CHAPTER 4

1222 Words
PAGKAKAIN ng pananghalian ay sinabihan siya ng madrasta na magpahinga na muna ulit at tatawagin na lang kung kakailanganin nito ng tulong niya. Nakatulog din kasi ang daddy niya sa panonood ng palabas at dahil din sa ininom nitong gamot kanina. Naglakad-lakad na muna siya sa kuwarto niya habang nagbabasa ng pocketbook na ipinahiram sa kaniya ni Clara para bumaba ang kinain niyang pananghalian na tinolang manok. Makaraan ang halos kalahating oras ay saka siya nagpasyang umupo na muna sa gilid ng kama at ipagpatuloy ang pagbabasa. Pagkalipas ng ilang minuto ay umurong siya at sumandal sa headboard. Marahil ay dahil sa pagod noong nakaraang gabi at kahapon pati na rin ang pagkakabusog sa pagkain ng pananghalian kaya mabilis siyang nakatulog. Madilim na sa kuwarto niya nang magising siya. Ibig sabihin ay hindi man lang siya ginising ng madrasta niyang si Emily kahit man lang ang tulungan itong magluto ng hapunan. Nagmamadali siyang bumangon at muntik pang mapasigaw nang mula sa isang sulok ng kuwarto niya ay magsalita ang daddy niya. “Just stay in bed, Mira. Hindi pa tapos magluto ang mommy mo,” anito na literal na nakapagpatalon sa kaniya. “Daddy! Ano ba pong ginagawa n'yo rito?” Hawak ang tapat ng dibdib niya at mabilis ang pagpintig ng puso niya dahil sa gulat na pinindot niya ang switch ng ilaw sa loob ng kuwarto niya at saka nilapitan ang daddy niya. “Bakit po hindi n'yo ako ginising para natulungan ko man lang sana si mommy sa—” “Don't worry about her. Besides, she even reminded me not to disturb you,” wika naman nito na hinagod ang buhok niya nang lumuhod siya sa tapat nito at minasa-masahe ang binti nito. “Daddy, kayo po ang dapat na nagpapahinga, eh. Alalahanin n'yong bawal na bawal sa inyo ang mapagod at mag-isip nang kung ano-ano,” paalala niya rito habang patuloy pa rin ang pagpisil-pisil sa binti nito. Tumalungko ito at saka hinagip ang kamay niya at saka siya iginiya patayo. “Get up, anak,” sambit pa nito sa namamaos na paraan. Pagtingala niya at pagsalubong sa mga mata nito ay nakitang niyang namumula na ang mga iyon at namumuo na rin ang mga luha roon. “Daddy, bakit po?” nag-aalalang tanong niya. Dinaluhan niya ito at saka niyakap. “May masakit ba po sa inyo, ‘dy?” tanong niya ulit rito nang pakawalan niya ito at matamang titigan. Umiling-iling ang matanda at sa nanginginig na mga kamay ay hinaplos nito ang mukha niya at hinaplos ang pisngi niya. Noon na tuluyang bumagsak ang mga luha nito habang nakatitig ito sa kaniya. “P-Pasensya ka na, anak, ha. K-Kung mas naging maingat at naging wise lang ako… mayroon sana tayong ipon. You shouldn’t have worked yourself up while you're still on college. I should have been a better father, a better provider to you, your mom and your siblings. I shouldn't be in witting in this chair while you were still working even until after midnight—” “Dad, ano ka ba po? At sino naman ang nagsabi sa inyo niyan?” pigil niya sa sinasabi nito. She was trying so hard to hold back her tears. Awang-angwa siya sa ama. Dante was a successful businessman at an early age. Both of his parents died when Dante was sixteen when the factory where they were working at caught fire and immediately spread all throughout the factory. He just graduated from high school at that time and doesn't know any of his family from both mother and father's side. Dante was about to be sent to an orphanage when his best friend Rodrigo's parents spoke and agreed with the Department of Social and Welfare Development that they will poster him until he reached eighteen. His bonding with Rodrigo became solid because of the kindness they did to him. After graduating college and to try his luck abroad, he moved out of the family home despite the disapproval of Rodrigo's parents. Because of his intelligence and in-born talent in cars, he immediately climbed the ladder of success in abroad. Just after two years in Dubai, he saved anough money to establish an automotive shop which became a real success for over twenty years. But Dante’s success was not enough for him. He became more greedy that when an Investment Advisor approached him to invest in a certain brand of automotives and spare parts, he didn't even think twice. And after few weeks, he found out that the investment advisor was actually wanted for fraud and embezzlement, and that the man disappeared without a trace, along with all his money and other investors who got scammed. “Daddy, kahit kailan, hindi ka po nagkulang sa aming magkakapatid. Kung tutuusin po, hindi sapat ang mga ginagawa namin ngayon kumpara sa mga sakripisyo n'yo sa ‘min,” tugon niya saka muling niyakap ang daddy niya. He was indeed a good father to them and a good husband to to Emily. He was a good provider. Although he made a mistake in the past with her biological mother, he tried to correct it and ask Emily's forgiveness. “Epekto lang ‘yan ng gamot,” bigla ay sabi ni Emily na noon ay kapwa nila nilingon ng daddy niya at saka ito pumasok. “Tara nang kumain,” yaya nito sa kanila at saka alanganing ngumiti sa kaniya nang may kahulugan. Nasa kalagitnaan na sila ng daan patungo sa kusina nang tumunog ang cellphone. Nangunot ang noo niya dahil landline iyon at hindi pamilyar ang numerong iyon sa kaniya. Sa pag-aakalamg raket, mabilis niya iyong sinagot para lang mapasinghap at tila manlaki ang ulo sa narinig na sinabi ng nasa kabilang linya. “Mira, Mira!” nahihintatakutang sambit ng mabosesan niyang si Clara. “Oh, anong nangyari sa iyo?” takang tanong niya rito kahit pa nga pigil niya ang hininga. “M-Mira, nandito kami ng kapatid mo sa presinto,” lahad ni Clara na ikinatigil niya sa paglalakad at ikinasinghap niya. “P-Presinto? At ano ang ginagawa n'yo riyan?” Tumalikod sya at pabulong na nagtanong sa kaibigan para hindi marinig ng dalawang matanda. “Under investigation ngayon si Aaron—” “N-Nasaan ka ngayon? Saan ‘yan?” putol niya sa sinasabi ni Clara. “Dito sa Makati City Police Station,” turan nito. “Sige. Papunta na ako,” aniya bago ibinaba ang tawag at humarap sa ama at madrasta. “Ah, mommy, daddy, kailangan ko lang pong pumunta saglit sa opisina. May urgent po na file na kailangan ng boss ko, eh,” pagsisinungaling niya. Pinangunutan siya ng noo ng daddy niya na noon ay nasa harap na ng hapag. “Sa ganitong araw ng Sabado? At sa ganitong oras?” ngadududang tanong nito dahil mag-a-alas diyes na ng gabi. “Flight po niya bukas, eh. Saglit lang po ako, promise,” aniya at saka nagmamadaling pumanhik para magpalit ng damit. Gusto niyang maiyak dahil sa labis na pag-aalala sa kapatid pero hindi pupuwede dahil baka makahalata ang dalawang matanda. And it was so freaking hard that her heart was about to burst! Papaanong ang sobrang bait at pasensyosong kapatid niya ay napaaway at nasangkot sa kung ano mang gulong iyon… and ended up in the precint?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD