Chapter 36 Nang maihatid ni Leon si Bruce palabas sa pinto ay muli siyang binalikan nito. "Napakalambing mo naman yata masyado kay Bruce. Gusto mo ba siya, Mami?" Komprontang tanong ni Leon. "Ha? Paano mo naman nasabi 'yan?" Tanong kaagad ni Mami na tila hindi siya makapaniwala sa tanong nito sa kanya. "The way you smile and talk with him. Ibang-iba kapag ako ang kausap mo," tugon din naman ni Leon. "Hoy, malisyoso ka. I was only being grateful towards him. He's been saving my life twice. Natural lang na maging mabait ako sa kanya," paliwanag din naman ni Mami. "Oh, so, kaya ka ganito sa akin ngayon dahil hindi kita nagawang iligtas noon? Dahil naunahan ako? Nabaril ako at nawalan ng malay kaya paggising ko wala ka na sa paningin ko. Hindi kita mahanap at inakala kong patay ka na," s

