YAZMIN POV "DON'T WORRY, munchkin. We'll play together tomorrow. Mama kinda busy today," malambing niya wika sa anak niya na kausap sa cellphone. "Love ya, Mama." "Love you too, Munchkin," malamyos niyang sabi. Masyadong magulo ang takbo ng buhay niya simula nang malaman niya kung sino talaga siya. Kaya naman, pinili niyang itago sa lahat ang tungkol sa anak niya. Tanging si Miss Emi lang ang nakakaalam sa pagbubuntis niya noon, pinili niyang maglihim sa Kuya niya, hindi dahil wala siyang tiwala kun'di ayaw lang niya madamay ang anak niya sa magulong mundo nila. Pinili niya at tiniis niya mawalay at malayo sa anak, alang-ala sa kaligtasan nito. Naging madali ang pagtatago niya sa pagbubuntis niya dahil madalas naman wala ang Kuya niya, hindi niya ito palaging kasama at siguro dahil na

