Chapter 37

1689 Words

Chapter 37 Kinaumagahan ay pumasok si Mami na naka-cast ang braso. Nagulat pa si Prince nang makita siya. "Ano'ng nangyari sa'yo?" Bulong ni Prince habang naglalakad sila papasok sa warehouse. "Hindi ko alam kung sino, pero may kalaban ako sa hindi kalayuan," bulong ni Mami. "Taga-rito?" Tanong muli ni Prince. "Possible. Sino naman ba ang nakakaalam ng oras ng uwi ko? Wala namang iba kundi mga taga-rito. Pwede ring ikaw?" Nakangising sagot ni Mami. "Suspek mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ni Prince. "Joke lang. Tara na," nakangising bawi rin naman kaagad ni Mami. Lahat ng makakita kay Mami nang araw na 'yon ay nagtatanong kung ano ang nangyari sa kanya. Nag-alala rin ang mga ito kahit na karamihan ay mga lalaking miyembro ng gang. Siguro dahil ay iniisip nga nilang buntis siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD