Chapter 38 Nag-extend si Mami ng kanyang leave. Ikaapat na araw na ng leave niya ngayon. Bukas ay papasok na siya. Wala naman siyang kakaibang ginawa nitong mga nakaraang araw kundi ang magpahinga at magkulong lamang sa apartment niya. Siyempre, kasama niya ro'n si Leon na walang ibang ginawa kundi ang i-check siya maya't-maya. Ayos lang naman talaga siya. Pinapakiramdaman lang niya kung may nakaalam na ba sa warehouse o wala pa. Imposibleng walang makakita sa CCTV footage ng big room. "Bibili lang ako ng softdrinks sa baba," paalam ni Mami kay Leon na kasalukuyang nagluluto sa kusina niya. Halos dito na ito tumira. Ayaw na nga nitong umuwi. Idinadahilan nito na kailangan daw niya ng mag-aalaga kahit na hindi naman talaga. "Ako na lang ang bibili pagkatapos ko rito," mabilis na sabi ni

