NANLALAMIG na pumasok si Miracle sa Police Station ng Makati City. Halos tatlumoung minuto rin ang lumupas mula nang tawagan siya ni Clara kanina nang marating niya ang presinto.
“Ahm, Sir, n-nandio po ba si—” Bago pa man niya matuloy ang sasabihin ay may tumawag na sa kaniya mula sa isang bahagi ng Police Station.
“Mira!”
Nanlaki ang mga mata niya at saka nagpaalam sa pulis na pagtatanungan niya sana bago nagmamadaling pumunta kay Clara.
“N-Nasaan si—” Napalingon siya sa kuwartong nilabasa ni Clara bago lakas-loob sanang papasok roon nang makita niyang nakaupo si Aaron sa isang upuan. Nangunot ang noo niya nang makita kung sino-sino ang nasa katapat nitong upuan na kinakausap din ng pulis. “A-Anong… anong nangyari kay… kay Rico?” baling niya kay Clara nang mapatigil siya sa paghakbang. Ito ang una niyang napansin dahil maga ang mukha ng lalaki at duguan ang suot nitong uniporme habang ang iba pang kasamahan nito ay may bangus din sa mukha ang ilan. Inilipat niya ang tingin niya kay Aaron, namamaga rin ang mukha nito pero mas maayos kumpara kay Rico.
Pumalatak si Clara bago nagpakawala nang malalim na hininga.
“Nagpambuno sila kanina sa loob ng locker pagkatapos ng event—”
“P-Pinagtulungan nila ang kapatid ko?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.
Nagpakawala lang ito ng malalim na hininga at kahit pa nga hindi ito sumagot, ang pagiging tahimik nito ay kumpirmasyon ng hinala niya. Kaagad na umakyat ang galit sa dibdib niya. Napakabait ng kapatid niya at sigurado siyang hindi ito makikipag-away kung hindi ito binuyo sa basag-ulo lalo at si Rico ay alam niyang kumukulo ang dugo sa kaniya dahil sa inggit sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan.
“Huminahon ka nga muna, Mira,” pigil naman kaagad sa kaniya ni Clara nang akmang susugod na siya sa loob. Halatang-halata ang galit sa kilos at hitsura niya kaya naman siguro nag-alala ito na baka may gawin siya na kung ano. “Alalahanin mo, girl, hindi pa nakaka-graduate si Aaron. Mas maiging i-settle n'yo na lang imbis na magdemandahan kayo,” payo naman nito na kung sa bagay ay may puntong nga naman.
Huminga siya nang malalim habang matamang nakamata sa mga nakaaway ng kapatid niya. Kung siya lang talaga, maghihiram ng mukha sa aso ang mga hinayupak na nanakit sa kapatid niya kahit pa nga obvious na malakas ang ibinigay na sapak ng kapatid niyang si Aaron kay Rico base sa mukha ng huli. Ang kaso, ang nakakapanginig lang talaga ng laman ay pinagtulungang ang kapatid niya. Pasalamat na lang talaga siya at marahil ay naawa ang mga ito.
“Ikaw lang ang nandito?” baling niya rito.
“May kausap lang sina Sir George at Sir Vince sa loob. Nakapagbigay na rin ng statement ‘yong mga kasama nila sa loob ng locker nang magrambulan sila sa loob,” paliwanag nito at tukoy sa isa pang Banquet Manager na si Mr. George at Security Manager ng Manila Banquet Hall.
Nanlaki ang mata niya at kinabahan siya kaagad pagkarinig sa sinabi nito.
“S-Si Sir George and nandiyan?” Bahagya pa siyang nanginig sa pagtatanong dito.
“Oo, pero huwag kang mag-alala kasi—”
Hindi na niya pinatapos pa ng sasabihin si Clara. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng opisina ng pulis. Tama si Clara. Kailangan niyang maghunos-dili art kumalma. Hindi niya maaring hayaan na magkaroon ng bad record ang kapatid niya lalo at hindi pa ito nakaka-graduate. She'll do everything she could to prevent that to happen. If her brother is really at fault, even if she have to kneel down and plead for forgiveness… even if she have to cry blood, she will definitely do it in a blink of an eye!
“R-Rico?” pabulong na tawag niya sa lalaki na noo'y nanlalaki ang mga mata nang makita siya na papalapit. Nag-ipon siya ng hangin sa dibdib at saka nilunok ang pride bago siya lumuhod na ikinahulat ng mga naroon maging ng pulis na kumakausap sa mga ito. “I-I'm sorry kung kapatid ko man ang may kasalana sa gulo n'yo. Parang awa mo na. Please, kung maaari lang na mag-usap tayo ng masinsinan. O kaya, ako na lang. Ako na lang ang singilin mo sa—”
“Ate, ano ka ba?” paangil na pigil sa kaniya ni Aaron at saka siya iginiyang tumayo. “Ate naman, huwag mong pababain ang sarili mo sa tarantadong ‘yan!” galit na sambit ni Aaron na matalim pang sinmulyapan si Rico ay ang mga kasama nito.
“O-Okay ka lang ba?” biglang hinaplos ng awa ang puso niya pagtingin sa may pasang mukha ni Aaron. “Let me handle this, okay?” sobrang hinang sabi niya para ito lang ang makarinig bago siya bumaling kay Rico. “Hindi pa nakaka-graduate ang kapatid ko, Rico. H-Hindi ko alam kung ano ang nngyari pero… p-please—”
“And why do you think your brother is at fault?” Mula sa kung saan ay lumabas ang isang lalaki na ikinagulat niya. Kasinod naman nito sina Sir George at Sir Vince na hindi niya mabasa ang mga histura.
“Don?” tila namamalik-matang tanong niya sa lalaking papalapit sa kanila. “Adonis Laxamana?” naninigurong tukoy pa niya sa buong pangalan ng kakilala niya na kamukha ng lalaki.
“Hi, Miracle,” nakangiting bati nito sa kaniya at saka pinisil ang balikat ng kapatid niya. “Sit down, Ron,” giya pa nito kay Aaron para ito muling umupo sa kinauupuan nito kanina. Humila ito ng dalawa pang upuan upang maupuan nila ni Clara pagdaka'y bumaling sa dalawang dalawang manager na kakakausap lang nito sa loob “Thank you for your written statement,” anito sa dalawa bago ito umupo katabi ng pulis na naabutan niyang kumakausap kina Aaron at Rico.
“Kilala mo?” pabulong na tanong sa kaniya ni Clara habang ang mga mata ay na kay Adonis.
Tumango lang siya saka niya ginagap ang kamay ng kapatid niya.
“A-Ano ba ang nangyari?” bulong niya naman kay Aaron habang nag-uusap sina Adonis at ang kasamahan nitong pulis.
“Sorry, ate. Hindi kasi ako nakapagpigil, eh,” pag-amin ni Aaron saka pinukulan nang masamang tingin si Rico na noon ay nakatungo.
Pinisil niya anv kamay nito at saka siya tumayo at lumapit kina Sir George at Sir Vince.
“S-Sir George, Sir Vince, sorry po sa nangyari. Pasesnya na po talaga—” hingi niya ng painanhin sa dalawang lalaki na kunot-noong pinutol ni Sir George nang sa halip na sagutin siya ay kinausap nito si Rico.
“I think, it should be you guys who should ask for her and her brother forgiveness,” anito sa malumanay na paraan.
“Sorry, Miracle. Sorry, Aaron. Hinding-hindi na namin uulitin,” maagap na sabay-sabay na sambit naman ng apat na mga tauhan nito at paumanhin sa kaniya.
Nalilito niyang tiningnan si Adonis na noon ay tumikhim para kuhanin ang atensyon niya
“They di something despicable that prompted your brother to act the way any man should act if their loved ones are being insulted and degraded,” paliwanag naman ng lalaki na mas lalong ikinalalim ng gitla ng noo niya.
“A-Anong insulted? Anong ibig mong sabihin?” nagugulumihanang tanong niya sa mga naroon.
“Confess,” utos at untag ni Adonis sa grupo nina Rico.
“P-Pero, Sir, nagbibiro lang po kami talaga. Hindi po talaga namin intensyon na—”
“Biro?” Galit na tumayo mula sa upuan si Aaron at muli sanang sasapakin si Rico kung hindi niya lang ito kaagad na napigilan at hinila paupo.
“Kumalma ka nga,” saway niya sa kapatid.
Pinangunutan siya nito ng noo bago nakangusong nagsalita.
“Kalma, ‘te? Paano, ha? Sa tingin mo ba hahayaan ko lang na insultuhin ka ng mga ‘yan at sabihin na p*kpok ka at magaling ka sa kama? Okay lang ba—”
“Ano?” Kulang na lang ay mag-isang guhit ang mga kilay niya at pakiramdam niya ay umakya at lahat ng dugo niya sa katawan papunta sa ulo niya kaya siya bahagyang nahilo. “Anong sabi mo nga ulit?” pagpapaulit niya sa sinabi nito dahil baka namali lang siya ng dinig.
“Sabi niyan…” Turo ni Aaron kay Rico. “Natikman ka na raw niya sa kama nang ilang beses at pinapatos mo raw kahit 5k ang bayad kada gabi,” dagdag pa nito na sumbong sa kaniya na lalong nakapagpanaga sa mainit na niyang ulo.
That was it. She instantly erupted! Mabilis niyang sinugod si Rico na napansin pa niyang umangat ang gilid ng labi sa pagkakangisi nang palihim.
“Gago ka! Ngingisi-ngisi ka pang hayop ka!” Isang sapak at isa pang sampal na malutong ng ipinadapo niya sa mukha nito at saka niya ito tinadyakan sa may lulod nito kaya ito nag-aringkingking sa sakit. “Kapal ng mukha mo! ‘Kala mo naman papatulan kita? Walang-hiyang ‘to!” tila bulkang pahayag niya saka pahabol na sinipa pa ito nang awatin siya nina Sir Vince at ni Aaron.
Makaraan ang mahigit isa at kalahating oras at nang makarating ang mga kamag-anak ng grupo nina Rico, ay saka lang sila nagkasundo. Hindi na siya nagsampa ng kaso sa mga ito dahil una, ayaw na niya ng abala. Sobrang hectic na ng schedule niya at wala na siyang time para maisingit ang pagpunta-punta sa Police Station at sa braso. Ikalawa, may posibildad rin kasi na magsampa ito ng counter case laban kay Aaron at iyon ang hindi niya mapapayagan.
“Maraming salamat po, Sir George, Sir Vince,” pasasalamat niya sa mga ito habang lulan ng sasakyan ni Sir Vince. “Salamat, Clara. Maraming salamat talaga,” baling niya sa kaibigan na nasa likuran ng kotse.
Ngumiti lang ang dalawang lalaki samantalang nag-wave naman sa kaniya si Clara bago tuluyang umalis ang mga ito.
“Gusto ko sana kayong ihatid, ang kaso kailangan naming—”
“Naku, hindi na, Don. Sobra-sobra na nga itong naitulong mo sa amin, eh,” sabi naman niya kaagad at saka hinila ang kapatid. “Mauuna na kami, ha. Salamat ulit,” alanganing paalam niya at saka halos literal na hinila hinila ang kapatid palayo sa presinto.
“Gusto mo bang ipadiretso ko ‘to sa ospital para makasigurado tayo na walang barog ‘yang ulo mo?” may pag-aalalang muling tanong niya sa kapatid habang lulan sila ng taxi pauwi. Siguro ay pang-limang beses na niya iyong naitanong sa kapatid.
Inakbayan siya ng kapatid at saka hinalikan sa ulo.
“Ikaw talaga, ang kulit mo!” natatawang sambit nito. “Ay, teka nga pala,” anito nang biglang may maalala. May dinukot ito sa bulsa at saka siya napalunok nang bulatlatin nito ang hawak nitong nakakuyumos na papel sa harapan niya. “Nagkausap na kayo ni Kuya Angelo?” all of a sudden ay tanong nito sa kaniya na sinundan nito nang malapad na pagkakangisi bago itinaas-baba ang dalawang kilay na nanunudyo. “That was his number, you knew it, right? Nanghuhuling sambit pa nito.
Pagkarinig pa lang sa pangalan ng dating nobyo ay tila siya nakakain nang dandamkmak na seafood at taba ng baboy kaya pakiramdam niya ay para siyang na-high blood. Umiwas siya ng tingin dito at saka tumitig sa kawalan.
“Ate, uy!” untag naman sa kaniya ni Aaron nang manahimik siya at hindi kumibo Makalipas ang ilang sandali. Mataman siya nitong pinakatitigan bago ito nagpakawala nang malalim na hininga pagdaka'y umiling-iling nang mabasa ang nakasulat na ekspresyon sa mukha niya.
Napalunok siya bago matalim itong tiningnan at saka umiwas ulit ng tingin dito bago itinuon ang tingin sa labas. How could she admit that she did called the number and actually heard Angelo’s voice after she got up from bed in the middle of the night… all because she had a hunch that it was really Angelo's number…