Chapter 33 Kasalukuyang nasa biyahe sila Prince at Mami. Si Mami ay mayroong lihim na misyon. At kasama niya sa misyong iyon si Prince. Malaya silang nakakalabas at pasok sa kuta at warehouse ng Black Ace Gang. Ang isa sa kalaban ni Leon na nag-hire sa kanya noon para sundan ito. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ngayon ng isa sa founder ng Gang. Ang nag-hire sa kanya noon na si Blackie kung tawagin niya ay isa pala sa founder ng gang. Hindi niya alam pero parang naging paborito siya nito. Ang tunay na pangalan ni Blackie ay Charles. Ito rin ang dahilan kung bakit siya buhay ngayon. Pinahanap siya ni Charles noong malaman nito na nawawala siya at huling nakita na sumakay sa bangka. Hindi nito alam na si Leon ang kasama niya noon sa isla kaya walang kahit na ano'ng ideya ang mga tauhan n

