FUJI TAKA "GODDAMMIT!" he yelled. Tatlong araw siyang walang malay dahil sa tama sa braso niya pati na rin ang mga balang natamo niya sa dibdib. Salamat na lang talaga sa suot niyang bullet proof vest kaya buhay pa siya at nagpupuyos ang kalooban. Nagtagis ang bagang niya. Sa ilan taon paghahanap niya, sa wakas nalaman na rin niya kung nasaan ang dalaga. I'll kill you, Chiyo-san! Pinaniwala siya nito na ang kanilang Ama ang may pakana sa pagkawala ni Yazmin. Pinaniwala siya ng mga ito na wala na ang asawa. f**k you all ! "You, okay?" kapagkuwa'y tanong ni Tanner sa kaniya. Nagdidilim ang paningin niya sa matinding galit na nararamdaman. "Mukha ba akong, okay?!" sikmat niya. Tanner shrugged. "You should be happy. Una, nakita mo ang asawa mo. She's alive. Pangalawa, kahit binaril k

