluha sa saya dahil na-touch siya. Bagama’t palagi siyang sinusungitan ng kapatid, alam niyang mahal naman siya nito at may ilang beses na rin siyang ginawan ng kabutihan nang palihim kung hindi pa niya miso ito nahuhuli. Hope rolled her eyes then took the white socks from her hand then cleared her throat. “Huwag kang masyadong magpakasaya. Napilitan lang ako dahil kay Aaron. And for the record, I’ll do it dahil gusto kong makakita ng mga mamahaling art pieces. So, kumalma ka, okay? We will never be close… ever!” anito bago siya inirapan at saka bumalik sa silid nito. Napangiti siya ng malapad. Her Ate Hope has always been like that… and she always pretend not to know… only this time, she needs to ask because it was too obvious. Muli na sana siyang lalabas ng kuwarto niya nang muling tumunog ang cellphone niya. Kaagad na nagliwanag ang mukha niya nang makita ang pangalan ni Ma’am Ambeth niya sa screen ng phone niya. “Hello, ma’am!” maagap na bati niya. “Mira, may good news ako sa ‘yo,” bungad kaagad ni Ms. Ambeth at walang paligoy-ligoy pa. “Po? Naku, ano po ‘yon, ma’am?” Bigla siyang nilukuban ng magkakahalong pangamba, kaba, antisipasyon at saya. “So, by chance, nakausap ko si Mr. Mario, ‘yong F&B Director sa Hermes Hotel. And guess what… he agreed to take you as one of their permanent-casual employees. Meaning, na kada event sa hotel nila, you will be on their priority list na tatawagan in case of shortage of permanent employees. At hindi lang ‘yon. Since direct referal ka, walang bawas ang sahod mo maliban sa mga government payment like SSS. Anyway, the HR will explain everything to once you sign your contract with them.” Halata ang excitement sa boses ng boss niya. “Mira? Nandiyan ka pa ba?” pukaw nito dahil hindi siya kaagad nakapag-react ot nakapagsalita matapos nitong magkuwento. “T-Totoo po ba, ma’am?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. “Yes, Mira. At least, hindi mo na kailangang bumiyahe nang malayo sa tuwing magpa-part-time ka sa mga raket mo. At least, ito, malapit lang sa bahay n’yo at sa opisina.,” kumpirma nito. Sa ilang sandali ay tila siya nahilo at pakiramdam niya ay nananag-inip lang siya. Hermes Hotel is one the most prestigious hotel in the country at kahit pa nga maging permanent-casual lang siya roon ay isang malaking pagkakataon na iyon sa kaniya para makakilala siya ng mga maimpluwensyang tao na puwede niyang ma-sales talk para mag-travel at maging kliyente sa Viajero Travels and Tours. “Thank you po, Ma’am. Sobrang thank you po talaga sa dami na ng naitulong n’yo sa ‘kin,” naluluhang wika niya. “Don’t mention it, Mari. You deserve it naman,” magiliw na wika nito bago nagpaalam nito. Pansumandali pa siyang nanatili sa kuwarto niya at saka lang nagpasyang bumaba nang tawagin na siya ulit ng madrasta niya. “Ano bang meron sa araw na ‘to at parang ang swerte ko yata?” natatawang sambit niya sa sarili habang papababa ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD