CHAPTER 13

2007 Words

ISANG tikhim ang nagpabalik kay Miracle sa kasalukuyan. Bago pa man siya makapag-angat ng mukha ay sumalubong na kaagad sa kaniya ang isang cup ng iced coffee bago siya tinabihan ni Ma’am Ambeth sa loob ng shuttle bus. “Penny for your thoughts?” nakangiting tanong nito sa kaniya at saka humigop ng sarili nitong iced coffee. “Thank you po, Ma’am…” pasasalamat niya rito saka alanganing ngumiti at kinuha ang ibinigay nitong kape. Kasalukuyang nanananghalian ang mga turistang kasama nila habang sila naman ay naghihintay sa loob ng shuttle. Mayamaya lamang ay pupunta na sila sa unang itinerary nila sa Intramuros, particularly Fort Santiago. “Are you okay?” tanong ni Ma’am Ambeth sa kaniya na bahagya pa siyang siniko at sumulyap pa sa kaniya. Tumango-tango siya bago sumagot. “Opo, Ma’am.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD