Chapter 39 "I would rather die alone, Charles," mabilis na tugon ni Mami. Tila nagalit si Charles sa naging tugon ni Mami sa kanya. Iniwan siya nito at hindi pinakain hanggang gabi. Kahit tubig ay hindi siya binigyan ng mga bantay nito. Muli rin siyang binusalan sa bibig. Masakit na ang sikmura niya dahil sa gutom pero hindi siya magpapatalo. Sanay ang sikmura niya na madalas walang laman. Gutom lang ito, siya si Mami. Hindi parusa para sa kanya ang nararamdaman ngayon. Dahan-dahan nang ipinipikit ni Mami ang mga mata niya. Gusto na lamang niyang magpahinga ngayong gabi. Tutal, mukhang wala namang ibang balak sa kanya ang mga tauhan ni Charles. Naka-idlip na siya nang may marinig siyang lumagabog. Nataranta siya kaya muli siyang napadilat at napatingin sa buong paligid. Nawala ang dala

