“‘Lo, ano pong ginagawa n’yo rito?” kunot ang noong tanong ni Angelo sa abuelo nang sa pag-angat ng mukha niya ay magisnan niya ang abuelo na nakatayo sa mismong tapat ng kinauupuan niya. Kasalukuyan kasi siyang nakaupo malapit sa may papag na pahingahan at nagsasalansan sa kaing ng mga manggang bagong pitas mula sa punong mangga roon. Ang ilang mga tauhan naman ay dinadala sa kinaroroonan niya ang mga nakakaing nang mga mangga dahil mula roon ay saka isasakay sa truck ang naipong mga kaing ng mangga. Humakbang pa palapit sa kaniya ang matanda at saka umupo sa may papag kasunod si Tatay Apolonio. “I'm just walking around the hacienda, hijo. Don't worry about me,” kibit-balikat na tugon naman ng matanda at saka inilagay ang tungkod na gamit sa paglalakad sa ibabaw ng papag pagdaka'y ipin

